webnovel

Chapter 19

"You mean she is not a part of your company?" tanong ni Yuan.

"It is just a special favor," wika ni Hiro.

"If she has no future with you, I will hire her," walang gatol na sabi ni Yuan. "I need someone who is good in various languages. I am about to open my own online company soon. Are you interested, Miss Caliente?"

"I am not sure yet," usal niya. Parang napaka-tyrant kasi na boss ni Yuan.

"Anyway, here is my calling card. We can discuss the details of your job, salary, compensations and your demands."

"Sir, nandito na po ang order ninyo," malambing pang sabi ni Quincy habang bitbit ang tray ng pagkain ni Yuan.

"Not here! On my table!" gigil na sabi ni Yuan at sinermunan na naman si Quincy. Habang si Quincy ay nakangiti lang. Parang nananadya pa.

"Bakit hindi mo pa tanggapin ang offer sa iyo ni Yuan?" tanong ni Hiro.

"It is too good to be true. Parang nabibigla lang ako. Hindi pa naman niya ako kilala pero nag-offer agad siya ng work."

"Well, Yuan knows that I only hire people who are good. At kahit temporary lang kitang kinuha, alam niyang magaling ka."

"Totoo ba ang sinabi niya na hindi ka nagsasama ng ka-date mo dito?"

"Yes. Mas gusto kong kasama ang mga kabayo ko. They give back the affection that I give them. But they are not so demanding. Isa pa, hindi rin sila ma-pride," he said absent-mindedly.

"Hindi mo naman ako masyadong pinariringgan?"

"Oh!" Parang noon lang nito na-realize ang sinabi. "I didn't mean to offend you. Wala akong masamang ibig sabihin sa pride."

"Well, tama ka nga naman. Reiki and your horses are less demanding. Hindi mo rin kailangang mag-alala kung ibe-break ka niya. They are all yours. Ikaw ang master nila at lahat ng gawin mo masusunod," aniya at pilit na ngumiti. Ngayon niya higit na naunawaan kung gaano katindi ang sakit na ibinigay niya kay Hiro nang sabihin niyang hindi niya ito kailangan sa buhay niya.

"Jem, I didn't take it against you. Minahal kita at hindi ko pinagsisisihan iyon. At nang mahalin kita, tinanggap ko ang lahat sa iyo. Pride and all."

"Thank you, Hiro. Kain na tayo. Gutom na ako."

And I lost it all, Hiro. Nawala na sa akin ang pagmamahal mo. I don't think you deserve someone like me either. Masisira lang kita.

Chương tiếp theo