webnovel

♥ CHAPTER 76 ♥

(Warning: long chapter ahead)

✿ Syden's POV ✿

Muli akong bumaliktad sa pagtulog para humarap sa kabilang side ng matanaw ko na medyo madilim na sa labas. Pumikit ako para ituloy ang pagtulog pero hindi ko rin naman nagawa 'yon dahil bigla akong may naalala. Binuksan ko ang mata ko at tinignang muli ang bintana. Medyo madilim na kaya napaupo ako sa kama dahil baka makatulog pa ako at hindi mamalayan ang oras.

Basta ang alam ko lang, may magandang mangyayari ngayong gabi na 'to kaya hindi ko na dapat ituloy ang pagtulog ko. But wait! Late na ba ako?

Tinignan ko ang relo ko na nasa tabi ng unan ko kaya nakahinga ako ng maluwag ng makita kong 5:03 pm pa lang. At least hindi pa ako late at hindi ko kailangang magmadali para makapag-ayos.

Tatayo na sana ako ng may mapansin nanaman akong kakaiba sa table ko. Isa nanamang panibagong rosas ang sumalubong sa akin, kaya ngayon dalawang rosas na ang nasa table ko...yung natanggap ko kanina at yung ngayon lang. What makes this day special?

Kinuha ko 'yong dalawang pulang rosas at inamoy ito. Kahit kailan talaga, hindi nakakasawa ang amoy ng rosas para sa akin, sabagay lahat naman ata hindi nagsasawa sa amoy nito. Ilang segundo ko muna itong tinitigan bago ko ulit ibinalik sa lamesa.

Tumayo na ako at muling naghilamos para makapag-prepare na ako. Pagkalabas ko sa banyo, agad kong nilapitan yung upuan kung saan nakalagay yung kahon na natanggap ko kanina kung saan nakalagay yung damit na isusuot ko.

Kinuha ko 'yong damit at tinignan ito, hindi pa rin talaga ito nakakasawang tignan dahil sobrang ganda. Isinuot ko 'yon at tinignan ang sarili ko sa may salamin. Sakto at bagay sa akin kaya sa tingin ko wala akong dapat ikabahala kapag nagkita kami mamaya. But seeing myself, I started to feel so nervous.

Habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin, bigla kong naalala yung mga sticky notes kaninang umaga at yung mga sulat na natanggap ko ngayong araw na 'to. There's a big possibility na galing lahat 'yon sa kanya. Kaya siguro hindi ko pa siya nakikita hanggang ngayon pati na rin ang iba pa niyang kasama. I couldn't help but to smile dahil sa mga surprises na natanggap ko.

Kinuha ko yung upuan at umupo sa harap ng salamin para mag-ayos. Ang ganda ng suot ko kaya hindi pwedeng magpatalo ang itsura ko kahit na maganda naman ako, kailangan mas maganda ako ngayong gabi.

Nagsimula na akong mag-ayos pero sinigurado kong isang simpleng ayos lang naman dahil hindi naman ako mag-aattend ng prom. Sinuklayan ko lang ang buhok ko at inilagay lahat ng accessories sa katawan ko na kasama ng damit ko kanina 'don sa kahon at ngayon ko lang napansin na may kasama din pala itong pouch na color blue din. Isa lang naman ang napansin ko, the accessories are made of blue diamonds which don't match the design of the dress even if it's black and shiny. Nakakapagtaka lang kung bakit hindi sila terno. Pero since 'yon naman ang pinadala, I should just wear it. One thing, hindi naman ganon kapangit tignan kahit hindi sila match.

Nang matapos na ang preparation ko, tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin to make sure that everything is settled. Kinuha ko ang relo ko na nasa kama ko para tignan ang oras at 6:32 pm na. Dahil sa pagpreprepare ko, hindi ko na namalayan ang oras at medyo nagtagal na pala ako.

Lalabas na sana ako pero napansin ko ang paa ko. Sh*t! I don't have any sandals. Puro rubber shoes and doll shoes lang ang meron ako. But unfortunately, lahat ng 'yon walang maayos para iterno sa damit na suot ko. For sure, pangit tignan. Kaysa naman sa wala akong isuot at nakakahiya pa kung magtapak ako, binuksan ko yung drawer ko at naghanap ng pwedeng maisuot.

