⚚ Syden's POV ⚚
Huh? 6 am palang?
Ang aga kong nagising ngayong araw na'to, medyo masarap kasi tulog ko eh. Isa pa, kailangan ko ng umalis dito dahil nakitulog lang ako. Ayaw ko naman painitin yung ulo ni Carson kasi alam na. Laging umuusok ang tenga niya. Kaya okay na rin na nagising ako ng maaga para makaalis na rin ako dito😊.
Pero ang dahilan talaga kung bakit maaga akong nagising, kasi...nagugutom ako hehe😂😅. Hanggang sa panaginip ko ata nagrereklamo tong tiyan ko. Tumayo na ako sa hinigaan ko at nagligpit ako, nakakahiya naman kasi sa kanila eh. Dahan-dahan akong sumilip sa labas, tahimik pa. For sure, tulog pa silang lahat. Tahimik kong binuksan yung pintuan tapos naglakad din ako ng tahimik para hindi sila magising. Finally, nakalabas na'ko, pero may bigla akong naalala.
Hindi pala ako pwedeng makita ng mga Phantoms. Siguradong hinahanap na nila ako ngayon😰.
Babalik sana ako sa kwartong na pinag-tulugan ko para kunin yung white hoodie jacket ko kaso naalala ko nanaman. Na kila Julez pala yung mga gamit ko. Aiys! Di ko naman kasi alam na dito ako matutulog eh. Kung hihintayin kong magising si Raven, siguradong mamamatay na'ko sa gutom. Kaya ako na lang ang kukuha sa room nila.
Bahala na kung pano basta ang mahalaga makakain ako😎
Tuluyan na'kong lumabas don sa tambayan ng mga Blood Rebels...este Black Vipers pala. Syempre kailangang dumaan dun sa maliit na daanan palabas. Sumilip muna ako kung marami bang tao o kung may Phantoms ba sa daan. Buti naman konti pa lang ang mga estudyante, mabibilang mo pa sila, masyado pa kasing maaga. Wala din namang Phantoms kaya clear.
Nag-decide na'kong pumunta sa building at puntahan ang room nila Julez. Habang nasa hallway ako nakita ko ang mga Phantoms kaya napaatras ako. Nagtago muna ako sa tabi para di nila ako makita. Ng malagpasan nila ako, siniguro ko munang nakaalis na talaga sila bago ko tinuloy ang paglalakad sa hallway.
Pumasok ako sa room nila Julez, as usual nagbabasa pa din sila, ni hindi nga nila ako napansin eh. Ayaw ko naman silang istorbohin kaya kinuha ko na lang yung bag ko para hanapin yung hoodie jacket ko. Sinuot ko agad 'yon para di nila ako makilala at napagpasyahan kong iwanan muna ulit yung mga gamit ko dito sa room nila.
Naglakad nanaman ako palabas, pero medyo nakayuko ako para di nila ako mamukhaan. Dumiretso ako sa cafeteria. Syempre kuminang yung mga mata ko ng makita ko yung mga pagkain kaya agad-agad akong lumapit don para mamili ng pagkain😍. Nakita ko yung paborito kong siopao kaya lalo pa akong nagutom. Bumili ako ng dalawang siopao para naman di ako mabitin. Nung mabigay na ni ate yung sukli ko umupo ako agad para makakain na'ko. Nagtatago pa din naman ako kasi siguradong kapag may nakakilala sa'kin, pagbubulungan nila ako lalo na yung mga tsismosa dyan😤😰.
Sinarapan ko na yung pagkain ko dahil mahaba pa naman yung oras before first period. Sunday pa naman, siguradong darating yung mga teacher. Nilagay ko muna yung kinakain kong siopao sa bulsa ng jacket ko pati yung binili kong isa, feeling ko kasi gusto kong matulog kaya ipinatong ko muna yung ulo ko sa lamesa.
.....
