webnovel

♥ CHAPTER 24 ♥

▨ Syden's POV ▨

Pagbukas ko sa pintuan para lumabas sa kwarto ko, nakita ko sila Raven kaya nabigla din sila.

"Sy? Andyan ka pala?!" gulat niyang tanong sa akin.

Tumingin muna ako sa kanilang lahat dahil nagulat din sila,

"Oo. Kanina pa akong tanghali dumating kaso nakatulog ako kaya hindi ko kayo namalayang dumating" normal kong sabi sa kanila kahit nabigla din ako.

Pagkatapos ng nangyari kanina kay Dustin, iniwan na ako ng Phantom Sinners kaya naisipan kong bumalik na dito sa dorm para makapagpahinga.

"Hmmm. Kaya pala. Akala kasi namin wala ka pa" pagkatapos sabihin ni Raven 'yon, nagtitinginan silang lahat na parang hindi mapakali.

"Okay lang ba kayo?" tanong ko sa kanila habang tinitignan sila isa isa.

Tumango si Icah at ngumiti,

"Oo. Okay lang kami" sambit niya.

Hindi sila makatingin ng diretso sa akin at halos nakayuko sila habang nagtitinginan.

"Mabuti pa, sumabay ka na sa amin Sy. Kumain na tayo para maaga tayong makapag-pahinga" pag-invite ni Maureen.

"Ah sige" tumango ako habang nakatingin kay Maureen at sinara ko ang pintuan. Pero nakatayo pa rin sila at hindi gumagalaw sa pwesto nila.

Paano naman kami kakain?

"T-tara na?" mahinhing sambit ni Maureen habang nakatingin sa mga kasama namin at tumango naman sila kaya nag-umpisa na kaming maglakad.

Hindi sila maingay katulad dati at parang balisa sila. Higit sa lahat nabigla sila nang makita nila ako.

Ano ba talagang nangyari?

Umupo na kami sa lamesa dahil mayroon namang pagkain kaya hindi na kailangan maghapag.

Nag-umpisa na kaming kumain pero tahimik pa rin. Habang kumakain ako, tinitignan ko sila isa-isa. Nagtitinginan silang apat habang kumakain sila at hindi sila makatingin sa akin.

"May nangyari ba?" tanong ko sa kanila habang kinukuha ko ang kutsara para humigop ng sabaw.

"W-wala. Ano namang mangyayari?" patawang sabi ni Icah habang tumitingin kina Maureen at Hadlee.

Kumuha ako ng sabaw gamit ang kutsara at tumingin ako kay Raven.

"Raven. Ano bang nangyari sa inyo? Bakit parang ang tahimik niyo ngayon?" hinigop ko ang sabaw habang nakatingin ako sa kanya. Siya naman hindi rin makatingin sa akin ng diretso.

"Wala naman. Pagod lang kami kaya tahimik" seryoso niyang sabi habang kumakain siya at puno ang bunganga niya ng pagkain.

Tumingin naman ako kay Hadlee para magtanong.

"Hadlee. Ikaw? May nangyari ba sa'yo?" tanong ko sa kanya.

Natigilan siya sa pagkain at napatingin sa akin habang hawak niya ang tinidor at parang nabigla siya sa tanong ko.

"H-ha?" tumingin siya kay Raven at ngumiti.

"Wala, wala" sagot niya. Itinuloy na niya ang pagkain niya at humarap naman ako kay Maureen.

"Maureen? Baka naman pwede mong sabihin sa akin?" tanong ko sa kanya.

Umiling lang siya at hindi sinagot ang tanong ko. Pabagsak kong ibinaba ang kutsarang hawak ko at tumayo ako kaya natigilan sila sa pagkain at napatingin sa akin.

"Huwag niyo nga akong gawing tanga! Alam kong may problema kayo kaya ko nga tinatanong d'ba?! Tapos ayaw niyo namang sabihin!" sigaw ko sa kanila.

"Eh ano ngang sasabihin namin kung wala naman talaga?" sambit ni Icah.

Imposibleng wala. Nakikita ko sa mga mata nila na may problema at napapansin ko din 'yon sa kilos nila kaya hindi pwedeng wala.

"Sige nga i-explain niyo sa akin kung bakit ang tahimik niyo? Tapos hindi kayo makatingin ng diretso sa akin? Sige, sabihin nating pagod nga kayo pero kasama ba 'yon sa pagiging pagod niyo?! Yung hindi niyo ako matignan ng diretso?!"  sigaw ko sa kanila.

