webnovel

SING-SING

Masigla pa rin ang si Jason nang gumising. Nagpaalam ito sa kanya na sasama raw ito sa outing. Iba ang pakiramdam ni Yen. Ngunit kahit ganon ay wala naman siyang magawa. Kahit naman hindi siya pumayag ay alam niya na wala naman siyang magagawa. Tumango na lamang siya habang pinapanood itong gumayak. Pinaghanda pa niya ito ng gamit.

Pag alis ni Jason ay muli siyang bumalik sa kanyang pagtulog. Papasok siyang muli sa trabaho ngayong araw kaya hahabol pa siya ng konting tulog pa.

Habang nasa trabaho ay hindi niya maiwasang mag alala. Nag-iisip pa rin siya. Maraming outing na pinuntahan si Jason pero ni minsan ay hindi siya nito sinama. Iniisip niya kung kinakahiya ba siya nito? Kung sino ba ang kasama nito? At bakit ganoon. Gayunpaman ay nagpatuloy siya sa trabaho at pinilit iwaksi sa isip ang mga agam agam.

Maya maya pa ay humilab ang kanyang tiyan. Isang linggo pa bago siya tumapak sa pang pitong buwan. Sumakit ito at halos hindi na siya makalakad. Naninigas din na tila ba gusto nang lumabas. Nahintakutan si Yen. Nagsumikap siyang makapunta ng clinic. Pagdating doon ay agad siyang pinahiga ng nurse. Pinataas nito ang kanyang paa, at pinagpahinga muna siya.

Ang sabi ng doctor doon ay hindi na siya pwede bumalik sa trabaho. Kailangan daw niya agad na magpacheck up sa OB niya. Para makagawa ito ng papel na isusumite sa kanilang kompanya. Yon ay para daw sa mga benipisyo niya, at para mabayaran ang mga araw niya kahit wala siya sa trabaho. Ang sabi nito posible daw na malaglag ang baby kapag pinilit niya pang pumasok at magtrabaho. Pinauwi na lamang siya nito para magpahinga.

Pagkauwing pakauwi niya ay agad siyang nagpahinga. Kinabukasan, dahil wala si Jason ay si Joseph nanaman ang kasama niya sa doctor. Pinagdrive siya nito at mataman itong nakinig sa advice ng doctor sa kanya. Binigyan siya nito ng gamot na pampakapit at binilinan na bedrest. Hindi na siya pwedeng magkikilos. Kailangan daw ay complete bedrest. Pwede lamang siyang tumayo pag magbabanyo. Ganoon iyon kagrabe?? Buwis buhay pala talaga ang pagbubuntis.

Muntik daw mahulog ang baby. At hanggang sa mga oras ka iyon ay matigas pa din ang kanyang tiyan. Sabi nito kung hindi daw niya maipapangako na hindi siya magkikilos, ay ipapa-confine siya nito. Para lang mabantayan siya at masigurado na hindi siya mapupwersa.

Dahil ayaw naman ni Yen na maconfine sa ospital ay nangako siya na susundin niya si Doc. Pinili niyang manatili sa bahay. Nangako siya na magpapahinga lamang siya at mag iingat ng husto. Ang sabi ng doktor, ganoon na daw siya hanggang manganak. Kulang pa daw ng isang linggo ang bata at malabo pang mabuhay ito kung ito'y lumabas. Nadismaya siya nang maisip ang buhay niya nang nakahiga lamang. Pero wala siyang magagawa. Marahil ay dahil iyon sa pagod at sa stress.

Early labor daw yon. Kung hindi daw yon naagapan ay baka lumabas na ang sanggol. Nahintakutan si Yen nang malaman ito, kaya kahit alam niyang uugatin siya sa bagot ay maingat niyang sinunod ang payo ni Doc.

Dahil wala si Jason ay si Joseph ang nag aasikaso ng mga kailangan niya. Nagluluto ito bago umalis at naglalagay ng imbak na pagkain para pag nagutom si Yen ay may makukot ito. Sobrang thankful si Yen kay Joseph. Napakabait nito at hindi ito nakakalimot na mag check sa kanya.

Gayunpaman ay ina-update niya naman si Jason sa mga nangyayari. Kahit nasa trabaho ito. At nasa outing?

Mula pala nang umalis ito kahapon ay hindi pa ito umuuwi. Ang paalam nito ay papasok ng umaga at pag uwian daw derecho sa outing ito. Alam niyang dalawang araw ang off nito pero hindi niya inakala na uubusin nito iyon doon.

Muli nanaman siyang mag emote.

Hindi man lang siya tinirhan ng oras. Hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon na para magkasama naman sila. Kahit samahan man lamang siya sa check up sana. (¬_¬) Grabe siya talaga.

