webnovel

Blessing in Disguise

" Sa tingin ko ay hindi makakabuting ako ang kasama mo dito" sabi ni Yen kay Jason.

" Ay bakit? ayaw mo ko makasama? " :( ngumuso ito

" hindi naman sa ganon. Kailangan mo kase magpahinga."

" magaling na ako. kase nandito ka na."

Aww... Napapa-iling si Yen sa mga nangyayari sa kasalukuyan. Parang kailan lang ay tila siya baliw kaka-isip sa lalaking ito. Ngayon naman ay hayagan ang panlalandi nito sa kanya.

Hindi naman siya umaapila.

Ang totoo ay masayang masaya siya. Sana ay hindi siya nananaginip. Pasimple niya kinirot-kurot ang braso para lang sigurohin na totoo ang lahat ng ito.

" pwede bang dito ka nalang sa tabi ko?" malambing ang tinig ni Jason. Natutunaw ang kanyang puso.

Tiningnan niya ito at nilapitan. Umupo siya sa gilid ng kama nito. Sa may bandang gitna. Sa bandang bewang ni Jason na nakahiga. May sapat na diatansiya sa isa't isa.

Muling ginagap ni Jason ang kanyang mga palad. Pinisil pisil iyon. Pagtapos ay hinalikan nito ang kanyang kamay at muling inilagay sa ibabaw ng kanyang dibdib.

Hinayaan lang ito ni Yen.

" anu bang sakit mo? "

" pneumonia daw "

" pano nangyari? "

Nag kwento si Jason kung anong nangyari.

Matagal na daw niya iniinda ang sakit ng likod. Hindi daw niya ito binigyan ng pansin dahil nawawala din naman. Subalit kanina daw nong pumasok ito sa trabaho ay sumigid ang pananakit nito. Halos hindi na daw siya makatayo ng derecho kaya naman pumunta siya ng clinic para ipa-check ito.

Pinagpahinga siya ng nurse on duty sa clinic bed. Pagkalipas ng tatlong oras at binalikan siya nito at kinumusta. Dahil ang pakiramdam niya ay parang humupa na ang sakit. Bumangon siya sa pagkakahiga. Sa kasamaang palad namilipit siya sa sakit at hindi na makatayo. Kaya naman isinugod na lamang siya sa ospital.

May sakit daw ang kanyang ina.

Ang ama naman nito ay abala sa negosyo. Hindi naman sa wala itong pakialam sa kanya. Ayaw niya lamang daw dagdagan pa ang mga alalahanin nito. Pero tinawagan na daw niya ito at papunta na din ngayong umaga para magdala ng ilang gamit niya.

Siya naman daw ang tinawagan dahil siya daw talaga ang nailagay niya sa emergency contact person nito. Kahit nga daw si Jason ay limot nang si Yen pala ang sinulat niya doon.

Nakadama naman si Yen ng tuwa. Hindi niya alam king dahil sa emergency contact, o dahil kasama niya na ito at nakakausap. Minasdan niya ito. Maganda ang kislap ng mga mata ni Jason kumpara kanina nong dumating siya dito. Masya din ba ito na nagkita sila?

" akala ko hindi na kita makikita ulit" sabi ni Jason

" malapit na akong mawalan ng pag-asa." dugtong pa nito.

" hindi ko alam kung pangit na pangyayari ba ang nangyari saken, pero palagay ko blessing in disguise. Sana hindi ka na mawala ulit." sabi ni Jason habang hinahalik halikan ang kanyang kamay, pinisil pisil nito ang mga palad niya at muling ipinatong sa ibabaw ng dibdib nito.

Nakatingin lang si Yen dito. Noong hindi pa niya ito nakikita ay napakarami niyang gustong itanong. Pero ngayong nasa harap niya na ito ay wala na siyang maisip isalita. Panay na lamang ang tingin niya dito at matamang nakikinig sa bawat sabihin nito.

" Si Trixie? " nakuhang itanong ni Yen.

" Wala na yon, patapon na."