Ilang minuto rin ang tinagal ko kakatingin ng maayos na maisusuot, pero wala talaga.

...

Ano ng gagawin ko? Muli kong tinignan ang oras at 6:43 pm na. Hindi rin naman madaling pumunta sa rooftop lalo na't malayo ang Black house sa mga building ng campus. Pero kesa naman sa ma-late ako, yung black doll shoes na lang ang kinuha ko kesa naman sa wala akong isuot.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras para lang maghanap ng maisusuot na sapatos dahil hindi na mahalaga 'yon. Ang mahalaga, makaalis na ako ngayon. Kinuha ko yung blue pouch na kasama rin ng mga accessories, inilagay ko lahat doon ng kailangan ko pati ang relo ko na hindi ko naman pwedeng isuot dahil pangit tignan lalo na't maganda ang suot kong damit.

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko para makaalis na pero natigilan ako at nakaramdam ako ng tuwa ng may makita akong black sandals na nakalagay sa harap ng pintuan at medyo may kataasan ito. Katernong-katerno nito ang suot kong damit. Napangiti nanaman ako bago ko ito kinuha agad. Inalis ko ang suot kong doll shoes at isinuot ang sandals na hawak ko. Sakto siya sa akin at kahit medyo may kataasan ang heels, hindi naman ako gaanong mahihirapan dahil nagsusuot na ako ng ganito dati. At sanay na ako sa mga ganito.

Isinara ko na ang pintuan ng kwarto ko at walang katao-tao sa buong Black House. Magmula kaninang umaga, hindi ko pa sila nakikita maliban kay Raven. Pero yung kakambal ko, nawawala rin ngayon. Nasaan ba sila sa ganitong klasing oras? Hindi na ako dapat na mag-aksaya pa ng oras kaya naglakad na ako papalabas ng Black House.

Pagkalabas ko, tanging mga ilaw lamang ng mga kandilang hugis puso ang sumalubong sa akin, kasabay ng mabangong amoy na nanggagaling dito. Ito ang nagsilbing gabay ko para makapunta sa destinasyon ko ngayong gabi. Ito ang nagsilbing ilaw, mga espesyal na ilaw para ihatid ako sa isang destinasyon na hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari. Basta ang alam ko, espesyal.

Bukod sa mga kandila, mayroon ding mga nakakalat na petals of roses sa dinadaanan ko. Patuloy ako sa pagsunod sa mga ito ng hindi nakakaramdam ng kahit na anong takot.

Ngayong gabi, walang gulo, walang mga estudyante na pakalat-kalat, walang away o patayan, at higit sa lahat, napakatahimik na parang walang katao-tao. Sabayan mo pa ng mga nagniningningang bituin sa kalangitan.

Sa patuloy na paglalakad ko, natanaw ko ang Building 003, pero hindi ako kaagad nakapasok dahil sa mismong entrance ng building na 'yon, doon din tumigil ang mga kandila. Tinignan ko ulit yung mga kandila na dinaanan ko kanina at isa-isa itong nawawalan ng ilaw hanggang sa naging madilim ang paligid ko.

Nagulat na lang ako ng biglang nagliwanag ang buong Building. Kulay pulang mga ilaw at nakaposisyon para maging hugis puso. Ngayon, maraming mga puso ang nakapalibot sa buong building na nagbibigay liwanag dito. Napatingin na lang ako sa entrance dahil nakabukas ang pintuan. Madilim sa mismong hallway ng building ngunit bigla ring nagliwanag ng unti-unting umiilaw ang mga kandila hanggang sa dulo ng hallway at sa dulong 'yon ay ang hagdanan paakyat, papunta sa rooftop. Katulad din sila ng mga kandila kanina at may mga rosas pa rin na nakakalat sa dinadaanan ko. Pumasok na ako para muling sundan ang mga ito pero bago ko pa man magawa 'yon, biglang may humarang na kung ano sa mukha ko kaya napatingin ako dito.

