webnovel

"The Boss"

Chapter 2. "The Boss"

Sanjun's POV

"Lumayas ka! Wala kang kwentang anak! Para sa inyo rin itong ginagawa ko para sa kumpanya!" Sigaw ni Daddy kay Kuya.

"Para sa amin? O para sa inyo!"

"Wala kang galang, lumayas ka!"

"Oo! Aalis talaga ako! Aalis ako para abutin ang pangarap ko!" Natigilan siya nang makita niya ako bago siya lumabas ng pinto.

"Kuya? Saan ka pupunta" Naiiyak kong tanong sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at tinapik ako sa balikat.

"Sanjun, gusto mo bang sumama?"Tanong niya.Mabilis akong tumango pero bigla akong hinila ni Daddy palayo kay Kuya.

"Kuya!" Sigaw ko.

"Wag mong idamay ang kapatid mo!"Sigaw ni Daddy sa kanya. Nakita ko kung paano tumulo ang luha ni Kuya habang nakatingin sa akin.

"Sanjun, dito ka na lang ah? Aalis muna si Kuya."Aniya at nag-iwan ng isang mapait na ngiti bago siya tuluyang lumabas ng pinto at hindi na bumalik pa.

Muli ko na namang naalala ang araw na 'yon. Ang huling araw na nakita ko si Kuya. Dalawa lang kaming anak ni Kuya, at siya dapat ang magiging taga-pagmana ng kumpanyang pinatakbo ni Daddy ng matagal na panahon. Ang pamilya namin ang nagmamay-ari ng isang sikat na Distellery Company. Pero tinanggihan ni Kuya ang lahat ng iyon dahil sa pangarap niya, pangarap niyang maging isang Film Maker or Director. Kaya simula noong umalis si Kuya sa bahay, ako ang naging tutok sa pag-aaral ng kumpanya namin. Dahil ako na lang ang naiwan para maging tagapagmana nito. Labing-walong taong gulang pa lang ako noong nag-train ako bilang CEO sa kumpanya namin habang nag-aaral sa college. At ngayong nakaratay si Daddy sa hospital at mahina na ang katawan, ako na ang namamahala sa lahat ng bagay tungkol sa kumpanya. Pero sa likod ng mga nangyaring 'yon. Merong isang taong umagapay sa akin. Palagi niya akong kinukulit, at sa tingin ko, yun ang nagustuhan ko sa kanya. Simula nang umalis si Kuya ay palagi na siyang nandiyan sa akin.

"Sanjun! Ngumiti ka naman."

"Siren wag mo nga akong kunan ng picture."

"Sige na Sanjun."

Siya si Siren, kababata namin siya ni Kuya at malapit din ang pamilya niya sa pamilya namin. At hindi lang isang kababata ang turing ko sa kanya. Special siya sa akin. Masasabi kong may lihim akong pagtingin sa kanya. At ngayong araw, sa loob ng ilang taon kong pagtatago ng nararamdaman ko para sa kanya, magtatapat na ako at yayayain siyang magpakasal. Alam kong ramdam din ni Siren na may pagtingin ako sa kanya. Kaya aaminin ko na ito.

Paglabas ng bagong secretary ko, tinawagan ko si Siren para sabihing magkita kami mamaya.

"Hello Siren?"

"Yep Mr. Handsome na laging nakasimangot?" May pang-aasar niyang bungad sa akin.

"Will you please stop calling me—"

"Oh, sinusungitan mo na naman ako? Tinawagan mo lang ako para sungitan?" Masigla pa rin niyang sabi. Napatigil ako at umayos ng upo.

"No, gusto ko lang sana yayain kang mag-dinner mamaya, I have a surprise for you." Sagot ko sa kanya.

"Wow, a surprise? Gusto ko 'yan! Wait what time? Pero I'm not sure ah, kasi tonight na ang fashion show namin." Sagot niya. Siren is an international model and a fashion designer. "So baka ma-late ako."

"It's fine, I'll wait for you, kita na lang tayo sa Shangrila Hotel, 8pm?" Saad ko. Narinig ko namang tumawa siya.

"Sige sige, I'll text you na lang, osya marami pa kaming gagawin, mamaya na lang Sanjun! Bye!"

We end up our call. Napangisi na lang ako at nilagay ang phone ko sa bulsa. Inayos ko na ang mga gamit ko. Nasaan na ba ang secretary ko? Mukhang napatagal 'yun ah. Tumayo na ako at inayos ang suot kong damit. Lumabas na ako ng office at pagbukas ko ng pinto nakasalubong ko na ang secretary ko. Tiningnan ko siya na may masamang mukha pero parang lutang naman ang isip niya at nakatingin sa malayo. Para ring kararating niya lang, napansin ko ring parang naiiyak siya, pero wala naman akong pake.

