Chapter 25 | Student's Night
Nicole Jane's POV
I immediately sprawled on my bed and close my eyes the moment I entered my room. I feel so drained and exhausted.
"Hey, Nicole Jane Parker! Don't sleep yet!" Mikan pinched both of my cheeks, but I didn't budge. My bed feels like heaven that I can just stay here forever and sleep the hell out of it.
Nanatili lang akong nakapikit hanggang sa maramdaman ko ang paggalaw ng kutson. Napangisi ako. Mukhang napagod rin ang babaeng 'yon sa kakakulit sa 'kin.
Exam week has just ended. Isang linggo rin akong zombie mode dahil madalas na wala kong tulog nang dahil sa pagre-review. Ni hindi nga rin kami masyadong nakapag-usap at nakapag-bonding ni Kyle at ng iba pang royalties.
Unti-unti na kong nilalamon ng antok ng biglang...
"Gigising ka ba riyan o mabibingi ka?"
Napabalikwas na lang ako ng bangon nang marinig ko ang malakas at nakakairita niyang boses. Sensitibo pa naman na ang tainga ko sa ingay ngayon.
"What the hell? Where did you find that?" I glared at her, then to the microphone that she's holding. Kaya pala halos mabasag na ang eardrums ko dahil talagang tinutok niya pa 'yan sa mismong tainga ko.
Bago pa siya makasagot ay bigla na lang sumulpot ang humahangos na si Steph sa pinto.
"Nicole, anong nangyayari rito?" Dali-dali pa siyang lumapit sa 'kin para suriin kung maayos lang ba ko.
Napansin ko naman ang biglang pangungunot ng noo ni Mikan. Mukhang naguguluhan siya sa ginagawa ni Steph.
With that, I gave Steph a warning look. Mabuti na lang at nakuha niya agad ang gusto kong iparating at natatawa na lumayo sa 'kin.
"Pasensya na. Nakarinig kasi ako ng mga sigawan dito kaya akala ko ay kung ano na ang nangyayari," pagdadahilan niya.
"Oh. Okay. No worries. Ganito talaga kami maglambingan ni Nicole." Mikan smiled at her.
I rolled my eyes and throw myself on the bed again. But I grunted when she continues her rants.
"Nics, get up! There's a party at the function hall later and we need to come." Niyugyog niya pa ang balikat ko.
"Just freaking leave me alone, Mikan. You can go if you want. Just don't drag me with you," I said in tired and sleepy voice.
Ilang minutong katahimikan ang dumaan. Unti-unti na kong nilalamon ulit ng antok ng biglang...
"You'll go to the party and that's final."
Napamulat ako bigla ng mga mata. Then there I saw Kyle and the other royalties standing in front of our door.
Please, I just want to get some sleep! Ano ba ang mahirap intindihin do'n? Palibhasa mga hindi sila natutulog!
"No. I won't go to the party and that's final."
Sinubsob ko ang mukha ko sa unan at pumikit. Gusto kong matulog at walang makakapigil sa 'kin.
Not even them or him.
-----
Fine. I know that I won't win against all of them.
Humihikab na inabot ko ang baso ng cocktail drink ko. I used to go to the parties before, but not when I totally need a sleep.
Pero ano nga ba ang laban ko mag-isa sa kanila? If I could only use my ability to them.
But of course I can't do that. Besides, I can't still control my abilities right now.
Taon-taon daw kung ganapin ang student's night at required ang lahat ng mga estudyante na dumalo sa event na 'to. No'ng nakaraang taon nga raw ay pumunta pa rito mismo si Uncle Zach para pamunuan ang party.
Pero ayon kay Kyle ay masyado raw abala ang Dad niya sa palasyo kaya hindi ito makakapunta ngayon.
Mayaya nga si Kyle at ang iba pa na dumalaw ro'n minsan. Hindi na rin kasi nila naabutan ang paggising ko no'n. Kahit sina Mommy at Daddy ay hindi ko pa rin nakikita ulit. I suddenly miss them.
I sighed and roamed my eyes on the crowd to search for him. But he's still nowhere to be found, even Vince. Ang mga miyembro naman ng Student Council ay pawang mga abala sa pag-aasikaso ng event.
Hindi ko sila nakikita ngayon bilang mga royalties. Kung hindi mga normal na estudyante lang din na ginagampanan ang kanilang mga tungkulin.
Some of the students had started to eat, while the others were sipping their drinks. But most of them were busy chatting to each other.
I shook my head when I even caught a sight of some couples that were making out on the corner. Vampires are indeed a wild one.
Ang halos lahat ay nakasuot ng magagandang damit at tila mamahaling mga sapatos. Patalbugan kung patalbugan naman ang iba na halos lumuwa na ang kanilang mga hinaharap.
Napasimangot ako. Mga nagmamadali maging dalaga ng husto.
