NAKAPIKIT si Khamya habang pinapakinggan ang alon sa dagat. Tumabi sa kanya sa buhanginan si Beiron at inabot ang peach chardonnay sa kanya. "Here."
"Thanks," usal niya at pinagmasdan ang mumunting ilaw sa dagat.
"Sigurado ka na dito mo lang gustong mag-dinner? We can still go out."
Umiling siya. "This is perfect. Gusto ko dito lang sa tabi ng dagat. Bata pa lang ako, gustong-gusto ko nang makakita ng dagat. Mahirap lang kami kaya masaya na ako kapag naipapasyal ako ng nanay ko sa Luneta. Pangarap ko noon kapag yumaman ako, bibili ako ng sarili kong isla. Doon kami titira ni Nanay. Kaso namatay si Nanay nang di ko man lang siya naipapasyal sa beach."
"Nami-miss mo siguro siya."
Sumimsim siya ng alak. "Bata pa lang ako, kami na ang laging magkakampi. Kaya nang namatay siya, mag-isa na lang ako."
He laced his fingers with hers and looked into her eyes. "Mag-isa ka pa rin ba? Nandito naman ako. Hindi naman kita iiwan."
He was right. Kapag kasama nga niya ito, di na siya nalulungkot. "Alam mo ba na kapag kasama kita, saka lang ako nakakapag-relax? Akala ko kasi self centered chauvinist ka tulad ng pagkakakilala ko sa iyo."
"What changed your mind?"
"Noong nakakulong ako sa Bhakrat, di ka nagdalawang-isip na tulungan ako. Hindi ka natakot na baka makasama sa pangalan mo ang pagtulong sa akin. Sinabi rin ni Arabella na tinutulungan mo silang makalaya ng mga kasama niya. Na tutulungan mo rin siyang makauwi sa Pilipinas. At bibigyan mo rin ng pagkakakitaan ang mga babaeng dating prostitutes. Kung katulad ka lang ng ibang lalaki dito, ano nga ba naman ang pakialam mo sa kanila? Basura na ang tingin ng iba sa kanila."
"Ngayon ko lang na-realize na isa rin ako sa nagbubulag-bulagan sa problema dati. Kung di mo pa ako hiningan ng tulong, di ko malalaman ang totoong sitwasyon. Na walang kumikilos para solusyunan ang problema. Binigyan mo ako ng pagkakataon para magbago kahit na mabigat ang loob mo. Dapat lang na bigyan din sila ng pagkakataon na magbago, hindi ba?"
"Thank you. Makakatulog na ako nang mahimbing dahil mas mabuti na rin ang kondisyon nila. At sana di na rin sila madagdagan. Sana lang matutong rumespeto ang mga lalaki sa mga asawa nila para di na matulad sa kanila."
"Bakit ikaw ang nagpapasalamat? Ako ang dapat magpasalamat. I never cared about those issues before. masaya na akong magbigay sa charity. Akala ko sapat na iyon. Sa tingin ko kasi noon di ko kayang ayusin ang lahat ng problema. Masaya na ako kung ano lang ang kaya kong itulong. Pero iba pala kapag kaharap mo na ang mismong problema at parang ikaw lang ang makakatulong sa kanila."
"Wow! I am sure maraming babae ang lalong mai-in love sa iyo ngayon. You are a real knight in shining armor."
Naging seryoso ang ekspresyon nito. "Hindi ako magbabago kundi dahil sa iyo. And I even swore before that no woman could change my ways."
"Bakit naman nabago ang isip mo dahil sa akin? Hindi ba dapat nga mairita ka dahil lagi na lang kitang kinokontra. Sabi ko pa nga ayaw ko sa iyo."
Lumapad ang ngiti nito. "Most of the girls I know say that I am more than perfect. That I am a God's gift to women. Pagkapanganak ko pa lang, iyon na ata ang sinasabi ng lahat. Pero wala iyong epekto sa iyo. Ipinakita mo sa akin na marami pa akong dapat na patunayan. And I am dying to have your approval."
