March 4 20++
7:30am
Sa isang lugar kung saan makikita ang kaaya-ayang pagsikat ni ama'ng araw , makikita ang isang nakatayong paaralan .
Ang paaralan na ito ay maisasabing sikat at highly recommended school sa kanilang probinsya dahil kumpleto ito sa gamit at masasabi ding magagaling magturo ang mga guro dito.
Sa isang sulok ng paaralan na ito makikita ang dalawang binatang nakaupo sa ibabaw ng pader na para bang mga lion na ino-obserbahan ang mga mag aaral na lumalabas pasok sa gate ng paaralan.
"Bro ! Sino ba hinihintay natin dito ??" biglang tanong ng isa sa binatang nakaupo sa ibabaw ng pader , ang binatang ito ay may spiked hair styled at nakasuot ng skull-styled short with fitted jeans na may butas butas pa .
,,,..
"Oy ! Bro ???"
"Bro ?"
"Bro ?"
"WTF ! pwede ka bang tumahimik diyan ! T*ng *na ang ingay mo !! , Talk Back Or You Will Be Dead !!" biglang sigaw ng kasamang binatang may malaking katawan at nakasuot ng fitted shirt with straight jeans sa spiked haired na binatilyo.
" Wow Bro Haha ! English yun ahh ? San mo yun nakuha ?
"Hehehe , ang Cool ng pagkakasalita ko nun nu ? Haha ! Nkuha ko yun sa isang movie , yung kay Nadine at James Reid ? Sayang nga lang nakalimutan ko ang pamagat ng movie -.-" mayabang na sagot ng binata sa spiked hair habang inilagay pa niya ang kamao niya sa dibdib niya .
"Wow ! Oo ang Cool mo nga kanina bro !!" malakas na sagot naman ng binata sa kaibigan
"Talaga nman Haha !!"
"Pero bro may tanong ako ," biglang sersoyong tanong ng spiked haired guy sa kasama .
"Anu yun ?" takang tanong naman ng kaibigan niya
" Sino ba ang hinihintay ntin d2 bro ? knina pa tayo dito bro ehh"
"Aa un ba , si ..." naputol ang pagsagot ng binatang may malaki ang katawan kasi biglang tumalon ang kaibigan niya papunta sa mga dalagang mag aaral na papasok pa lamang sa gate ng paaralan
"Piste ka ! Nagtanong ka pang P*ta ka ! Wag kang magpapahuli sa akin t*ng na ka !!" sabay talon nito galing sa pader at hinabol ang kanyang kaibigan .
Nang mahabol na niya ito , bigla niya nalang itong sinipa sa likod , at dahil dun napasubsub ang mukha ng binatang may spiked hair sa lupa .
Pagkatapos niyang habulin at sipain ang kaibigan ay agad naman siyang bumalik sa dati niyang pwesto para maghintay ulit .
Tahimik namang bumangon at sumunod ang binatang may spiked hair sa kaibigan habang hinihimas-himas pa niya ang napasubsub niyang mukha sa lupa , kita rin sa mukha nito ang sakit na natanggap niya sa pagsipa ng kaibigan niya sa kanya .
Pagkalipas ng ilang minuto
"May nasugatan ba sa atin ?!" biglang sigaw ng binatang may malaking katawan sa ibabaw ng pader na kinauupuan nila.
Dahil sa lakas ng sigaw ng binata, ay napahinto ang mga estudyante sa pagpasok sa gate at tumingin sa binatang sumigaw.
"Ahh !! , ehh , uhmmnn , oo bro meron ata ?" pagtatakang tanong naman ng binatang may spiked hair sa binatang sumigaw na may halong gulat .
"Ha ? meron ba ?" takang sagot naman ng binatang sumigaw
"Ahh , ehh , wala pala Bro ? hehe , Bakit mo pala natanong Bro ?" mahinang naman niyang sagot
"T*ng na ka ! may pa meron ba , meron ba ka pang nalalaman , ang sakit ng pagsipa mo sa akin kanina T*ng na ka !!" sigaw na bulong ng binatang may spiked hair sa sarili nung masagot niya ang tanong ng kasama .
