webnovel

Kabanata 18(Malaya)

[Kabanata 18]

Nakahiga ako sa papag habang nagpapahinga. Mabilis akong natapos sa paglalaba dahil tinulugan na ako ni Hadrian pagkatapos namin mag-drama. Yun nga lang, kailangan niya pang sumama sa kalalakihan upang manghuli ng baboy na maari namin kainin ngayon gabi.

Nangako siya na sasamahan niya ako sa aking pwesto mamayang gabi, ikinatuwa ko naman iyon dahil hindi na ako matutulog mag-isa.

Bukod kasi sa malamok dahil parang kubo lang ang tinutuluyan ng bawat pamilya sa kampo naito, gabi-gabi nalang akong natatakot na baka pasukin ako rito at paslangin na lang bigla. Kaya masaya ako ngayon na may makakasama na ako mamayang gabi.

Mayamaya pa'y narinig ko na mayroon yabag, mabilis lang marinig ito dahil nga gawa sa kahoy ang tinutuluyan ng lahat. Ang bubong naman ay gawa sa mgatuyong dahon ng hindi ko alam na puno.

Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga at humanap ng puwede kong gawin na sandata, kung sakali man na masang tao ang nangloob sa akin.

"S-Sino iyan?" Natatakot kong tanong. Nanginginig rin ang katawan ko habang hawak ang isang maliit na balison na iniabot sa akin ni Hadrian kanina. Ibinigay niya ito upang magsilbing proteksiyon ko raw. Batid niya ang sugal at sakripisyo na ginawa ko mailigtas lang siya, kaya nasisiguro niya na ako na mapapangasawa dapat ng hari ay mapaparusahan din.

Hindi nagtagal ay nagpakita rin ang mapangahas na pumasok sa tinutuluyan ko, agad kong itinutok ang balisong sa kaniya na kapwa naman namin ikinagulat.

"A-Anaya?" Pag kumpirmako kung hindi nga ba ako namamalikmata.

Tumango naman siya bilang pag tugon bago nagsalita. "Huminahon ka at huwag mangamba, nais lang kitang makausap ng babae sa babae Thalia." Diretso at mahinahon niya sa sabi sa akin.

Ininaba ko na ang patalim at pinakalma ang sarili. Inanyayahan ko rin siya maupo ng kumportable para kami ay makapag usap.

"Ano ang dahilan ng iyong pagparito?" Tanong ko. Alam ko na ipinagkasundo na siya kay Hadrian, sinabi rin naman ni Hadrian sa akin na magiging maayos ang lahat. Ano pa ang ibig niya at naparito pa siya?

"Alam ko na kasintahan ka ni Hadrian, Thalia. Marahil ay sa loob kayo ng palasyo nagkakilala." Sabi niya atsaka yumuko at humawak sa kaniyang kamay na animo'y nagpapakalma ng kaniyang sarili.

"Ikakasal na kami sa makalawa, maari bang palayain mo na siya?" rinig ko ang pagka basag ng boses niya dahil sa pagpipigil ng iyak. Hindi naman ako makasagot.

Sino siya para diktahan ako?

"Bakit ko kailangan siyang palayain kung kaya ko naman siyang alisin dito, gaya ng pagligtas ko sakaniya."Matapang kong saad.

"Tama ka, niligtas mo siya. Pero hindi mo ba nakikita? Ang Bathala na ang naglalapit sa amin, sa akin pa rin siya dinala. Inilayo siya ng matagal sa akin dahil kinailangan niyang sumama sa hari, pero sa huli heto at bumabalik siya sa akin."

"Nakikiusap ako sa iyo, Thalia. Pakiusap, mahal na mahal ko si Hadrian mula pa noong kami ay musmos pa lamang. Wala akong ibang pinangarap kundi ang maging asawa niya, ngayon ay pagkakataon ko na. Pero batid ko na hangga't nandito ka ay hindi niya ako magagawang mahalin pabalik." Sabi niya ng tuloy tuloy, kahit lumuluha at humihikbi ay nagawa pa rin niyang magsalita ng mahaba.

