webnovel

Chapter 19

My Demon [Ch. 19]

 

Pinaalalahanan muna ako ni Kyle bago sila umalis na "Kuya" na daw ang itawag ko sakanya at "Ate" naman ang kay Stacie. Wag na rin daw akong mag-opo sakanila kasi apat na taon lang naman daw ang tanda nya sa'kin at tatlo naman ang kay Stacie.

Hinanap ko si Demon sa loob ng Timezone. Nakita ko syang naglalaro ng basketball.

"Shoot! Ang galing mo talaga!" And yeah, nasa tabi na naman nya si Babae na chini-cheer sya ng lubos. Close ba sila?

Hahakbang na sana ako para puntahan sya kaso may mga dumaan sa harapan ko kaya hindi ako nakakilos. Matapos nilang dumaan, pagtingin ko kung nasaan si Demon, wala na sya.

Ang bilis naman mawala nun. Tumingin-tingin ako sa paligid. Di ko sya makita. Naglakad na ko at tumingin-tingin sa mga arcades hanggang sa makuha ng couple ang atensyon ko. Malapit lang sila sa kinatatayuan ko.

Mukhang half-Filipino half-Korean si lalake at sobrang gwapo nya! Kyah! Para syang sikat na artista na tignan mo palang, nakakakilig na. Si girl naman, hindi maganda. Kasi sobrang ganda nya! OMG. Ngayon lang ata ako nagka-idol sa larangan ng couples. Naka-cross arms pa si Ganda at mukhang nagtatampo-tampuhan. Eto namang si Pogi, inaamo at nilalambing.

Haluh, ang kyut talaga nila!

"Louise ko," pagtawag ni Pogi. Kyah! Kung anong kina-gwapo ng mukha nya, ganun na ganun din ang boses nya.

Humawak ako sa parehong strap ng backpack at kinilig-kilig. Magkaroon ka ba naman ng ganyan ka-gwapong boyfriend at malambing, hindi ka pa ba swerte?

"Wala. Tulog. Umalis," sagot naman ni Ganda. Nakatalikod sya kay Pogi kaya hindi nito nakita ang pasimpleng ngiti sa labi nya. Kunyare pang nagtatampo eno? Hehe. Pero ang ganda nya talaga. Yung tipong hindi nakakasawang titigan.

"Meron ka ba? Ang init ng ulo mo eh. Okay lang, Louise ko. Naiintindihan ko."

Napahagikgik ako sa sumunod na sinabi ni Pogi. Naka-grin pa sya habang sinasabi nya ang mga salitang iyon. Tinignan ko si Ganda. Halatang nabigla sya sa sinabi ni Pogi. At nang umikot sya para harapin si Pogi, agad na inalis ni Pogi ang nakakalokong ngiti sa labi nya. Hihi. Ang kyut talaga nilang panoorin.

Nanlaki ang mga mata ko ng sapakin nya sa braso si Pogi. "Kainis ka!" sabi pa nya.

Hindi naman umaray si Pogi, tumawa pa ito. "Edi tumingin ka din sa'kin."

He sent her a sweet smile. Wala ni isa ang nagsasalita sakanila, nagtititigan lang sila. Yung titig na may halong love. Aww! Kitang-kita ko sa mga mata ni Pogi kung gaano sya ka-inlab sa babaeng kaharap nya ngayon. Hindi ko man makita si Ganda dahil nakatalikod sya saakin, alam kong ganun din sya.

Kung makakapasok ako sa isang relationship, gusto ko katulad ng sakanila. Tinginan at ngitian palang, damang-dama na ang love na namamagitan sa kanilang dalawa.

"Wag ka na magalit, Louise ko," malambing na wika ni Pogi kay Ganda at hinawakan ang dalawang kamay nito.

Ganyan ba kapag inlove? Hindi mo na napapansin ang ibang tao kapag kaharap mo ang taong mahal mo?

But infairness, ang sweet ni Pogi. Kung titignan kasi, mukha syang Playboy. Yung ka-gwapuhan nya kasi ay parang mahilig mag-magnetize ng mga babae. Atsaka . . . ewan! Iba kasi an dating nya eh. Pang-Playboy talaga. Well, ayokong manghusga though ayun ang impression ko sa appearance nya. Mukha namang hindi yun totoo- na hindi sya Playboy kasi sa nakikita ko ngayon, kung paano nya tignan si Ganda at tawaging "Louise Ko" na parang ipinamumukha sa lahat na kanya lang ang girlfriend nya, isa lang ang nasa puso nya at wala ng iba. Ayee! Perfect couple talaga.

Dahil sa kung anu-ano na ang pumasok sa isip ko, hindi ko na narinig pa ang sumunod nilang conversation, at nalaman ko nalang na naglalakad na sila palayo. Nakaakbay pa si Pogi kay Ganda, at ang braso naman ni Ganda ay nakapulupot sa hips ni Pogi.

Naalala ko, si Demon nga pala. Harujusko! Masyado akong nag-enjoy sa panonood sa couple kanina.

Inumpisahan ko na naman syang hanapin hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang nagkukumpulang babae. Para silang may pinapanood na nakakakilig. Koreanovela kaya? Haluh, mahilig ako sa mga ganun!

Tumakbo ako papunta sa kumpulang iyon at nakisingit. Ano kaya ang pinapanood nila? Sino naman kaya ang cast? Si Lee Min Ho ba? Hihi, ang wafu nun!

Hindi ko pinansin ang reklamo at artihan ng mga babaeng halos mabunggo at maapakan ko. Makikinood ako eh. Bakit ba?