" An sama mo" sabi ni Yen

" Anong nangyari? muli niyang tanong kay Jason.

Ikwenento nito na nagsasama na sila ng lalaking ipinalit nito sa kanya. Pero ang nangyari noong gabing iyon ay hindi nito binanggit pa.

" Magpahinga ka na. Kailangan mo magpagaling...mamahalin pa kita." sinadya ni Yen hinaan ang huli nitong kataga.

" ha?" tanong ni Jason. Hindi niya alam kung tama ang pagkakarinig niya kaya nais niyang ulitin ito.

" wala, kako magpalakas ka."

Tumawa si Jason. Pagkatapos ay umayon na din sa sinabi niya. Umusog ito para magkaron siya ng space upang makahiga. Walang ibang higaan doon maliban sa kama ni Jason. Isang upuan lang ang meron na kinuha ni Yen at inilapit sa kama ng binata.

" dito lang ako. Hihintayin ko dumating ang Papa mo." sabi ni Yen

Hindi naman siya pinilit ni Jason. Umayos ito ng higa at pumikit. Epekto marahil ng gamot kaya agad itong nakatulog.

Pinagmasdan lamang ito ni Yen.

Maya-maya ay nagselfie siya sakop ang pasyente sa ibabaw ng kama. Isinend niya ito sa kanyang boss para magpa-alam na hindi siya makakapasok. Malabo na siyang makapasok sa trabaho dahil alas 4 na ng umaga at alanganin na din siya.

Nag text at nag miscall din siya sa visor niya para ma-notice nito kaagad ang message niya. Ilang sandali ay sumagot ito

" ok"

Pagkatapos non ay inabala ni Yen ang sarili sa paglalaro sa kanyang cellphone. Kahit naglalaro ang isip niya ay hindi naman doon nakatuon. Iniisip niya ang mga sinabi ni Jason.

Sana daw ay hindi na siya mawala ulit. Eto na ba yon? Magiging ok na kaya sila ulit?? Halo halo ang kanyang emosyon. Hindi niya din masabi kung totoo na nga ito. Gayunpaman ay nais niyang paniwalaan iyon. Siya din naman, ayaw niya nang magkalayo silang muli. Matagal niya din hinintay ang pagkakataong ito. Hindi nga lang ganito ang inaasahan niya. Pero tama ang yata ang panaginip. Lumabas ito dahil malapit na silang magkita muli. Malapit na siyang maniwala na sila ni Jason nga ang nakatadhana.

Noong hindi pa sila mag jowa ay tinanong siya ni Jason kung naniniwala ba siya sa destiny. Ang sabi niya ay hindi. Dahil ang kapalaran natin ay nakasalalay sa desisyon na ating pinipili. Subalit ngayon ay tila parang totoo ang destiny. Siguro...

Base na din sa kanyang mga napapanaginipang kakaiba ay baka may destiny nga. Minsan nga naisip niya na reincarnated sila at talagang nakatakda na muli silang magkasama.

Oo pati reincarnation ay naisip na ni Yen noon. Dahil sa parang scripted ang pagdating ni Jason sa buhay niya. Simula nang magkakilala sila, maghiwalay at muling magkita. Malakas na din ang kutob niya na si Jason na nga ang kanyang magiging kabiyak. Sana...

Sana....

Dahil si Jason lang talaga ang gusto niya at wala nang iba.

Pero siguro dahil malakas lang din siya manalangin. Araw-arawin ba naman niyang hingin si Jason kay Lord ee. Baka nakulitan na sa kanya kaya ibinigay nalang. Medyo natawa si Yen sa naisip na yon. Pero totoong araw araw niya dinasal iyon kaya posibleng ibinigay na nga lang ng Panginoon.

Naisubsob niya ang mukha sa kama ni Jason habang naglalaro. Hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya habang nakatalungko sa kama nito.

Naniniwala ka ba sa destiny?

Vote for me. labyu

nicolycahcreators' thoughts
Chương tiếp theo