"Hindi mo alam kung gaano katagal ko hinantay ang pagkakataon na ito, mahigit dalawang dekada akong naghantay sa kaniya. Hindi ko hahayaan na mawala lng iyon dahil sa'yo. Nakikiusap ako sa iyo Thalia. Kung maari sana ----

umalis ka nalang dito at huwag ng magpakita pa kay Hadrian." Mapangahas niyang saad na animo'y nag plaplano ng susunod niyang hakbang. Ako naman ay nanatiling nakanganga dahil sa pagkabigla.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Mas ikinagulat ko nang lumuhod siya sa harap ko at hinawakan niya ang kamay ko. Patuloy lang siya sa paghagulgol.

"Alam ko na wala akong karapatan hilingin ito sa'yo. Pero sana maintindihan mo. M-mahal na mahal ko siya. P-pero sana, bukas bago lumabas ang araw ay makaalis ka na." Tinignan niya ako sa mata ng diretso at walang takot. Sa buong pag uusap namin ay hindi ako makapagsalita at parang sasabog ang puso ko.Hindi ko rin mapakawalan ang luha na kanina pa namumuo sa mga mata ko.

Gusto kong magsalita pero walang lumalabas na boses sa akin.

Magsasalita pa sana siya ng biglang narinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Thalia?" Tawag ni Hadrian. Napilit ko siya na hanggat naririto kami ay huwag n huwag niya ako tatawagin bilang 'Cyndriah'.

Bumitaw si Anaya sa akin at dahan-dahang tumatayo habang nagpupunas ng mga luha niya.

"Anaya? Ano ang iyong sadya kay Thalia?" Takang taka na tanong ni Hadrian.

"Nag-usap lang kami ni Thalia, aalis na rin ako. Huwag mo kalimutan ang ating salu-salo mamayang gabi kasama sina ama." Saad ni Anaya bago tuluyan kaming iwan ni Hadrian.

Nang masiguro ko na wala na si Anaya ay bigla nalang ako nanlambot at bumagsak sa kinauupuan ko. Mabilis na tumakbo si Hadrian papalapit sa akin apara alalayan ako. Ang mga luha na kanina ko pa pinipigil, ngayon ay nag-uunahan sa pagbagsak. Ang pusong halos sumabog na kanina,ngayon ay napaka sikip na.

Naramdaman ko na niyakap ako ni Hadrian, kaniya rin hinihimas ang likuran ko at pilit pinapakalma. Yumakap ako sa kaniyang braso,doon ay inilabas ko ang lahat ng iyak na kanina ko pa itinatago.

"Ano ang problema?" Tanong niya. Hinawakan niya ang aking mukha at inalalaya para iharap sa kaniya, hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak.

Diretso lang siyang nakatingin sa mga mata ko, pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang kaniyang hinlalaki.

"Hindi ko pipilitin kung ayaw mo sabihin sa akin ang inyong napagusapan. Pero pakiusap, huwag ka ng umiyak. Ako man ay nahihirapan kapag nakikita kang lumuluha." Sabi niya. POinilit ko naman ang sarili ko na tumahan.

Nakita ko na napangiti siya.

Laking gulat ko nalang nang makita ang kaniyang mukha na konti-konting lumalapit, alam ko na ang gagawin niya. Hindi naman ito ang unang beses na mahahalikan ko siya, pero iba pa rin ang kaba ko.

Hindi ko na pinatagal pa, pumikit ako at sinalubong ang labi ni Hadrian.Naalala ko ang unang beses kaming nagkahalikan sa talon, gutom at uhaw. Yon ang pakiramdam.

Iniikot ko ang braso sa kaniyang braso at marahan na hinihimas ang kaniyang buho. Naramdaman ko na lalong dumidiin ang mga uhaw niyang halik na ginagantihan ko naman din.

Ramdam ko rin ang pagkabigla niya, pero mas pinili niya magpatuloy. Konti-lonti ay nakakaramdam na ako ng init, at alam ko na ganoon rin si Hadrian. Nararamdamanko na rin ang kamay niya na gumagapang.

Ilang minuto pa ang tumagal ay hindi na nga namin napigilan pa na angkinin ang bawat isa.

Alam namin na mali, masyadong mapusok at mapangahas. Pero sa kabila non ay walang pagsisisi. Sa amin ang oras na ito.

Mali man, mas hindi ko matatanggap na pagsisisihan ko bandang huli ang mga oras na iniwasan ko noong akin pa siya.

Sa amin ang oras na ito, ang oras kung kailan kami naging isa. Oras na makakasama ko pa siya bago ko siya palayain sa piling ni Anaya. Ang huling oras na ito, ay amin lang.

Chương tiếp theo