webnovel

Gino Santayana Chapter 21

MARAHANG kumatok si Miles sa private office ni Gino. Higit isang linggo na mula ang tournament. Mula noon ay di na siya nito kinibo. Di na rin ito palabiro sa kanya. Samantalang di naman nagbago ang pakikitungo nito sa ibang tao. She missed the old Gino she knew. Iyong mahilig mag-flirt at sweet. Pero hindi niya alam kung babalik pa ang dating Gino sa kanya.

"Come in," anang si Gino pagkatok niya.

"Sir, pwede kayong makausap?"

Inangat nito ang tingin sa papel na hawak. Napansin niya na nakakalat sa table ng schedule nila, costing at pati accounting report. Lahat kasi ay si Gino ang gumagawa. Kaya hindi simple ang trabaho nito. "Pasensiya na kung makalat."

"Hindi naman ako magtatagal. Gusto ko lang mag-sorry sa nangyari noong nakaraan. Napahiya ka dahil sa akin."

"Iniisip mo pa rin ba iyon? Forget about it!"

"Baka kasi nagalit ka sa akin. Sorry kung hindi ako nakipag-date sa iyo. Sorry rin kung inakala mong inisip ko na mababaw kang tao. Ayoko lang naman na mapahiya ka. Siyempre, may sinasabing tao ang mga iyon. Sino ba naman ako…"

"Stop belittling yourself, Miles. Di dahil may pera ang iba sa kanila, mas mabuti na silang tao kaysa sa iyo. Some have their own insecurities na pinagtatakpan nila ng pera. At di rin lahat sa kanila, tinitingnan ang suot ng mga tao. You have a decent job. You know how to work. You should be proud of yourself."

"Yes, Sir!" aniya at tumango. Hindi niya makakalimutan na sinabi ni Gino na proud ito sa kanya. Kahit simpleng service crew lang siya. "Thank you."

"Huwag ka munang umalis. Nabanggit sa akin ni Jhunnica na nag-comment ka tungkol sa mga dessert at pastries natin. You are not happy about them?"

"They taste good. Pero mas maganda po sana kung may iba pang variety tayo na io-offer sa mga guests natin. We can even make a sensation out of our desserts if you want. After all, marami sa mga customers natin mahilig sa coffee at tea. And they are perfect for pastries and cakes."

"Nabanggit mo sa akin na gusto mong maging pastry chef. Bakit hindi ka na lang nag-apply na pastry sous chef?"

"Wala pa akong certificate sa baking and pastry. Hindi ko natapos ang special course dahil kinulang ako ng pang-tuition."

"You have lots of potential, Miles. Nakausap ko ang manager mo sa DOME. Isang semester na lang yata ang kukunin mo. You can still work while taking up that last semester. Your culinary arts school has a branch in Tagaytay. You can transfer there. We can provide you the tuition and hire you right away."

"Hindi, Sir! Mag-eenroll naman ako. Nakaipon na ako. Hindi na siguro kailangan pa na gastusan ninyo ako." Sanay siyang magsumikap nang sarili niya. College pa lang ay working student na siya. Sa laki ng tip niya na natatanggap sa riding club at dahil wala naman siyang masyadong gastos, nakatipid siya sa sweldo niya at malaki ang tip. Sapat na ang naipon niya para mag-enroll.

"We will expand the dessert line with your help. A few months from now, we will celebrate the Rider's Verandah's anniversary highlighting our new line of desserts. Kausapin mo ang pastry chef natin para sa mga bagong recipes."

She stared at him open-mouthed. "I would be like a pastry sous chef?"

"Yes. A sous chef."

"Sigurado kayo, Sir?" Parang inilalapit na siya nito sa pangarap niya. Sa pagiging sous chef ay mate-train siya. At ilang taon pa ay magiging chef na siya.

"Of course. Alam ko na hindi mo ako ipapahiya."

Ginagap niya ang kamay nito. "Thank you, Sir! Gagalingan ko, promise!" Sa pagkakataong ito, titiyakin niyang di na mapapahiya pa si Gino.

Chương tiếp theo