webnovel

Awkward Moment

Bumaba si Trixie sa sinasakyang tricycle. Wala siyang driver kaya napilitan siyang mag commute. May kotse siya binigay ng kanyang ama, pero hindi siya marunong mag drive. Takot siya.

Napalingon siya sa magandang kotseng nakaparada sa tapat ng bahay ni Jason.

Siguro ay may kaanak nanaman itong bumisita. Taas noo siyang naglakad papasok sa gate nitong bahagyang naka awang. May susi siya ng bahay ni Jason. Dahil minsan ay doon siya umuuwi noon. Sinabi na ni Jason sa kanya na doon nalang siya tumira. Pero mamamatay siya sa bagot pag nandoon lang siya.

Madalas may mga bumibisitang kaanak si Jason. At halos lahat ng relatives nito ay kilala na niya. Matagal na sila Jason at noon ay proud na proud itong iharap siya kahit kanino.

Dumirecho siya loob. Pag pasok niya sa kabahayan ay bumulaga ang makalat na sala. May mga tools, mga wires at kung anu-anong gamit na di naman niya alam kung ano. Naisip niya na baka nagpapagawa si Jason ng kwarto niya. Lalong tumaas ang kanyang kumpiyansa.

Naulinigan niya ang mga nagtatawanan sa loob ng kwarto ni Jason. Dahan dahan ay isinungaw niya ang kanyang ulo sa bahagyang naka awang na pinto. Napanganga siya sa mga ilaw ka tila naglalaro sa kanyang paningin hanggang mahagip ng mata niya ang babaeng naka shorts at tila ito ang punong promotor ng mga lights effects na iyon.

Bakas ay tuwa sa mukha ni Jason. Napapapalakpak din si Andrea na nakaupo at nakatingala lang din sa mga tila bituin sa kisame.

" teacher..."

Mahinang sambit ni Trixie nang mapag sino ang babae. Biglang parang may kung anong pumiga sa puso niya. Ang kaunti niyang pag-asa ay tuliyan nang nawala. Kakausapin niya sana si Jason at kukumbinsihing ituloy na ang kanilang kasal Ngunit hindi pa siya nakakabawi sa pagkagulat nang makita niyang sinambot ni Jason ang babae at napasigaw ito. Lalong lumakas ang tili nito nang inikot ikot ito ni Jason. Nahampas nito si Jason sa braso at paulit-ulit na sumisigaw ng

" ibaba mo ko!!!" malakas pa rin ang tawanan.

Si Andrea naman ay aliw na aliw na nanonood lang. Maya maya ay bumaling sa dereksiyon niya ang tingin ni Yen.

" hey!"

Sabay lumingon ang magpinsan at kapansin pansin ang pag guhit ng inis sa mukha ni ni Jason. Saglit na nayani ang katahimikan. Halata ang pag aalangan ni Jason maging si Andrea ay hindi malaman kung anong reaksiyon.

" you're here..." nanulas sa bibig ni Yen paraan upang basagin ang tila ba awkward moment na namamagitan sa kanila.

" hindi ko alam na magkakilala pala kayo ni Jason." dugtong ni Yen.

Ramdam ni Yen ang nagbabadyang gyera kaya umuna siyang magsalita.

" hmmm" pilit ang ngiti ni Trixie alam niya na hindi alam ni Yen kung sino siya dahil hindi naman ito nag abalang magtanong nung ipinakilala siya ni Lester dito.

" Trixie Joy Rosales" pagpapakilala ni Trixie.

Iniisip ni Trixie na matitinag si Yen pag nalaman nito na siya si Trixie.

" ahh I see. akala ko talaga ay Joy ang pangalan mo. How was my work? maganda ba?" tanong ni Yen dito.

Si Andrea at Jason naman ay nagpapalit palit ang tingin sa dalawa. Hindi alam ni Andrea kung magkakilala o nagkita na ba sila.

" ok naman, hindi ko alam na hindi lang pala pagtugtog ang alam mo. Kahit pala construction. Siguro, construction worker ka dati." may halong pang-uuyam ang tono ni Trixie.

Malapad na ngumiti si Yen.

