webnovel

Chapter 21

Hindi namalayan ni Ashley na si Mayordomo ay nasa may pintuan pala at nasaksihan ang lahat ng pangyayari. Bigla siya nitong hinarang ne malaking ngiti sa mukha na parang nakakaloko.

"Oops, saan ang punta mo?" Sabay buka ng dalawa nyang mga braso at hinarangan ang dadaanan ni Ashley. "Di mo ba alam na masamang magalit si bossing. Pasalamat ka nga at

inaasikaso ka niya at duda ko posibleng iniligtas ka pa nya mula sa sindikato. Tapos ngayon, magtatampo ka pa't umaarte ka pa ng ganyan...-

"Paano na lang kung tupakin at magbago ang isip nya at bigla ka na lang ipabalik doon? Aber nga?!" Sabay panakot ni Mayordomo kay Ashley na naniniwala naman kaagad dahil sa seryosong mukha nito.

"Eh, kasi naman po eh! Para syang sala sa lamig, sala din sa init. Hindi ko na malaman kung paano ako sasabay sa tugtog ng mga kanta nya. Maya-maya, mabait. Tapos, bigla na lang parang tigre kung mag salita, pasigaw!.-

" Ano ba ako palagay nya manikin? Para bang wala akong puso at damdamin na masasaktan din kahit papano kung makasinghal sya?" Reklamo ni Ashley sa mayordomo na halos mangiyak-ngiyak na at gumagaralgal na ang tinig ng kanyang boses habang nagsasalita.

"Ay, naku! Inday, pagpasensyahan mo na lang yan. Ganyan talaga ang mga Japanese. Kung magsalita ay parang palaging galit, kahit hindi naman. Hayaan mo, pagsasabihan ko. Kahit naman papaano ay nakikinig yan sa akin dahil ako ang nagpalaki nyan." Pagyayabang ni Mayordomo kay Ashley na me bakas na lungkot sa mga mata.

"Ganun po ba? Kasi sa tanang buhay ko, ngayon ko lang po nakasalamuha ang isang Japanese eh! Paano kasi first time ko pa lang nakaalis ng bansa. Tapos sa aming lugar, wala namang naliligaw na foreigner. Me Japanese man, di ko naman nakakausap."

"Oh, sya-sya! Tama na ang pag-e-emote, balikan mo na at aalis yata kayo. Katulad ng bilin ko sayo, pagpasensyahan mo na lang. Pasok dito-labas dito." Habang itinuturo ang kaliwang tenga at ang kanan naman pagkatapos.

Ang hindi alam ni Ashley ay nasa likuran na niya si Tanaga at narinig ang lahat ng pinag-uusapan nila ng Mayordomo. Dahan-dahan itong umatras para hindi nya malaman na nikikinig sya, baka isipin pa ni Ashley ay tsismoso sya.

Halos malapit na si Tanaga pabalik sa kung saan siya ay iniwan ni Ashley kanina. Ng napag isip-isip nya, 'bakit ba ako matatakot na malaman niya narinig ko lahat ang pinguusapn nila?" Ikot pabalik si Tanaga kung nasaan si Ashley.

Si Ashley naman ay nakapag isip-isip tungkol sa pangaral na binitawan ng mayordomo. Kaya naman ng matapos mahimasmasan ay nagpasya na syang bumalik at tingan kung isasama pa ba siya ni Tanaga or hindi na.

Wala siyang ka alam-alam na di naman kalayuan ang distansya nila ni Tanaga. Kaya nang sya ay umikot pabalik, ang bumungad sa kanya ay ang nakasimangot na si Tanaga habang nakatayong naghihintay sa kanya. "Ay, Demonyo!" Napasigaw si Ashley sa gulat.

"Demonyo? Bakit, me nakikita ka bang syngay sa noo ko?" Galit na tanong ni Tanaga at lalong nalamukos ang pagmumukha nito sa asar.

Kaya tuloy, "Ano! puede na ba tayong umalis, anong oras na ah? Kung baga sa mamamalengke, eh, bilasa na ang lahat ng isda bago pa tayo makarating" Pasaring ni Tanaga ke Ashley.

Sasagot sana si Ashley ng pagalit, nang bigla nyang naalala ang payo ng mayordomo. "Pasok dito, labas sa kabila." So, imbes na magalit sya at sagutin din ng pabaling...-

"Sir, pasensya na po uli! Di na po mauulit." Sabi ni Ashley na hindi makatingin ng diretso kay Tanaga, habang ang daliri ay kinukurot ang sarili.

"Let's go then!" Sabay talikod ni Tanaga na para bang hindi na makapaghintay kay Ashley na sumunod. [Dahil alam naman niya na susunod ito. Kaya malakas ang loob nya.]

Pagdating sa may sasakyan, naunang pumasok si Tanaga bago sumunod si Ashley na walang kibo. Dahil sa nerbisyos ni Ashley, muntik na tuloy syang matalisod papasok ng sasakyan. Mabuti na lang ay mabilis ang reflex ni Tanaga at nasalo siya...

Pero ang problema, dahil sa gulat ni Tanaga na masubsob ang dalaga sa babang harapan niya, bigla nyang itinaas ang mga palad nya na nakabuka at ang nasalo ay ang dalawang bundok ng dalaga.

"Patay!"

Mga ilang sandali ang nakalipas, hindi pa rin tinatangal ni Tanaga ang pagkakahawak nya sa bulubunduking harapan ni Ashley... Medyo nairita na ang dalaga at lumipad ang linaw ng kanyang pagiisip.

*Pak! Pak!*

Mag asawag sampal ang inabot ni Tanaga...

Ayan ha, araw araw akong nag a-update.

Mararimg salamat sa comment at Vote nyo.

Ito lang naman kasi ang motivation kong mag sulat. Kung wala akong nakikitang nag comment, isip ko walang nag babasa, nawawalan tuloy ako ng gana.

Keri, nyo? Hahaha!

AJZHENcreators' thoughts
Chương tiếp theo