webnovel

Settle This

>Sheloah's POV<

"So kahit ano'ng gawin namin, hidni kami makakalagpas dito," tanong ko and he nodded at my question. Tapos tiningnan na ni Ray si Veon.

"Boyfriend mo ba ito? 'Sheloah' ba ang pangalan mo," sunod-sunod na tanong niya at tiningnan ko siya. Narinig niya siguro kung ano ang pangalan ko since kanina pa nag kaguluhan dito.

"Bakit ba tanong ka ng tanong, eh, hindi ka namin kilala," sabat ko na lang sa kanya at tumahimik siya.

Nilapitan ako ni Isobel. "Uy… tama na, Sheloah. Kanina ka pa nagagalit. Bulkan na yung utak mo," sabi niya sa akin at hinawakan niya yung likod ko.

"Veon, ikaw na nga ang magsalita. Umiinit ang dugo ko sa lalaking 'to," sabi ko sa kanya and Veon just nodded at me.

"So ano ba ang dapat gawin para makalagpas kami rito? May agreement ba," tanong ni Veon sa kanya at tiningnan siya nang seryoso ni Ray.

"Oo. Dapat mag one on one battle ang leader ng grupo niyo at leader ng grupo namin. Since ako yung leader ng grupo namin, kakalabanin ko ang leader niyo," sagot niya sa tanong ni Veon at yung mga classmates ko nagulat. "Sino ba yung leader ng grupo niyo," dagdag tanong ni Ray.

I stepped forward. "Ako," sabi ko at nagulat yung grupo nila. Nilapitan agad ako ni Josh at Tyler.

"Sheloah, baliw ka ba? Nadisgrasya ka kanina at makikipagaban ka," tanong ni Josh sa akin pero hindi ko siya sinagot.

"Don't get crazy! You just fought someone a while ago and you're getting in another fight," dagdag sabi pa ni Tyler pero hindi ko rin siya pinansin.

"Hindi pwede makipaglaban si Sheloah," sabi ni Veon at pumunta siya sa harapan ko. Nagulat ako sa sinabi niya. "Wala sa tamang kondisyon yung katawan niya. Hindi pwede na siya yung magiging representative ng grupo namin," dagdag sabi pa ni Veon at hinawakan ko yung balikat niya.

"Veon, okay lang—" Hindi niya ako pinatapos.

"Hindi ka makikipaglaban," he said finally at nilapitan ako ni Sir Erick at hinawakan niya yung braso ko.

"Makinig ka kay Veon. Tama yung sinasabi niya. Your mother and your uncle is worried sick about you. You should consider about this for now. Please," sabi ni Sir Erick sa akin at tumahimik na lang ako.

Siguro kung makikipaglaban ako sa kondisyon kong ito maybe I'd really die.

"Kung wala akong kalaban, hindi kayo makakaalis. Resources namin ang mga nandito. Balik na lang kayo kung sa'n kayo nanggaling o maghanap na lang kayo ng ibang lugar kung sa'n pwede pumunta," sabi ni Ray at lahat nanaman kami nag react.

Paano na kami makakatakas kung gano'n rin lang ang mangyayari? We need to get to Australia soon.

Biglang may nag step forward na parent. Ang tatay ni Dannie. "Can I ask the reason why we need to hold up a challenge between two people," tanong niya at agad naman tumingin si Ray sa kanya.

"Kaming parents hindi papayag niyan. Kasi dalawang parties ang mapapahamak. Ang grupo niyo at ang grupo namin. Aalis naman kami rito agad at hindi na babalik," sabi pa ng tatay ni Dannie and Ray just shook his head.

"I'm afraid it's not applicable to us, Sir," sabi ni Ray at napabuntong-hininga siya. "Kasi po sa amin ang lugar na ito. Nakakuha na po kayo ng maraming resources without our prior notice. Alam ko po na may kasalanan kami kasi may pinatay kami but we're doing something fair," dagdag sabi pa ni Ray at lumapit naman ang nanay ko sa tabi ng tatay ni Dannie.

"But what if your group can come with us," tanong naman ng nanay ko and Ray just shook his head as his answer.

"Sorry, ma'am… but the answer is still no. May iba kaming plano and we are an independent group. We have our own plans," sagot pa ni Ray at wala nang masabi ang nanay ko ko. I guess we have no choice but to comply with their request.

"Bakit kailangan ng violence," tanong naman ng tito ko at tiningnan siya ni Ray ng seryoso.

"We would like to settle this once and for all. Kasi kung isa sa'tin ang natalo, we would have to comply to the deal. Hindi na mangengealam," sagot naman ni Ray at napatahimik na lang kaming lahat. Bigla ring nagsalita si Veon.

"Kung ako yung magiging kalaban… ayos lang ba," tanong ni Veon at lahat kami tumahimik dahil nabigla kami sa sinabi niya. Tiningnan siya ni Ray ng seryosohan.

"Pwede… pero may idadagdag pa akong rules," sagot ni Ray sa kanya and Veon nodded at him and waited for him to state the rules.

Si Veon? Siya yung makikipaglaban? In my position? I don't know if I should agree to this. Baka dahil sa akin, masasaktan siya.

Early release!

Shout out sa dalawa for the power stones! Thank you so much! ^^

01jaja

Hazel_joy_Platon

And thank you, guys, for reading my story! Please comment naman po! :D

MysticAmycreators' thoughts
Chương tiếp theo