webnovel

Chapter 15

 

My Demon [Ch. 15]

 

Soyunique's Point Of View

 

"Hahahahaha!"

Seryoso kong pinapanood ang pagtawa ng demonyo sa lupa. Minsan na nga lang tumawa, sa mapang-insultong paraan pa.

Nakakainis lang. Akala ko talaga kanina may maganda syang sasabihin dahil sa sinabihan nya kong mabigat kahit na hindi pa naman nya ako nabubuhat. Kaso wala eh, sya si Demon. Nakakaasar talaga!

First time kasing may pumick-up sa'kin kaya akala ko nakakakilig gaya ng mga napapanood at nababasa ko. Kaso, again, sya si Demon.

"Asar ka!" Hinampas ko sya sa braso. Hindi naman sya nagalit, patuloy lang sya sa pagtawa. Halos nangingiyak-ngiyak na nga sya at nakahawak pa sa tiyan nya.

"Anong oras ka naman kaya makaka-move on dyan?" tanong ko sakanya.

"Nakakatawa yung mukha mo kanina!" he said between his laughs.

Napailing nalang ako at binuksan ang zipper ng bag ko. Magkaroon ka ba naman ng ganitong tuturuan na madalas mong makakasama.

Nilabas ko ang lunch box na may lamang spaghetti. May handaan kasi sa lugar namin at si mama ang kinuha nilang taga-luto kaya nakapagbaon ako.

Pagbukas ko ng takip, tumabad ang napakabangong aroma ng pagkain. Kaya si mama ang madalas nilang kinukuhang tagaluto dahil amoy palang, nakakatakam na.

"Hoy, ano yan?" In fairness, tapos ng tumawa ng wagas si Demon. I bet, dahil iyon sa amoy ng special spaghetti ni mama.

"Pagkain." Kinuha ko ang tinidor sa loob din ng bag ko na nakabalot sa plastic.

"Akin nalang." Hindi pa ko nakakasagot, kinuha na nya yung lunch box at mabilis na tumayo.

"Hoy, pagkain ko yan!"

"Magpaluto ka nalang sa chef namin," sagot nya nang hindi manlang lumilingon. Dire-diretso lang sya ng lakad hanggang sa makarating sya sa pinto.

"Demon, akin na yan!" Inaasahan kong lilingunin nya ko at aawayin dahil tinawag ko na naman syang Demon, pero tuloy-tuloy pa rin sya hanggang sa tuluyan na syang makalabas ng study room. Sinara pa nya ang pinto. Talaga naman!

Agad akong tumayo. Isinantabi ko muna ang mga gamit ko. Luto ng mama ko yun at pinabaon nya yun para sa cute nyang anak at hindi para sa nakakainis na nilalang. Mas sosyal pa nga sya eh. May family chef sila at mas first class ang pwedeng lutuin nun. Kahit kelan talaga sya!

Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa'kin ang isang sophisticated-middle aged woman. I know her!

"Hello po," magalang na bati ko sakanya nang nakangiti.

Ngumiti din sya na talagang dumagdag sa pagiging maganda nya. Kung hindi ko lang alam na mommy sya ng ating demonyo sa lupa, mapagkakamalan ko syang dalaga. Ang kinis ng balat at sobrang ganda nya talaga. At sa unang tingin, walang pag-aalinlangan, masasabi mong galing sya sa mayamang angkan.

Sya si tita Juliet, asawa ni tito Romeo at mommy ni Demon. Ngayon ko lang sya nakita pero kilala ko na sya. Nung time kasi na nagkasundo kami ni tito Romeo about the tutorial session, proud nyang pinakita sa'kin ang picture ng maganda nyang asawa at nagkwento ng ilang bagay tungkol sakanya.

Kitang-kita ko nga sa mga mata ni tito Romeo kung gaano sya kasaya at ka-inlove habang kinikwento nya si tita Juliet.

Hay, sana makahanap ako ng kagaya ni tito Romeo na maipagmamalaki ako sa kahit na sinong tao balang araw.

"Hello din." Tumingin sya sa loob ng study room. Obviously, may hinahanap. "Si Keyr?" Ang soft naman ng boses nya. Ang sarap nyang kausapin.

"Ah, kalalabas lang po." Tangay-tangay pa nga po yung pagkain ko eh.

"Ganun ba." Humakbang sya papasok sa loob ng study table kaya umatras ako.

"Maayos naman bang turuan ang anak ko?" tanong nya habang naglalakad kami papunta sa table kung saan kami nag-aaral ni Demon kanina.

