webnovel

Chapter 15

June 25, 2019

8:59 p.m.

Sai's POV

Natapos na naming gawin ni Jean ang news. Hinihintay na lang namin na mag upload ito sa blog at site nang EU. Pati na rin sa facebook page. Gumawa rin kami nang newspaper na ipapakalat namin. Nagpatulong rin kami kay Jovi at Lendy.

"Ayan na! Tapos na!" Nagulat naman ako dahil sa sigaw ni Jean. Past 6 na at medyo madilim na rin. Iniunat ko ang katawan ko at humikab ako. We've been working like 5 hours.

Humingi naman kami nang permission sa mga teachers namin na may gagawin kami sa Club at malapit na ang deadline. Even if I am not a member of the club. Nagkunwari lang ako na kasama ko si Jean. Good thing, naniwala sila.

"Hay salamat. Thank you Jean." She paused for a second at tumingin sa mata ko. Kumunot naman ang noo ko, kanina pa siyang parang ganito.

What's her problem.

"Jean? What's the problem." She shook her head. "Ah wala, may iniisip lang."

"You're spacing out. Ok ka lang ba talaga?" She nodded for her response.

"Owsige, alis na ko." Kinuha ko na ang mga gamit ko at umalis. Nilingon ko uli si Jean bago ako umalis. Nakatingin siya sakin, binigyan ko lang siya nang ngiti.

Pagkalabas ko nakita ko si Rheinz papalapit sakin. Napahiga ako dahil sa suntok niya. Well, ine expect ko yun. Pinunasan ko ang dugong galing sa bibig ko.

"Anong balak mo kay Grace?!"

"Wala akong alam sa sinasabi mo!" Sinuntok niya ulit ako.

"Alam mong narinig ko ang pinag usapan niyo. 'Wag mo nang ituloy ang balak mo!" Narinig namin ang pagbukas nang pinto at iniluwa nito si Jean. Tumingin siya sakin at nilapitan ako.

"Anong nangyari sa labi mo?" Bulong sakin ni Jean. Hindi sumagot. Nagalit ang mukha niya at tumingin sa gawi ni Rheinz.

"T-teka! Anong nangyayari dito?!" Sigaw niya kay Rheinz. Hindi siya sumagot. Tiningnan niya lang ako nang masama.

"Tara, umalis na tayo dito." Sabi ni Jean at inalalayan ako sa pagtayo. Wala nang nagawa si Rheinz kaya umalis nalang ito.

"Okay ka lang?" Tanong ni Jean sakin. "Yeah. Una na ako."

"Hindi pwede, kailangan natin gamutin ang sugat mo."

"Okay lang ako. Sige, medyo madilim na rin. Umuwi ka na rin." Ngitian ko lang siya at nagsimula nang lumakad. May biglang humila sakin.

"P-please, remember me." I froze nang marinig ang boses ni Jean. Hinarap ko siya. "I am the sister of Erinn."

T*ngina. Bakit nag iba ang mukha niya.

Flashback

Nagising ako dahil sa malakas na pagsirado nang pinto.

"F*ck! Nasan si Sai?!" Tinuro nila akong lahat. Nilapitan ako ni Erinn at kwinelyuhan. "T*ngina! Anong ginawa mo sa kapatid ko!?" Kumunot naman ang noo ko.

"Sinong kapatid? I have no idea what are you talking about." Nagalit siya at sinuntok ako. "Muntik na siyang mamatay dahil sa ginawa mo! G*go ka!" F*ck.

Kanina may nabangga akong babae at iniwan ko lang ito dahil sa takot. Wala akong paki alam kung ma hit and run ako. Hindi ko alam na kapatid niya pala yun.

"Hindi ko sinasad-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi sinuntok niya ulit ako. Lumapit samin si Cris at pinigilan si Erinn.

"Pagbabayaran mo to Sai. Sinira mo ang mukha nang kapatid ko!" Sabi niya at itinuro ako.

End of Flashback

"P-pano? Nagpaplastic surgery ka?" Nagnod lang siya. Napa upo ako. "Look, I'm sorry."

Ngumiti lang siya. "Pinapatawad na kita pero-" kumunot ang noo ko at tiningala siya.

"Marry me."

Chương tiếp theo