While I am just wearing a tube black balloon dress and 3-inch heels. Then Mikan is wearing a semi-formal lacy dress and Steph is wearing a yellow cocktail dress. Pare-pareho namang light lang ang make-up namin dahil wala kaming balak na magmukhang clown sa gabing 'to.
"Hey! Why do you keep on standing there? Ako ang nangangalay sa 'yo, eh," puna ni Mikan kay Steph.
"I prefer to stand. Thanks anyway," pormal na sagot naman ni Steph.
Napailing na lang ako. Sa totoo lang ay kanina ko pa rin siya pinapaupo. Pero mas gusto talaga niyang tumayo sa tabi ko na parang guwardiya na handang dumepensa sa kung sino man na may balak umatake sa 'kin.
Nagkibit balikat lang si Mikan bago ibinaling ang atensyon kay Kira, na kasalukuyang may kausap sa gilid ng stage. Biglang lumungkot ang kanyang mga mata.
No'ng nakaraan ko pa 'to napapansin pero hindi ako makakuha ng tiyempo para tanungin at kausapin siya. I am also busy these past few days that I'm not updated on what's happening to them anymore.
I was about to call her when my attention shifted to the two wooden door when I heard it opened. Seconds passed and the figure of the man that I'm looking for finally comes out.
Halos lahat ng mga tao rito ay sa kanya natuon ang atensyon. Most especially the girls.
Everything went so slow. Our eyes locked to each other the moment he found mine. He started to walk slowly towards my direction wearing his charming smile. Sa isang iglap ay tila kaming dalawa na lang ang nandito at naglaho ang lahat ng nasa paligid. I was so drowned by those set of brown eyes that I can stare for it forever.
Nakatitig pa rin ako sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang makalapit sa 'kin. I want to speak, but I just can't find a word to say. There was a hint of amusement in his eyes. Nakita kong bumuka ang bibig niya para magsalita pero wala naman akong naririnig na kahit ano. Basta nakatitig lang ako sa kanya. Memorizing each part of his face. How I want to caress it right now.
Natauhan lang ako nang may bigla na lang tumampal sa braso ko. Sinamaan ko ng tingin si Mikan, pero nginisihan niya lang ako.
"You're totally whipped my friend. Kanina ka pa kinakausap ni Kyle pero para kang ewan na nakatulala riyan." She giggled.
Pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi ko nang dahil sa sinabi niya.
Kyle chuckled that made me hit his arm. "Anong tinatawa-tawa mo riyan?" Tinaasan ko siya ng kilay.
He laughed, then pointed to the side of my lips. "Tulo laway ka pa."
Nanlaki ang mga mata ko. Magsasalita pa sana ko ng biglang pumailanlang ang pamilyar na kanta ni John Legend na All of Me.
What would I do without your smart mouth?
Drawing me in and you kicking me out
You've got my head spinning, no kidding, I can't pin you down
"Can I have this dance?" Kyle hopefully asked with a sweet smile. Ilang beses pa kong napakurap bago ko tinanggap 'yong nakalahad niyang palad.
"Sure." Tumayo ako at napangiti na lang sa ginawa niyang pag-alalay sa 'kin, na para bang isa kong babasaging bagay na kailangan niyang ingatan.
What's going on in that beautiful mind
I'm on your magical mystery ride
And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright
The moment we arrived on the dance floor, he put my hands on his shoulder and grabbed my waist possessively as we started to dance.
"Hello there, gorgeous." He grinned and I just pouted.
"Oh, please, don't be like that. Or else I'll kiss you."
Napasimangot naman ako bigla sa sinabi niya. "You're such a pervert, Kyle."
Napakunot-noo siya. "No, I'm not. Is there something wrong if I want to kiss my girlfriend?"
My head's underwater
But I'm breathing fine
You're crazy and I'm out of my mind...
"Yeah. There's no definitely wrong with that. But not here."
I mentally slapped myself. Huli na para bawiin ko pa ang sinabi ko. Paniguradong may kung ano na naman siyang iniisip.
An evil smile formed on his lips. Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh.
"Then please tell me about where is the appropriate place to do it. I'll be more than willing to come with you."
Nang dahil sa sobrang inis ay tinapakan ko ang paa niya. That scene caught the attention of almost half of the student body. Some girls even sent me deadly glares and I even heard the others gasped.
But as if I give a damn.
You're my downfall, you're my muse
My worst distraction, my rhythm and blues
I can't stop singing,
It's ringing, in my head for you
My head's under water
But I'm breathing fine
You're crazy and I'm out of my mind
"I was such a battered boyfriend to you. Pero ang cute mo talaga sa tuwing naiinis at namumula 'yang mukha mo," pang-aasar niya pa.
Inalis ko ang pagkakahawak sa balikat niya at akmang iiwan ko na siya, nang mabilis niya kong nahawakan sa braso.
"Hey. Sorry. Can't we just enjoy the night?" He looked at me with those pleading eyes.
