Sa wakas gumana na ulit ang elevetor ..
"Sorry po Sir!" Iyon lamang ang narinig namin mula sa taong nagsasalita sa monitor kaya napatingin kami roon.
"Salamat!" sabi ko sa knya.
I feel ackward on our situation. Kasi kahit bali-baliktarin man natin ang lahat. Walang magbabago. I'm his secretary and his my boss.
"You're always welcome Nic!" sagot niya sa akin sabay tingin at ngiti..
Sa t'wing tinatawag niya ako sa nickname ko, parang nauunhanang nagtatakbuhan ang mga kabayo sa puso ko, lakas ng kabog nito. Parang ang daming paru-parong nag kakarirahan sa loob ng t'yan ko.
Tumingin lang ako sa knya at ngumiti.
Sa wakas bumukas na rin ang pinto ng elevetor.
Nauna na akong lumabas at diretso lang sa paglalakad..
Dahil sa magmamadali ko may nabangga akomg babae. Maganda, mahaba ang buhok, makinis na kutis, blonde ang buhok at matangkad. Napatingin ako sa babaeng nakabangaan ko. Kasi parang nakita ko na siya, ngunit hindi ko matandaan saan o kailan.
"S-sorry m-maam!" utal na sabi ko nasa likuran ko pa naman si Andy.
"Are you okey Nic?"Biglang singit ni Andy..
Tumango lamang ako bilang tugon.
Tinabig ako ng babae paharap sa kanya."Sa susunod mag-ingat ka, h'wag tatanga-tanga!" wika ng babae sa akin. Sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa, at tinalikuran ako.
Yumuko na lamang ako, nang pasadahan niya ako ng mataray na tingin. Pinagtitinginan na kami ng ibanv empleyado dito. Nabunggo ko lang naman siya pero bakit ganoon nalang ang galit sa akin ng babaeng ito.
Nagkita naman kami?
Saan naman at kailan?
"Rea stop tha!" sabay hawak sa kamay ng babae.
Tumingin naman sa akin si Andy "Go to your office now Nic!" malumanay na sabi ni Andy. Tumango lamang ako pero nanatili akong nakayuko.
Pero sinunod ko ang kanyang sinabi at saka nagmartsa paalis sa kanilang harapan.
May mga naririnig akong bulong-bulungan ng mga kapwa ko empleyado. Ngunit binabalewala ko lamang ang mga ito. Hindi ko naman ikakayaman o ikakagaling ng Papa ko kong papatulan ko ang mga chismoso at chisoma kong ka workmate.
Nang marating ko ang aking office, inilapag ko lamang ang mga gamit ko sa table.
Nakatingin lamang ako sa kawalan. Hindi maialis sa aking isipan ang babaeng iyon. Parang nagkita na kami ngunit hindi ko mahanap sa aking isip ang kasagutan na aking nais.
Iwinaglit ko sa aking isipan ang babaeng nag ngangalang Rea. Tininuon ko sa mga papeles na nasa ibabaw ng aking mesa ang atensyon. "Marami na pala akong papers na dapat ipapaperma kay Andy!"Nag ayos muna ako ng opisina at ng sarili ko bago lumabas dala ang mga papers na ipapaperma.
Nandito na ako sa harap ng office ni sir.
Kumatok ako subalit walang sumasagot. Dahil nakaopen naman ang pinto itinulak ko na lamang ito at pumasok na. Ginagawa ko nmn to lagi kaya hindi na masama.
Pagka lapag ko ng Papers sa mesa ni Andy may narinig akong mga mumunting tinig na nagmumula sa maliit na kwarto ni Andy.
Bakit parang nagtatalo, sabi nga nila curiosity is killing you. Dahil bukas ang pintuan hindi ako nag atubiling sumilip muna. Hindi sa chismosa ako pero baka kasi anu ng nangyayari sa loob baka ngpatayan na. Subalit mali ang nakita ko mali ang inaakala ko.
Napatulala ako sandali at feel ko nadudurog ang Puso ko at parang may likido na tumutulo mula sa mumunti kong mga mata.
