webnovel

Mahal Kita, Veon

>Veon's POV<

Nakarating ako sa garden at umupo ako sa gilid ng water fountain. Tumingin ako sa langit at napansin ko na maraming bituin. Napakaganda itong tingnan kaso nga lang, hindi ko matanggal sa isip ko na wala si Sheloah sa tabi ko. Na bukas pa pala namin siya pupuntahan. Gusto ko na siyang puntahan ngayon pero paano?

Bakit kaya ganito ang pag iisip ko? Wala akong interes sa girls masyado pero ngayon na nakilala ko si Sheloah, parang gusto ko na katabi ko siya palagi. Parang gusto ko na palagi siyang ligas. Parang ayaw ko siyang bitawan. Pag malungkot siya, gusto ko siyang pasayahin. Gusto ko siyang patawanin. Ayaw ko na masaktan siya.

"Veon…" nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Shannara. Nakuha niya ang attention ko.

"Bakit?" tanong ko sa kanya at pumunta siya sa harapan ko.

"Gusto ko lang mag usap tayo. Pwedeng tumabi sa'yo?" sagot at tanong niya at tumango ako bilang sagot at umupo siya sa tabi ko.

"Ano'ng gusto mong pag usapan?" panibagong tanong ko at ngumiti na lang siya pero hindi siya nakatingin sa akin. Kaso nga lang, napansin ko na may kakaiba sa ngiti niya. Parang may halong kalungkutan.

"Naalala mo ba noong elementary tayo at naging close tayo?" tanong niya at tiningan ko siya pero nakatingin parin siya sa sahig.

"Oo, bakit naman? Kaso nga lang, hindi ko masyadong maalala ang mga pinag usapan natin. Except yung panglalait natin sa isang teacher." Sagot ko at napatawa siya ng unti. Naalala niya siguro per hanggang ngayon, parang may halong kalungkutan parin ang kanyang ngiti.

"Sabi ko na ng aba… hindi mon a masyadong maalala." Sabi niya at huminga siya ng malalim. "Ayo slang naman. Since ilang years na tayong hindi nagkita." Dagdag sabi pa niya at tumingin din siya sa mga bituin sa langit.

Wala na akong maisip na topic kaya ilang minutes na kaming tahimik. Sa totoo lang, medyo awkward dahil hindi ko na alam kung ano pang topic ang pwede naming pag usapan. Indi na kami tulad ng elementary na nag uusap masyado ng kung ano-ano. Matured na kasi hindi na masyadong isip bata na laro lang ang alam.

"Sana okay lang si Sheloah." Sabi ko at agad tumingin si Shannara sa akin na may halong lungkot sa kanyang mukha pero agad siyang ngumiti ng parang napilitan siya nung tumingin ako sa kanya. Bakit ganito si Shannara ngayon? Ang weird niya. Hindi ko siya maintindihan.

Tumingin si Shannara sa sahig habang ginagasgas ang kanyang paa sa sahig. "Veon, naging close kayo ni Shannara ngayong 4th year lang, right? Ano'ng gusto mo sa kanya?" tanong niya at agad naman ako napaisip. Ano ng aba ang gusto ko kay Sheloah?

"Matalino, matangkad, mahilig sa games, animes, mabait, talented, tapos maganda." Sagot ko at tiningnan niya ako. Ngumiti siya pero parang pilit nanaman. "Bakit mo naman natanong?" dagdag tanong ko at tumawa siya ng unti.

"Wala lang." sabi niya at tumingin siya sa langit. "It must be nice. Being a girl who's like that, too." Sabi niya at huminga siya ng malalim.

Tiningnan ko siya ng ilang seconds at binatukan ko siya. Nagulat naman si Shannara at hinawakan niya ang ulo niya. "Baliw!" sabi ko sa kanya at tiningnan niya ako. "Cute ka rin, no." sabi ko at pansin ko na medyo lumaki ang mga mata niya at after ng ilang seconds, tumawa siya ng malakas. Sa sobrang tawa niya, namumula na siya at may mga luha na lumalabas sa kanyang mga mata.

"Thanks. Hindi mo kailangan mag sinungaling para lang maging masaya ako." Sabi niya at tiningnan ko siya.

"Bakit mo naman 'yan nasabi? Hindi ka ba naniniwala sa akin? Hindi ako tulad ng ibang lalaki na binobola ang mga babae." Sabi ko naman sa kanya at tumawa ulit siya at tumingin nanaman siya sa langit.

"Nagmahal ka na ba?" tanong ni Shannara sa akin at medyo nagulat ako. Ano naman ang question niyang ito? Bakit naman niya ito natanong? "Is there some girl that you like in particular?" dagdag tanong pa niya at hindi ko parin ito sinasagot. "Tulad ni Sheloah?" sabi pa niya at tiningnan ko siya ng seryoso.

"Ano ba ang ibig mong sabihin at bakit si Sheloah ang sinabi mo?" tanong ko at tiningnan niya ako at bigla siyang sumimangot dahil sa tanong ko. Ano nanaman ang problema niya?

"Wala lang." sinimulan niyang sabi at tumingin naman siya sa sahig. "Masyado ka kasing nag aalala para sa kanya. Ngayon lang kita nakitang ganito." Dagdag sabi pa niya at medyo nainis ako dahil sa sinabi niya.

"Kaibigan lang si Sheloah, Shan." Sabi ko at tumayo ako agad at pinigilan niya ako.

"Veon…" sinabi niya ang pangalan ko at hinawakan niya ang kamay ko. "Sabi ko sa'yo na may sasabihin ako, 'di ba?" sabi niya at binitawan niya ang kamay ko at lumingon ako para tingnan siya.

"Mahal ktia, Veon." Sabi niya at nagulat ako dahil tumingin siya sa akin at nakita ko na siyang umiiyak. "Wala na ba akong pag asa?" tanong niya at hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Parang biglaan naging blangko ang utak ko. Ano naman ang masasabi ko? Hindi ko alam na confession pala ang ibig niyang sabihin.

Chương tiếp theo