I sighed defeatedly. "Fine. Sorry rin. Ikaw naman kasi."
He kissed my forehead and I just closed my eyes.
"Feeling better?" nakangiti niyang tanong.
Napatango na lang ako, bago humilig sa dibdib niya. Dinig na dinig ko ang malakas at mabilis na pagpintig ng puso niya. How I love this moment. Sana ay palagi na lang kaming ganito.
Niyakap niya ko nang mahigpit at gano'n din ang ginawa ko sa kanya. Mas lalo ko namang isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya para amoy-amuyin siya. He really smells good.
Give your all to me
I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning
Cause I give you all of me
And you give me all of you, oh oh
"Ang sweet naman this couple!"
Muntik pa kong mapatalon sa gulat nang may biglang tumili. Agad na inilibot ko ang tingin sa paligid. Kasama na pala namin ang iba pang royalties na nagsasayaw rito, pati na rin ang mangilan-ngilan pang estudyante.
Reiri was paired by Hiro. Halos katabi lang namin sila. Nagsasayaw silang dalawa, but at the same time ay nag-aaway pa rin.
Hindi ko maiwasan ang magduda sa ikinikilos nilang dalawa. These past few days ay napapansin namin na madalas silang magkasama. Though they're still always fighting as usual. Pero ang ipinagtataka namin ay ang pagsunod ni Hiro sa bawat iutos ni Reiri kahit halatang labag naman sa loob niya. I even remembered him dancing in the middle of the school field because it was what Reiri wants him to do! That made him earn a non-stop laugh and tease for all of us.
Sa bandang likod naman nila ay nando'n sina Miley at Kira na parehong nakatingin sa 'min. Mukhang kasisimula pa lang nila magsayaw at nasisiguro ko na si Miley 'yong tumili kanina.
But wait...
Agad na inilipat ko ang atensyon sa kinauupuan namin kanina. Pero wala na si Mikan do'n. Napansin ata ni Steph na hinahanap ko si Mikan dahil agad niyang itinuro 'yong pinto. Dumako naman do'n ang tingin ko. Pero tanging ang likod na lang niya ang nakita ko hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas.
"You okay?" Kyle asked worriedly.
"Yeah. I'm fine." I forced a smile.
Nagpatuloy lang kami sa pagsasayaw. Enjoying and cherishing the moment. Kahit ang totoo ay hindi ko maiwasan ang mag-alala para kay Mikan.
Mukhang hindi ko na siya kailangan pang tanungin. Because by the looks of it, it seems like I finally got an answer to my questions.
I give you all of me
And you give me all of you, oh oh
Kasabay ng pagtatapos ng kanta ay napuno ng ingay ng masigabong palakpakan ang buong paligid.
-----
Third Person's POV
Habang patuloy na nagkakasiyahan ang lahat sa function hall ay may isang pares ng mga mata ang nagmamanman sa kanila mula sa labas.
Ngunit sa pagtatapos ng kanta ay agad itong tumalikod at tahimik na lumakad paalis, upang simulan ang dapat niyang gawin. Ang makapaghanap ng bampira na magagamit niya para sa kanyang plano.
Sa kanyang pagliko sa gilid ng dormitoryo para sa mga bampira ay bigla siyang napahinto nang matanaw ang dalawang estudyante na naghahalikan. Tahimik siyang lumapit sa mga ito para may kumpirmahin.
Hindi nga siya nagkamali ng hinala. Agad siyang naramdaman ng mga ito at mabilis na napalingon sa direksyon niya.
They were vampires. Just perfect.
Itinago niya sa likod ang dala-dalang maliit na bag, bago dahan-dahang inilabas mula ro'n ang dalawang syringe.
"Having some fun out there, huh?" nakangisi niyang tanong sa mga 'to.
Halata naman ang iritasyon sa mukha ng mga 'to. "It's none of your business. Leave us alone," malamig na tugon ng lalaki at nagpatuloy na ang mga ito sa ginagawa.
Ni hindi man lang siya natinag o natakot at nanatili lamang sa kinatatayuan.
"I'm sorry to say this, but I can't just leave the two of you alone. Because you both are my business."
Marahas siyang hinarap ng dalawa. Pero bago pa man may muling makapagsalita sa mga ito ay agad niyang naitusok sa lalaki ang isang syringe.
"Anong—" hindi na nito nagawa pang tapusin ang sasabihin dahil agad itong nawalan ng malay at dahan-dahang bumagsak sa lupa.
"Who the hell are you? What did you do to him?"
Galit na galit na sumugod sa kanya ang babaeng bampira, pero maagap niyang naisaksak dito ang natitira pang syringe.
Napangiti siya nang mapagmasdan ang dalawang bampira na pawang mga nakahiga at wala ng malay.
"Rest well and enjoy your meal later," mapait siya tumawa at nagsimula ng maglakad palayo.