webnovel

Ang Lihim Ng Mga Larawan 3

Day 1 ;   Alyssa,,,alyssa.... Napadilat ng mga mata si Alyssa,ikinurap kurap ang mga mata,tinignan niya ang mga katabi sa kama mukhang tulog pa ang mga ito.Parang narinig niya na may tumatawag sa panganalan niya habang natutulog siya.Bumangon siya sa kama at naupo.Parang hinihila pa ng antok ang mga mata niya.Bumaba siya ng kama,tinungo ang isang maliit na lamesa kung saan nakapatong ang bottled water nila parang nanunuyo kase ang lalamunan niya.Dumampot siya ng isa,binuksan ito at uminom ng tubig.Pabalik na siya ng kama ng mapansin niya ang isang painting na nakasabit sa wall.Nilapitan ito ni Alyssa at inusisa.

 WOW ang ganda !! bulalas niya.Isang malawak na karagatan ang nasa painting,may mga sirena na nakaupo sa malaking bato,ibat - ibang uri ng isda at halaman dagat.Pakiramdam ni Alyssa nabibighani siya sa nakikita,unti-unting nilalapit ng dalaga ang kanang kamay sa larawan at marahan na ipinikit ang mga mata.Napasinghap si Alyssa ng may maramdaman na tila mga kamay na humila sa kanya papasok sa larawan.Iminulat ng dalaga ang mga mata ng maramdaman na may malamig na hangin ang dumapo sa balat niya.Ngunit ganun na lamang ang pag tataka niya ng sa pag mulat ng mga mata ay iba na ang nasa paligid niya.Nakaupo siya sa malaking bato na nasa pusod ng dagat at tanging liwanag ng buwan ang nag bibigay ilaw sa kapaligiran.Nag palinga-linga siya.

  Nasaan ba ako,anong lugar ba ito? tanong ni Alyssa sa sarili.Akmang tatayo sana siya ng mapansin niyang may kakaiba sa mga binti niya,hindi niya agad iyon napansin dahil nakalubog ang kalahating katawan niya sa dagat .Sinubukan niyang iangat ang mga binti.

  " Oh my gosh! oh my gosh!" hintakot na bulalas ni Ayssa ng sa pag angat nito ng mga binti iba ang kanyang nakita.Isang mahabang buntot na nangingintab kapag tinatamaan ng liwanag ng buwan. "P-paanong nagyari ito?"naguguluhan na talaga siya paanong nag karoon siya ng buntot ng isda. Isa na ba siyang SIRENA?

Nagulat si Alyssa ng biglang may humatak sa isang kamay niya,pumailalim sila sa dagat.Isang  sirena ang nakita niyang may hawak sa kamay niya.At may iilan pa na sirena ang sumisisid sa ilalim ng dagat na tila nag papaligsahan.Pinilit niyang mag pumiglas pero mahigpit ang hawak ng sirena sa kanya.Pumasok sila sa isang malaking kweba,may narining siyang umiiyak pero wala siyang nakikita.Naramdaman niyang binitawan na siya ng sirena at lumangoy ito palayo sa kanya.Nag tatakang sinundan ni Alyssa ng tingin ang papalayong sirena,bakit kaya siya dinala nito sa loob ng kweba.Kinabahan siya ng maisip na baka ipapakain siya  sa isang malaking uri ng isda o kaya sa isang malaking pugita. Kaya siguro may narinig siyang umiiyak kanina kase nilalapa na siguro iyon ng halimaw sa dagat.Kinilabutan siya sa mga tumatakbo sa kanyang isipan.

    anong gagawin ko dito? tanung niya sa sarili. Pinakiramdaman niya ang paligid,mukha naman'g safe at walang halimaw gaya ng naiisip niya.

   Hu hu hu hu! narinig na naman niya ang iyak,tila boses ito ng isang babae.

    "Hello,may tao ba dito?" tanong niya sa malakas na boses pero walang sagot.Mali ata ang pag kakasabi niya dapat siguro taong isda? "May taong isda ba dito?" ulit niyang tanong.Gumapang siya sa mga malalaking bato.Ngayon napatunayan niya na hindi pala biro maging isang sirena.May nakita siya nakatalikod ito sa kanya,base sa histura nito isa itong babae,kulot ang mahaba nitong buhok.Narinig na naman niyang umiyak ito.Nakaupo ito sa isang malaki at malapad na bato sa paligid nito ay mga nag gagandahang mga halamang dagat

 Gumapang na nilapitan ni Alyssa ang babaeng umiiyak.

    "Miss,bakit ka umiiyak?" tanong ni Alyssa sa babae.Tumigil ito sa pag iyak ng marinig ang boses niya.Pero hindi pa din ito humaharap sa kanya.