Tiningnan ni Yen ang kanyang cellphone. Walang text, walang chat...kaya naman tinawagan niya ito. Walang sumasagot. Mag isa siya sa bahay na iyon. Wala siyang kasama dahil si Joseph ay kasama sa gimik ng barkada. Si Jason naman ay nag papakasaya sa outing niya. Awang awa si Yen sa sarili. Gustuhin man niyang umuwi sa bahay niya ay hindi pupwede. Malayo iyon at ibinilin ng doktor na kailangan niya talagang sumunod.

Minasdan lamang ni Yen ang apat na sulok ng silid.

Isang linggo bago magpitong buwan, Ilang buwan pa ang itatagal niyang ganon. Hinimas na lamang niya ang kanyang tiyan. Kinausap ang anak. Nagpatugtog hanggang sa makatulog.

Kakaidlip lamang niya nang may nareceive siyang text.

[ baby, pagkatapos nito ay magiging ok din ang lahat.]

Anong ibig sabihin noon?

Muli itong tinawagan ni Yen ngunit hindi na nakokontak. Nabalot siya ng pag aalala. Anupa't hindi na siya muling nakatulog.

Kinabukasan ay maghapon pa rin itong wala. Inabot ng hapon, hanggang gabi na ay hindi pa rin ito umuwi. Binisita na siya ni Miguel. Kinumusta at dinalahan ng pagkain. Nagulat ito nang malamang dalawamg araw nang hindi umuuwi ang anak.

" alam mo iha, ang lalaki ay lalaki... hindi mo yan pwedeng itali. "

Juice colored!!

Anung ibig sabihin nito?? Na dapat ay hayaan niya lang si Jason na itrato siyang ganon? Hindi na siya sumagot. Ayaw niyang dumagdag ang hilaw niyang biyanan sa stress na kanyang narardaman. Salamat na lamang ay nagpaalam din ito kaagad.

Binuksan niya ang cabinet at inayos iyon. Hindi naman mabigat magtiklop at nakaupo naman siya. Sinalansan siya ang mga damit ni Jason pati ang mga damit niya. Inayos din niya ang mga nabili niyang gamit ng anak niya. Napangiti siya. Excited na siyang mamilinng ibang gamit nito. Pero hindi pa niya alam ang gender ng anak niya.

Habang nag aayos ay nakita niya ang maliit na drawer sa cabinet ni Jason. Binuksan niya iyon. Marahil ay mga importanteng gamit ito ng lalaki. Mag I.D at atm. At....Tinitigan niya ang nakitang singsing. Sinipat ito at inalala kung saan ito nakita. Minasdan ito ng mabuti. May maliit na sulat na nakaukit dito.

Jason ♡ Trixie

090910

Eh?? Tumingin si Yen sa kalendaryong nakasabit sa kanyang likuran. September 10... Biglang sumigid ang kaba sa kanyang dibdib. Nagkaroon si Yen ng kakaibang pakiramdam. Hindi kaya? Pero sabi nito ay si Albert ang kasama niya. Ibinalik niya ang mga gamit nito. Pagkatapos ay muli siyang nahiga at nahulog sa malalim na pag-iisip.

Ito na ang pakiramdam. Hindi na siya masaya. Pakiramdam niya ay ginagawa niya lang kawawa ang sarili niya. Pinakiramdaman niya ang sarili. Ok naman ang pakiramdam niya. Naisip niya na pwede na siguro siyang bumiyahe pauwi sa bahay niya. Ngunit nag aalangan pa rin siya. Dahil baka kung anong mangyari sa kanya habang nasa daan. Nagpakawala siya ng buntong hininga at kinumbinse amg sarili na magtiis pa. Sa sitwasyon niya ngayon, kailangan pang kumapit, at lumaban.

Alas onse ng gabi nang dumating si Jason. Pagod ito at wala sa mood. Gusto niyang komprontahin ito pero pagod na siya. Napapagod na siyang mamalimos ng atensiyon nito. Napapagod na siyang magpapansin at mag inarte mapansin lang ni Jason. At napapagod na siyang makipag kompitensiya sa ala-ala ni Trixie.

Inilapag ni Jason ang cellphone nito. Bago iyon. Kakabili lang nito ilang araw palang ang nakakaraan. Ngunit kumunot ang kanyang noo nang makita itong basag basag?

" Anong nangyari?" Tanong ni Yen habang nakatingin sa cellphone nito.

" Ahh... nahulog hindi ko namalayan. Hinanap ko tapos nakita ko sa kalsada. May dumadampot na. Nasagasaan na kaya nawarak. "

" Kaya hindi kita makontak? "

" oo ganun nga. Kumusta ka na? hayaan mo at babawi ako sa susunod na off ko."

Minasdam na lamang ito ni Yen. Tila ba may kakaiba sa kinikilos nito.

Chương tiếp theo