Clyde's POV
Pinuntahan ako ng member ni Roxanne para sabihin sa akin na pumunta raw ako sa isang abandoned laboratory kung saan kami nag-uusap at nagkikita ng patago ni Roxanne
Sigurado akong nandoon na siya at hinihintay ako. Kaya nagmadali akong pumunta.
Pagkarating ko sa harapan ng lab, binuksan ko ang pintuan ng dahan-dahan. Nakaupo siya at nakaharap sa bintana.
"What took you so long?" she said with her mean voice at hinarapan niya ako.
Ngumiti ako at nilapitan siya,
"I needed to fix some matter" I said.
Hindi siya ngumingiti and I knew na galit siya.
Hindi niya pa rin ako tinitignan at nakatingin lang siya sa bintana.
"Tell me!" tumingin na siya sa akin at makikita sa mga mata niya ang pagiging mataray.
"Nasaan ka kahapon?" mataray niyang tanong.
Busy ako kahapon dahil naghanap ako ng manggagamot kay Syden...
Nagisip-isip muna ako ng ilang segundo...
Sh*t !! Nakalimutan kong magkikita pala kami kahapon. Hindi ko dapat sabihin sa kanya dahil lalo siyang magagalit.
"May inayos lang ako kahapon sa grupo ko" saad ko.
Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil nagsinungaling ako. Pero siya, diretso lang ang tingin sa akin at masama ang tingin niya.
"You never forgot me even once... except kahapon. Now, tell me the real reason kung bakit nakalimutan mo na dapat magkikita tayo kahapon?!" lumapit siya sa akin at alam ko ang gustong sabihin ng mga mata niya.
Alam niyang hindi ako nagsasabi ng totoo. Pero hindi ko muna pwedeng sabihin sa kanya dahil lalo siyang magagalit sa akin.
"Sabihin mo nga sa akin Clyde. May bago ka na ba kaya nakalimutan mo ang usapan natin na dapat magkikita tayo kahapon?!" seryoso niyang tanong.
"H-ha? Ano bang pinagsasasabi mo?! Wala. Alam mo naman na ikaw lang ang gusto ko d'ba?" sambit ko sa kanya.
"Kung gano'n bakit hindi mo masagot ang tanong ko?! Anong nangyari kahapon? Nasaan ka?" sabi niya.
Galit na siya. Pero kung sasabihin ko ang totoo, lalo siyang magagalit sa akin.
"Sige, sasabihin ko na. Inayos ko ang Phantom Sinners kahapon, nagkaroon kasi ng away kaya kinailangan ko silang bigyan ng leksyon" sinabi ko ng maayos para maniwala siya.
Nagbuntong hininga siya pero hindi niya pa rin inalis ang mata niya sa akin. Pero ako hindi pa rin talaga makatingin ng diretso sa kanya kahit pa subukan ko.
"Kapag hindi mo ako mapuntahan, nagpapadala ka ng member mo para sabihin sa akin na hindi ka makakapunta. Bakit kahapon walang pumunta ni isa sa mga member mo para sabihin sa akin na hindi ka pupunta?!"
WTH!! Bakit ang hirap niyang lusutan?! Hindi ko siya agad mapaniwala sa mga sinasabi ko.
Kinailangan ko nanaman mag-isip ng isasagot sa kanya.
At inis na inis na'ko!
"Paano ko naman sila bibigyan ng leksyon kung hindi sila kumpleto? Kilala mo naman ako d'ba? Kapag pinaparusahan ko ang isa, lahat sila paparusahan ko para pantay-pantay?" wika ko.
"Kapag nalaman kong may babae ka habang nag-iisip ako ng paraan para hiwalayan si Carson, hindi na kita babalikan. Kaya umayos ka!" galit niyang sabi.
"Babalik ka sa akin kasi wala naman talaga akong ibang mahal maliban sa'yo" diretso kong sabi sa kanya.
This time sana maniwala na siya sa akin dahil wala na akong maisip dahil sa sunud-sunod niyang tanong.
Yayakapin ko sana siya kaso nilayuan niya ako which means galit pa siya.
"Okay, fine. I trust you. Siguraduhin mo lang na totoo talaga ang mga sinasabi mo!" masama pa rin ang tingin niya sa akin.
Aalis na sana siya pero nagsalita ako,
"Hanggang kailan ba kita hihintayin?" malungkot kong tanong sa kanya at hinarapan ko siya.
Humarap siya sa akin at tinignan ako ng diretso na parang nag-aalala siya.