Walang sumasagot sa kanila sa tanong ko kaya isa-isa ko silang tinignan pero nakayuko lang sila at tahimik kaya lalo akong nainis.

"Sabihin niyo na kasi" seryoso kong sabi sa kanila.

Pero ni isa walang sumasagot kaya naisipan kong umalis.

"Sige. Kung ayaw niyong sabihin bahala kayo!" sambit ko.

Umalis na 'ko sa kinauupuan ko para iwanan sila.

"Kung husgahan mo kami parang ikaw, hindi ka naglilihim sa amin" seryosong sabi ni Hadlee kaya napahinto ako at napatingin sa kanya.

Nakita ko rin sina Icah na nakatingin sila sa kanya at parang sinasabing huwag ituloy ni Hadlee ang sasabihin niya.

"Anong nililihim ko?" tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin ng masama,

"Inilihim mo sa amin na sinasaktan ka ng Phantom Sinners. Tinanong ka namin kung okay ka lang pero sabi mo Oo. Kung hindi namin tinanong kay Raven hindi pa namin malalaman na nagpapanggap kang OK kahit hindi naman!" pagkatapos niyang sabihin 'yon napatingin ako kay Raven dahil hindi ko expect na malalaman nila ang lagay ko sa Phantom Sinners.

"Kaibigan natin sila kaya sinabi ko sa kanila ang totoo" sambit ni Raven.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin ang totoo?" tanong ni Icah habang nakayuko siya.

Hindi ako nagsalita ng ilang segundo dahil hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ang totoo.

Pero mas maganda sigurong malaman nila.

"Tinago ko lahat sa inyo dahil ayaw kong mapahamak at mag-alala kayo" sambit ko habang nakayuko.

"Wala kaming pakielam kung mapahamak kami o kung ano. Ang gusto lang namin, sabihin mo sa amin ang totoo dahil kaibigan mo kami" tumingala si Icah at tumingin siya sa akin.

"Wala ka bang tiwala sa amin?" nag-aalala

niyang tanong.

"H-hindi naman sa ganon. Pero ayaw ko lang kasing mapahamak kayo ng dahil sa akin kaya tinago ko ang katotohanan" nakatayo pa rin ako habang silang lahat nakaupo at nakatingin sa akin.

"Kung ano ang problema ng isa, problema ng lahat. Pamilya tayo dito sa PS kaya dapat nagtutulungan tayo" sambit ni Maureen.

Alam ko naman na mali ang ginawa kong pagsisinungaling, pero natatakot lang ako para sa kanila.

"Patawarin niyo ako. Natakot kasi ako kay Clyde at ayaw kong maranasan niyo ang nararanasan ko ngayon, kaya minabuti kong huwag ng sabihin sa inyo para hindi kayo mapahamak" sambit ko sa kanila habang nangingiyak ang mga mata ko.

"Wala namang kaso sa amin kung mapahamak kami. Hindi ka namin sisisihin dahil alam naming hindi mo rin gusto ang nangyayari. Basta't sa susunod, sabihin mo sa amin ang totoo" tumayo si Icah at lumapit siya sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit at nakita ko na ang ngiti nilang lahat.

"Kung iyon lang pala ang dahilan bakit hindi niyo pa sinabi sa akin at hinintay niyong magalit muna ako? Hindi niyo rin ako tinitignan?" sambit ko sa kanila.

Bumalik nanaman sa pagiging seryoso ang mga mukha nila at nawala ang ngiti nila. Nag-umpisa nanaman silang magkatinginan.

Tumayo si Hadlee at lumapit sa akin. Pinalapit nila ako sa lamesa at pinaupo sa upuan.

"Bakit ba? Sabihin niyo na" sambit ko sa kanila. Nakatayo si Icah sa likuran ko at si Hadlee naman sa gilid ko habang si Maureen at Raven nakatingin sa kanila.

"D'ba nalaman namin kay Raven na pinapahirapan ka sa Phantom Sinners?" nakatingin lang ako kay Hadlee at siya naman tumingin kay Raven.

"Gusto ka naming makalaya sa grupo ni Clyde kaya pinag-iisipan namin kanina sa cafeteria kung paano ka tutulungan" pahayag niya.

"Oh tapos?" tanong ko sa kanya.

Tumingin siya kay Icah bago siya tumingin sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at nanlalamig ang palad niya.