"Let's go." Sabi ko't naunang maglakad sa kanya. May dadaanan pa kami para mamaya sa gagawin kong proposal.

Pagdating namin sa mall, mukhang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha nitong kasama ko, bagsak ang balikat at lutang ang isip. Kanina pa siya ganyan bago kami umalis ng office. Sinamaan ko siya ng tingin. Pero tulad kanina hindi niya ako napapansin at tila ba may bumabagabag sa kanya. Naiinis na ako ah.

"Hey," Tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin. "Will you please act right? What happened?" Inis kong tanong. Iniwas niya naman ang tingin sa akin at huminga ng malalim. What's with this woman?

"Sir, basag na basag na ang puso ko, pwedeng tumahimik ka muna." Mariing niyang sabi. Nabigla ako sa sinabi niya. Aba? Ako pang sinasabihan niyang tumahimik?

Napailing-iling na lang ako. Hindi ko naman siya pwedeng sisantihin ngayon dahil kailangan ko ng katulong para sa proposal na 'to.

"Fine, dalhin mo na lang 'to." Inabot ko sa kanya ang regalo ko para kay Siren mamaya. Kinuha naman niya ito at binuhat.

After this proposal, you're fired! Sabi ko sa isip ko.

Around 7pm pumunta na kami sa Shangrila Hotel, tulad kanina ganun pa rin ang mood nitong bago kong secretary. Gusto ko na siyang palayasin sa harap ko pero I need her tonight. Kailangan ko ng makakatulong sa pagbubuhat ng mga regalo ko kay Siren, ayaw ko namang mahirapan siyang magbuhat nito. Just for tonight, sisikapin kong hindi sigawan ang babaeng ito. Pina-check ko na rin sa kanya kung maayos na ba ang lahat. Gusto ko pagdating ni Siren, magsisimula agad ang surpresa ko. Gusto ko ito ang magiging most romantic proposal ever.

Habang nakaupo ako at hinihinat si Siren, nagulat ako nang biglang dumami ang tao sa labas ng hotel. Ang dami at lahat ay nakatingin sa gawi ko. Anong meron? Tiningnan ko ang mga tao sa labas at pagtingin ko may mga media. Nanglaki ang mata ko at biglang kinabahan. What the hell is happening? Anong ginagawa nila dito? Paanong—

"Hey!" Sigaw ko sa secretary ko. Mukha namang multo itong tumingin sa akin, bagsak ang mata at parang maiiyak na.

"Ano po 'yun Sir?"

"Bakit may mga media dito?" Singhal ko sa kanya.

"Di ko po alam." Matamlay niyang sagot. Napailing na lang ako habang nakatingin sa kanya. Wala yata akong mapapala sa babaeng 'to. Ayaw ko munang maging demonyo sa harap ng mga tao, pero kung nasa office ako, baka nasigawan ko na ang isang 'to.

I texted Siren kung nasaan na siya pero di pa siya nagrereply. I tried to call her pero walang response. At mag-iisang oras na akong naghihintay rito.

Habang gumagabi patuloy na tumatakbo ang oras. Hawak ko ang phone ko habang pinapaikot sa kamay ko, nagbabakasaling magrereply na si Siren. Pero wala pa rin. Naiinis na ako. Nakakainis! Nasaan ka na Siren. Don't tell me hindi ka pupunta. I keep on checking my phone for her message pero wala pa ring text na nagpa-pop up sa phone ko. Damn it, this is so embarrassing, paano na ang proposal ko sa kanya. Almost 1 and a half hour na akong naghihintay dito.

"Darating pa kaya 'yung babae?"

"Di na yata, sayang naman 'yung preparation niya, na-indian yata."

Rinig kong sabi ng mga staff dito sa Hotel. Tinignan ko naman sila ng masama at umalis sila sa harap ko. Nasaan na ba kasi si Siren. This is bullshit. Napalingon na naman ako sa labas ng Hotel at pagtingin ko sa labas, nagulat ako sa nakita ko. Mas dumami ang tao, at sa pagkakakilala ko, mga empleyado ko sila. Ano namang ginagawa nila dito? Are they trying to witness my proposal? Damn it! Mas nakakahiya ito. My reputation, damn it!

Tinignan ko naman ang mga media na nasa labas, and they're all looking at me like they're pity on me. Damn, anong gagawin ko. Nasaan ka na ba Siren? Nakatingin ako sa phone ko. Bigla akong nabuhayan ng mabasa ko ang pangalan ni Siren sa screen ng phone ko. Agad kong binuksan ang message, pero pagbukas ko, agad na nagdilim ang mukha ko.