"I'm waiting for the right time para sabihin sa kanya sa paraan na maiintindihan niya. Huwag kang mapagod na hintayin ako, gumagawa naman ako ng paraan para kapag naghiwalay kami, hindi ka niya saktan ng dahil sa akin. Huwag mo rin sasabihin sa kanya na may relasyon tayo. Mas magandang ako ang magsabi sa kanya kaysa malaman niya pa sa ibang tao. Kaya kung sinuman ang nakakaalam ng relasyon natin, patahimikin mo" she said.
Right after that, umalis na siya ng tuluyan at hindi ko mapigilang lumuha.
Ang tagal ko na siyang hinihintay, palagi niyang sinasabi malapit na basta maghintay lang daw ako. Pagod na'ko pero anong magagawa ko kung mahal ko pa rin siya.
Nilisan ko na rin ang lugar na 'yon dahil baka may makakita pa sa pagluha ko. Ayaw kong isipin nila na mahina ako.
☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸
Raven's POV
Papunta na kami sa classroom ngayon. Kasama ko sina Icah at mga kaibigan niya. Nakabalik kami sa dorm kahapon dahil nagpalipas kami ng gabi sa classroom nila Julez.
As usual, maingay pa rin sila Icah at ito ako, tahimik pa rin, nag-iisip.
Hindi kasi pumasok si Syden kahapon, hindi namin siya nakita sa kahit na anong classroom. Baka naman ikinulong siya ng mga Phantom Sinners at hindi na nila palabasin. Nag-aalala na talaga ako kung nasaan siya ngayon.
Umupo na ako sa lagi naming inuupuan ni Syden sa bandang likod. Habang sina Icah, Maureen at Hadlee naman, sa harapan ko.
Nakatingin lang ako sa bintana habang naririnig ang mga boses nila.
"Parang hindi naman ata siya papasok ulit?" sambit ko sarili ko.
Narinig ni Icah 'yon kaya napatingin siya sa akin at tumingin din siya sa pintuan at medyo tumawa siya,
"Sinong hindi papasok?" nakangiti siya habang tinatanong ako.
Tumingin ako sa kanya,
"Kapatid ko" sabi ko naman.
Ngumiti siya ng sobra kaya nakakapagtaka,
"Sigurado ka?" tanong niya.
Tumingin ako ulit sa kanya pero nakatingin lang siya sa pintuan. Parang may tinitignan siya kaya siya naka-smile na parang baliw. Minabuti kong tignan na rin kung sino ang tinitignan niya.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko siya sa pintuan, kumakaway at naka-smile din sa amin.
Tumayo ako agad para salubungin siya.
"Buti pumasok ka?! Akala ko kinulong ka na nila?!" salubong ko sa kapatid ko.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at mukhang may gumamot naman sa mga sugat niya.
Nakahinga ako ng malalim dahil okay siya.
Tinignan niya ako ng masama pero ngumit din siya bago ako niyakap.
"Tingin mo ba hahayaan kong ikulong nila ako?" tanong niya habang magkayakap kami.
Sina Icah, Maureen at Hadlee naman, nabigla din sa kanya at niyakap siya.
Umupo na kami lahat at nagusap-usap kami ng tahimik para walang makarinig at makaalam na nakaaway namin ang Phantoms Sinners.
"Syden, buti naman nakabalik ka? Anong nangyari? Tumakas ka ba?" mahinang tanong ni Icah sa kanya.
Umiling siya,
"Sabi ni Clyde, pwede na raw akong lumabas kapag okay na'ko. Kaya pumasok na'ko dahil nakakainip na sa dorm nila" sambit niya.
"A-ano?! Dorm nila?! Anong ginawa mo do'n?" tanong naman ni Hadlee.
"Member na ako ng Phantom Sinners kaya nandoon ako pero sabi ni Clyde I don't need to be one of them, kaya makakasama ko na ulit kayo" masaya niyang sabi.
"Sy? Bakit hindi ka na lang umalis sa grupo nila kung wala ka naman pa lang gagawin do'n?" tanong ko.
Tumingin siya sa akin, "Hindi pwede. May usapan kasi kami ni Clyde at hindi ko pwedeng sabihin sa inyo baka madamay pa kayo. Nangako ako sa kanya na hindi ko pwedeng ipagsabi ang nalalaman ko, pero maniniwala lang siya sa pangako ko kapag nag-join ako sa group nila" mahina niyang sabi habang nakayuko siya.
"Sigurado ka bang hindi ka mapapahamak sa ginagawa mo?" nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Huwag kayong mag-alala. Hindi ako mapapahamak" sabi niya.
