Pumalakpak sina Jemaikha at Hideto habang pinapanood ang dance exbihition ng mga samurai sa courtyard. Lumabas ang isang lalaki na nakasuot lang ng itim na hakama at single shoulder chest guard. May hawak itong yumi bow at palo. Nakapusod ang mahabang buhok nito na lampas-balikat.
"Hachiman!" sigaw ni Hideto na nakakandong sa kanya.
Subalit hindi si Hachiman ang nakikita niya. The man had that familiar grace and dignity around him. Di lang niya makilala ang mukha nito dahil sa suot na maskara. Pinaligiran ito ng mga samurai at kunyari ay nakikipaglaban. Sa huli ay inangat nito ang pana at ang palaso na may apoy at pinatama sa target. Bullseye.
May isa pang pana na natira sa kamay nito. Akala niya ay ititira ulit nito. Sa halip ay naglakad ito papunta sa direksyon niya hanggang tumigil sa harap nila. Lumuhod ito sa harap nila ni Hideto at inalok ang pana sa bata.
"Arigatou. Are you Hachiman?" tanong ng bata. "The god of the archers and other warriors?"
"Who taught you that?" tanong ng lalaki sa likod ng maskara. Itinuro siya ni Hideto at umangat ang tingin ng lalaki sa kanya. Parang tumatagos ang titig nito. Hindi siya makahinga. Hindi niya alam kung bakit may ganoon itong impact sa kanya samantalang hindi naman niya nakikita ang mukha nito.
Nagulat na lang siya nang tanggalin ni Hideto ang maskara nito at nahantad sa kanya ang mukha ng archer. "Hiro Hinata," usal niya.
Hinawi nito ang buhok na ngumiti sa kanya. "Yasashiburi, Jemaikha-hime. It is good to see you again."
Subalit pinagkaguluhan na ito ng mga tao na gustong magpa-picture bago pa siya nakapagsalita. "I got Hachiman's arrow and mask! Yeyyyy!" masayang sabi ni Hideto at ipinagmalaki pa sa kanya.
"And he still got a hold of my heart." Hindi madaling kalimutan si Hiro Hinata at di niya ito makakalimutan Habambuhay na nitong hawak ang puso niya.
Masakit ba? Of course, this is a throwback story. You will read their final book next.
Who is excited?