Serena's PoV
NGAYON ang unang araw ko sa klase. Napagkasunduan ng lahat, na sa kung anong kadahilanan ang hindi ko alam ay hindi ako kasali, na mag-aaral ako dito sa Hope Academy habang wala pa akong naalala. Kung inosente ako, ay hahayaan nila akong mag-aral dito kahit manumbalik na ang alaala ko, at kung kalaban ako, sabi nga nila, 'Keep your friends close, and your enemies closer', sila ang unang magliligpit sakin.
Sa hindi ko rin malaman na dahilan ay sinuportahan ni Kuro ang ideya na 'yun. Kaysa sa hayaan ang management ng Hope Academy na mag-interrogate sa akin, sabi ni Yzza, mas gugustuhin pa daw ni Kuro na siya mag-isa ang tumuklas sa katauhan ko. Kuro sees me as a challenge and a mystery he needs to solve. Nagkibit-balikat na lang ako sa sinabi ni Yzza at sumama sa kaniya.
Napag-alaman ko na apat na taon ang ginugugol ng mga estudyante sa Hope Academy, bago sila maghiwa-hiwalay para sa mga kukunin nilang trabaho, base na rin sa kapangyarihan. There are merchants, politicians, guards, mages, businessmen and many more. Ang Elites ay binubuo ng isang freshman, tatlong sophomore (isa ako doon, at hindi ko rin alam kung paano ako nasali sa Elites, pero simula daw ngayon ay unofficial member na ako ng Elites), dalawang junior at dalawang senior. Kuro is the only freshman, while Karlos, Yzza and I are all sophomores. Si Damien at Hinata ay parehas juniors habang ang hindi ko parin nakikilang Harold at Tenshi ay parehas Seniors. Sabi ni Yzza makikilala ko daw sila mamayang lunch dahil sabay laging kumain ang Elites. Ngayon lang din daw umuwi ang dalawa, kaya sa tatlong araw kong pananatili sa dorm ng Elites (kasama na ang isang araw na nakakulong ako), ang lima pa lang ang kilala ko.
I unconsciously observed everyone and realized about it yesterday when I compared Yzza and Hinata to each other. Yzza is a bubbly girl, definitely a friendly one. She's outgoing and firmed to what she believes in. Most of the time reckless, and 100% clumsy. Out of 10 times na umakyat baba ito ng hagdan, 6 na beses siyang muntik ng mahulog.
Hinata is the counter part of Yzza. A shy, timid girl who's 'royally' in and out. Elegante ito kumilos at minsan lang magalit. Mahirap din pikunin, pero kapag ang buhok na nito ang pinakealamanan, ang mahinhin nitong boses ay biglang tumataas. At kapag galit ito, mapanakit ito. Literal ko iyong nakita ng balutin nito si Damien ng bato, dahil nagulo nito ang buhok ni Hinata. Mess up in and with everything, buti never Hinata's hair.
Kuro is definitely too much into his powers. Like a fire, Kuro can be pretty aggressive. Reckless ito sa lahat ng bagay, maliban na lang kapag tiwala nito ang nakataya, well, reckless pa din ito dahil kung wala sila Yzza ay baka natusta na ako nito. He said that to me, I'm not assuming things. Siya ang nag-iisa sa Elites na nambabanta sa akin. Literal na mainitin ang ulo ni Kuro, pinakamadaling mapikon sa lima. So far, I still didn't experience his anger firsthand, or even see how he goes bersek. But I can imagine with his attitude these past few days. Bossy ito, at kahit mas matanda si Yzza ay hindi nito ito pinapakinggan. Natututo lang itong manahimik kapag nag-init na ang ulo ni Hinata, na napag-alaman kong nag-iisa pala nitong pinsan.
Damien is the cook of the house. Pero kapag may pasok daw ay sa umaga at gabi lang ito nagluluto dahil sa cafeteria ng school sila lahat kumakain 'pag lunch. Si Damien ay maloko, pero may pinakamaamong mukha. Boy-Next-Door ang dating at laging kinukulit si Hinata, pansin na nga ata ng lahat maliban kay Hinata na may gusto ang binata sa kaniya.
Karlos is the biggest jerk, at the same time, the funniest person I've ever met. Ilang beses na akong nakakita ng mga babaeng lumalabas sa kwarto nito mapaumaga o gabi (pinaggigitnaan ng kwarto nila Karlos at Yzza ang kwarto ko), kung hindi nag-aayos ng damit at magulo ang buhok, mga umiiyak. Ang pinakadakilang babaero ng Elites, kaliwa't kanan ang mga babae, literal. Dahil habang naglalakad lang naman kami sa grounds, ay dalawang babae ang inaakbayan niya, isa sa kanan, isa sa kaliwa.
Ngayon ko lang din talaga unang nakita ang kasikatang meron ang Elites. Nakakulong ako sa bahay nila, at hindi lumalabas dahil nga ngayong araw lang din napagkasunduan ang tungkol sa pag-aaral ko, kaya wala akong kaalam-alam, na sa tuwing dadaan pala ang kahit isa sa kanila, ay pinagtitinginan sila ng lahat. Automatic ding humahawi ang lahat sa daraanan nila kapag naglalakad.
I inwardly frown when their stares shift to me. Ang ilan ay bakas ang pagkamangha, na hindi ko alam ang dahilan, siguro dahil sa kakaiba kong kulay ng buhok at mata. Ang iba naman ay pagtataka, hindi ko na kailangan pang isipin kung ano ang iniisip nila, bakit ko kasama sina Yzza at Karlos, o hindi kaya'y sino ako Some looks at me indifferently. Some glares at me, probably because I'm with the two of the oh-so-called Great Seven. Pero kahit inis na inis na ako sa mga tingin nila, pinanatili kong neutral ang emosyon sa mukha ko at hindi nagbaba ng tingin.
Sinabihan ako ni Yzza na walang alam ang estudyante tungkol sa nangyari sa akin. Hindi nila alam na ako ang nakapagpabukas ng gate dahil ang Elites ang unang nakakita sa akin at agad nga akong kinulong ni Kuro. At dahil wala silang alam, ipapalabas na bago akong estudyante at nagkaroon ng special test na naging dahilan kung bakit napasama ako sa Elites bilang unofficial member. Sinabi ni Yzza na hanggang hindi ko pa natutuklasan ang kapangyarihan ko ay 'wag muna akong kumuha ng atensyon ng ibang tao para hindi ako pag-initan, pero sa mga plano nila sa akin, na kailanman hindi ako nakaalma, hindi mangyayari ang gusto nila.
If I were the students, and I learned that a new student became a member of Elites without us knowing why, and to think that person didn't even studied as a freshman and skip a grade to sophomore, one way or another, I will do something to test that person's capabilities. At doon ako madadali.
Inalis ko ang lahat ng iyon sa isipan ko. Tsaka ko na lang aalahanin kapag nangyari na. Sa ngayon, kailangan ko munang intindihin ang pag-aaral ko. Ngayon pa lang nararamdaman ko na ang pananakit ng ulo ko sa mga naiisip kong mangyayari. Aral na naman, aaaaargh!