Chapter 12. "Heart Says"
Ethina's POV
"Ako si Ethina, nagpakasal kay Sanjun, at ginagawa niyang katulong, sana kainin siya ng pating, sa kasungitan niya." Napapakanta pa ako habang nagpupunas ng glass wall sa tono ng 'ako ay may lobo'. Lintek talaga, nakakainis talaga si Sanjun. Sa lahat ng tao siya na ang walang puso! Baka naman kasi hindi siya tao?
Huminto ako sa pagpupunas ng tumunog ang phone ko. Pagtingin ko sa screen ng phone ko. Si Direk Shawn. Tinanggal ko ang gloves ko sa kamay at sinagot ang tawag.
"Hello Direk? Magandang araw po." Masayang bati ko sa kanya.
"Hi Ethina, busy ka ba?"
"Po? Hindi naman po, bakit Direk?"
"Magpapatulong kasi sana ako, pwede ka ba?"
"Sige po, anong oras po ba?"
"Later? 3pm?"
"Sige Direk, sakto naglilinis pa kasi ako ng bahay. Halimaw kasi 'yung kapatid mo eh." Sabi ko rito, narinig ko naman ang pagtawa ni Direk.
"Anong sabi niya nung pinapabati ko siya?"
"Wala, basta na lang sumama ang mukha at pumasok sa kwarto. Ewan ko dun, alam mo nagdadalawang isip ako kung kapatid mo ba talaga 'yun." Mas lalo namang lumakas ang tawa ni Direk.
"Ganun lang talaga, pero alam kong mahal ka nun." Natahimik naman ako sa sinabi ni Direk.
"Naku, mahal? Ewan." Mahina kong sabi, para kasing kakaiba ang naramdaman ko sa sinabi ni Direk. Ako? Mahal ni Sanjun? Ethina, hello, fake? Contract? Wag ka nga.
"So Ethina, later ah? Sunduin kita ah. Bye!"
Binaba na ni Direk ang tawag, pero ako natulala dahil sa sinabi niya. Bakit parang ang lakas ng hatak sa akin nung sinabi niya? Ethina baliw ka ba? Rule no. 6, bawal ang mainlove.
Hindi ko na lang pinansin ang iniisip ko kanina at pumasok na sa loob ng bahay. Pagdaan ko sa pinto, napatingin ako sa nakasabit na "House of Love", naalala ko tuloy ang sinabi niya kanina bago siya umalis.
"And do you think, mamahalin kita at iibigin? In your dreams idiot."
Napasinghap ako sa naalala ko, tama nga naman Ethina, ang kapal ng apog ng mokong na 'yon. Anong akala niya sa akin mapo-fall sa kanya? Hindi 'no! Mukha niya, kay Direk Shawn na lang ako maiinlove.
Naupo ako sa sofa at pinagmasdan si Pikachu, ang ganda ng langoy niya. Payapang payapa lang.
"Pikachu, ikaw na ang new best buddy ko ah? Si Spongebob kasi pinatay ni Sanjun, pero ikaw? Babantayan na kita para di ka mapaslang ni Sanjun, killer 'yun eh."
Bigla namang nag-ring ang phone ko. Agad kong kinuha dahil baka si Direk Shawn, pero lumapirot ang mukha ko sa nakita kong nasa screen ng phone ko.
"Ano naman ang gusto ng isang 'to?" Sabi ko't sinagot ang tawag. "Hello? Anong kailangan mo?" Mataray kong bati sa kanya.
"Pwede bang umayos ka? Ibili mo ako ng noodles kung saan mo binili 'yung kagabi tapos dalhin mo rito sa office ko." Utos niya, napasinghap naman ako.
"Ano? Ang layo 'nun eh, tsaka ang init-init kakatapos ko lang malinis ng bahay." Maktol ko.
"Bumili ka! Anong klase kang katulong?! Bilisan mo!" Sigaw niya bago ibaba ang tawag.
Ginulo-gulo ko pa ang buhok ko habang nagmamaktol. "Nakakainis talaga siya!"
Nagbihis na ako para lumabas at bumili ng noodles ni Sanjun at i-deliver sa office niya. Nakabili na ako at papunta na ako sa office niya, pagpasok ko ng building nakita ko ulit si Manong Guard.
"Uy Kuya Manong!" Bati ko rito habang may ngiti sa labi.
"Hello Ma'am Ethina, kay Sanjun po ba?" Masiglang sabi ni Manong.
"Ma'am Ethina ka diyan, Ethina na lang po Kuya Manong." Natawa naman si Kuyang guard at pumasok na ako sa loob ng building. Pagpasok ko, lahat ng employees na makakasalubong nginingitian ako at binabati nila. Medyo nakakailang nga eh, pagdati ko naman sa elevator, nauna nila akong pinapasok at medyo malayo sila sa akin. Ang awkward naman, di ako sanay.
Pabukas ng elevator, lumabas na ako pero napahinto ako sa narinig kong paguusap ng mga empleyado sa likod ko.
"Akalain mo 'yun? May napangasawa si Sir Sanjun? Akala ko magiging matandang binata na 'yun sa ugali niya."
"Oo nga, paano ba naman kasi, parang halimaw magalit."
"Sobra, nakakatakot siya."
