webnovel

MY EX-FIANCE #4

NICOLE..

Maaga akong nagising dahil sa alarm clock ko. Pangalawang araw ko na ito sa opisina niya as his secretary.

Kaya bumangon na ako at ginawa ang morning ritwal ko .

Katulad kahapon pagkatapos kong maligo at mag ayos sa sarili bumaba na ako at kumain !

Binati ko naman si mama at papa pati na kapatid ko, at pagkatapos ko ring kumain umalis na ako ng bahay at diretso na sa office.

~fastforward~

Andito na ako sa company na pagtatrabahuan ko..

Papunta na rin ako sa elevetor, ng may makasalubong ako.

Matangkad,maputi,sexy at higit sa lahat maganda.

Parang nakita ko na siya, Hindi ko lang matandaan kong saan at kailan.

Hindi ko alam na napatitig na pala ako sa mukha niya!.

Nakita ko rin na nakatitig sya sa akin! Ako na unang umiwas.

Bumukas bigla ang elevator, at iniluwa ang napakagwapong nilalang na minamahal ko noon!.

Nagulat ako ng makita ko siya. Mas lalo akong nagulat sa nakita ko.

Hinalikan niya ba naman sa harap ko ang babaeng makakasabay ko sana elevator..

Laglag ang panga ko mga beh! Ang sakit-sakit!.

Parang feel ko may namumuong luha sa mga mata ko, pero pinipigilan kong huwag tumulo ang mga ito.

" not now " bulong ko sa sarili ko.

Nakaramdam siguro niya na may tao sa gilid niya!

Kaya ng makita ko na titingin sana sya sa pwesto ko, bigla akong tumalikod para Hindi niya ako makita!

" hon! let's go!" Sabi ng magandang babae!. 

"Okey hon! " sabay alis habang naka kapit ang babae sa braso ni Andy.

Nakakarinig naman ako ng mga bulungan sa company.

"Bagay talaga sila ma'am at sir no " epal 1

"mas bagay kami!" bulong ni Nicole sa sarili niya.

"Ang ganda talaga ni ma'm no ang puti - puti pa " epal2

"Mas maganda at maputi naman ako sa kanya! "

" Ang swerte ni ma'am kay sir " epal3

"Ede siya na ang maswerte "

"Kaya nga ehh!Bagay na bagay silang dalawa" epal2

"Tssk"

Ang aga-aga ehh nasisira ang araw ko!

Sasakay na sana ako sa elevator dahil bumukas na ito, kahit nadudurog ang puso ko. Ngunit may bilang magsalita sa likuran ko.

"Are you okay miss? " tanong ng lalaking ito na nasa likura  ko.

Ayaw ko sana siyang sagutin pero ang rude ko naman Kong ganoon!"Yah I'm Okay" sabi ko nalang at sumakay na sa elevetor. 

Okay lang malate wala naman ang boss ko ehh, naglalandi pa.

Pagdating ko sa opisina ko inayos ko nalang ang mga papeles na dapat ipapapirma ko mamaya kay Andy..

Halos maubos ang oras ko sa pag aayos lang ng gamit ko sa opisina ko.

Dahil walang boss ngayon kaya walang nangungulit sa akin.

 

Mabilis natapos ang oras ko, at ngayon out ko na.  Buong araw ko rin namang hindi nakita ang boss ko.

Malunod na ata yun sa babaeng kasama niya kanina.

"inggit kalang! Tsskkk !!Wag nang epal kasi utak.

Kaya nag ayos na ako ng gamit ko !

Pasakay na sana ako ng elevetor ng makasalubong ko sila.  *shi* napamura ako ng wala sa oras.

Agad-agad akong tumalikod para hindi ako makita !

"Salamat sa araw na ito hon! Nag enjoy ako! " sabi ng babaeng makati. Kung maka kapit kay Andy mas malala pa sa tuko.

"Tsskkk"

Pero teka lang nag enjoy? Huwag n'yong sabihing ginawa nila yung *  erase * erase * anu ba tong iniisip ko. Wala rin naman akong pakialam sa kanila.

Nag mapansin ko na wala na sila sa harap ko , pumasok na ako sa elevetorna bagsak ang balikat ko.

Habang naglalakad akong papunta ng sakyan pauwi sa amin , may nadaanan akong park . Kaya naisipan ko ring dumaan muna .

Pag apak ko palang sa park, napangiti ako ng mapait dahil sa park ko rin huling nasilayan ng mahal ko.

Habang nawiwili ako kakaisip nakita ko ang swing, kaya umupo ako dun.

At dun na nag uunahan ang mga luha ko.

Sa mga nakita at narinig ko kanina.

Ang sakit sakit lang. Ako dapat yung kasama niya kanina, ako dapat yung hinahalikan niya pero anung nangyari sa isang idlap nawala ang lahat sa akin nawala siya sa akin . At ngayon My ex-fiance is my boss nalang .

Nakatingin lang ako sa ulap, palubong narin pala ang araw .

