webnovel

Ang Idinidiin

Nang makita ni Anthon ang batang hawak hawak ng foreigner, sigurado nyang anak nya yun.

Kahit na naka suot ito ng pambabae at paa lang ng batang nakalawit ang nakita nya, tyak nya si baby Gab iyon.

Sa tuwing kina karga nya ang bata, lagi nyang pinagmamasdan ang isang daliri nito sa kanang paa pangalawa sa dulo. May nunal na malaki sa dulo ng daliri. Katulad ng sa kanya. Bilog na bilog ito at nasasakupan ang dulo ng ilalim ng daliri.

Inborn ito at hindi mo mahahalata dahil imbis na itim, mamula mula. Mukhang namaga lang o nakagat.

Kanina pa pinagmamasdan ni Lando ang tinutukoy ni Anthon at hindi sya makapaniwala na nunal iyon.

Ilan beses na nyang nakarga ang bata pero hindi nya alam na may palatandaan pala ito.

Para makumbinsi, tinanggal ni Anthon ang sapatos nya at ang medyas sa kanang paa at ipinakita ang parehong palatandaan sa kanila.

Anthon: "Nung bata pa ako, ganyan din ang kulay ng nunal ko, ngayon mamula mula pa rin pero mas dark na ng kaunti! Hindi ito basta basta makikita kung hindi bibigyang pansin!"

Ibinaba nya ang paa sa sahig para maintindihan nila ang ibig sabihin.

Pag naka yapak nga ito hindi mo nga sya makikita dahil nasa likod ng daliri.

KRRIIINGG!!

Anthon: "Hello bunso!"

Joel: "Kuya Anthon, nasa custody na ni Kuya Gene si Congressman Sanchez pero idine deny nya lahat ng akusasyon sa kanya at ibinubunton lahat sa pamangkin nyang si Winnie!"

"Nasaan si Winnie Kuya?"

Anthon: "Iniwan ko sa tauhan ni Miguel!"

Joel: "Kailangan nating makausap si Miguel! Hahanapin ko lang si Gio!"

At binaba na nito ang phone.

Anthon: "Enzo, makokontak mo ba si Miguel?"

Enzo: "Bakit?"

Anthon: "Nasa tauhan nya si Winnie at sya ang tinuturo ni Congressman na utak sa lahat ng ito!"

Agad nitong tinawagan si Miguel.

Enzo: "Pare?"

Walang planong sumagot ni Miguel pero ng makitan sya ang tumatawag, sumagot ito.

Si Miguel ay hindi palakaibigan na tao. Si Luis lang ang maituturing na matalik na kaibigan nito. Pero patay na si Luis.

Nang magkasama sila ni Enzo, naalala nya si Luis dito, kaya inuturing na nyang isang malapit na kaibigan si ito.

Miguel: "Pare si Issay..."

Enzo: "Bakit anong nanyari?"

Miguel: "Nasa ospital, delikado daw ang lagay dahil sa mga namuong dugo! Nagka internal hemorrhage siya! Pag di pa sya nagkamalay baka dalhin ko na sya sa Maynila!"

Enzo: "ANO???!!!"

"Pano nangyari yon?"

Nagtakang tanong ni Enzo dahil maayos naman si Yasmin ng mga rescue. Konting galos at pasa sa mga kamay dahil sa pagkakatali.

Emotionally unstable sabi ng doctor pero physically fine daw. Kaya bakit nagkanon si Issay na sa parang gulpi sarado ito kung paano i describe ni Miguel. Diba magkasama sila Yasmin at Issay?

Miguel: "Si Winnie! Sya ang hayup na gumulpi kay Issay!"

Galit na galit nitong sabi.

Hindi makapaniwala si Enzo.

Enzo: "Pare, anong ginawa mo kay Winnie?"

Miguel: "Wala pa! Hindi ko pa sya maasikaso dahil ayaw kong iwan si Issay! Pero hindi ako magiging mabait sa kanya!"

Binibilang na nya sa isipan ang paraan kung paano pahihirapan si Winnie.

Enzo: "Pre, hanggat maari huwag mo muna syang sasaktan! Sya ang idinidiin ni Congressman Sanchez sa lahat ng ito!"

Miguel: "Huwag kang magalala, may plano na ako! Gumanti man ako kay Winnie sisiguraduhin kong si Congressman ang paghihinalaan nya! At pagkatapos ay pagsasabungin ko ang dalawa!"

Napalunok si Enzo.

'Pano ba ako naging close sa taong ito?'

*****

Samantala..

Tahimik na umalis ang magasawang foreigner dala ang bata sa bahay na pinapahingahan nila.

Sa tulong ng tauhan ni Congressman, nakalayo sila sa bahay. Naglakad lang sila, iniwasan ang kalye at mga checkpoint.

Dinala sila sa isang private resort mga dalawampung minuto ang layo nito sa pantalan kung lalakarin.

Pagpasok nila ng gate, agad nilang nakita ang helicopter.

Nagkatinginan ang magasawang foreigner at maluha luhang natuwa.

"Finally!"

Nakangiting sabi ng foreigner na lalaki.

Mangiyak ngiyak naman ang babaeng foreigner. Habang inaakap sya ng asawa nito.

"Let's go! We need to go now!"

Sabi ng tauhan ni Congressman.

At patakbo silang nagpunta sa helicopter na sinisimulan ng paandarin ng piloto.

Sa pantalan..

Nasa labas sila Anthon at iniisa isa ang mga foreigner na anduon ng madinig nila ang tunog na yun. Mahina pero kakaiba ang tunog.

Lando: "Ano yun?"

Tahimik ang paligid pero mahangin at mukhang dinadala ng hangin ang tunog sa kanila.

Anthon: "Chopper!"

Lando: "Ano?"

Enzo: "Helicopter, pero mukhang malayo dito!"

Lando: "Ano naman ang ginagawa ng helicopter dito?"

Nagkatinginan si Anthon at Enzo.

"HINDI!"

"TATAKAS SILA!!!"

Please read my other novel

My Beautiful.....Me!

Thank you!

Have a blessed Sunday everyone!"

trimshakecreators' thoughts
Chương tiếp theo