Sana nga hindi siya mapahamak lalo na't hindi biro ang pinasok niyang grupo.
"Sinasaktan ka ba ni Clyde? May ginagawa ba silang hindi maganda sa'yo?" tanong ko dahil naku-curious ako sa kung ano ang lagay niya sa Phantom Sinners.
"Simula nung nag-join ako sa kanila, nakakatakot pa din siya pero hindi na niya ako sinasaktan. Pagkagising ko nandoon ako sa dorm nila, at nagamot na rin ang sugat ko" wika niya.
"Buti naman okay ka na. Alalang-alala kami sa'yo" sabi ni Hadlee.
"Basta't pag may kailangan ka, sabihan mo lang kami para matulungan ka namin ah?" tanong ni Maureen.
Tumango siya at ngumiti, kitang-kita ko naman na okay siya kaya hindi na dapat kami mag-alala.
Nag-ring na ang bell kaya inayos na namin ang upo namin kahit wala namang darating na teacher, nakasanayan na kasi namin na umayos na pagkaring ng bell. Hinihintay na lang namin ang attendance.
Habang hinihintay namin ang attendance, biglang bumukas ang pinto kaya napatingin kami lahat doon. Gulat na gulat kaming makita sila.
Bakit sila nandito? Pagtataka ko.
Nakita namin si Roxanne, nakapula lahat ng kasama niya sa likuran.
Redblades!?
Nakatingin kami lahat sa kanila. Si Roxanne tumitingin sa paligid na parang may hinahanap. May tinuro siyang estudyante kaya ang mga members niya lumapit banda sa amin.
Sinundan namin ng tingin ang mga Redblades kung ano ang gagawin nila. Papunta sila ngayon sa kinauupuan namin.
Bigla nilang hinablot si Syden kaya napatayo siya. Nagulat kami lahat sa ginawa ng Redblades.
"Anong gagawin niyo?!" tanong ni Syden sa kanila habang si Roxanne nakatingin lang sa kanya ng sobrang sama.
Tumayo na ako para pigilan sila,
"Ano bang kailangan niyo sa kanya?! Pakawalan niyo siya!!" sabi ko pero bago ko pa siya malapitan, sinabatan ako ng isa sa kanila at tinapatan ako ng kulay pulang kutsilyo.
"Bitawan niyo siya!!" sigaw ni Icah pero gano'n din ang ginawa ng redblades sa kanya, tinapatan ng kulay pulang kutsilyo.
Hindi na rin nakalapit si Maureen at Hadlee dahil naunahan sila. Hindi sila makatayo dahil pinigilan rin ng Redblades.
"Roxanne!!" aalis na sana sila pero sinigawan ko si Roxanne kaya napatingin siya sa akin habang hawak nila si Syden.
"Ano bang gagawin niyo sa kanya?!" galit kong tanong.
"Attendance is a must. Hindi siya pumasok kahapon kaya normal lang na maparusahan siya" saad niya.
"Hindi ako nakapasok kasi masama ang pakiramdam ko!" sigaw ni Syden. Hindi rin siya makatakas dahil tinapatan din siya ng kutsilyo.
"Shut up!! Hindo uso dito ang excuses!" sambit ni Roxanne.
Tumingin siya ng masama sa aming lahat,
"Kung ayaw niyong may mangyaring masama sa babaeng 'to, walang susunod" panakot niya.
Pagkaalis nila, doon pa lang umalis ang mga Redblades member na nakabantay sa amin.
☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸
Syden's POV
"Saan niyo ba ako dadalhin ha?!" tanong ko.
Tinututukan pa rin nila ako ng kutsilyo nila para masiguradong hindi ko sila tatakasan.
"Could you please shut up?!" sagot ni Roxanne.
Naglalakad kami sa hallway palabas ng school building at hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin at kung ano ang gagawin nila sa akin.
Nakasunod pa rin ako sa kanila dahil wala rin akong takas.
Matotorture nanaman ba ako?
Tingin ko tama nga ang hinala ko. Dahil sa malayo pa lang nakikita ko na kung saan kami papunta, sa Prison Tree na punung-puno ng malalaking langgam.
Nanginig na'ko dahil parang alam ko na kung paano nila ako papahirapan.
"Kung ano man ang binabalak niyo, sinasabi ko itigil niyo na'to!!" sigaw ko sa kanila. Pero hindi nila ako pinapansin.
"Bitawan niyo ako!! Ano ba?!" pagpupumilit ko.
"Kahit pa anong sabihin mo, walang tutulong sa'yo. Kaya manahimik ka na lang!" sabi ni Roxanne.