*ring*
Di ko namalayang nakatulog pala ako, dapat kasi idlip lang eh. Pero tingin ko maaga pa naman, tinignan ko yung relo ko at nanlaki yung mata ko, 7:20 na😱😨.
Tinignan ko din yung buong cafeteria at wala ng tao. Ako na lang yung natira!
Agad akong tumayo at tumakbo ako para pumunta sa classroom namin. Bakit ba kasi natulog ka pa Syden?!😲😨
Halos wala na ring estudyante sa hallway at dinig na dinig ko yung pagtakbo ko. Sa bilis ng takbo ko, may nakabanggaan ako kaya napahinto ako. Sumakit nga yung ulo ko eh, kasi...feeling ko tigasin 'tong nakabanggaan ko, "Who are you?" yung boses na'to. Kilala ko. Di ko sila pwedeng tignan. Sa lahat ng pwedeng makabangga bakit sila pa.
Nakayuko na lang ako at ayaw ko rin naman silang tignan, si Clyde at yung Phantoms niya. Di nila ako pwedeng makita. Yumuyuko si Clyde para makita ang mukha ko at alam kong galit siya. Kasalanan ko bang nakaharang sila? Pero pilit ko naman tinatago yung mukha ko.
"At sino ka para banggain ako?!"
Wala akong balak na magsalita dahil siguradong makikilala niya ang boses ko. Buti na lang di nila ako agad makilala dahil sa suot kong jacket at pati yung hood sinuot ko din. Tinalikuran ko na sila para takasan sila. Tatakbo sana ako pero bigla niyang hinawakan yung braso ko kaya natigilan ako. Ihaharap niya sana ako sa kanya pero bigla namang may humawak sa kabilang braso ko at hinila niya ako papunta sa likuran nila. Nakita ko sina Dustin, Raven at Dave na tinitignan ng masama yung mga Phantoms, yung humila sa'kin...si Carson, na kaharap ni Clyde ngayon. Nagtago na lang ako sa likuran nilang apat.
"Ano ka ba naman Clyde? Hindi porke nakuha muna lahat-lahat...eh pwede ka ng maghari-harian dito" sa boses pa lang ni Carson, alam kong nakangiti siya ng masama habang sinasabi niya yon kay Clyde.
Tinapatan siya ni Clyde habang nginingitian din ng masama ni Clyde si Carson, "Sino ka ba para pagsabihan ako ng ganyan? Kung dati, nagmamataas ka sa'kin...ngayon hindi na...sisiguraduhin kong aapak-apakan na lang namin kayo at pagtatawanan na lang kayo" sambit ni Clyde habang nagkakatapatan silang dalawa ni Carson.
Nagkakatinginan lang silang lahat ng masama, ang Phantom Sinners at Blood Rebels, este Black Vipers...yun ang bagong pangalan ng grupo ni Carson. Binubuo ni Dustin, Dave at Raven. Apat lang sila sa Black Vipers, sila yung mga main members ng Blood Rebels. Si Raven mabilis daw matuto at naging matalik na kaibigan niya sina Dave at Dustin, kaya isinali na siya ni Carson.
Mas lalong nilapitan ni Carson si Clyde, "Hindi porke nakuha mo ibig sabihin sayo na...May mga bagay lang talaga na sadyang ipinaparanas at pinapahiram lang sa'yo. Kaya magpakasaya ka na, habang na sa'yo pa, baka kasi bukas...kunin ko na" halatang nainis si Clyde sa sinabi sa kanya ni Carson dahil nawala ang ngiti niya.
Nginitian siya ulit ng masama ni Carson at nagkatinginan sila ng masama tapos nag-umpisa ng maglakad si Carson kaya sumunod na sina Raven sa kanya. Sinenyasan nila ako na parang sinasabing sumunod na rin ako. Ginawa ko naman yung sinabi nila pero ng madaanan namin yung mga Phantoms, yumuko ako para di nila ako makita, lalo na si Clyde.