Sana lulubog narin itong magmamahal ko sakanya.

Tumutulo parin ang luha ko ayaw paring matapos o maubos man lang .

Andy bakit? Bakit mo ito nagawa sa akin? Bakit mo ako iniwan at ipinagpalit sa iba.  Binigay ko naman lahat lahat sayo , yung pagmamahal ko buong buo kong ibinigay at inialay sayo , bakit ito ang iginanti mo sa akin? Simula ng araw na niloko mo ako, hanggang ngayon, andito parin (sabay turo sa puso ko) andito parin yung sakit , hindi nababawasan, at lalong lalo andito ka parin sa puso ko, ikaw parin ang sinisigaw nito !! Ang marter ko diba kahit nasasaktan na ako, heto parin ako patuloy na nagmamahal sayo.  Patuloy na umaasa na mamahalin mo ulit . Kahit patuloy na sinasaktan mo.  Kahit hindi mo alam na nasasaktan mo na ako.

Bakit ikaw pa, ang minahal ko ng sobra sobra na higt pa sa buhay ko ikaw pa ang nanakit at nagwasak ng puso ko !! Kailan ba ako mapapagod sa pagmamahal sayo? Hanggang kailan ?iniisip ko nalang na kaharap ko si Andy ngayon at nilalabas ko ang sakit na nararamdamn ko sa loob ng isang taon Nakakapagod na pero lintik na puso ikaw parin ehh !! ikaw parin hanggang ngayon !  Sana turuan mo naman akong kalimutan ka. Kasi ang sakit sakit na,  sobrang sakit.

Sana darating yung araw na makakalimutan na kita.

Dahil nakikita ko namang masaya kana sa iba.

Kahit masakit man hindi ko paring magawang magalit sayo.

Sana darating yung time na , makakangiti ako sa harap mo kahit hindi ako ang kasma mo.

Sana ito na ang huling pag luha ko ng dahil sayo.

.

.

.

.

.

.

Mabilis lumipas ang panahon, umabot na rin ako ng tatlong linggo sa company nya.

At ngayon break time ko na.

Aalis na sana ako ng office niya ng tumawag siya.

"Nic " tawag niya sa akin, dahil sa ako ay masunuring secretary, lumingon ako sa kanya.

"yes sir ! What can I do for you?"sagot ko sa kanya.Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

Kailan ba titigil itong kalukuhan ko sa kanya!

Yeah! Sa loob ng tatlong linggo parang nasanay naman ako sa presence niya sa akin, kapag kaharap o siya,hindi na ako nauutal.

"Cancels all my appointment now!" sagot nito sa akin sa malumanay na tinig.

"B-but sir, you have a very important meeting with Mr.C--!" naputol ang dapat Kong sabihin dahil ng salita na s'ya.

"No buts! Just cancel  all of it  and no need to worry I'll fix this. I know Mr.Chan will understand me!"  Wika nito sa akin.

"okay sir!" iyan lamang ang naisagot ko.

"Last thing, may pupuntahan tayo bukas ng umaga, magdala ka ng gamit mo, good for one week. Susunduin kita at 6'oclock in the morning. Prepare your self.

Natulala ako sa huling sinabi niya, prepare my self? Kaya bigla kong tinakpan ang buong katawan ko gamit ang dalawa kong kamay. Napatitig akong bigla sa pagmumukha niya. Mali naman siguro ang iniisip ko diba.

"h-huh!? S-sir? " utal-utal kong sabi.

"I said prepare your self,like matulog ka ng maaga!" wika nito sa akin na may kasamang mapang-asar na ngiti.

Akmang aalis na sana s'ya ng magtanong ulit ako.

"S-si , I mean Dy saan ba tayo p-punta?"  Huli na ng marealize ko sinabi ko.

Nakita kong ng smile sya, tapos bigla lumapit sa akin.

"See you tomorrow my!"Yan ang sabi,hindi niya man lang sinagot tanong ko..

TssKk...

Pero ,teka ano huling sinabi niya, MY short for Mommy.

Nung kami pa madalas yan ang tawag niya sa akin. Pero honey naman talaga ang endearment namin,  kapag gusto niya akong tawaging mommy ginagawa niya.

Feel ko umakyat ang dugo ko sa pagmumukha ko ,ang init kasi buti naka blush on ako hindi mahahalata.

Lumabas ako ng kompanya na may ngiti sa mga labi. Lahat ng nakakasalubong ko ay binabati ko. Ganito nga siguro ang feeling na sa tagal tagal ng hindi namin pagkikita,  sa isang idlap nawala ang galit,  inis at poot ko dahil lamang sa pagtawag niya ng My sa akin.

Mabilis kong tinungo ang paradahan ng taxi at umuwi na.

Bahala na bukas.

Makauwi na nga , pina out niya naman ako ng maaga ehh kaya mag beauty rest muna ako.

"See you tomorrow Andy,  my ex-fiance.

Chương tiếp theo