Isang maliit na puso na nakasabit at tinignan ko ito ng maayos. Napansin kong may nakasulat dito kaya binasa ko ito ng maiigi, "I'm waiting" nakasulat dito kaya napangiti ako bago ko itinuloy ang paglalakad. Isang paglalakad na hindi ko maramdaman ang pagod kundi ang tanging mabilis na pagtibok lamang ng puso.

Narating ko na ang pinakadulo ng hallway at sa dulong 'yon ay ang mismong exit ng building at doon rin makikita ang hagdanan paakyat. Kaya it's either lalabas ka o aakyat kapag narating mo na ang dulo ng hallway.

Tinignan ko ang hagdanan at binuksan ang dala kong pouch para i-check ang oras at 7:13 pm na. Muling kong inilagay ang relo ko sa pouch at umakyat ng hagdanan.

Sa bawat paghakbang ko, kinakabahan ako hindi dahil sa takot, kundi dahil sa naiisip kong magkikita kami. Hindi ko alam kung bakit sa rooftop pa, pero masaya sa pakiramdam na makatanggap ng maraming surpresa ngayong araw na 'to. Kung sa kanya man galing lahat ng 'yon, masaya na ako. Na kahit hindi ko masabi sa kanya ang nararamdaman ko, sapat na sa akin na makatanggap ng kahit na anong bagay galing sa kanya.

Narating ko na ang second floor ng building at tanging mga kandila lang ang nagsisilbing liwanag kasabay ng mga mapupulang rosas sa dinadaanan ko. Bago pa man ako makahakbang sa pinakaunang step ng hagdanan papuntang third floor, biglang nawala ang buong atensyon ko sa mga kandila nang matanaw ko mula sa bintana na may isang lugar na maliwanag sa labas ng building.

Pinakatignan ko ng maigi ang lugar na 'yon at napagtanto kong 'Street Cheater's club' pala ang lugar na 'yon, medyo matagal ko na rin kasi itong hindi nakita dahil sa dami ng nangyari. Pero nabalitaan ko kailan lang na inilipat ang club at nandito lang pala 'yon sa likod ng Building 003.

Mula sa second floor na kinatatayuan ko, kitang-kita ko na maraming tao sa labas ng club. May mga grupo ng lalaki na nag-uusap, mga mag-syota na naghahalikan, at mga estudyanteng umiinom at nakatambay sa labas. Isa-isa kong tinitignan ang mga ito at may dalawang taong nakapukaw ng buong atensyon ko.

Mula sa kinatatayuan ko, tinignan ko silang mabuti. Nag-uusap sila at kahit na nasa malayo ako, kitang-kita ko ang mga ekpresyon nila na parang hindi makapaniwala. Kitang-kita ko rin ang mga mukha nila na pamilyar sa akin. Tila nawalan ako ng pag-asa habang tinitignan sila. It can't be. It shouldn't be.

Nag-umpisang manginig ang mga paa ko habang tulala na nakatingin sa kanilang dalawa. How?! How did they get here?! Sa dinami-rami ng tao, bakit sila pa?!

Nakaramdam ako ng sobrang panlalamig, paninigas ng katawan, panginginig ng paa, tulalang-tulala habang nakatingin sa kanila. Ang takot na hindi ko maramdaman kanina, biglang bumalik.

No, it should not be! It must not be them!

Baka imahinasyon ko lang ang nakikita ko dahil naminiss ko na rin sila. Imahinasyon lang ang lahat, I need to calm down.

Huminga ako ng malalim at inialis ang tingin sa kanilang dalawa. Baka nga siguro imahinasyon ko lang ang lahat. At imposibleng mangyari ang iniisip ko.

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko habang nakatingin sa may hagdanan. Mas importanteng makapunta ako sa rooftop kaysa sa mag-isip ng mga bagay-bagay.  Humakbang ako ng tatlong beses paakyat at pinilit na alisin ang takot dahil sa panginginig ng paa ko habang umaakyat. Itutuloy ko na sana ang pag-akyat pero kusang tumigil ang mga paa ko.