Ng malagpasan namin sila, inalis ko na rin yung jacket ko, ang init na kasi eh. Wala na rin tao sa hallway at kami na lang. Naglalakad pa rin kami, narinig kong nagtatawanan tong tatlong kasama ko maliban sa leader nila. Napansin ko lang, kapag walang ibang estudyante, don sila nag-uusap pero pag may ibang nakakakita, serious mode sila na nakakatakot. Napansin ko rin na malapit na kami sa classroom namin ni Raven, pagkatapat namin don papasok na sana ako pero may humila sa akin.
"Hey! San ka pupunta?" tanong ni Dustin habang hawak ang damit ko. Sa classroom syempre😒
Si Raven at Dave naman, nakatingin lang sa akin.
"Papasok na'ko" tipid kong sagot.
"Huwag ka ng pumasok dyan" dagdag ni Dave kaya napatingin ako sa kanya, "At bakit naman di ako papasok?" nakakapagtaka na sila ah.
"Sumama ka na lang sa'min"
Wha!? Sasama daw ako sa kanila?! Haha no way!!😰😨😂
"Ayoko. Okay na'ko dito" sabay pasok sa classroom. Pero di ko alam kung bakit ang bilis ng kamay ni Dave para mahila ako pabalik.
"Sige. Gusto mo dyan? Bahala ka kapag nakita ka ng mga Phantoms" tumalikod na silang tatlo at naglakad palayo sa akin.
Oo nga pala! May mga phantoms akong kaklasi dito. Pano nyan?! 😨😰
"Wait lang!" hinabol ko sila. Mukha namang hinihintay talaga nila ako. Pagkaharap nila sa'kin, nakangisi sila.
Yabang talaga! 😰
"Akala ko ba gusto mong pumasok don Sy?" sabay ngiti ng masama ni Raven. Kahit siya, nahawa na sa mga kaibigan niya.
"Sasama na'ko" tutal pwede namang magpalipat-lipat ng room. Importante magpa-attendance.
Sumabay ako sa kanila kahit hindi ko naman alam kung saan at anong klasing classroom ang dadatnan ko. Btw, naka-cap pala silang apat. Black cap. As usual, black outfit din. Ako naman, suot ko yung uniform namin sa Heaven's Ward High, naka-ponytail ako and no make-up pulbo lang. Wala rin akong dalang bag, yung jacket ko lang yung dala ko in case na kaylangan magtago, pero imbis na hawak ko yung jacket ko, tinali ko yun sa bewang ko.
Finally, nakarating na kami dun sa classroom nila Dave. Pagkapasok ko....
WTH!! Classroom ba to? Mukhang tambayan ng mga basagulero eh! 😵😰😱
Syempre kahit ayokong pumasok, kailangan kong sundan yung mga kasama ko. Pagkapasok namin, ang maingay nilang classroom, natahimik at pinagtinginan kami, I mean yung mga kasama ko. Halata namang takot sila kila Carson eh. Magulo ang mga upuan, puno ng papel at balat na parang 1 year na hindi naglilinis. May dugo sa sahig. May spray paint sa white board. Basag ang mga bintana...at higit sa lahat...puro lalaki dito!
Makakapag-aral pa ba 'ko dito?
Napansin ko yung wasak nilang orasan, pero kahit papaano gumagana pa naman. 7:37 na. Nung makarating kami sa gitna, umupo na silang apat. Naiwan akong nakatayo, sakto namang may nakita akong bakante.
Si Raven at Dave magkatabi, sa tapat ko lang sila, sa likod naman nila, si Carson at Dustin. Bandang gitna kami.
Parang ayoko talaga.
Tinignan ko lahat ng kaklasi ko, puro lalaki talaga eh.
Ayoko! Aalis na'ko dito! Ako lang mag-isang babae.