" Akala ko meron ! Haha! , Kasi may RED CRUZ kasing paparating sa atin ! Hahaha " sigaw ng binatang may malaking katawan habang humahagalpak na sa sahig kung makatawa
" Huh ? anong connect nun Bro . " takang tanong naman ng binatang may spiked hair habang hinihimas pa niya ang kanyang batok .
" Piste ka Bro ! Ang Loading Mo !!" sabay hampas sa kaibigan niyang may spiked hair na nahulog naman sa ibabaw ng pader ,
"Wag kang tumayo diyan hangga't di mo pa naiintindihan ang sinabi ko ! " sabay talon at apak sa likod ng lalaking may spiked hair papunta sa binatang may dalang libro ,
"Hoy !, Red !" sabay turo ng binata sa binatang may dala-dalang libro habang inaapak-apakan ang kaibigang nahulog sa paghampas niya.
Wala namang nagawa ang binatang may dala-dalang libro, lumakad na lang siya at tumungo sa binatang tumawag sa kanya .
Habang naglalakad ang binata, iba't-ibang bulungan naman ang naririnig niya galing sa mga estudyanteng napahinto din sa pagsigaw nang binatang malaki ang katawan.
"HaHaHa! Nice one Allen! Bully that freak'in nerd! "
"Wohoho! May napagdiskitahan nanaman ang number 1 bully sa school! "
"Hayy, salamat ! Thank God at di ako ang tinawag ni Allen"
--
Nagawa mo naba ang Project ko ?!" sabay akbay nya sa binatang may dalang libro nang makarating ito sa kanya .
"A.ahh o.ooh Allen , a.andun s.sa locker yung P.project mo ." utal utal na pagkakasagot ng binatang may dalang libro na may halong gulat , kita sa mukha nito ang takot .
"Good !! pakipasa na din yun kay sir mamaya ! Hahaha ! " Kita sa mukha ng binata ang saya nung nalaman nyang tapus na ang project na pinapagawa nyang project kay Red sabay sigaw nito
"Hoy kayo! magsilakad na kayo at baka ma late pa kayo sa mga klase nyo! Hahaha! " sabay lakad palabas ng paaralan .
Pagkasigaw na sigaw ni Allen ay dali-daling nagsilakad ang mga estudyante patungo sa kani-kanilang silid aralan. Nang makalabas na si Allen sa paaralan ay huminto naman ito at sumigaw na
" Hoy ! ikaw ! Tommy ! Tumayo ka na diyan , Tara na at ginaganahan akong maglaro ngayon sa Internet Cafe ! Hahaha "
Tumayo naman agad si Tommy at dali daling hinabol ang kasama .
"Maghintay ka lang Allen at makakahiganti rin ako sayo " bulong ni Tommy sa sarili habang pa ika-ikang hinabol si Allen .
Nang maka-alis na ang dalawang nambully sa kanya , Dali-dali ring lumakad si Red sa kinatatayuan niya patungo sa kanilang Locker para kunin ang Project ni Allen .
"Hahaixt , ReD , Okay lang yan , Isipin mo nalang pulubi sya dito sa paaralan na ito at nangangailangan siya ng tulong " , bulong ni Red sa sarili .
" Pero hindi ehh , Hindi naman siya ang pulubi dito ehh , Ako yung pulubi dito ehh , Ako yun ehh ! Hahahaixt "
" Hahaixxtt , Si Lord na lang ang bahala sakanila , uhmnn , Tama ! Tama ! Si Lord na ang bahala sa kanila , tpus tpus baka rin sa Kabaitan ko Reregalohan ako ni Lord Hehehe "
"Pero hindi ehh , Hindi pa naman Christmas para bigyan niya ako ng Regalo ehh ! Aihh oohhh ! Nga pala si Santa Clause yung sa Christmas " sabay batok pa sa sarili
" Kung sa Christmas ay si St. Clause , Si God naman ay Araw-araw , oo tama araw-araw nga . "
Hindi batid ni Red na iba na ang tingin ng mga mag aaral na nakakasubong o nakakasabay niya
"Si Red ba yan? Bat nagsasalita siya ng mag-isa? " tanong ng isa sa mga nakakasalubong Red sa kasama nya
"Baka nagkaMental problem na dahil sa pambubully ni Allen"-
"Kawawang bata, Siya yung napagdiskatahan ni Allen "-
"He deserve's it! Haha! Poor like him does'nt belong here! Freak! Nerd! -
"Ipadala na yan sa Mental!"-
Ibat-ibang opinyon ang sinasabi ng mga mag-aaral ng makita nila si Red na nagsasalitang mag-isa .
