It's been two consecutive weeks na wala nang Vince na nanggugulat sa'kin. Though palagi pa ring may mga kung anu anong pa deliver para sa'kin at least nakatagal na siya ng dalawang linggo!
Masaya rin ako na napapabilang na ako sa barkadahan nila Eric. We used to hang out at dahil sakanila ay na e enjoy ko ang pagiging single ko, to the fullest!
Kaya eto ako ngayon at nakikipag gitgitan sa kalsada, kasi naman Tala... Alam na may important meeting with sir, Martin and potential investors gumimik pa kagabi!
Oh gosh! Nanlaki ang mga mata ko ng may narinig na kung ano mula sa ilalim ng sasakyan ko "Shemay naman oh! mapaplatan pa ata ako"
Itinabi ko ang sasakyan at kaagad na chineck ang nangyari, "Naman oh! Flat nga" Kaiyak naman 'to. Bakit ba 'to nangyayari sakin?
Nagpalinga linga ako sa paligid, may isang pamilyar na sasakyan ang nahagip ng mata ko. "Sasakyan yun ni Vince ah" E? Sakanya nga ba? Pero dumire deretso lang naman ang sasakyan at nilagpasan lang ako.
Kinuha ko ang cellphone ko, nagiisip kung sinong tatawagan o itetext. I need help! May spare tire pa naman ako sa likod ng kotse, yun nga lang 'di ako marunong magpalit.
Messenger ang naisip kong buksan, sa group na lang ako mag cha chat para humingi ng tulong.
Monsters
Guys, need help! Sinong nasa Mc Arthur ? Na flat an kasi ako ng gulong eh!
Franco: Ako, wait mo lang ako malapit lapit ka na ba sa office?
Hindi pa e
Badet: Nandito na kami ni Gio sa office e
Franco: Pa Mc Arthur pa lang ako
Ha? Naku please Franky pakibilis po kasama ako sa meeting nila sir Martin :(
Franco: Mabilis lang 'to
Badet: Hindi naman kasi yan kasama sa meeting e kaya nag papa late, uy Eric! Seen seen ka lang nasa'n ka na ba baka pwede mong matulungan si Crystal
Badet: Diba kasama ka din sa meeting
Wala pa siya sa office?
Franco: Ay oo si Eric malapit lang yan dyan
Eric: Ayaw
Badet: baliw dali na
Eric: naka formal ako nu, madumihan pa 'ko dyan
Hintayin ko na lang si Franco
Yun na lang ang huling chat ko at ibinalik ko na sa bag ang cellphone ko, Buwisit talaga ang Eric na yun! Hinding hindi ko kalilimutan ang araw na 'to!
Isinandal ko ang sarili sa aking sasakyan at maya maya lang nang kaunti ay may napansin akong sasakyan na huminto sa likod ng kotse ko.
"Oh a-akala ko ba..." Hindi niya na ako pinansin at agad na dumiretso sa likuran ng sasakyan ko at kinuha ang gulong ko.
It's Eric, akala ko talaga ito na ang araw na kasusuklaman ko siya dahil sa mga sagot niya kanina sa GC.
In all fairness ang gwapo niya tignan diyan, napangiti ako. Tama nga siya magmumukha siyang madungis pag'tapos. But still... He chose to help me. Napangiti na naman ako nang isipin yun.
Saktong tapos na siya ng may isa pang sasakyan ang huminto sa amin, si Franco.
"Oh! Tutulungan mo rin naman pala e" Bulyaw ni Franco kay Eric na kasalukuyang ibinabalik na ang na flat na gulong sa likod ng sasakyan.
"At mukhang nagmadali ka pa talaga oh" Panguuyam ni Franco.
Lumapit na si Eric sa amin, "Ano bang pinagsasabi mo diyan?" Bahagyang kumunot ang noo niya
"Ni hindi mo nga naayos yang neck tie mo oh" At tumawa ng nakakaloko si Franco. Oo nga nu!
Napansin kong hindi rin naka tuck in ng maayos ang polo niya at ganoon din ang belt, hindi niya na naayos. Tila may mga bulating naglaro sa loob ng tiyan ko at nakikiliti ako.
Dinagukan ng mahina ni Eric si Franco, lumapit naman ako sakanya at iniharap siya sa akin. Napangiti ako.
"If you have problem with this" Hinawakan ko ang necktie niya, tinanggal at inayos ko ang pagkakatali, "tawagin mo lang ako"
Napatingin ako sa mga mata niya, gosh! Ang awkward pala, bakit ba ako tumingin? Masyado kaming malapit sa isa't isa at pakiramdam ko ay umiinit ang mukha ko sa mga titig niya.
"Whooah, cheesy" Sabay kaming napatingin kay Franco at tinitigan ko siya ng masama Ewan ko kung ganun din si Eric pero nagtaas ng dalawang kamay si Franco na nagsasabing suko-nako!
"Hmm, Tara na" baling ko Kay Eric "Salamat" I tap his shoulder bago ko tuluyang bitawan ang necktie niya.
Nginitian niya lang ako at bumalik na kami sa kanya kanya naming mga sasakyan.
Ang gulo lang, madalas kaming nagbabangayan pero hindi namin inaasahan na makagawa ng mga sweet na bagay nang hindi inaasahan.