From: Siren

+63**********

Sanjun, sorry pero di na ko tutuloy, extended kasi ang show namin tonight, baka hanggang 12 pa ko. Pasensya, next time na lang. ^_^/

End of Message

Para akong na-pom-pyang dahil sa nabasa ko, nabitawan ko ang phone ko at nahulog sa mesa. I'm dead. What do I do know?

"Sir Sanjun, okay na po nasabi ko na sa chef nila." Napatingin ako sa pagdating ng Secretary ko. Sandali tama ba ang naiisip ko? Tulad kanina, para pa rin siyang patay, nakasimangot at parang maiiyak.

"Come here." Utos ko sa kanya.

"Po?"

"Sabi ko lumapit ka, do I really need to repeat?" Paguulit ko.

"Sorry naman po Sir, gusto ko lang na-clear." Malamig niyang sabi, napailing na lang ako sa reason niya.

Lumapit naman siya sa akin. Sandali, tama ba ang gagawin ko? Pero kung hindi ko 'to gagawin, anong mangyayari sa akin? Damn it! Nakakainis, ipit na ipit ako sa sitwasyon. Muli kong tinignan ang media at mga tao sa labas ng hotel. Lahat sila masasaksihan ang nakakahiyang pangyayari sa buhay ko, ang ma-indian sa isang proposal! Fuck!

"Anong pangalan mo ulit?" Tanong ko.

"Ethina po Sir, bakit po?" Napailing ako, ganto ba talaga ang isang 'to? Laging may follow up question. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim at muling minulat ang aking mata. Tiningnan ko siya ng mabuti. Isang seryosong tingin.

"Okay, fine. I'll do it." Sabi ko't lumuhod sa harap niya. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha niya. "Ethina, will you marry me?" Mabilis at malakas kong sabi. Nagsigawan naman ang mga staff sa loob ng Hotel na nanunuod sa amin. Gulat na gulat naman si Ethina habang bagsak ang panga at nakanganga sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil dahil sa inis. "Act right idiot!" Mahinang bulyaw ko sa kanya.

"Ay sorry, sandali Sir? Joke po ba 'yon?" Ang kanina'y madilim niyang mukha ay biglang nagliwanag. Ano namang nangyayari sa isang 'to.

"Damn you, just say yes, ang sakit na ng tuhod ko!" Asar kong sabi. Pinagtitinginan naman na kami ng mga tao sa labas. At panay ang flash ng camera sa amin.

"Pero Sir, seryoso? Di pa nga nagiging tayo eh." Napasapo ako sa noo ko. Ang slow naman nito. Napasinghap ako sa inis pero kinalma ko ang sarili ko at muli siyang tiningnan ng seryoso.

"Ethina, will you be my girlfriend? And soon to be my wife?" Paglilinaw ko. Tiningnan ko naman siya sa mata, at nakatingin din siya sa akin. Wala siyang reaction, basta nakatingin lang siya sa akin.

"Sir, joke po ba 'to?" Asar naman 'to.

Mula sa pagkakaluhod ko, tumayo ako at hinarap siya. Nakatingin lang ako sa mukha niya, gagawin ko ba? Pero para maniwala ang isang 'to, kailangan kong gawing 'to. Hinawakan ko ang dalawang gilid ng ulo niya at dahan-dahan na nilapit ang mukha ko sa kanya. And the last thing I knew, we've shared a kiss.

Rinig na rinig ko ang hiyawan ng mga tao sa hotel, ang mga click ng camera ng mga media pati na rin ang pagkagulat ng mga empleyado ko.

"Si? Ethina?"

"Gosh, akala ko secretary? Yun pala lover?"

"Tse! Kaibigan ko 'yan! Pero, paanong?"

Ilang sandali pa, humiwalay ako sa pagkakahalik ko sa kanya. Pagtingin ko sa mukha niya, nagulat ako dahil para siyang nanigas na bato.

"Pst, hoy umayos ka nga. Akin na 'yang daliri mo, isuot mo na 'tong singsing." Bulong ko rito.

"Sir, totoo ba 'to?"

"Umayos ka nga!" sa inis ko ako na ang kumuha ng daliri niya at sinuot ang sing-sing na hawak ko.

Niyakap ko naman siya para kunware masaya ako dahil tinanggap niya ang proposal ko. Pero ano na nga bang mangyayari pagtapos nito?

Kasalan? Dammit Sanjun. Anong ginawa mo?

Chương tiếp theo