Tumalikod ako at lumabas ng opisina niya. Dumiretso ako sa office ko at kinuha ang bag sabay lumabas ng office.
Habang tumatakbo ako palabas ng office narinig ko pang tinawag ako ni manong guard, subalit hindi ko iyon pinansin ayaw ko na makita niya ako na umiiyak
Dumiretso ako ng uwi sa bahay namin.
At doon ko ibinuhos ang luha na nag uunahan .
Tinixt ko na si mama na hindi muna ako makakapunta sa hospital dahil marami akong asikasuhin na papers.
"Stop it Andrea! You know that we're done!" tinulak ni Andy si Andrea dahil sa paghalik nito sa kanya." Ano pa ba ang ginagawa mo rito?" galit na wika ni Andy.
"Bumalik akk rito para sayo, para sa ating dalawa!" Wika ni Andrea at lumapit pa ito kay Andy.
"You're crazy! Gusto mong ipaalala ko sayo Rea, matagal na tayong wala. Simula ng niloko mo ako at nakipagtalik sa iba! How dare you to say that bullshi* !" galit na galit si Andy. Nandidiri itong hinahawakan siya ni Andrea. "Don't you ever touch me again!" Maowtoridad na wika ni Andy.
" Andy nagawa ko lamang iyo, dahil sa lasing ako. Sana mapatawad mo na ako. P-pl eee----!" Hindi na pinatapos ni Andy ang sasabhin ni Rea. Kahit gusto pang magpaliwanag nito.
" That's bullshi* Andrea. Patawarin? Nagpaoatawa kaba, sa ginawa mong iyon patatawarin kita? Iniwan ko ang babaeng mahal na mahal ko at mahal na mahal ako para sayo. Kahit ayaw ko, pero dahil iyon ang kagustuhan niyo. Pero anong ginawa mo? You're a fuckin* bullshi* Andrea. Hindi kita mapapatawad tandaan mo iyan. Now the door is open, you can leave." sabay turo sa glass door na bukas.
Timing naman ang pag pasok ni Nicole .
Nakita ni Andrea sa gilid ng kanyang mata na pumasok si Nicole dala-dala ang napakaraming papeles. n
Nakita niya namang sisilip ito sa nakabukas na pintuan.
Kaya bigla niyang hinalikan si Andy. Pilit siyang tinutulak nito. Subalit huli na, nakita na ito ni Nicole ang nangyari.
Nang makalabas na si Nicole ay siya naman ang pagbitaw ni Andrea na may ngiti sa labi.
"Okey! I'll go now, pero bukas babalik ako!" Naglakad na palabas ng pintuan. Ngunit lumingon ulit. " Babalik ako para bawiin ka sa kanya!" huling sabi nito bago tuluyang lumabas ng office.
Hinayaan na ni Andy na lumabas ito at diretso sa knmanyang table. Doon niya lamang napansi na may mga papeles sa itaas nito. Kaya bigla niyang naisip si Nicole.
"Hindi kaya nakita niya kami ni Andrea na nag-uusap o baka naman ang pag halik ng babaeng iyon!" kausap nito sa sarili. Napalingo na lamang siya ng kanyang ulo.
Naiistress na siya sa nangyari ng araw na ito.niluwagan niya ang kanyang necktie at napaupo pabagsak sa kanyang office chair. Napahawak na siya sa kanyang sentido. Pinakalma niya muna ang kanya sarili bago lumabas ng kanyang opisina. Tinungo niya ang opisina ni Nicole, subalit wala na roon ang kanyang hinahanap. Upuan at mesa ang bumungad sa kanya.
Umupo siya sa upuan ni Nicole at linagmasdan ng mabuti ang kabuohan nito. Napangiti na lamang soya ng mapait.
" I miss you, so damn Nicole! I love you so much! Hanggang ngayon ikaw parin ang mahal ko!" sambit nito sa kawalan. " Sorry sa mga nagawa ko! Sorry kong nagdulot ako sayo ng sobrang sakit at nagiwan ng pait. Sorry Nicole !" nanghihinang sambit nito ..
Napayuko lamang si Andy at mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.
Lumabas na ito ng office ni Nicole habang may mga lungkot sa mga mata.