"Nagpaapekto ka naman sa opinion ko?"
"I don't know. May mga feminist naman na galit na galit sa akin pero di ko pinapansin ang mga sinasabi nila. Pero nang ikaw ang magsalita, parang tumagos sa dibdib ko. Noong una, gusto ko lang patunayan na pwedeng ma-in love sa akin ang kahit na sinong babae. Kahit pa kasing suplada mo."
"Ego lang naman talaga ang dahilan kaya nanliligaw ka, di ba?" Palibhasa ay balewala sa kanya ang mga bagay na kinahuhumalingan dito ng ibang babae.
"Hindi na. Bawat araw na kasama kita, sumasaya ako. At nang makulong ka, parang gusto kong magwala. Ayokong nasasaktan ka o napapahamak." Mahina itong tumawa. "Nabaligtad yata ang sitwasyon. Sa halip na mapaamo kita, ako pa ngayon ang parang baliw na sunud nang sunod sa iyo. And I won't let anybody hurt you."
"Di mo ba naisip na di akomasasaktan kung lalayuan mo ako?"
Niyakap siya nito. "Huwag mong hihingin sa akin iyan. I want to stay with the woman who made me a better man. Stay with me, Khamya."
His lips fastened with hers. His mouth gave her the most intense pleasure and emotion she had ever known that it made her head spin and her heart race.
She thought that kissing was a dirty act and not an act of love. Na baka lalaki lang ang nag-e-enjoy at magiging sunud-sunuran lang ang mga babae. But she didn't feel that with Beiron. There was gentleness and respect in his kisses. At may pag-alalay sa bawat haplos nito. Dahan-dahan siyang natutunaw.
He made her feel beautiful and loved. He made her feel like she was the most important woman in the world.
Sabi niya ay di siya magpapadala sa simpleng halik lang. Pero heto siya ngayon, parang dahon na tinatangay ng malakas na agos.
Hinaplos nito ang pisngi niya. "I can feel it. May nararamdaman ka rin para sa akin, hindi ba?"
Hindi niya magawang tumutol. Amnado siyang di na niya kaya pang kontrolin ang nararamdaman kapag kasama ito. He dominated her heart already. "But I won't stay here for long. Sa isang buwan na ako babalik sa Pilipinas."
"And so? Hindi ba kita pwedeng sundan sa Pilipinas? Mas gusto ko nga kung nandoon tayo. Mas malaya tayong makakagalaw."
"Are you sure about your feelings for me?"
Kumunot ang noo nito. "Wala ka bang tiwala sa nararamdaman ko o gumagawa ka lang ng dahilan para hindi ako sagutin?"
Di siya nakasagot agad. "I just need more time to analyze how I really feel. Kung sasagutin kita, di lang dahil espesyal ang nararamdaman ko para sa iyo. Di naman kasi ako sigurado kung handa na akong makipag-relasyon. Ni wala nga akong balak na magka-boyfriend o magkaasawa. So this is new to me."
Hindi niya alam kung paano iha-handle nang maayos ang isang relasyon. Kung ano ang dapat gawin kapag nagseselos o kung paano iha-handle nang maayos ang trabaho at ang oras niya para dito. Napaka-komplikado. Di naman kasi niya pinag-aralan sa university ang usapin ng pag-ibig.
Tumayo ito. "May party tayo na pupuntahan tatlong linggo mula ngayon. Bago ang party o sa mismong araw ng party, kailangan ko ang sagot mo."
"Three weeks?"
"I need an answer, Khamya. It is important to me."
Sapat na panahon na marahil iyon para mag-isip siya. Kailangan lang niya ng sapat na panahon para mag-isip subalit alam na niya ang sagot sa tanong nito.
Sa nangungulit po na ilabas ang Alleje brothers, i-check po nila sa teaser nitong story kung ano po ang numbering ng Stallion Boys. May number po na sinusunod sa pagpo-post. Wag pong mangngarag.
Thank you! :)