"Sabihin mo na" sambit ko sa kanya.

"Bigla kong naisip na humingi ng tulong sa Blood Rebels dahil alam kong sila lang ang may kayang talunin ang mga Phantoms" sambit ni Hadlee pero parang kinakabahan siya.

"Iyon din ang naisip kong paraan para matakasan si Clyde. Balak kong sabihin sa kanila ang totoo pero maghahanap muna ako ng tamang oras para makausap ko sila ng hindi nalalaman ni Clyde" pahayag ko sa kanila.

"Pero Sy. Hindi 'yon ang ibig kong sabihin" sambit niya kaya nagtaka ako.

"So. Anong sasabihin mo?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Nag-uusap kami kanina sa cafeteria. Bigla kong nasigaw ang pangalan ng Blood Rebels at narinig nila 'yon. Kaya hinuli nila kami" pahayag niya habang nakikita kong kinakabahan siya habang kinakausap ako.

"H-ha?! Hinuli nila kayo? Anong ginawa nila?" gulat kong tanong habang tinitignan sila isa-isa pero wala naman silang sugat o pasa.

"Wala silang ginawa sa amin kaya okay lang kami" pahayag ni Icah para kumalma ako.

"Mabuti naman" sambit ko.

"Pero kung hindi namin sasabihin ang totoong rason kung bakit namin pinag-uusapan ang Blood Rebels...papahirapan nila kami dahil iisipin nilang binabastos namin ang grupo nila" mahinahong sambit ni Hadlee at napapansin kong hindi rin siya makahinga ng maayos dahil kinakabahan siya

"So, anong sinabi niyo?" habang tinatanong ko sila, kinakabahan din ako.

"Sinabi namin na gusto naming tulungan ka ng Blood Rebels dahil pinilit ka lang ni Clyde na mag-join sa grupo niya para walang makaalam ng sikreto niya" pahayag niya.

"Wait?!" tumayo ako at tinignan silang lahat.

"Seryoso ba kayong sinabi niyo sa Blood Rebels na pinilit ako ni Clyde sa Phantom Sinners para hindi ko ibunyag ang sikreto niya?!"  sarcastic kong tanong sa kanila. Inulit ko para makasiguradong tama ang narinig ko.

Walang nagsalita sa kanila at nakayuko nanaman silang lahat.

"Sorry na Syden" wika ni Hadlee kaya napatingin ako sa kanya.

"Kahit nangako kami kay Raven na hindi namin sasabihin kahit kanino ang lagay mo sa Phantom Sinners, natakot ako na parusahan nila kami kaya sinabi ko ang totoong rason kung bakit namin pinag-uusapan ang Blood Rebels" sambit niya habang umiiyak.

Naiinis ako pero nawala din ang galit ko dahil nakita ko ang sarili ko kay Hadlee. Natakot siya kaya nagawa niya 'yon kahit ayaw niya. Naiintindihan ko sila at dapat kong indtindihin na gusto lang nila akong tulungan kaya nangyari 'to.

"Kung ako siguro ang nasa posisyon mo, gagawin ko rin 'yan. Hindi na ako magagalit kaya huwag kayong mag-alala. Naiintindihan ko kung bakit niyo nagawa 'yon" sambit ko sa kanila.

Lumapit sa akin si Hadlee at hinawakan niya ang braso ko,

"Sy? Sorry talaga. Hindi ko sinasadya" sambit niya.

Ngumiti ako at hinarapan siya,

"Okay lang. Naiintindihan ko" niyakap ko siya at ngumiti na din siya.

"Pero Sy?" bigla akong napatingin kay Raven.

"Hindi ba naka-apekto sa plano mo ang ginawa namin?" tanong niya habang nag-aalala siya.

Umiling ako at ngumiti,

"Gusto ko lang mapalapit sa Blood Rebels pero wala pa akong plano kung paano. Pero dahil sa ginawa niyo, baka mas maging malaki ang chance na mapalapit ako sa kanila. Yun nga lang, nakabantay si Clyde kaya mahihirapan pa rin ako" pahayag ko sa kanila.

❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖

▨ Clyde's POV ▨

"Seryoso ka bang hahayaan mo siya?!" gulat na tanong ni Roxanne habang nakatayo kaming dalawa.

Sinabi ko kasi sa kanya na titigilan ko na si Syden as long as iiwasan niya ang Blood Rebels. Hindi ko na siya pinapasali sa lakad ng grupo ko basta umiwas siya kay Carson.

