"Kaye!" malakas na tawag ni Demetineirre. Nilakasan na rin niya ang katok sa pinto dahil hindi pa rin iyon binubuksan ni Kaye. Hirap man sa kalagayan, hindi na iyon pinansin ni Demetineirre. Wala siyang ibang gustong mangyari kundi ang masiguro ang kalagayan ni Kaye.
Dahil alanganin ang oras, naisip ni Demetineirre na puntahan si Kaye sa Sonics pero ang sabi ng guwardya ay dalawang araw na raw itong hindi pumasok. Lalo tuloy siyang kinabahan. Hindi na siya nagdalawang isip. Nagaya na siyang pumunta sa unit nito. Habang papunta doon ay dasal siya ng dasal na sana ay walang nangyaring masama kay Kaye. Hindi niya mapapatawad ang sarili oras na may mangyaring hindi maganda dito.
"Kaye!" sigaw ni Demetineirre sabay kalabog sa pinto. Pinihit-pihit na niya ang seradura pero nakakandado pa rin iyon. Kinabahan siyang lalo. Napamura siya at pinatabi ni Elmer. Ginamit nito ang swiss knife para masira iyon. Pakiramdam ni Demetineirre ay taon ang hinintay niya bago iyon nabuksan!
Agad na siyang pumasok. Gusto na niyang mapamura ng malakas ng makitang walang tao sa sala. Gayunman, minabuti niyang pasukin si Kaye sa kurwarto. Natulos siya pinto ng makitang nakaupo ito sa gilid ng kama. Nakatalikod ito sa kanila ni Elmer kaya hindi niya makita ang mukha.
Pasimple niyang iginala ang paningin. Mukhang okay naman ang kuwarto. Walang nasira o anuman. Iyon nga lang ay nakakapagtaka ang itsura ni Kaye. Ni hindi ito gumagalaw! Parang hindi sila naririnig sa labas kanina. Walang katinag-tinag!
"Kaye..." agad niyang tawag at umakmang lapitan ito ng pigilan siya ni Elmer. "What?" nagtitimping tanong niya.
Umiling ito habang nakatitig kay Kaye. "I-Iba 'to... i-iba ang nararamdaman ko. Tingnan mo..." kinakabahang anas ni Elmer saka tinuro ang maliit na salamin sa tabi ni Kaye.
Nahindik siya ng makitang putlang-putla si Kaye! Nagsisialsahan ang mga ugat nito sa mukha! At ang mga mata nito ay kulay abo ang buong mata!
"Shit! Kaye!" sigaw niya at niyakap siya ng mahigpit ni Elmer para pigilang makalapit. Napamura siya ng malakas dahil hindi niya kayang tumayo lang doon at panoorin lang si Kaye na sinasaniban! Kaye needs him! Ah, he'll do everything to help her! "Bitawan mo ako! 'Tangina! Bakit pati siya!" galit niyang singhal. Ang bigat-bigat sa puso na makitang ganoon ang babaeng mahal...
"Hindi ordinaryong possession ito, Dem! We need holy mirror!" giit ni Elmer.
Natigilan si Dem at napatitig kay Kaye. Biglang kumabog ang dibdib niya at doon napatingin sa tabi ng salamin. Itim na libro. Libro ni... Deumos ...
Nakaramdam siya ng kakaibang takot. Nahanap ni Deumos si Kaye! Delikado ang buhay nito! Shit! Kailangan niyang gumawa ng paraan para mailigtas ito!
"Get the mirror, okay. Dadasalan ko at—"
"Grr—!" galit na ungol ni Kaye doon umalingasaw ang mabahong amoy ng nabubulok na karne. Bigla itong binalot ng berdeng usok. Sa isang kumpas lang ng kamay ay sumara ang pinto. Tumama iyon sa kanila ni Elmer! Sa lakas noon at napadausdos sila sa semento!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Napaungol sina Demetineirre at Elmer dahil tumama ang pinto sa noo nila. Gayunman, kinalma nila ang sarili. Hindi sila puwedeng sumuko. Dapat silang lumaban! Inisip niyang maigi kung ano'ng klaseng demon ang sumasanib kay Kaye hanggang sa naalala niya kung anong klaseng demon ang mayroong ganoong amoy at usok.