" oh and I will love that too. Exciting yon. Pero totoo, nagco-construction talaga ako dati. Yung bahay ko nga ako gumawa ee." may bakas namang pang aasar ang tono ni Yen.

" at mahusay din lumandi."

" Trixie!! " Napasigaw si Jason sa sinabi nito.

" ow... Sa tingin ko naman ang lahat ng kababaihan ay may kanya kanyang kalandian. Parte ng buhay natin yon and it is fine with me if you will call me one miss joy I won't mind."

" ang galing. at mahusay ka din palang mang agaw ng boyfriend?" huli na nang marealize ni Trixie na alam pala nito ang tungkol kay Lester.

" excuse me? wala akong balak makipag relasyon kay Lester or kung si Jason naman ang tinutukoy mo miss joy, I think you need to explain. Dalawa boyfriend mo? sabay?? " natameme si Trixie sa derechang patutsada ni Yen. Hindi siya nakapagsalita. Para siyang napompyang sa sinabi nito. Dahil totoo. pinagsabay niya sina Lester at Jason. At alam ni Jason yon. Anu pa ba ang ilalaban niya dito. Nasapo niya ang kanyang dibdib at patakbong umalis.

Napanganga si Andrea sa nakikita pinipigil niya tumawa dahil tila siya nanood ng pelikula. Hindi niya akalain na may makakatapat pala si Trixie sa pagiging maldita. First time niya nakita si Trixie na ganon. Gusto niya palakpakan si Yen. Tuwang tuwa siya talaga at ngayon gusto na niya si Yen para sa kuya niya. Ngayon niya lang din nalaman na mat boyfriend na pala si Trixie. At baka posibleng nagtaksil ito sa kuya niya kaya siguro ganon na lamang ang galit ng kanyang pinsan dito.

Napansin niya na ang pagbabago ng dalawa nong nagbantay siya sa ospital. Ang dating magnobyo na hindi mo mapaghiwalay at wala nang ginawa kundi maglandian nang hayagan ay parang napapaso ngayon kapag hindi sinasadyang magkadikit ang balat. Nakita kiya niya kung papano itrato ni Jason si Trixie sa ospital. Kaya labis din ang pagtataka niya dito. Ngayon niya lang lahat napagtanto.

Hindi niya inaasahan na hindi matitinag si Yen dito. Hindi naman harsh ang sinabi nito. At wala naman siyang salitang binitawan na hindi naman maganda. Si Trixie pa nga ang makapal ang mukhang tawaging malandi si Yen. Na tinawanan lang ni Yen. Umakto itong proud at hindi affected. Nangingiti pa rin si Andrea habang pinagmamasdan ang kuya niyang hindi pa rin nakakabawi sa pagkatulala.

Patakbong tinungo ni Trixie ang sakayan.Iniisip niya ang mga pangyayari. Last week lang siya ipinakilala ni Lester kay Yen.

Natuwa si Lester nang mapag sino ang babaeng nakasalubong. Akma niya itong hahalikan ngunit umiwas ang babae.

" germs."

Humalakhak si Lester at nagtawanan sila.

" hindi ka pa rin nagbabago teacher. wala man lang mainit na pag tanggap para sa mabuti mong estudyante." Tumatawa pa ring wika ni Lester.

" loko mo! cha-chansing ka pa! parang di kita kilala." sabi nito.

Humalakhak naman si Lester at pagkuway nangumusta. Nilingon siya ng babae at saka lamang siya naalala ni Lester.

" this is Joy teacher. Girlfriend ko."

Nakita niya na sinamaan ng tingin ni Yen si Lester. At tumawa naman ang huli.

Ngumiti sa kanya ang babae, at bumati.

Naikwento ni Lester na ito ang nagturo sa kanya tumugtog. Master daw ang tawag niya dito kaso ay nagagalit ito. Kaya ginawa nalang niyang teacher. Madami siyang ikwenento sa babaeng iyon. Kesyo magaling daw at matalino. Magaling makisama, tunay na kaibigan... Halatang halata ang pag hanga ni Lester dito. Ngunit kung sino man ang babaeng iyon, ay hindi siya interesado.

Sino ang mag aakala na ito pala ang ipinalit sa kanya ni Jason.

Chương tiếp theo