webnovel

Chapter 11

"Dre, dadating ba sila Dr. Batongbacal?" tanong ni Jake kay Anthony. "Yap, dadating sila, Dre." sagot ni Anthony. "Lex, naayos na ba ang sound system sa Auditorium?" tanong na naman ni Jake. "Galing ako doon kanina, ok na pati ang mga visual aids." sagot ni Lexi. "Dre, sila Dr. Joson at Dr. Maliwat?" muling tanong na naman ni Jake. "Dre, relax, dadating silang lahat,ok?" nakatawang sabi ni Anthony. "Ok!" maikling sagot ni Jake.

Unang Consultant Meeting ang mangyayari mamaya. Kilala si Jake ng mga Consultant ng Skylab pero hindi bilang OIC pero bilang panganay na anak nina Daniel at Mila na isa sa mga may malaking share sa ospital. Hindi niya alam kung magugustuhan ba siya ng mga ito o baka mamaya ay may saloobin na ang mga ito pero hindi lang mailabas dahil nahihiya sila sa mga magulang niya. Bumuntong hininga siya at nadinig iyon ni Lexi.

"Ang kilala kong Jake de Castro ay malakas ang loob, kayang humarap sa madaming tao, at makapal ang mukha." nakatawang sabi ni Lexi. Natawa din si Anthony. "Makapal pa din naman ang mukha niyan hanggang ngayon." sabi naman ni Anthony. "Iba noong high school at iba ngayon. Noon, kapwa ko estudyante ang kaharap ko, ngayon, mga doctor, Lex! Mga bigatin!" sabi ni Jake. "Bigatin ka na din, Dre. OIC ka ng Skylab!" sabi ni Anthony. "Tama! Just be yourself. Don't pretend to be someone else. Let them see who is Jake de Castro." sabi ni Lexi na nakangiti. "Thanks, Lex." sabi ni Jake. Nagkatitigan ang dalawa na ikinangiti ni Anthony. "Bakit feeling ko third wheel ako sa eksenang to." nakangising sabi ni Anthony.

Alas-4 na, isa-isa ng nagdadatingan ang mga Consultants ng hospital. Sila Anthony, Rhian, at Lexi ang nagsilbing usher at usherettes samantalang si Jake ay nag-stay muna sa opisina niya. "Mabuti pa siguro tawagin mo na si Jake. Halos lahat ay nandito na." sabi ni Anthony. "Tatawagin ko na din sila Daddy at Mommy." sabi naman ni Rhian.

Nakatanaw si Jake sa bintana ng pumasok si Lexi. "Hey, tara na." sabi ni Lexi. "Kumpleto na ba sila?" tanong ni Jake. "Sabi ni Anthony ay halos dumating na ang lahat." sagot ni Lexi. Huminga ng malalim si Jake. "Wait." sabi ni Lexi. Nakita kasi niya na hindi ayos ang kuwelyo ng polo ng binata.

"There." sabi ni Lexi. "Tara." patuloy ng dalaga pero nagulat siya ng hilahin siya ni Jake at yakapin.

"Ano ba? Bitiwan mo nga ako." sabi ni Lexi na pilit kumakawala sa yakap ni Jake. "Five minutes lang. Kinakabahan talaga ako." sabi ni Jake. Gustong matawa ni Lexi sa nadinig galing sa binata pero ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso nito. "Five minutes lang ha?" tanong ni Lexi at tumango si Jake. Hinigpitan naman ni Jake ang yakap sa dalaga. Feeling niya ay lumalakas ang loob niya mula sa yakap na iyon.

Matapos ang ilan minuto ay niluwagan na ni Jake ang yakap kay Lexi pero hindi nito binitawan ang dalaga. "Thank you, Lex." sabi nito at nagulat na ang dalaga sa sunod na ginawa ni Jake, hinalikan siya nito sa noo at yoon ang inabutan ni Rhian, Mila, at Daniel.