"Kaye!" nahihintakutang sigaw ni Demetineirre ng maalala kung anong klaseng demon ang sumasanib dito at tinulak ang pinto. Bumukas naman iyon pero lumipad naman papunta sa kanya ang kahoy na silya ni Kaye! Agad niyang isinara ang pinto at doon iyon tumama.
Taas baba ang dibdib ni Demetineirre sa kaba. Gayunman, sa gitna ng panganib na iyon ay kinalma niya ang sarili para makapagisip. Kailangan niyang kontrolin si Kaye. Kundi niya iyon gagawin ay siguradong walang taong makakapigil dito!
"Elmer, buksan mo ang pinto. Cover me, okay? Lalapitan ko si Kaye," bilin niya at tumango ito.
Huminga muna ng malalim si Demetineirre habang hinihintay si Elmer sa tabi ng pinto. Kumuha ito ng kahoy para mapananggalang sa mga ibabato sa kanila. Matapos ay pumwesto ito sa tabi ng pinto. Nagbilang ito ng isa hanggang tatlo, nang umabot iyon sa tatlo ay binuksan iyon ni Elmer at lumipad ang mga gamit ni Kaye papunta sa pinto. Agad naman iyong hinarap ni Elmer at mabilis siyang tumalilis!
Agad niyang nadaluhong si Kaye at napahiga ito sa kama. Sigaw ito ng sigaw. Naging malagom ang boses ni Kaye. Obviously, it was the voice of the devil possessing her. Awang-awa si Demetineirre kay Kaye dahil alam niyang napakahirap ng kalagayan nito. Mayroong ibang elemento sa katawan ng dalaga at hindi niya lubos maisip kung papaano nito kinakaya iyon.
Sa kabilang banda, galit na galit si Demetineirre. Mananagot ang demon na sumasaping iyon kay Kaye!
"Eeh—!Argh! Grr!" gigil na asik ni Kaye habang tinatali niya ang kamay nito gamit ang mga punda ng unan. Habang si Elmer naman ay nilapitan ang salamin nito sa tokador at dinasalan. Tiniis niya ang nakikitang galit sa mukha ng dalaga. Tiniis niya ang mga kalmot at sipa nito. Hindi naman niya ito kayang labanan at saktan!
"Elmer! Now!" sigaw ni Demetineirre matapos bendisyunan ni Elmer ang salamin.
Tumango ito at agad na binaklas ang salamin mula sa tokador ni Kaye. Dahil hindi naman ganoon katibay iyon ay nagawa nitong kuhanin ang isang dipang salamin. Nagpalit sila nito ng puwesto. Hinawakan niya ang salamin at dinasalan naman ni Elmer si Kaye.
"In the name of the father, and of the son, and of the Holy Spirit, amen... Regna terrae, cantata dea psallite aradia, caeli deus, deus terrae, humiliter majestati gloriae tuae supplicamus ut ab omni infernalium spirituum potestate...." dasal ni Elmer. Isa iyong wikang latin na exorcism spell na madalas nitong gamitin para sa isang demonic possession. Nilapatan din ni Elemer ng crucifix ang noo, dibdib at dalawang balikat ni Kaye. Nagiwas siya ng tingin ng makitang umusok ang parteng nilalapatan ng crucifix ni Elmer at napasigaw sa sakit ang babae. Her shriek hurts him. He couldn't bear the sight of Kaye was hurting...
"Benedictus Deus, Gloria patri, benedictus dea, matri Gloria!" pagtatapos na dasal ni Elmer at pumailanlang sa buong kwarto ang malakas na sigaw ni Kaye.
"Ah—!" sigaw nito at biglang mayroong lumabas na berdeng usok sa bibig nito. Sa salaming hawak niya ang punta noon hanggang sa tuluyang naubos. Iyon nga lang ay nang mapasok lahat ng dilaw na usok sa salamin ay nagbuo iyon ng isang... demon soldier. Isang mababang uri ng demon na umaatake sa mga legions sa underworld. At hindi na siya magtataka kung papaano iyon nakalabas para makapang-possess: alam niyang kagagawan ni Deumos iyon dahil ito lang ang nakakaalam ng summoning spell ng mga demon soldiers.