    "Alyssa..."Tawag nito sa pangalan niya.Nag taka ang dalaga bakit alam nito ang pangalan niya.

   "Kilala mo ako?"naguguluhan na tanong niya dito. Marahang tumango ito.

   "Umalis na kayo sa mansyon,"sabi ng babae hindi pa din ito humaharap sa kanya. " Umalis na kayo sa mansyon bago pa mahuli ang lahat,kung ayaw mo na tuluyan na matulad sa amin na mga biktima niya."at muli na naman itong umiyak.

   "Hindi kita maintindihan miss,sino ba ang tinutukoy mo?" Tanong niya sa umiiyak na babae.

Bigla itong humarap sa kanya at bigla siyang hinawakan sa mga balikat.Sa gulat ni Alyssa napapikit siya ng mga mata.Hindi niya nagawang pag masdan ang mukha nito.

  "Umalis na kayo!" malakas na sigaw nito.

 "Hoy!" marahan na tinapik ni Maggie sa balikat ang kaibigan.Nagising ito dahil sa tunog ng alarm clock ng cellphone nito.Kanina pa niya nakikita na nakatayo sa tapat ng painting ang kaibigan kaya nilapitan na niya ito. "Anong ginagawa mo,kanina pa kita pinagmamasdan ..?"

   " ha?"gulat na sambit ni Alyssa,pag dilat niya ng mga mata nasa loob na ulit siya ng kwarto.

Natatawang niyakap ni Maggie ang kaibigan mula sa likuran nito.

  " Ngayon ko lang nalaman na nag e sleep walking ka pala girl," natatawang biro ni Maggie sa kaibigan. Bumitiw siya sa pag kakayakap dito at humarap sa kaibigan. "Anong napanaginipan mo?"nag bibirong tanong ni Maggie dito.

Naihilamos ni  Alyssa ang mga kamay sa kanyang mukha,nalilitong tumingin siya sa mga mata ng kaibigan.

  " Hindi ko alam kung panaginip ang nangyari girl,"simula ni Alyssa bakas sa mukha ang pagkalito.Nag lakad siya pabalik sa kama at naupo sa gilid nito.Sumunod naman dito si Maggie.

 "Anong ibig mo'ng sabihin?" tanong ni Maggie

 Itinuro ni Alyssa ang painting na nasa dingding.Sinundan naman ito ng tingin ni Maggie.

  "Kanina kasi ng hawakan ko ang painting,pakiramdam ko nasa loob ako nito.Nasa gitna ako ng dagat at naging sirena ako." kwento ni Alyssa,inaasahan na niya ang magiging reaksyon ng kaibigan.

Humagalpak ng tawa si Maggie sa narinig na sinabi ng kaibigan.

  "Ikaw kung saan na nakarating ang imahinasyon mo ano?" natatawang tanong ni Maggie dito.

 " Im serious!"  seryosong sabi ni Alyssa,nag kwento pa siya sa kaibigan tungkol sa nakita niyang babae.Pero ayaw maniwala sa kanya ng kaibigan.

 " Alas singko pa lang,subukan mo ulit matulog girl,"ani Maggie at muling sumampa sa kama at nahiga."Pag gising ko nakita na kita na nakatayo sa tapat ng painting,hindi ako kumurap girl kaya sa maniwala ka sa hindi pero hindi ka umalis sa kinatatayuan mo."

  "P-pero kase--"hindi na natuloy ni Alyssa ang sasabihin ng mag salita ulit ang kaibigan.

 "Matulog ka na,baka di mo namalayan nakatulog ka at sa sobrang pagka bighani mo sa painting napanaginipan mo ito.'' anito sabay talukbong ng kumot.

Napabuntong hininga na sumampa na din ng kama si Alyssa hindi pa din mawala sa isip niya ang mga nangyari na kakaiba sa kanya.

  "Haist!" inis na humiga sa kama ang dalaga. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Naitanong  niya sarili.Dinampot niya ang isang unan na nasa tabi ni Daisy na himbing sa pag tulog.Itinakip niya iyon sa mukha.

  "Matulog kana huwag ka ng mag isip ng kung ano-ano," pahabol ni Maggie sa kaibigan.

   "Oo na!" tipid na sagot ni Alyssa.Pero ang totoo laman pa din ng isip niya ang tungkol sa painting.Ang karagatan,mga sirena at ang babaeng umiiyak.Ilang minuto din siyang nag iisip at tinatanong ang sarili niya na hindi din naman niya masagot.Humikab ang dalaga,hanggang sa makatulog ito, na laman pa din ng isip ang tungkol sa painting.

Chương tiếp theo