webnovel

Memoir #2

This story does not intend to harm nor offend any belief or religion as it contains fictitious events and details about the characters.

Lucifer

"THIS WAY, YOUNG MASTER," a man wearing a black tuxedo stretched his hands to lead me towards the car.

Isang pilit na ngiti ang iginanti ko. Nilingon ko ang paligid bago muling tumingin sa gusaling aking pinanggalingan. San Lozare Mental Clinic.

Because of His depressed children who willingly killed themselves, I found a perfect vassal. This eighteen-year-old lad named Ludwig Qvist.

He was suffering from anxiety disorder. Nang hindi na kinaya, nagpakamatay nang oras mismong naisipan kong umahon mula sa Impyerno.

Hell is getting boring. Those low-level demons are busy enslaving themselves. Some mid-level demons and high ranking officials of Hell are planning a rebellion. Akala yata nila ay hindi ko malalaman. Hindi ako tinawag na King of Sinners nang wala lang.

Hallelujah! I'm Lucifer for badness' sake!

"May business meeting ngayon si Sir Hugo. Si Madam Astrid naman, may golf party kasama ng mga amiga niya," imporma ni Jaime nang pareho na kaming maka-ayos ng upo sa loob ng kotse.

Since I took over this lad's body, I've also gotten a hold of his memories. Isa sa mga palaging nasa alaala niya ay ang kanyang middle-aged butler na si Jaime.

"I'm used to it, Uncle Jaime," I replied softly almost muttering to myself.

Sanay naman na talaga ako. Sa Langit pa lang kulang na ako sa aruga. Kaya nga naisipan kong magrebelde. Noong magrebelde naman ako, pinalayas ako kaagad. Hindi man lang naisip na baka nanghihingi lang ako ng atensyon. Masiyado na kasi Siyang nagiging busy sa mga taong pinipili namang pakinggan si Godfather Satan.

Noong maipadala naman ako sa kaharian ni Godfather Satan, yinurak-yurakan Niya at ng kanyang mga alagad ang aking reputasyon. Believe it or not, I was the most knowledgeable Archangel that time. My wisdom surpasses that of Solomon. Kaya nga ngayon, isa na lang sa mga tauhan ko si Solomon alongside Camio and Sytri.

The only thing that is keeping me alive right now is the pleasure that those sinners are giving to me.

Hallelujah! It was the most intense feeling I've ever felt. Being able to see them struggling while drowning in the Underworld Flames. It was quite a sight.

That's why I can sympathize with this guy. Lumaki siyang may mga magulang nga, sa iba naman ang pokus. Idagdag pa ang pressure na nakukuha niya mula sa kanyang dalawang kapatid na ngayon nga ay mga kilalang personalidad na sa larangang kanilang napili.

Poor guy. Left with no choice but to die.

Hindi man lang sumagi sa isip nila na baka kaya ako nagkakaganito ay dahil naghahanap ako ng pagmamahal ng isang magulang. Baka nagbalak na magpakamatay itong may-ari ng katawang ito dahil hindi na niya kaya ang sakit at lungkot na dala na hindi makaramdam ng pagmamahal ng magulang.

I can really sympathize with him.

Just kidding!

I didn't rebelled just because I'm jealous over mere humans. They didn't spread FACTS that I'm evil just because they think wala akong kwentang anak Niya. It was true after all. I'm Lucifer, the prideful sinner.

It was a good thing that I cut all my ties with those whities. Habang buhay akong magpapa-alila? No fucking way!

See how I reigned Hell? In just a thousand of years, I made the seven princes expand their territories more than the number a human has as an average lifespan.

See how prosperous Hell? Hallelujah! It was all because of me. Lucifer.

Kulang na nga ang space sa Hell kaya napag-isipan kong bisitahin ang Earth habang nilulutas nila Solomon ang problema roon.

"They really wanted to fetch you, Young Master pero hindi talaga tumugma ang schedule nila," pang-aalo ni Jaime.

Lie. Lie. Lie.

Even the slightest lie is considered as a sin. Kaya sige lang, magsinungaling lang kayo! Every time you commit a sin, a part of your soul is slowly dying. Every time you commit a sin, you'll become a residence of Hell.

"You don't need to lie, Uncle Jaime," sagot ko naman na mas pinagbutihan ang pag-arte.

Pinalungkot ko ang aking ekspresyon at medyo nilumanay ang boses.

"Naiintindihan ko sila," dagdag ko pa.

Akala mo talaga ang bait kong nilalang.

"There's no such thing as perfect parents," I uttered with a hint of fake sadness.

There's no perfect parents. Someone out there is the subject of their envy for various reasons.

They are envious because every time they see a parent who can easily give their children's needs, pride eats them.

They are envious because they are too greedy to have a child whom they can be proud of.

