"Awww!" sigaw na lang nito dahil sa ginawa kong malakas na pagbatok sa kanya, "Ayus-ayusin mo ang pagsagot mo sa akin!" sabi ko sa kanya na napahawak sa ulo niya at masama akong tinignan.
"Huwag mo nga akong tignan ng ganyan!" dagdag ko pa sa kanya. Magsasalita pa sana siya pero itinuro ko siya kaya natigilan siya at napatingin sa daliri ko na nakaturo sa kanya, "Subukan mo lang talagang magsalita. Iiwanan talaga kita dito!"
"Fine, hindi na ako magsasalita pero sisiguraduhin kong magkakadikit ang mga labi natin at pababagsakin kita sa kama" sambit niya na mas lalo ko pang ikinainis kaya tinignan ko siya ng masama at umalis ako pero hinawakan niya ang braso ko at itinulak paatras kaya napatingin ako sa kanya, "I was just kidding, sweetie" saad niya na napangiti pero masama ko pa rin siyang tinignan.
"Just sleep with me tonight. That's all I want" sabi pa niya pero hindi pa rin ako kumibo. Nakita kong hinihintay niya akong magsalita pero wala pa rin akong ginawa, "Fine, so gusto mo pala talaga ako mismo ang magdala sa'yo sa kama ko?" tanong nito kaya umayos na ako dahil baka ano pang gawin niya, "Oo na, dito na ako matutulog!" inis kong sabi na ikinatuwa naman niya. Nauna na akong humiga sa kama niya dahil pagod na rin naman ako kaya humiga na rin siya. Pagkahiga niya ay nakatingin siya sa akin at nakangiti pero sinungitan ko na lang siya ng tingin at tumagilid. Pero kahit ganoon, ay alam ko pa rin na nakatingin siya sa akin.
Habang gising pa rin ako ay hindi ko maiwasang mag-alala kung anong mangyayari lalo na't kahit na anong oras, pwedeng lumusob ang Venom ng hindi namin namamalayan. Humarap na lang ako sa kanya dahil akala ko natulog na siya. Nakita ko na lang ito na nakatingin sa kisame at parang malalim ang iniisip. Napansin niya ako kaya napatingin siya sa akin at ngumiti siya. Tuluyan na akong humarap at lumapit sa kanya para yakapin siya kaya ganoon na rin ang ginawa niya, "Can I ask you something?" tanong ko sa kanya habang nakayakap ako dito at nakatingin sa bintana.
"What is it?"
"Can you tell me kung paano nag-umpisa ang away ng Blood Rebels at Phantoms Sinners dati?" tanong ko na hindi ko alam kung sasagutin niya ba o hindi. I'm just curious.
Matagal itong natahimik kaya tinignan ko siya na parang nag-iisip. Napatingin siya sa akin at bahagyang ngumiti kaya muli akong napatingin sa malayo, "Roxanne, Clyde and me were bestfriends. We were really close na tinrato na naming pamilya ang bawat isa. We always spend time at the library reading books all day just like Julez, ganon kami dati. We were bullied and tortured too, kaya napagpasyahan naming bumuo ng grupo, that group is what we call the Young Rebels and other students joined us. Our main goal was to protect one another. Until one day, Clyde fell in love with her dahil araw-araw naming kasama si Roxanne. Naging masaya silang dalawa hanggang sa nakidnap ako noon, that was my 40 days of hell. They weren't able to save me. Nang makatakas ako, I changed Young Rebels to Blood Rebels at kinatakutan na ako dahil simula noong araw na 'yon, ayaw ko ng may magpahirap sa akin kaya ako na ang gumawa ng paraan para hindi ako banggain ng kung sino-sino. Magmula noon, nainggit si Clyde sa akin dahil ako ang kinatakutan ng lahat at nakilala ang grupong binuo namin dahil sa akin. That's why he left Roxanne at mas piniling bumuo ng panibagong grupo kung saan siya ang kikilalanin and that is Phantom Sinners, Phantoms are the shadows of Blood Rebels, nilason ni Clyde ang utak ng iba kong members kaya umalis sila sa Blood Rebels and they joined Clyde. Roxanne cried a lot dahil sa ginawang pag-iwan sa kanya ni Clyde so I comforted her kaya sa huli ako ang nainlove sa kanya. I just realized, maybe I could give myself a chance kaya tinanong ko si Clyde kung okay lang ba sa kanya na ligawan ko si Roxanne. He said yes kaya niligawan ko si Roxanne. I knew she wanted power kaya sinagot niya ako kahit mahal niya pa rin si Clyde. Gusto niyang paghigantian si Clyde kaya sinagot niya ako at doon ko binuo ang Redblades para sa kanya pero nalaman kong may ginawa din pala si Clyde kaya lumakas ang Redblades. Kaya nagkaaway na ang Phantoms at Rebels dahil kay Roxanne, nainggit siya dahil kilala ang grupo ko at nasa akin si Roxanne kaya nagalit na rin ako dahil alam kong may gagawin siyang hindi maganda laban sa akin" pahayag niya. Nagulat na lang ako ng sabihin niya na magkakaibigan pala silang tatlo, pero ngayon, magkaaway na.
"Do you still care for them kahit na kaaway mo na ngayon ang mga dati mong kaibigan?" tanong ko sa kanya at unti-unti akong nakakaramdam ng antok habang nakayakap kami sa isa't-isa.
"I can always bring Phantom Sinners and Redblades down, pero kahit kaya ko hindi ko pa rin magawa. Mas matagal ang pinagsamahan naming tatlo kaysa sa pag-aaway namin, still I value our friendship" sagot niya kaya napangiti ako.
"Was it really true that Blood Rebels killed innocent students? Just answer me honestly, muffin"
"That's what they think. We didn't kill innocent students. We killed students who were acting innocently. Our main goal was to save innocent students na pasikretong pinapatay ng mga estudyanteng nag-aaktong inosente. Bago pa man nila magawa ang masamang balak nila, uunahan na namin sila para wala ng inosenteng mamatay. We were willing to fill our hands with blood, para lang hindi madungisan ang kamay ng mga inosenteng tao. What became bad there, we killed them brutally" pahayag niya at hindi ko inaakalang sadyang mabait na tao pala sila. Ang akala ng lahat, masamang tao sila na pumapatay ng inosente. Ang sabi ng Vipers, sa akin lang sila mabait, but the truth is, sadyang mababait talaga sila. They just act badly para katakutan sila when in fact, behind their devil faces are bunch of good souls.
"How about Jackson Claude? Kaanu-ano niyo siya?" tanong ko bago napapikit dahil inaantok na talaga ako.
"There's nothing important about him, he is just Clyde's elder brother" saad nito.
To be continued...