Naagnas iyon na tao. Walang noo at mata. Pawang ilong lang at nabubulok na bibig na mayroong matutulis na pangil. Mahahaba ang dalawang kamay na mayroong maiitim at mahahabang kuko. Maging ang katawan ay natutunaw din. Kitang-kita ang mga fresh na laman at dugo. Payat ang mga hita nito at binti. Mahahaba iyon at ang paa ay mayroong tigtatlong daliri lang na naagnas din.
"Grr!" sigaw ng demon soldier at binayo ang salamin. Napaigtad si Dementineirre. Alam niyang ayaw na ayaw ng mga demon soldiers ang salamin. They hate to see themselves. Isa pa, ang salamin ay isang uri ng catching machine ng mga demon soldiers. Mabuti na lang ay alam iyon ni Elmer. Ah, hindi na siya dapat pang magtaka. Sa tagal ni Elmer sa ganoong larangan, alam na nito ang lahat ng gagawin.
"Basagin mo na!" sigaw ni Elmer ng magpatuloy sa pagkalabog ang demon soldier. Tumalima si Demetineirre. Kinuha niya ang isang malaking kahoy at inihataw iyon sa salamin. Kasabay noon ay ang malakas na sigaw ni Kaye at ng halimaw. Bigla ding nasunog ang itim na libro sa sahig hanggang sa tuluyang natahimik. Mukhang nawalan ng bisa ang libro o nilagyan ng orasyon ni Deumos para hindi nila mabasa pa ang ibang laman.
Agad dinaluhan ni Demetineirre si Kaye. Napamura siya ng mawalan ito ng malay. Kinabahan siya at nataranta. Gayunman, humupa din iyon ng mapansin niyang unti-unti ring bumalik ang itsura ni Kaye. Nawala ang mga nagaalsahang ugat nito at pagkaputla. Iyon nga lang ay hindi pa rin ito nagkakamalay.
Niyakap niya ito ng mahigpit at naginit ang puso niya ng mapaungol ito. Kahit papaano ay nakuntento siya sa naging tugon nito. Mukhang napagod ito kaya nakatulog. Okay lang iyon. Basta ang mahalaga ay ligtas na ito.
At hinding-hindi na niya hahayaang malagay ito sa peligro.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"HMM..." UNGOL ni Kaye. Napahawak si Kaye sa ulo dahil nakaramdam siya ng pagkahilo. Ang bigat-bigat din ng ulo niya. Pakiramdam niya ay magkakasakit na naman siya. Gayunman, minabuti niyang kalmahin ang sarili. Nang umayos ang pakiramdam ay unti-unti siyang nagmulat ng mata at napakunot ang noo ng makitang nakatunghay sa kanya si...
"D-Dem?" anas niya. Mukhang nanaginip siya. Tama. Iyon lang naman ang paliwanag sa lahat kung bakit iba ang kuwartong nakamulatan niya at nasa tabi pa ang lalaki. Namasa ang mga mata niya sa tuwa. Ang sarap ng panaginip na iyon. Parang ayaw na tuloy niyang magising. Ang tagal-tagal na niya itong gustong makita at makasama. Masaya siya na dinalaw siya nito kahit sa panaginip lang.
Itinaas ni Kaye ang kamay para abutin ang mukha ni Dem. Napasinghap siya ng hawakan nito iyon at hinalikan ng ubod tagal. Dama ni Kaye ang init ni Dem. Dama niya ang lambot ng labi nito sa palad niya. Dama niyang totoo iyon...
"D-Dem!" anas niya at tuluyang naiyak ng mapagtanto ang lahat. Dem was there. Totoo ang lahat ng iyon. Hindi iyon panaginip. Ah, sobrang saya niya dahil nagisingan niya ang lalaki...
"Shh... you are safe now. Everything is okay..." anas nito at tinabihan siya.
Natigilan si Kaye sa sinabi ni Dem. Luhaang napakunot ang noo niyang tinitigan ito. "Safe? Bakit? A-Ano'ng nangyari?" takang tanong niya.