They are envious because they can't get lazy like what they were in the past.

They are envious because they know they can't lust like how the others do. Hanggang pagtitiis na lang sa asawang katabi sa gabi at sa kamay na pasmado pa minsan.

They aren't perfect. They're sinners. They are not like Him.

Sa lalim ng iniisip ko; kung kumusta na kaya sina Camio sa baba, anong susunod kong gagawin, hindi ko napansing nakarating na kami sa mansion ng batang ito.

It was quite huge but can't compare to mine in Hell. Puti ang pintura at ang bubungad sa'yo ay ang nagbeberdehang bermuda. I am bad in describing but I can still say that, Hell still looks paradisiac than this. The heat of Underworld Flames, the noisy squalling of the crows, the dark fog and all the sinners. Hallelujah!

"Välkommen hem*, Young Master."

Isang matandang babae ang sumalubong sa'kin. Sa likod niya ay apat pang dalagang katulong. Lahat sila ay bahagyang nakayuko at tila hinihintay akong lagpasan sila.

Wala ring pinagkaiba ang mga low-level demons at ang mga katulong. Yuyuko sa nasa taas ng hierarchy. Buti pa ang mga hayop, kapag nakita na nila ang kalaban, either tatakbo o lalaban sila.

They are all sons of Him yet they tend to bow to their same species. Wala namang ginawang mas mataas sa kanila and yet they still try to make their damn hierarchy.

Only Hell and Heaven can do that, bitchez!

"Tack*," I said as I gave them a sincere fake smile.

Halos manigas naman sila sa kanilang kinatatayuan sa aking ginawa. Hindi yata sila sanay na ngumingiti ang lalaking ito. He's too pretty but why didn't he used this face. Mas lalong magiging overcrowded ang palasyo ni Asmodeus kapag nagkataon.

"May problema ba?" maang-maangan kong tanong.

Sa tanong kong iyon ay nagising sila. Bumalik sa normal ang kanilang ekspresyon kasabay ng sunud-sunod na pag-iling ng pinakalider nila. Ang matandang babae.

Oh how nice it is to play with humans! Hallelujah!

"Wala po, Young Master," pagtanggi ng matanda. "Hindi lang kami sanay na ngumingiti ka."

Dapat na silang masanay. Wala naman na ang may-ari ng katawang ito sa mundong ibabaw. Kasama na siya ngayon ni Sytri sa aking palasyo.

Solomon handles my personal affairs, Camio is to my court duties and Sytri guides those sinners in my palace. Bukod sa mga prideful sinners, kasama na rin sa palasyo ko ang lahat ng nagpapakamatay.

"That failed suicide really woke me up. Na-realize kong hindi dapat ako nagmumukmok. Kaya simula ngayon, I'll try to be positive as I can be," pagpapaliwanag ko na may ngiti pa sa labi at pagkinang ng mga mata.

Akala mo talaga anghel itong kausap nila. Anghel noon, bitchez.

"Jag är i din omsorg!*" masiglang pagpapatuloy ko. Bago pa man sila makasagot ay isang malakas na pagbasag ng kung ano ang narinig namin mula sa loob ng mansyon.

Natatarantang nagpaalam sa'kin si Jaime at maging ang mga katulong. Naiwan akong mag-isa. Nakatayo sa tapat ng pintuan habang pinapanood na maglaho mula sa'king paningin ang mga kanina lang ay nagkumpulan sa paligid ko.

What happened?

Let's ask this bored spirit.

Lumingon ako sa kotseng pinanggalingan ko. Isang lalaking may uwak sa balikat ang nakita kong nakasandal sa kotse habang diretso lang na nakatingin sa'kin.

"You miss me that much, Leviathan, huh?" pang-aasar kong tanong.

Sa aming pito, siya ang pinakamadalas pumunta rito sa Earth.

"Nope. Just having fun spreading jealousy." Hindi man lang sumakay. Dapat ko na bang ipaalala kung ano ako sa Hell?

"That body you're in was my subject. Since you occupied it, I'll just go with his brother," aniya saka bigla na lang naglaho.

Napailing na lang ako. Papasok na sana ako para makiusyoso nang biglang may parang ilaw na bumukas sa'king isipan.

Let's add fuel to the fire.

Since my purpose of coming in Earth is to spend my vacation. I'll let myself be the good guy this time.

Only this time... I hope so.

________________________________________

#MOLXitri

•välkommen hem (Swedish)

     Welcome home

•Tack (Swedish)

     Thank you

•Jag är i din omsorg (Swedish)

     I'm in your care

Lucifer's Dictionary:

•bitchez- bitch

•whities- those who are in heaven

Note: Lucifer speaks Latin while Ludwig (the original owner) speaks Swedish.

Chương tiếp theo