Tinulak nila ako sa malaking puno na 'yon kaya sumakit ang likod ko. Nagpupumiglas ako pero tatlo silang humahawak sa akin. Si Roxanne naglabas ng panali kaya lalo pa akong kinabahan.
"Itigil niyo na'to. Ano ba Roxanne, pakawalan mo na ako!!" sabi ko sa kanya. Pero halata naman sa itsura niyang tuwang-tuwa siya sa sasapitin ko.
Binigay ni Roxanne ang panali sa mga member niya at itinali ako, pinipilit kong kumawala pero sadyang marami sila kumpara sa akin. Si Roxanne ngumingiti na parang nasisiyahan.
Humanda siya sa akin kapag nakawala ako dito! Hindi ko palalampasin 'to!!
Habang tinitignan ko siya ng masama, may naramdaman akong gumagapang sa paanan ko at alam ko na.
Kahit gusto kong paalisin ang langgam na'to sa paanan ko, wala nanaman akong magawa dahil mahigpit ang pagkakatali sa akin.
Tiniis ko na lang dahil langgam lang naman 'to. Mas masakit pa ang pagkakakuryente sa akin ni Clyde kaysa dito, kaya makakayanan ko 'to.
"Kawawa ka naman. Pinagpyepyestahan ng mga alaga mo. Tell me! Kaya mo pa ba?" sabi ni Roxanne. Pinagtatawanan nila ako pero hindi pa rin ako magpapatalo sa mga mansanas na katulad nila.
Nanahimik na lang ako habang tinitiis ko ang mga langgam na'to. Kahit mahapdi na ang kagat nila.
Nakayuko lang ako at tahimik.
Pero naramdaman kong lumuwang ang pagkakatali sa akin kaya tumingin ako sa tabi ko,
"Sorry I'm late" ngumiti lang siya sa akin.
Pinutol niya ang tali na ginamit sa akin gamit ang kutsilyong hawak niya.
"Clyde?!! What are you doing?" nabigla kaming lahat ng lumitaw si Clyde out of nowhere.
Gulat na gulat din si Roxanne.
"Redblades, bakit niyo pinapahirapan ang member ko? Ayaw niyo naman sigurong kalabanin ang Phantom Sinners d'ba?" sarcastic na tanong ni Clyde.
Lahat ng Redblades member nagulat dahil nalaman nilang member ako ng Phantom Sinners.
Hinila niya ako papunta sa likod niya at pinagpag ko naman ang sarili ko para maalis ang mga walang hiyang langgam.
"You should not treat her like that" sabi ni Clyde.
Si Roxanne naman sobrang sama ng tingin sa akin at hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Clyde.
"Clyde? What's the meaning of this? Member ng Phantom Sinners ang babaeng 'yan?" gulat niyang tanong.
Tumingin sa akin si Clyde,
"Bakit? Hindi ba ako pwedeng magkaroon ng member na babae? I'm the leader. I can do whatever I want" sambit niya.
"That's absurd!" patawang sabi ni Roxanne.
Tumingin sa Roxanne sa akin at nag-aapoy ang mga mata niya.
"Clyde, hindi ka dapat makielam dito. Because we're punishing her dahil hindi siya pumasok kahapon" sabi niya.
"I have the power to stop you from punishing her" sabi ni Clyde. Napatingin kami lahat sa kanya.
"What power do you have?" sarcastic na tanong ni Roxanne.
"I was the one who invented this punishment sa Prison Tree. You didn't ask for my permission na gagayahin niyo ang parusang ginagawa ng Phantom Sinners" taas-noo niyang sabi.
Natawa na lang si Roxanne pero halatang napahiya siya.
"Fine. We'll just give her another punishment" mataray niyang sabi at tumalikod na siya.
Kukunin sana ako ng Redblades pero pinigilan sila ni Clyde.
"I'll be the one to punish her so leave her to me" sabi ni Clyde.
Akmang paalis na sana sila pero dahil sa sinabi ni Clyde napatingin nanaman si Roxanne sa kanya.
Pero pumapasok pa rin sa utak ko kung talaga bang may secret relationship sila?
Para kasing nag-aaway na sila kanina pero hindi lang nila magawa dahil nakaharap ang mga members. Sa pagkakaalam ko, hindi alam ng Redblades at Phantom Sinners na may relasyon sila. Ako lang ang nakakaalam at silang dalawa.
"Fine. Punish her. Hindi pa tayo tapos Clyde, humanda ka sa akin!" pagkatapos niyang sabihin 'yon inisnob niya ako pati si Clyde at umalis na sila.
To be continued...