Muli kong chineck ang oras at 7:19 pm pa lang. What if it is not just an imagination? What if they are here? What if the same thing happened to them? What ifs are useless kung hindi ko aalamin lahat ng nakita ko. We'll meet exactly at 8 pm, so I still have time to find out something and make sure that it is not just an imagination.

Mabilis akong bumaba at lumabas ng building para pumunta sa club. Nakita pa lang ako ng mga tao sa labas, pinagtinginan na ako ng mga ito pero hindi ko na lang sila pinansin. Ang mahalaga, mahanap ko sila. Kailangan kong alamin kung sila ba talaga ang nakita ko kanina.

Nandito ako ngayon sa harap ng club at mismong sa lugar kung saan sila nakatayo kanina. Tinignan ko ang buong paligid para hanapin sila pero hindi ko sila mahanap.

Nakaramdam na lang ako ng tuwa dahil baka nga hindi sila ang nakita ko at imahinasyon ko lang talaga 'yon. Huminga ako ng malalim at nagbalak na umalis na para pumunta sa rooftop pero bigla kong natanaw ang loob ng mismong club.

Nanlaki ang mata ko, nawala ang tuwa, nabalutan ng takot, nanigas sa kinatatayuan at tulalang nakatingin sa kanilang dalawa.

It is not just an imagination. They are really here.

Para siguraduhin na hindi nga ako nagkakamali. Pumasok ako sa loob ng club para lapitan sila. Nakita ko silang hindi mapakali habang tinitignan ang paligid at halatang naninibago at hindi sila pamilyar sa lugar na 'to. Inikot nila ang buong club na parang inoobserbahan ang paligid.

Ako naman, nakasunod sa kanila at pinapanood sila. Paano sila napunta dito? At bakit sila pa? At ang club na 'to ang isa sa nga pinakadelikadong lugar sa campus kaya bakit sila napunta dito?

Habang iniisip ang mga posibilidad kung paano sila napunta dito. Patuloy pa rin ako sa pagsunod sa kanilang dalawa kahit saan sila magpunta, ngunit sinisigurado kong nakakapagtago ako sa tuwing titignan nila ang direksyon ko. Sinigurado ko rin naman na maayos ang kinalalagyan ko ngayon, na hindi ako mapapahamak. Sandali akong napatingin sa may sulok at pagtingin ko sa kanila, wala na sila kung saan sila nakatayo kanina. Muli kong iniikot ang paningin ko para hanapin sila pero hindi ko na sila makita. Nag-panic na ako at nakipagsiksikan sa mga tao para hanapin sila. Hindi sila pwedeng mawala sa paningin ko.

Patuloy pa rin ako sa pakikipagsiksikan at hindi ako titigil hangga't hindi ko sila nakikita. Habang hinahanap ko sila sa kalagitnaan ng club, unti-unti na ring dumarami ang mga taong pumapasok kaya mas lalong sumisikip ang daanan. Bigla na lang akong may nakabanggaan kaya nahulog ang pouch na dala ko. Kukunin ko sana 'yon pero naunahan ako ng taong nakabanggaan ko at pagkatayo niya, iniabot niya sa akin 'yon, "Sorry miss" sambit nito.

Nang magtama ang mga mata namin, tila nanigas kami sa kinatatayuan namin at hindi nakapagsalita. It's true. Nandito sila. Nandito siya. Nanlaki din ang mata nito dahil nakita niya ako.

"S-s....sy...den?" saad nito na parang hindi makapaniwala habang nakatingin sa akin.

"B-blake?" mahina kong sabi habang ganon rin naman ang ekspresyon ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. How?!

Hindi pa rin kami makapagsalita ng maayos habang nakatitig lang sa isa't-isa,

"S-syden?!" napatingin ako sa babaeng tumabi kay Blake at 'yon ang mas lalo ko pang ikinabigla.

"M-max?" saad ko. Kaming tatlo, hindi makapaniwala na magkikita dito. At mas alam kong nabigla sila dahil nakita nila ako dito.

"W-what are you...doing here?" tanong ko sa kanila.