Napaisip ako sa narinig ko. Hindi lang pala ako ang nagiisip ng ganun kay Sanjun, pero bakit pakiramdam ko nasasaktan ako na marinig na sinasabi nila si Sanjun ng ganun? Kahit naman na ganun ang ugali ni Sanjun, alam kong may bait pa rin sa puso niya. Alam kong binili niya talaga si Pikachu para sa akin, kita ko sa mga mata niya kagabi.
Pagpasok ko sa office ni Sanjun, binati ko agad siya.
Sanjun's POV
Pagpasok ko sa office, nakasalubong ko si Siren. Hinihintay niya pala talaga ako.
"Dear Sanjun, kamusta ang honeymoon? Mukhang nag-enjoy ka ah? Hindi ka naman ba naging wild ka Ethina?" Masigla niyang sabi. Tinignan ko lang siya na walang emosyon sa mukha, pero sa isip-isip ko, hindi ako nag-enjoy Siren, dahil mag-eenojoy ako kung ikaw ang kasama ko sa honeymoon na 'yon.
"Yeah, nag-enjoy ako." Walang emosyong sagot ko.
"Wow, I'm happy for you two, pag nagka-baby kayo, ako ang bahala sa baby shower." Natatawang sabi niya.
"Siren." Seryosong tawag ko sa kanya, tinignan naman niya ako habang natatawa pa rin. "Bumalik na siya." Dugtong ko. Unti-unting nawala ang kasiyahan sa mukha ni Siren at napalitan ng pagtataka.
"Bumalik? Sino naman Dear Sanjun?" Nakangiti niyang tanong.
"Si Shawn. Bumalik na si Shawn." Sabi ko sa kanya. Nakita ko naman kung paano siya nabigla sa sinabi ko. Ang ngiti sa labi niya ay dahan-dahang naglaho. Natahimik si Siren at iniwas ang tingin sa akin.
"Bumalik na si Shawn? Nasaan siya Sanjun?" Malumanay niyang tanong, kita ko rin ang excitement sa mukha niya, at nasasaktan ako para 'don.
"Hindi ko alam, pero he's a movie director now, na-achieve niya na rina ng pangarap niyang maging director."
"Pangarap ni Shawn na di niya sinuko, kaya bilib na bilib ako sa kanya Sanjun." Marahan siyang ngumiti sa akin. Bigla naman akong nakaramdam ng inis.
"Sige, papasok na ako." Pagpapaalam ko sa kanya at naglalakad na papasok ng elevator.
"Take care Sanjun." Narinig ko pang sinabi niya bago sumara ang elevator. Pagsara ng elevator. Bigla kong naikuyom ang kamao ko at sinuntok ang wall ng elevator.
"Dammit! Goddammit!" Sigaw ko habang patuloy na sumasagi sa alaala ko ang nakaraan.
Tinawagan ko si Ethina na ibili ako ng noodles at dalhin dito sa office. Pumunta na ako sa office, binendahan ko ang kamay ko masakit pala 'yun. Napabuntong hininga ako at napatingin sa mga paintings na naka-display sa loob ng office ko habang nakaupo, mga paintings na ako ang gumawa.
"Nasaan nab a si Ethina?" Inis kong tanong sa sarili ko. Bigla namang bumukas ang pinto ng office ko and speaking of Ethina dumating din siya.
"Hi! Noodles delivery!" Masigla bati niya habang masayang nakangiti bitbit ang noodles na tinake-out niya. Pumasok agad siya sa office ko at lumapit sa akin at inayos ang noodle na kakainin ko. Tintignan ko lang siya habang inaayos ang kakain ko. Parang may mali sa babaeng 'to, masaya siya at ganado, ang nasa isip ko pagdating niya.
"Oh ito na yung noodles mo! Demonyo ka Sanjun!" 'Yan ang sasabihin niya at ibabato sa akin ang noodles.
"Hoy idiot, anong nakain mo?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya. Napatingin naman siya sa akin habang nakangiti.
"Wala, oh ito na kumain ka na." Nakangiti niyang sabi tsaka inabot sa akin ang noodles at chopstick. Mas lalo namang kumunot ang noo ko sa inasal niya.
"Bakit kaya ganun siya? Himala at di siya nagalit sa panglalait ko." Nasabi ko sa isip ko tsaka inabot ang noodles. Nagulat naman siya ng makita ang benda sa kamay ko.
"Oh? Anong nangyari diyan?" Nagtatakang tanong niya. Iniwas ko naman ang tingin ko pati na rin ang kamay ko.
"Wala, umuwi ka na at maglinis ng bahay. Paguwi ko dapat maayos ang house of love natin." Sambit ko rito.
Napansin ko namang natahimik siya kaya nilingon ko, nakita ko naman ang kakaiba niyang ngiti kaya nainis ako.
"Umalis ka na!" Singhal ko.
"Oo na, pero aalis ako mamayang 3pm ah? Pupunta ako sa bahay nila Direk Shawn." Natahimik naman ako ng banggitin niya ang pangalan ni Shawn.
"Sige, do your things, just make sure na uuwi ka ng 6pm! Pagdating kong wala ka sa bahay, YOU'RE DEAD!"
Lumabas na siya ng office ko. Paglabas niya, bigla ko na lang tinignan ang noodles na nasa harap ko. Weird, ano 'tong nararamdaman ko.