"Ayoko pong magsinungaling." Umupo ako sa U-shaped couch na kinauupuan namin kanina ni Demon. Sya naman, across mine.

Tumawa lang sya ng mahina sa sagot ko.

"Pwede mo bang i-kwento sa'kin kung anong nangyari sa inyo during your first tutorial?"

"Ano po bang gusto nyo, yung exactly o ie-edit ko para pagtakpan ang kalokohan ng anak nyo po?"

Tumawa na naman sya. This time, mas malakas. "You know what?"

Umiling ako. "Hindi pa po."

Once again, tumawa na naman sya. "Kung magkakaanak lang sana ako ng babae, I wish she could have been like you."

Napangiti ako sa sinabi nya. Oo nga pala, puro boys ang anak nila. Tatlong lalaki; dalawang normal, isang pinaglihi sa  init ng ulo. Alam nyo na siguro kung sino ang tinutukoy ko.

"Yung exact nalang po ang iki-kwento ko. Ehem." Tumingin ako sa kanan habang nire-recall ang mga nangyari.

Kinwento ko sakanya simula nung hindi ko mahanap si Demon sa school along maalala ko ang kabilin-bilinan sa'kin ni tito Romeo na gawin ko kapag kailangan ko ng tulong; ang tawagan sya. Hanggang sa kotse, yung nag-away kami. At pagdating sa bahay-- este mansion nila. Maayos naman sya habang kumakain kami not until nasa study room na kami.

Habang nag-aaral kasi kami, kung anu-ano ang ginagawa.

"Ayun po, hindi pa kami tapos mag-aral naglaro na sya sa iPad nya. Inagaw ko sakanya yung iPad, inagaw din nya. Nag-agawan kami. At nung nakuha na nya, sa sobrang kabaitan po ng anak nyo, tinulak nya ko.

Kapal ng face na itulak ako. Kaya naman ayun, hinila ko sya para pareho kaming ma-fall tapos sinabihan pa nya ko ng mabigat at pinick up-an ako na; roller coaster ka ba? Kasi daw tignan palang daw nya ko, sukang suka na sya. Ang bait bait po ng anak nyo, diba po?---" Natigilan ako sa pagsasalita dahil napansin ko ang makahulugang ngiti ni tita Juliet.

Rewind: Kaya naman ayun, hinila ko sya para pareho kaming ma-fall

para pareho kaming ma-fall

para pareho kaming ma-fall

para pareho kaming ma-fall

Waah!

"Tita, mali po ang pagkakaintindi nyo," nagsimula na kong magpaliwanag nang magsalita sya.

"May sinabi ba ko?"

Shoot. Oo nga naman. Wag masyadong depensive, Soyu! Pero kasi naman eh, yung ngiti nya. Makahulugan talaga.

"By the way, pumunta talaga ako dito dahil ikaw ang pakay ko," she stated, changing the subject. Thanks!

Napa-ah nalang ako at tumango-tango.

"My husband and I made some research about your school grades background. Hope you don't mind."

"Okay lang po."

She nodded once and continue. "Remember na kapalit ng pagiging personal tutor mo sa anak kong si Keyr ay college scholarship, right?"

Tumango ulit ako. Bibigyan nila ako ng scholar- as in walang ni sinkong duling ang magagastos ng parents ko sa pag-aaral ko sa college basta daw maturuan ko ng husto si Demon. Yung tipong magbabago ang grades nya. Kahit di sya mapasama sa top, basta tumaas lang ang kanyang mga grado.

"Napag-isip-isip kasi namin ng asawa ko na kahit wala ang offer namin, makakakuha ka ng full-scholarship sa college dahil sa sipag at talino mo sa pag-aaral."

"Thank you po." I flushed at her compliment.

"So, napagdesisyunan namin na swelduhan ka nalang every month."

"Haluh." Napaayos ako ng upo nang wala sa oras. "Okay lang po. Hindi naman po gaanong mahirap turuan si Demon at hindi naman po mabigat ang pinagagawa nyo. Tsaka, sanay na po akong maging tutor dahil madalas po akong napipili as a tutor sa mga remedial classes. Okay lang po talaga." I insisted.

Sobrang expensive na nga ng phone na binigay nila sa'kin then dadagdagan pa nila.

"Iha," Ni-reach out nya ang braso nya at hinawakan ang kamay ko. "hindi basta-basta ang tinuturuan mo. Ilang beses na kaming nag-attempt na mag-hire ng mga tutor, pero lahat sila unang araw palang ay nagba-back out na. Ikaw palang ang kauna-unahang nakatagal ng ilang oras sa anak ko knowing na student ka rin gaya nya."

