webnovel

Magpahinga Muna Tayo

>Veon's POV<

Ano ng aba ang mas tama? Ang patayin mo ang magulang mo? O ang patayin mo ang iyong asawa at mga anak. Hindi ko alam kung alin dito ang wasto. Dahil sa pangyayaring ito, ginagawa namin ang mga bagay na hindi namin akalaing gawin para lang mabuhay kami. Halimbawa nito ay ang pagpatay ko sa magulang ko. Ayaw ko na makasaktan sila ng iba at sigurado , ayaw din nilang manakit. Example pa nito ay ang pag patay ng baliw na ito sa kanyang asawa at mga anak dahil ayaw niyang magdusa ang kanyang pamilya. At meron pa… si Sir Jim pinatay si Sir Cesar para lang mabuhay siya.

Lahat ng mga ito ginagawa dahil lang ayaw nilang makita silang nasasaktan, o nagdudusa. Pero meron pang isang rason sa kabila ng lahat. Dahil gusto lang nilang mabuhay kahit alam nila na malapit na silang mawalan ng pag asa. Iikot na lang ba sa violence? Matatapos ba ang lahat ng ito?

Agad akong tumayo at tiningnan ako ng mga kasama ko. Lahat kami tinitingnan ang isa't-isa at sabay-sabay naming pinunasan ang aming mga luha para tumigil kami sa kakaiyak. Kailangan naming kumilos bago pa kami maunahan ng zombies sap ag patay sa amin. Dapat sila ang patayin. Ang goal namin ngayon ay para mabuhay. Kukunin din namin si Sheloah. Sana ligtas siya at walang masama ang nangyari sa kanya.

Huminga ako ng malalim at saka nila ako tiningnan ng seryoso. "Kailangan na nating gumawa ng plano." Sabi ko sa kanila at lahat sila tumango sa akin bilang sagot.

"Pag kaalis natin dito, gagamitin natin ang Granada para mapasabog lahat ng zombies na nasa harapan natin at para hindi tayo ma-delay kunin si Sheloah." Sabi ni Tyler sa amin at lahat kami napatingin sa kanya at binigay niya kay Shannara ang granada.

"Akon a ang magbabato. Mas mabilis akong kumilos. Pero bago ko ito ibato, kailangan nating gumawa ng barricade para hindi tayo maapektuhan sa waves nito." Dagdag sabi pa ni Shannara at lahat kami tumango sa sinabi niya.

Kinuha namin yung couch at itinaob namin siya para ito ang magsisilbing shield namin pag ibabato na ni Shannara ang grenade. Kinuha pa namin yung dining table sa kitchen at dinugtong namin siya sa couch. Kami ni Dannie, Isobel, at Tyler nakatago sa likod ng sofa at dining table at pumunta si Shannara sa harap ng pinto per hindi pa niya ito binubuksan. Tiningnan niya kami at binigyan ko siya ng thumbs up, signal na ibabato niya sa mga zombies. Tumango siya sa akin at binalik niya ang tingin niya sa pinto.

"Ibabato ko na." sabi niya sa amin at hindi kami umimik at mas nagtago kami sa couch at lamesa.

Binuksan ni Shannara ang pinto at nagulat kaming lahat dahil sa mga sigaw ng zombie at agad hinila ni Shannara yung clip at binato sa kanila. Nung binato niya, tumakbo siya papunta sa amin at nakitago na rin. Narinig namin yung pagkasabog ng Granada at lahat kami medyo nabingi ng ilang Segundo dahil sa lakas nito. Biglang naging maalikabok ang kapaligiran at umubo kami dahil sa mga alikabok na lumilipad at aming nalanghap. Tumayo kami habang umuubo. Nung Nawala na ang pagka fog, tiningnan namin ang isa't-isa at tumakbo kami palabas ng bahay.

"Dannie, nasaan ang bahay?" tanong ko saa saknya at tiningnan niya ako habang tumatakbo kami. Siyan a ang lead ngayon pero malapit kami sa kanya [ata maprotektahan namin siya.

"Since halos lahat ng zombies napatay natin, siguro makakapunta na tayo doon in 40 minutes." Sagot ni Dannie sa akin at biglang kami napatigil sa isang malaking puno at napa upo dahil sa pagod namin.

"Pahinga muna tayo." Sabi ni Isobel sa aming lahat at sumandal kami sa trunk ng puno. Pagod na pagod kami.

"Mabilisan na pagpapahinga lang dahil pag tumagal tayo, baka maka-encounter nanaman tayo ng zombies." Sabi ko sa kanila habang nagpapahinga kami sa ilalim ng puno. Tiningnan ko ang orasan ko at napansin ko na 2:21PM na pala.

"Kukuha ako ng tubig sa ilog doon. Memorize ko pa ang lugar na ito kahit halos tatlong taon na ako hindi nakakapunta rito." Sabi ni Dannie at naglakad siya. Agad tumayo si Tyler at sinamahan siya.

"Samahan na kita, Dannie. Kahit wala na si Josh, magagalit siya pag hindi ka sinasamahan." Sabi ni Tyler sa kanya at siniko siyia ni Dannie pero tumawa lang silang dalawa.

Humiga si Isobel sa damuhan. "Power nap lang ako saglit. Walang maingay." Mataray na pagkasabi niya at pinikit niya ang kanyang mga mata at natulog na siya.

Chương tiếp theo