"Ooooppppsssss...!" malakas na sabi ni Rhian. Namula naman si Lexi. "Tara na." sabi ni Jake at hinila na palabas si Lexi na parang walang nangyari. Nakasunod sa kanila si Rhian na todo ang ngiti. Nagkatinginan naman sila Daniel at Mila. "Parang kailangan talaga nating makakwentuhan sila Ronnie at Tessie." nakangiting sabi ni Mila. "Sama ka sa Sunday ha?" patuloy ni Mila at tumango naman si Daniel.

"Magandang hapon sa inyong lahat. Salamat at pinaunlakan ninyo ang aming imbitasyon na dumalo sa unang Consultants' Meeting ng taon. Remember, una pa lang kaya may mga susunod pa." sabi ni Daniel na ikinatawa ng lahat. Hindi na hinabaan ni Daniel ang kanyang speech. Ayaw din naman niyang mainip ang mga kaharap niya. "Gusto ko mang habaan ang paghawak ko sa microphone na ito pero alam ko na excited na ang lahat sa bagong mamahala ng Skylab dahil hindi lang siya guwapong tulad ko kundi magaling din siyang mamuno na malamang at mahigitan pa ang galling ko, ang aking anak, please welcome, Jake de Castro." pagpapakilala ni Daniel kay Jake. Matapos tumawa sa biro ni Daniel at nagsitayuan ang lahat at nagpalakpakan.

"Kanina po ay sobra ang kaba ko bago humarap sa inyo pero dahil sa isang good luck hug at dahil sa mainit na pagtanggap ninyo ay nawala ang daga na kanina pa takbo ng takbo sa dibdib ko." sabi ni Jake na nagpangiti sa lahat. Tinutukso naman ni Rhian si Lexi na pulang-pula. "Maliban pala sa good luck kiss, may good luck hug pa pala!" nakatawang sabi ni Rhian. "Tumahimik ka nga. Ikaw lang ang maingay oh." bulong ni Lexi. "Si ate namumula." tukso ni Rhia. Tumingin sa kanila ang isang Consultant na nakaupo sa harap nila kaya natahimik si Rhian.

Sandali lang din ang ginawang speech ni Jake. Wala siyang ipinangako pero gagawin niya ang lahat para maiayos at mapabuti pa ang ospital. Matapos magsalita ay bumaba si Jake sa stage at kinamayan ang lahat. Pinamigay naman nila Rhian at Lexi ang pagkain sa lahat.

"Iha, parang ngayon lang kita nakita dito." si Dr. Batongbacal ang nagsalilta. "Ah, opo. Secretary po ako ni Jake." sagot ni Lexi. "I see." sabi naman nito. "Pero sa ganda mong iyan iha baka hindi ka lang maging Secretary ni Jake." nakangiting sabi ni Dr. Batongbacal. Namula naman si Lexi. "Don't worry, mabait na bata si Jake. I've known him since he was a child. I'm one of his godfather sa binyag and hope sa kasal din." nakangiti pa din sabi ni Dr. Batongbacal. "Excuse me muna po, bibigyan ko lang po sila." palusot ni Lexi. Tumango naman ang doctor.

"Ninong Doc! Akala ko di ka pupunta." sabi ni Jake sabay fist bomb sa doctor. "Pwede ba naman yun, eh di na-ban ako dito." nakangiting sabi ng doctor. "Kamusta na si Ninang?" tanong ni Jake. "Nako, aligaga sa mga apo. Dapat nga ay kasama ko dito, ang kaso hinatid ng kinakapatid mo ang mga anak sa bahay at aalis daw sila. Kaya, ayun, yaya." sabi ng doctor at nagkatawanan sila. "Ikaw ba, kalian mo ba balak bigyan ng apo ang mga magulang mo? Aba, bilis-bilisan mo lang at baka makatatlo na ang kinakapatid mo eh ikaw wala pa." sabi ng doctor. "Don't worry Ninong, malapit na." sagot ni Jake na nakatingin kay Lexi. "Maganda siya pero hindi siya bagay maging Secretary mo." sabi ni Dr. Batongbacal na nakatingin din kay Lexi.