"Dba...ikaw dapat ang tanungin namin...kung bakit...n-nandito ka?" tanong ni Blake.

"Because...the council brought us here" sagot ko.

"Wait! What?! Did you just say 'us'? Sinong kasama mo!?" tanong ni Max.

"R-raven. Bakit...hindi niyo ba alam na dinala kami dito?" tanong ko.

"Even him, nandito siya?! Wait! I can't believe this!" kitang-kita ko na hindi sila makapaniwala pero isa lang ang nasisiguro ko. Na frame-up din sila kagaya ng ginawa sa amin ni Raven.

"W-we thought...nadrop-out ka sa Heaven's Ward High and your twin-brother...followed you. Kaya pareho kayong wala. But we didn't expect to meet you here" pahayag ni Blake.

"Sinabi lang nila 'yon para hindi kayo mag-isip kung saan nila kami maaaring dalhin. P-paano kayo napunta dito? Don't tell me...naframe-up din kayo?"

Nagkatinginan silang dalawa bago nagsalita si Blake, "It's true. We were told na drop-out na din kami. Pero noong gabing aalis na kami, some guards cornered us at tinakpan ang bibig namin kaya nakatulog kami" pagkatapos non, si Max naman ang nagsalita, "Pagkagising namin, dinala na kami dito...k-kaya hindi kami makapaniwala na may ganito pa lang klasing eskwela-  sa likod mismo ng Heaven's Ward High na inakala nating langit, may nakatagong impyerno. Pero mas nakakabigla na makita ka namin dito at kasama mo pa si Raven" pahayag nito.

"You shouldn't be here, masyadong delikado sa lugar na 'to!" saad ko sa kanila.

"There must be way out" saad ni Blake. Pero kahit na kausap ko sila, hindi ko pa rin siya matignan ng diretso.

"There's no way out" sambit ko na ikinagulat nila, "S-seriously?! Baka naman may iba pang paraan- "

"As you can see, the campus is surrounded with electric barriers, the walls are high and it's impossible to climb. There's no other way but to stay and live...and to wait for someone to rescue us" pahayag ko.

"Is it really true na legal ang pagpatay?" tanong ni Max. Tumango na lang ako dahil alam ko ang magiging reaksyon niya. Tila nawalan ito ng pag-asa at nabalutan ng takot.

Maxine is my bestfriend in Heaven's Ward High. Matagal na kaming hindi nag-uusap dahil nga napadpad ako sa impyernong 'to. Kaya kong tiisin na hindi siya makausap kahit gaano katagal, basta huwag lang siyang mapunta dito. But now, seeing her na nandito, natatakot ako para sa kanya. She used to be a brave and smart girl, but now...nakikita ko ang takot sa mukha niya. Just like how I felt back then nang mapunta ako dito.

"Don't worry Max. Makakaalis din tayo dito" saad ko.

"Pero kailan?! What if dito na tayo mamatay?" tanong nito na halatang nagpipigil ng luha, "No! We won't die here" saad ko.

Saktong umalis ang mga estudyanteng umiinom sa may lamesa sa tapat namin kaya hinawakan ko ang kamay niya para maupo muna kami. Kailangan ko silang kausapin lalo na't bago pa lang sila dito kaya hindi nila alam ang patakaran sa eskwelang 'to.

"Let's go" sambit ko at naupo kami.

"May nacontact ba kayo sa labas ng Heaven's Ward High? For sure magpapasundo kayo noong gabing 'yon kaya kinailangan niyong kontakin sila tito at tita right?" tanong ko sa kanila dahil mahilig silang magpasundo sa tuwing aalis sila, lalo na kapag uuwi sila.

"No, the council did not let us have contact sa labas. At ayaw na rin kaming palabasin sa Heaven's Ward. All our parents thought na bagsak tayo kaya hindi tayo nakakauwi tuwing summer but the truth is, dinadala pala ang mga estudyante dito tayo ng hindi nalalaman ng parents natin" sagot ni Blake.

"B-but...I can't live this way. W-we can't live like this!" pahayag ni Max na tuluyan ng bumuhos ang luha kaya tinignan ko siya ng maayos.