"Oo. Naniniwala na akong wala siyang intensyon na pagtaksilan ako. Basta't iwasan niya lang ang boyfriend mo" pahayag ko sa kanya bago ako umupo.

"Hindi mo dapat ginawa 'yan. Paano kung puntahan niya ang Blood Rebels ngayon at ibunyag niya ang sikreto natin?!" nag-aalala niyang tanong at hindi rin siya mapakali.

Tumingin ako sa kanya at ngumisi ako,

"Hindi niya magagawa 'yon kung lagi mong babantayan ang boyfriend mo" pahayag ko sa kanya habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa. Siya naman, masama ang tingin sa akin. Nakatayo pa rin siya at parang walang balak na umupo.

"Hindi ba siya nagtataka kung bakit palagi kang wala. Baka naman mahuli tayo sa ginagawa mo?" tanong ko.

Inisnob niya ako bago siya nagsalita,

"May tiwala siya sa akin. At saka dapat magpasalamat ka pa sa akin dahil kundi dahil sa akin, hindi lilipat sa'yo ang mga member niya" mataray niyang sagot.

Pinaki-usapan ko kasi siyang tulungan akong maghanap ng bagong members. Pero hindi ko naman alam na Blood Rebels' member ang ibibigay niya sa akin. Okay na din 'yon para matapatan namin sila.

"Paano mo ba nagawa 'yon?" pagtataka ko.

"You know me Clyde. Kung gusto ko, magagawa ko" mataray niyang sagot.

Umupo siya sa tabi ko habang ako naman, nakatingin sa bintana. Pero alam kong nakatingin siya sa akin.

"Mag-ready ka na. Sa loob ng ilang weeks or maybe days. Mawawalan na siya ng kapangyarihan at members. Mawawala na ang Blood Rebels" napatingin ako sa kanya at nakangiti siya na parang nagsasaya dahil malapit ng bumagsak ang Blood Rebels.

Ibig niyang sabihin, kapag nawalan ng kapangyarihan si Carson, makikipag-break na siya at magiging legal na ang relasyon namin. Kailangan munang mawalan ng kapangyarihan si Carson para hindi siya makaganti sa amin ni Roxanne kapag nag-break na sila.

"Kahit pa bumalik ang Chained School, hindi na siya kakatakutan dahil wala na siyang members para sundin siya" dagdag pa niya.

"Talagang pinagplanuhan mo ang lahat ng  'yan" sambit ko sa kanya.

Ngumiti lang siya at hindi na nagsalita.

"But..What do you mean kapag bumalik ang Chained School?" tanong ko sa kanya.

That time, legal ang pagpatay at maraming na-trauma because of that incident. Pero ipinatigil ng council 'yon at inilabas ang Carnival game punishment sa Prison School para sa estudyanteng hindi susunod sa no. 1 rule na bawal pumatay.

"Ginagawa tayong laruan ng council just like the spinning wheel. Pinapaikot nila tayo para mahulog sa bitag nila. Ibig sabihin, sa loob ng ilang araw. Magiging Chained School ulit ang eskwelang 'to, not the Prison School kung saan mayroong punishment ang killer" pahayag niya.

It means, once na naging Chained School ulit ang Prison School. Mawawala ang punishment sa mga killer kaya lalabas  nanaman sila.

Nabigla ako dahil sa sinabi niya dahil wala naman akong idea na ibabalik ang dating eskwela.

"Paano ka naman nakakasigurong ibabalik nga ng council ang Chained School?" tanong ko sa kanya habang padilim na sa labas at tahimik sa hallway.

Tumingin siya sa akin,

"I heard them" saad niya.

"You should always be ready, killers will show up again. Especially, maraming killers sa Silent Alliance at sigurado akong Phantom Sinners at Redblades ang titirahin nila dahil marami tayong pinaparusahan at may napatay tayo kaya siguradong gaganti sila. Sa Blood Rebels madali na lang silang makaganti kay Carson dahil siguradong siya na lang mag-isa" seryoso niyang sabi.

Mas maraming magbabalak na pumatay kay Carson kapag nalaman nilang wala na siyang member at isa pa, mas marami silang napatay kumpara sa Redblades at sa amin. Kaya hindi siya dapat maging kampante dahil delikado na siya lalo na't bilang na lang ang oras ng Prison School.

To be continued...

Chương tiếp theo