webnovel

P.D.A

>Sheloah's POV<

Going here in Australia was a bit harder than I though. Three months passed since we left our home country, Philippines. Nung malapit na kami sa Australia, sinabi sa pilot na unidentified aircraft daw kami since wala kaming binigay na notice na pupunta kami doon. But given the situation na survivors kami at kilala namin ang ate ni Veon, pinatawag ng authorities ang ate niya at kinausap siya. Kwinento rin namin ang buong nangyari sa amin back in the Philippines and so, they accepted our stay here in Australia for survival matters. Of course, tinulungan kaming lakarin ang papers namin since magiging citizens rin kami ng Australia.

Thirteen of us survived. Ako, Veon, Shannara, Kreiss, Tito John, Dannie, Tito Jun, my cousin, Isobel, Geof, and our 2 other classmates. Believe it or not, marami sa classmates namin ang namatay. Na dalawa lang pala ang nabuhay sa kanila. Hindi rin ako makapaniwala na namatay rin si Tyler. Sabi ng isang kagrupo niya na kasama namin ngayon na namatay siya, protecting Alice. Pareho sila ni Josh. They died protecting the one they love.

Dito sa Australia, gumagawa sila ng mataas na wall to protect the country from zombies. Sabi nila ito raw ang top priority for the protection of everyone and everything. At since nandito na kami, we started to go to school again. Grade 10 kami ngayon. Grade 11 na sana, pero they said we have to be Grade 10 since we really didn't finish our highschool and may bagong changes sa subjects ng education dito. Every Saturday, we have whole day P.E. and they also made it as one of the important subjects. Naging major na ang minor subject since ganito na ang nangyayari sa mundo namin. And kaming survivors, naging top-notchers na ng P.E. subject.

Well, Kreiss isn't actually a 10th grader. Since college na siya dati sa Pilipinas, he's already in his 12th grade. Ang subject lang na magkasama kami as a while in school is P.E. All the other students in the 10th grade up to the 12th grade will be together in P.E. subject.

Sunday na ngayon at nandito ngayon ako sa park. Meeting place namin since pupunta kami sa sementeryo to pray for our comrades bago kami pumunta sa arcade para maglaro. Hindi sila nailibing dito, but we made a mural for the members of Army of True Salvation who died protecting the people of the group.

"Sheloah!" sigaw ni Shannara at agad niya akong niyakap. Niyakap ko rin siya and we broke from our hug and we smiled at each other. "Kahit kailan, ang aga-aga mo talaga basta pag may labas tayo," dagdag sabi pa niya at nginitian ko pa siya mas lalo. I've always been a punctual person, anyway.

Nakuha ang pansin ko nang makita ko ang bandage sa left hand niya. "Shann... Okay lang ba ang kamay mo?" tanong ko at tiningnan niya ako nginitian at binigay ng thumbs up.

"Yup! Si Kreiss naman kasi. Nung P.E. natin kahapon, sinipa niya nang todo ang left hand ko. Bwisit," sabi ni Shannara at natawa ako sa sagot niya kasi bigla siyang pinao ni Kreiss sa pwet.

"It's called training, feisty-pants," sabi niya at agad niyang inakbayan si Shannara at hinalkan niya siya sa forehead. Nagulat si Shannara at halata sa mukha niya na nagba-blush siya. Inalis niya ang braso ni Kreiss at tinaasan niya siya ng kilay.

"Hey! P.D.A. yang ginagawa mo!" sigaw ni Shannara and Kreiss just smirked at her. Napatawa na lang ako at pinanood ko na lang sila. If I would speak, hindi lang naman nila ako mapapansin. Mag a-argue lang naman sila parang aso't pusa.

"It's okay, right?" sabi ni Kreiss at niyakap niya si Shannara frombehind at hinalikan niya ang ulo niya.

"Hindi nila masyado pinapansin ang public display of affection di tulad ng sa Pilipinas na para sa kanila, scandal na," dagdag sabi pa ni Kreiss and Shannara just rolled her eyes at him at mas napatawa ako.

"Kahit na! Will you please just let me go?!" sabi ni Shannara at binitawan siya ni Kreiss. "Hold hands na lang. Mas okay pa 'yun dito sa public para sa akin," dagdag sabi pa niya at napangiti ako dahil sa sobrang kilig ko sa kanilang dalawa nang naghawakan na sila ng kamay sa harapan ko.

Chương tiếp theo