"Max, makakalabas tayo dito okay? Huwag kang mawalan ng pag-asa" sambit ko.

"I-i don't know kung bakit 'to ginagawa ng council but I'm sure, they want us to suffer kaya kinukulong nila tayo" pahayag ni Blake habang tinitignan kami ni Max, pero hindi ko pa rin siya matignan ng diretso.

Bigla na lang may naglagay ng maraming bote ng alak sa table namin, "You know what? Ilang days na kami ni Blake dito. Hindi kami naniniwala sa mga sinasabi nila. Pero sa'yo na mismo nanggaling na hindi safe dito. We don't know what to do. Dahil baguhan pa lang kami, madalas kaming pinagtritripan pero wala kaming magawa" pahayag ni Max habang umiiyak. Nabigla ako ng kumuha si Max ng alak at ininom niya 'yon na parang problemadong-problemado siya. Bago niya pa man maubos 'yon, kinuha ko na yung bote para pigilan siya. She's the kind of girl na kapag problemado, dinadaan sa inom, "Ano ba?" inis na sambit nito dahil sa ginawa ko, "Max, drinking is not the answer"

Muli niyang kinuha sa akin 'yon at uminom, "Maybe our parents did really want us to suffer kaya hinayaan nila tayo dito" she has a broken family kaya niya 'to nasasabi ngayon.

"Wala silang alam dito. Kung alam nila, edi dati pa lang sana gumawa na sila ng paraan para makalabas tayo dito" pagkatapos kong sabihin 'yon sa kanila, nakita ko naman si Blake na kumuha din ng bote ng alak at uminom. Tinignan ko ito para sabihin sa kanyang huwag na niyang ituloy ang balak niya, pero itinuloy niya pa rin ang pag-inom bago nagsalita,

"We did not expect to meet you here. Hindi namin alam na may tinatago pa lang kademonyohan ang Heaven's Ward High. Worst, this is not just a place for us to be imprisoned, but to make us suffer and to let us kill whoever we want to kill. Hearing those words from you. Ano ba sa tingin mo ang mararamdaman namin? Knowing na wala na tayong magagawa. Then, gawin na lang natin lahat ng gusto nating gawin dahil sa huli, wala na rin naman tayong magagawa para makalabas dito" pahayag nito na uminom ulit. Pagkatapos niyang uminom, kinuha ko yung hawak niyang bote at inilayo sa kanya kaya nagsalubong ang kilay nito. At si Max, patuloy pa rin sa paginom habang lumuluha.

"Alam kong hindi kayo makapaniwala sa nangyayari ngayon. Pero hahayaan niyo na lang bang mapariwara kayo dahil lang sa impyernong 'to?" galit kong sabi sa kanila. Mahirap paniwalaan ang lahat, but still they have to live and survive.

"Kaysa naman sa problemahin pa natin lahat ng sinabi mo..." muling kumuha si Max ng alak sa table namin at uminom, "Idaan na lang natin sa inom para makalimutan natin lahat. But I think...this is better because we have freedom to do what we want to do" sambit nito at nginitian ako.

"Pero Max- "

"If you really care, hayaan mo na lang kaming magsaya habang buhay pa kami. Kung gusto mo..." iniabot nito sa akin ang hawak niyang bote, "Iinom mo na din Syden. Ang tagal na rin nating hindi nagbonding, samahan mo na lang kami ni Blake" pahayag nito pero itinabig ko ang kamay nito dahil ayaw kong uminom, "Ayaw ko" sagot ko.

"Tssss, para namang hindi tayo magbestfriend. Tsaka andyan din naman si Blake eh, parang wala kayong pinagsamahan" sambit nito kaya napatingin ako kay Blake na nakatingin din sa akin pero inialis ko din ang tingin ko sa kanya.  Palainom talaga si Max at 'yon ang hindi ko na mapipigil sa kànya. Ganon din naman si Blake.

Gusto ko man silang pigilan pero wala akong magawa dahil 'yon ang gusto nila at hindi talaga sila mapipigilan. Ilang minuto rin ang lumipas pero hindi pa rin sila tapos sa pag-inom pero halata namang nalalasing na sila.