Success! Akala ko naman kung ano ang pinapanood nila. Si Demon na naglalaro lang pala ng car racing at feel na feel ang pagkakaupo na parang nakaupo at nagmamaneho sa totoong kotse. Ano ba yan. Nakipagsapalaran pa ko, sya lang pala ang madadatnan ko. Hmp.

"Ang galing nya talaga," ngiti-ngiting komento ng isa sa mga babaeng nagkukumpulan. Nang tinignan ko sya, todo titig sya sa seryosong mukha ni Demon.

Paano nya naman nasabing magaling eh sa mukha sya nakatingin? Wow. Malupet.

"Yeah, close kami. In fact, niyaya nya ko last night na mag-mall kami kami magkasama ngayon."

Nabaling ang atensyon ko sa nagsalita. Hinanap ng mga mata ko kung kanino nagmula ang mga salitang iyon. Si babae na naman po. Yung kanina pa buntot ng buntot kay Demon.

Talaga close sila? Parang di naman. At talagang niyaya "daw" sya ni Demon, huh? Di nga marunong mangyaya ang taong yun eh. Mangaladkad pwede pa.

"Really? Close kayo? Pwede malaman kung anong name nya?" tanong ng babaeng katabi nya at kitang-kita sa mga mata nya ang excitement.

"Uh," tumingin-tingin si babae na waring nag-iisip.

Ha! Let's see kung close nga talaga kayo. Ni hindi nga kayo magkakilala ni Demon eh.

"Dudung," sagot nya na tumatango-tango.

Natawa ako ng mahina sa sagot nya. Pustahan, magwawala si Demon kung sakaling marinig nya ang ipinangalan sakanya ni babae.

"Ayoko na nga. Nagugutom na ko." Napunta muli ang atensyon ko kay Demon nang magsalita ulit sya.

Hindi pa tapos ang nilalaro nya pero tumayo na sya. Nasa likuran nya ko kaya hindi nya ko napansin.

Yung mga babaeng kaharap nya, halos mag-heart shape na ang mga mata. Tulalang tulala pa sa mukha ni Demon. Hmp, kung malaman nyo lang kung anong ugali meron ang nilalang na yan.

Tinitigan ata sila ni Demon ng masama kasi para silang natauhan bigla at nag-give way. Gumalaw pakaliwa't-kanan ang ulo ni Demon na parang may hinahanap. Yung mga babae naman, todo titig sakanya. Enebeyen!

Nagsimula na syang maglakad. Alam kong mahihirapan akong hanapin na naman sya kaya mabilis ko syang tinawag. "Demon, sandali lang!"

Huminto sya sa paglalakad at nilingon ako. Hindi na ko nagtaka sa pagsasalubong ng kilay nya.

"Akala ko ba Dudung ang pangalan nya?" rinig kong sabi ng mahina ng babaeng malapit lang sa pwesto ko. Walang pag-aalinlangan sya ang kausap ng stalker ni Demon kanina.

Demon strolled gracefully towards me with ladies' eyes following him. Ramdam ko ang pagtaas ng isang kilay ng ibang babae ng hawakan ako sa siko ni Demon at hinila palapit sakanya.

Pilit kong iniiwasang tumingin sa mga babae dahil alam kong tu-torture-in nila ako sa tingin. Pero gusto ko ring umiwas ng tingin sa mga mata ni Demon na nagbibigay ilang ngunit may halong saya. Hay, hindi ko na alam kung saan ako dapat na tumingin. Sa mga babaeng papatayin ako sa tingin o sa mga mata ni Demon na para akong ginagayuma.

In the end, mas pinili ng sarili ko ang magpakalunod sa mga mata ni Demon.

Nalaman ko nalang na naglalakad na kami ng mabagal at hawak nya pa rin ang siko ko. Nakatingin sya sa malayo habang ako ay sakanya lang nakatingin. Kanina nagrereklamo ako dahil todo titig sakanya ang mga babae pero heto ako ngayon... mas natutulala pa. Bakit ba ngayon ko lang na-realize na ganito pala sya ka-gwapo? Waf!!! Ano ba 'tong pumapasok sa isip ko?!

Dumiretso nalang din ako ng tingin para... basta!

Nang makalagpas kami sa mga admirers ni Demon, bumaba ng dahan-dahan ang kamay ni Demon mula sa siko ko pababa sa wrist. Nakaramdam ako ng kilabot sa katawan though hindi nagtayuan ang balihibo ko sa katawan. Basta para akong kinilabutan. Ramdam na ramdam ko pa ang pagdampi ng malambot nyang kamay sa balat ko.

Kahit nasa malayo kami, dama kong sinusundan kami ng tingin ng admirers ni Demon.

Humigpit ang hawak ni Demon sa wrist ko. Inangat ko ang ulo ko para tignan sya. Hesitations were written on his eyes. Siguro naghe-hesitate sya kung ibababa pa nya ang kamay nya para mahawakan ang kamay ko. Woof!! Ang feeling ko ata.

Pabagsak nyang binitawan ang wrist ko at ginulo ang buhok nya. Magrereklamo pa sana ako kaso napatitig na naman ako sa mukha nya. Bakit parang . . .  mas bagay sakanya magulo buhok? Hay, eto na naman ho ako.

Dumiretso kami sa Italian restaurant. Sya na sosyal! Sya ang nag-order nun dahil ayokong tumingin sa menu, baka malula lang ako sa price. Pero okay lang kahit mahal, sya naman ang nagbayad eh. Haha!

After that, pumunta na kami sa bahay nila dahil sa tutorial session namin. Medyo na-wriduhan pa nga ako sa kanya dahil habang tinuturuan ko sya, parang ang lalim ng iniisip nya. Sa sobrang pag-iisip nga nya, halos nakalimutan na nyang asarin ako which was pretty good.

Chương tiếp theo