webnovel

Let This Issue Go

>Sheloah's POV<

"Sa totoo lang, gusto nilang malaman ngayon ang mga affairs tungkol kay Kreiss," sabi ni Geof at lahat kami tumingin sa kanya. "Maraming tanong ang lumalabas sa utak namin ngayon at hindi kami maka-focus," dagdag sabi pa niya and Isobel nodded enthusiastically as if asking for some juicy gossip.

"Totoo ang sinabi ni Geof," sabi ni Isobel at lahat kami tumingin sa kanya. "Mga questions na pumapasok sa utak ko: Bakit mahal ni Kreiss si Sheloah? Bakit niya kinidnap si Sheloah? Ano ang plano niya kaya nangyari ang mga ito? Bakit niya pino-provoke si Veon," sunod-sunod na tanong ni Isobel and I sighed in exasperation.

Are they not going to let this issue go?

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang mga sagot sa mga tanong mo," sabi ko na lang at tinuloy ko magsalita. "Sinabi lang sa akin ni Kreiss na I serve as his inspiration dahil ako ang rason niya kung bakit niya nakuha ang gusto niya, ang painting classes. Tiinanong ko naman sa kanya kung bakit niya ako kinidnap sabi niya may test siyang gustong subukan at secret daw kaya hinayaan ko na lang siya." I tried my best to answer Isobel's questions and she just nodded at me.

"What do you mean by Kreiss provoking Veon," tanong ni Tyler at tumingin siya kay Veon.

"Naiinis lang ako. Palagi tinatanong sa akin kung mahal ko si Sheloah," sagot na lang ni Veon sa kanya at nag nod nalang ng mabagal si Tyler.

"Mahal mo ng aba si Sheloah," tanong ni Geof at tiningnan siya ng masama ni Veon. Agad namang tumahimik si Geof dahil napansin niya na talagang naiinis si Veon sa tanong na 'yon.

Ayaw ba niya sa akin?

Bigla akong nakaramdam ng sakit sa puso dahil sa iniisip kong 'yon. Am I really expecting that he likes me? Ayaw kong mag expect. Masasaktan ko lang ang sarili ko.

"Hindi ko alam kung ano talaga ang balak ni Kreiss. Nakausap ko siya and the thing is, nararamdaman niya ang nararamdaman ko at wala akong balak sabihin sa inyo kung ano 'yon sa ngayon. I will wait for the right time," sabi ni Shannara at nakuha niya ang attention namin. "Hindi ko lang kasi ine-expect na mahal niya si Sheloah," she said finally at napayakap ako sa dalawang tuhod ko.

"Pagod ako," sabi ni Veon at tumayo siya agad. "Bukas ko na lang malalaman kung ano ang plano para sa susunod na byahe. Kung may emergency, puntahan niyo lang ako sa kwarto namin ni Sheloah. Matutulog ako ng maaga," dagdag sabi niya at umalis siya at lahat sila tumingin sa akin. Sumimangot ako at nilapag ko ang ulo ko sa tuhod ko.

"Matutulog na ako," sabi ni Shannara at tumayo na rin siya at pumasok sa kwarto ni Isobel at Tyler.

"Nasa garden lang kami ni Tyler at Geof," sabi naman ni Isobel para tumambay sila sa garden.

I sighed and I realized that I'm all alone in the hallway. Lahat ng nangyayari ngayon biglaan. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Gusto kong mapag isa ngayon kahit nandito ako sa hallway.

Ang cold na ni Shannara sa akin. Parang ayaw akong kausapin ni Veon. Parang hindi alam ni Geof, Tyler at Isobel kung paano nila ako kakausapin. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari kina Dannie at Kreiss.

Hindi ko alam kung bakit nangyayari ang lahat ng ito dahil kay Kreiss.

Malapit na akong umiyak at tinago ko na lang ang ulo ko sa pagyayakap ng tuhod ko. Pinipigilan ko sarili kong umiyak. Ang napakasakit lang kasing isipin ngayon is parang ang sama ng loob sa akin ni Shannara. Maslalong sumakit ngayon pakiramdam ko na walang balak si Veon kausapin ako this time. Gusto ko siyang kausapin pero paano ko siya ia-approach? Baka mag away lang kami, ayaw ko naman ng gano'n.

I wonder if he hates me now…

Chương tiếp theo