Yung katabi ko, sa harapan ko at likuran ko. Mukhang magkakaibigan sila dahil nag-uusap sila ,eh OP ako. Mukha nga silang ma-chicks at two-timer. Hindi nga ako makagalaw ng maayos, baka pagtripan ako.
"Hi Miss!" bati nitong katabi ko.
Ako ba kinakausap niya? Malamang, miss nga d'ba?
Tinignan ko lang siya ng masama pero nakangiti pa rin sila, sila ng mga kaibigan niya.
"I'm Alvin" sabay offer ng kamay niya sa akin.
Baka pinagloloko lang ako ng mga 'to.?
Tinignan ko lang yung kamay niya na may blankong ekspresyon, "So?" excuse me ? Wala naman kasi akong balak na makipagkilala sa kanila.
Nagtinginan silang lima at parang di nila expect na sasabihin ko 'yon. Di naman kasi ako katulad ng nga babae sa tabi- tabi. Yung katabi ko, tinawanan siya ng mga kaibigan niya. Bakit kasi dito pa ako napunta?
Tatayo na sana ako kasi hindi ko na kaya pero biglang dumating yung teacher. Aiys! Wrong timing! No choice ako.
Inayos ko na lang yung upo ko, natahimik naman lahat eh, "Morning class!" bati ni sir. Pero bakit walang GOOD? Walang sumagot sa kanya ni isa.
.....
Ilang minuto na rin yung lumpias, nakakabored siya magturo. History pa naman. Bakit pa kasi pinag-aaralan pa yung mga taong wala na? Wala din namang nakinig sa kanya. Ako lang ata ang nagtiyaga.
Another 30 mins pa bago break time. Gutom na'ko. Nakapa ko yung jacket ko, parang may supot. Oo nga pala, may tira pa akong siopao at saka may isa pa akong binili haha! Kakainin ko na dito habang naghihintay ng oras. Nilabas ko 'yung tira kong siopao kanina pero dahan-dahan lang kasi baka marinig ni Sir yung plastik. Habang nagtuturo siya, yumuyuko ako para makakain.
Ang sarap nga ng kain ko eh 😍😘. Feeling ko break time na. Buti pang humingi ako ng sauce, mas mas masarap kasi kung may sauce eh. Sayang!
"Miss Fuentes!" ay! muntik ko ng mahagis yung kinakain kong sipao.
Sa sarap ng pagkain ko nakalimutan kong kumain ng patago. Tanga naman oh!
Nakatingin lang sila lahat sa akin. Si Sir naman na boring magturo kanina, parang nag-transform into a beast, nakakatakot siya. Kinakabahan din ako kasi baka kung anong punishment yung ibigay niya sa akin.
"Stand up!" Hala! Bakit?!
"I said stand up!" Ito na oh!
Napatayo ako ng wala sa oras kasi naman, bigla niya akong sinigawan nagulat ako. Unti-unti siyang lumalapit sa'kin habang may hawak siyang stick. Habang lumalapit siya, unti-unti ko rin nilalagay sa likuran ko yung siopao na kinakain ko para itago sa kanya.
Nandito na siya sa tapat ko, nakalagay yung kamay ko sa likuran ko habang hawak yung pagkain ko. Habang tinitignan niya yung likuran ko, hinaharapan ko naman siya para di niya makita. Tinignan ni Sir yung katabi ko tapos kila Raven at Dave, habang tinitignan niya sina Dave, naramdaman kong may biglaang kumuha dun sa siopao na hawak ko. Saktong nakuha niya 'yon, bigla akong hinila ni Sir para makita yung likuran ko.
Syempre wala na siyang nakita kasi di ko na hawak 😂😇.
To be continued...
Hello! This is my first time to greet you all. Gusto ko lang pong sabihin na thank you sa lahat ng reviews and never ending comments niyo. Thank you po sa support that and I love you all! (mwah) Regarding updates, it's weekly and there are times na biglaan akong nag-uupdate ng weekdays because of free time kaya ganun po. I hope you understand. Love lots! ♥♥♥