May ibang ring naawa at may iba ring nasisiyahan sa nakikita nila .
Dahil nga sikat at kilala ang paaralan , halos lahat nalang mag aaral dito ay galing sa mayayamang pamilya o di kaya ay may mataas na posisyon gobyerno .
Isa na dun si Allen, dahil siya lang ang nag-iisang apo siya ng may-ari ng paaralan.
Kaya kahit anong gawing kabalustagan at pambubuling ginagawa ni Allen walang magagawa ang mga mag-aaral dito kahit nga ang mga guro ay patay malisya na lang sa mga ginagawa niya!
Dahil takot sila ! Baka sila pa ang mapatalsik sa paaralan
Di gaya sa mga mayayamang mag-aaral isang hamak na iskolar lamang si Red sa paaralan na ito .
At dahil din patay na ang mga magulang niya , ikinupkop na lamang siya ng kapatid ng ama niya ,
Basi sa kwento ng ka niyang auntie sabay'ng namatay ang magulang niya at ang asawa nito sa kadahilanang di niya rin alam .
Kaya laking pasasalamat nalang niya at kinupkop siya ng auntie niya , dahil din alam niyang mahirap magpalaki ng dalawang bata at isa pa, walang ding stable na trabaho ang auntie niya.
Kung hindi dahil sa angkin na katalinuhan at galing sa sports ng pinsan niya , siguradong hindi sila makakapag-aral sa paaralan na ito sapagkat alam niyang napakamahal ang mga bayarin dito.
---
Nang makarating na si Red sa Locker area nila, may biglang umakbay sa kanyang binata
"Ay Tae! "-napasigaw si Red sa gulat nang may maramdamang may umakbay sa kanya
"HaHaHa! Ang epic talaga ng reaksyon mo Red, HaHa!"-tawang-tawa pagkakasabi ng binatang biglang umakbay kay Red
"Langhiya ka tlaga Ryan ! Wala ka tlagang magawa , nu? " gulat na gulat na pagkakasabi ni Red kay Ryan nang makita niyang ito ang umakbay sa kanya
"Hahaha , Para ka kasing timang diyan ReD, eh ba naman nagsasalita ka ng mag isa diyan. Para kang baliw Haha , May pa santa clause santa clause kapang sinasabi Haha "
"Ahh ehh anong pinagsasabi mo ehh....., " di natapos ni Red ang isasagot niya sa sinabi Ryan dahil napatanto niya ang ginawa niya
"Ay Potek! Anlakas pala ng pagkakabolong ko sa sarili " sabay kamot sa buhok niya habang naging kulay kamatis na ang mukha niya sa kahiyaan. Ikaw ba naman, mahuli kang nagsasalita mag isa anu ba mafefeel mo?
Nang makita ni Ryan ang pulang-pulang mukha nito ay humagalpak na ito kakatawa sabay sabi
"Hahaha! Ohh bat naging kamatis kana diyan? Hahaha! Btaw insan wag mo nalang pansinin yung Allen na yun! Isang taon nalang at ga-graduate na tayo sa paaralan na ito ! " sabay tapik sa balikat nito at seryosong sabi ni Ryan para palakasin ang loob nang nabubully na pinsan.
Nang marinig ni Red ang sinabi ni Ryan ay ngumiti na ito sinabing
"Da best ka talaga insan!! "
Si Ryan ang kaisa-isang anak ng auntie ni ReD, katulad ni ReD isa rin siyang scholar, ang pinagka-ibahan lng sa kanila ay scholar si Ryan sa Sports dahil isa siyang varsity sa basketball team nila . Sa katunayan nga ay siya ang Team Captain nila.