"Actually, medtech talaga siya Ninong pero dahil maganda nga siya, kailangan kong bakuran. Mahirap na baka mabingwit pa ng iba." nakatawang sabi ni Jake. "Ikaw talaga, manang-mana ka sa akin." sabi ng doctor at nag-fist bomb ulit sila.

Pagkatapos kumain at magkwentuhan sandali ay isa-isa nagpaalam ang mga Consultants. Sila Daniel at Mila ay sumama sa bahay ni Dr. Batongbacal para makita ang mga apo nito. Sila Anthony at Rhian naman ay bumalik na sa kanya-kanya opisina. Ganoon din sila Jake at Lexi. Habang nag-aayos ng gamit si Lexi ay tumunog ang kanyang phone.

"Llllleeeeexxxxxiiiii...!" sigaw ng nasa kabilang linya. Nilayo naman ni Lexi ang phone sa tenga niya. "Grabe Tanya, mabubutas eardrums ko sa iyo." sabi ni Lexi na nakangiti. "Bakit ka napatawag?" patuloy ng dalaga. "Pwede ka sa sabado? Opening ng bar ni Phil, invited tayo." Excited na balita ni Tanya. "Wow, ang galing naman ni Phil. Natupad na niya ang pangarap niya." nakatawang sabi ni Lexi. Naiba naman ang itsura ni Jake ng madinig ang pangalan ng kaibigan. "Ano? Pwede ka? Ok na yung iba. Ikaw na lang at si Jake ang di pa sumasagot." sabi ni Tanya. "Sige, pupunta kami." sagot ni Lexi na kinatuwa ni Tanya pero biglang kumunot ang noo nito.

"Teka, kami, si Jake?" takang tanong ni Tanya. "Sa sabado ko na kwento sa iyo. See you! Bye!" sabi ni Lexi na di na pinagbigyan makapagtanong pa ang kaibigan. Nakangiti pa siya ng ibalik niya ang phone sa bag pero pag-angat niya ng mukha ay sumalubong sa kanya ang seryosong mukha ng binata.

"Sino yun? Bakit nadinig ko ang pangalan ni Phil? Saan tayo pupunta sa sabado? Bakit di mo muna ako tinanong kung pwede ba ko o pwede ka ba?" sunud-sunod na tanong ni Jake na ikinataas ng kilay ni Lexi. Ngumiti ang dalaga ng pagkatamis-tamis na ikinatulala naman ni Jake.

"Opening ng bar ni Phil this coming Saturday and invited tayo. Ok na yung iba, tayo na lang ang iniintay so sabi ko pupunta tayo." sabi ni Lexi. "Ayoko!" sagot ni Jake. Inaasahan niya na pipilitin siya ni Lexi pero nagkamali siya. "Ok, kung ayaw mong sumama eh di si Rhian na lang ang aayain ko." sabi ng dalaga. "Saan? Saan tayo pupunta?" excited na tanong ni Rhian na papasok na sa opisina ng kuya niya. "Opening ng bar ni Phil sa sabado, punta tayo." nakangiting sabi ni Lexi. "Sure! Sure!" masayang sagot ni Rhian. Nakasimangot naman si Jake.

"Ayaw mo talagang sumama?" tanong ni Lexi. "A Y A W!" sagot ni Jake. "Ok. Una na ko, bye!" paalam ni Lexi. "Wait! Nagpaluto na ko ng dinner kay Nanay Marie. Ang sabi ko dito ka kakain kaya baka madami ang niluto noon." sabi ni Jake. Nakaisip ng paraan si Lexi para mapapayag na sumama si Jake sa Sabado. "Sige, pero sasama ka na sa Saturday." sabi ni Lexi. "Ayoko nga." sagot ni Jake. "Eh di kainin mo na lang lahat ng niluto ni Nanay Marie." sabi ni Lexi sabay talikod sa binata.

Nagbilang si Lexi at di pa siya nakakaabot ng tatlo ay nagsalita na si Jake. "Oo na, sasama na." sabi nito na nakasimangot. "Ok, tara na." sabi ni Lexi at nauna ng naglakad paakyat sa bahay ni Jake.

Chương tiếp theo