Sumeryoso si Dem at masuyo siyang tinitigan. Nagsimula itong nagpaliwanag hanggang sa napasinghap si Kaye at napabangon. Natutop niya ang bibig ng maalala ang lahat. Sinabi din niya kay Dem ang tungkol sa matandang unano at itim na libro. Sa huli ay napailing-iling ito.
"Wala na ang itim na libro. Biglang nasunog. Ang unano naman na sinasabi mo ay si Deumos. My grandmother. Iyon ang human form niya. Naikwento na niya iyon sa akin noong minsang makapunta siya sa mundo ng mga tao." paliwanag nito saka napahinga ng malalim.
Kinilabutan si Kaye. Kinakabahan din dahil hindi niya lubos akalaing nasaniban siya. Napatingin siya kay Dem ng hawakan nito ang kamay niya at pinisil. Doon niya napansing maraming galos ang lalaki sa mukha. Pati na rin sa braso at leeg. Ang ilan doon ay mukhang matagal na dahil tuyo.
"A-Ako ba ang may gawa n'yan?" pigil hiningang tanong niya. Tumango ito at ipinaliwanag na ang iba doon ay nakuha nito noong may makalabang demon. Bigla siyang nahiya at natakot para dito. Ngayon niya ganap na naiintindihan kung gaano kadelikado ang buhay nito. "I'm sorry... d-dahil sa akin..."
"Hey, don't be. Wala ka noon sa sarili mo. Natural lang iyon. Smile now... everything will be okay. Nandito na ako. Hindi na kita iiwanan..." masuyo nitong pangako na tuluyang tumunaw sa puso ni Kaye.
Namasa ang mga mata niya at tinitigan si Dem. Tumango ito para kumpirmahin ang mga narinig niya. Nanginig ang baba niya kakapigil na huwag mapahagulgol. Sobrang saya niya! Sa sobrang saya, naiiyak na siya!
"T-Talaga, Dem..."
"Alam kong malaking sugal itong gagawin ko pero wala na akong ibang maisip na paraan, Kaye. Iniwasan na kita para huwag kang ma-trace ni Deumos o ng kahit na sinong demon pero nahanap ka pa rin. I guess there's nothing we could do now but to stick together. Kaysa naman sa hindi ko alam ang nangyayari sa'yo, mas magandang makasama kita para ma-protektahan," paliwanag ni Dem.
Pumatak ang luha ni Kaye. Finally! Magkakasama na sila. Masasamahan na niya ito sa problemang iyon. Hinawakan niya ang kamay nito at napatingin si Dem sa kanya. "Ito ang tatandaan mo, Dem. Kahit ano'ng mangyari, hahawakan ko ang kamay mo hanggang sa huli. Kapit lang tayo. Malalampasan din natin ang pagsubok na ito. Kung ito ang consequences na dapat nating harapin dahil minahal natin ang isa't isa, huwag tayong susuko. Laban lang tayo, Dem. Matatapos din ang lahat ng ito at sa huli, magiging masaya tayo," positibo niyang saad bagaman lumuluha.
Lumabot ang mukha ni Dem at niyakap siya ng mahigpit. Tumugon din siya. Buong higpit niya itong niyakap. Pinaramdam niya sa pamamagitan ng higpit ng yakap na ganoon din siya kahigpit na nakakapit dito.
"I love you, Kaye. So much. Hindi ko pinagsisisihang minahal kita. Hindi ko pinagsisihang naging tao ako. Hindi ko pinanghinayangang nawala ang abilidad ko at pagiging imortal. Hindi ako nanghinayang na nawala ang lahat sa akin dahil ang naging kapalit noon ay ikaw. Masaya ako sa'yo at kahit ikamatay ko ito, mamatay akong masaya dahil nakasama kita..." anas nito. Ramdam na ramdam ni Kaye ang buong katapatan at sinseridad ni Dem.
Naiyak si Kaye sa sobrang saya. Hindi alam ni Dem kung gaano siya nito pinasaya. Lihim din siyang nangako sa sarili na hinding-hindi bibitaw dito. Matapos lang ang lahat ng iyon, babawi siya. Mamahalin niya ito at aalagaan hanggang sa huli...