Punong-puno po kasi ako ng patience sa katawan. Mana ko sa mama ko. Hehe!

"Hindi kami mapapalagay ng asawa ko if we have nothing to offer you in a return. You have no idea how glad we are for your lots of patience to my son. We really appreciate it a lot and sana pumayag ka na."

She squeezed my hand lightly and I saw a "please" word on her eyes.

"Sorry po," I said and I saw completely disappointment on her eyes. Lumuwag din ng bahagya ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

"Hindi naman po sa pagiging pa-bebe at pag-iinarte, pero hindi po pera o kung ano man ang habol ko. Kahit po pikang-pika ako sa anak nyo, willing po ako na turuan sya. Hindi ko po ito ginagawa bilang trabaho, ginagawa ko po ito para makatulong. Kaya sana po maintindihan nyo ko," paliwanag ko.

Tuluyan na nyang binitawan ang kamay ko at sumandal sa kinauupuan nya. Nanaig ang katahimikan sa pahitan naming dalawa kaya yumuko nalang ako.

Kung nandito malamang si Angelo, babatuhin ako nun at sasabihang, "Ang drama mo, Sistar!". Ma-drama na kung ma-drama. Tanga na kung tanga pero ayokong tumanggap ng sweldo talaga. Madalas na kasi akong nagtu-tutor lalo na kapag may remedial class (gaya ng sinabi ko kay tita Juliet kanina) at makita ko lang ang improvement nga tinuturuan ko, napakalaking balik na yun sa'kin.

Okay pa kung dagdag grades at lalong mas okay kung scholarship pero kapag pera na? Hindi ko alam pero ayoko. Siguro dahil nga sa ginagawa ko ito nang walang iniisip na kapalit. Kundi, para makatulong.

"I salute your parents."

Napaangat ang ulo ko at tinignan si tita Juliet nang magsalita sya. Nakangiti pa sya. Ang bait nya! Basta ang bait nya. Saan naman kaya nagmana si Demon? Ganun ba talaga kapag napapaggitnaan? (Pangalawa kasi sya sa tatlong magkakapatid). May abnormality sa katawan?

"Oh, hindi masarap."

Nalipat ang parehong atensyon namin ni tita Juliet sa kadarating lang na si Demon. Tinignan ko ang lunch box ko na nilapag nya sa table.

"Hindi masarap pero simot na simot?" sarkastikong tanong ko sakanya.

Hindi naman sya sumagot. Siningkitan nya lang ako ng mata tapos tumalikod.

"Thank you, ah! Inubos mo pagkain ko eh."

"Welcome," walang ganang sagot nya habang naglalakad papunta sa pinto.

"Hey, I'm here, son! Aren't ya going to greet me?" komento ni tita Juliet sa napaka-generous nyang anak habang sinundan ito ng tingin.

"Hi, mom." Bastos talaga! Magsalita ba naman nang nakatalikod at hindi manlang tumigil sa paglalakad?! Wag sana kong magka-anak ng ganyan. Naku!!

Pareho namin ni tita Juliet na sinusundan ng tingin si Demon hanggang sa tuluyan na itong makalabas. Di tapos ang tutorial session namin ah!

Napabuntong-hininga si tita Juliet at napailing. Pinagmasdan ko sya hanggang sa makita ko na tumaas ang isang kilay nya habang nakatingin sa baba.

Tumingin ako kung saan sya nakatingin. Sa transparent lunch box ko pala. Matapos ubusin ang pagkain ko, hindi manlang hinugasan. Si Demon? Maghuhugas ng pinggan? Never.

"Ayan ang dala-dala ni Keyr kanina, diba?" tanong nya sa'kin though sa lunch box pa rin sya nakatingin. Medyo nahiya naman ako dahil mumurahin lang iyon kumpara sa mga gamit nila dito sa mansion nila.

"Opo. Luto po ni mama. Mukhang nasarapan sya." Proud na sabi ko. Proud ako sa nanay ko eh.

Inangat nya ang tingin nya sa'kin. Base on her expression, nakikita ko na hindi pa sya makapaniwala na kinain ni Demon ang pagkain ko. Obvious kasi sa itsura ng Demon na yun na hindi sya kakain ng mga lutong hindi galing sa professional chef. Sa school pa nga lang, may chef silang dalawa ni Ployj. Dibuh? Sila na sosyal! Ako na cute. Hihi!

Matapos ang ilang segundong pakikipagtitigan, nag-glow ang mukha nya bigla. Tila may ideyang pumasok sa utak nya.

"May permanent work ba ang mama mo?"

Chương tiếp theo