(8:34 pm)

Habang kasama ko sina Max at Blake na patuloy pa rin sa pag-inom. Tinignan ko muna ang buong club bago ko sila ulit tinignan, "Masyado na kayong maraming nainom ni hindi niyo nga alam kung saan kayo matutulog ngayong gabi. Guys, ano ba? Masyadong delikado sa lugar na 'to. Huwag kayong maging kampante" sinusubukan ko pa rin silang kausapin sa maayos na paraan kahit na sumasakit na ang ulo ko sa kanilang dalawa. Alam ko ang nararamdaman nila, pero hindi ibig sabihin noon mawawalan na sila ng kontrol at gagawin nila lahat ng gusto nilang gawin.

"Masyado ka naman. We...have friends. Kaya huwag mo ng problemahin 'yon. May matutulugan kami ngayong gabi..." nilapitan ako ni Max at halatang lasing na lasing siya, "At tuwing gabi" sabay ngiti nito.

"Mapagkakatiwalaan naman ba?" tanong ko.

"Kung hindi sila mapagkakatiwalaan, edi sana...patay na kami ngayon" sinamaan ko na lang ito ng tingin hanggang sa unti-unti na rin itong napahiga sa kinauupuan niya at nakatulog.

Nabaling naman ang atensyon ko kay Blake na patuloy pa rin sa pag-inon at namumula na ang mata kaya siguradong lasing na rin siya. Napansin kong medyo tumahimik ang club kaya tinignan ko ang buong lugar.

Marami ng tulog sa mga pwesto nila dahil sa sobrang pagkalasing, ang iba nagsisilabasan na. Ako na lang ang natitirang matino sa lugar na 'to dahil halos lahat, tulog na, maliban kay Blake na tuloy pa rin sa pag-inom. Kami na lang ang natitirang nakaupo. I can't just leave them here na ganito ang itsura so I need to stay.

(10:56 pm)

Hindi ko namalayan na habang sinasamahan ko ang dalawang 'to, nakatulog na ako. Napatingin ako kay Blake habang abala pa rin siya sa pag-inom at nilalabanan nito ang pagkalasing niya. Tinignan ko siya kaya napatingin siya sa akin, "Hindi ka pa man umiinom.... mas nauna ka pang nakatulog sa akin. By the way, okay ka lang ba dito? Hindi ka ba nila sinasaktan?" tanong nito bago ipinatong ang hawak niyang bote sa lamesa. Halatang lasing na lasing na siya.

"N-no. Im fine" sagot ko. Kahit gaano ko subukan na tignan siya ng diretso, hindi ko pa rin magawa.

"We really thought na na drop out kayo. Pero ngayon na nakita kita dito. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o matutuwa" dahil sa sinabi nito, nagkaroon ako ng lakas ng loob para tignan siya ng diretso, "It doesn't matter. Ang mahalaga, makaligtas kayo ni Max sa lugar na 'to"

"Hindi pa rin namin tanggap ang lahat. Can you please stay with us just for a while? Hindi pa namin alam ni Max kung anong kahihinatnan namin dito. We don't know anything lalo na sa mga ugali ng mga estudyante dito. We need you" pahayag nito. Lumapit ito ng konti sa akin kaya napaatras ako sa kinauupuan ko. Nabigla na lang ako ng dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa lamesa, "I need you" nagtama ang mga mata namin. At matagal na rin, ng huli kaming magkita.

"Did you miss me?" tanong nito habang papalapit ng papalapit ang mukha niya sa akin. And I realized, this is not right.

Kusang gumalaw ang mga kamay ko at dumampi 'yon sa pisngi niya kaya napahawak siya dito. Napatingin siya sa akin  at ang mga tingin niyang 'yon, walang ekspresyon, ganon niya pa rin akong tinitignan katulad ng pagtingin niya sa akin kanina. Sinamaan ko ito ng tingin at kinuha ko ang pouch ko. Tumayo na ako para lumabas dahil hindi ko na siya kayang makita pa.

Bago pa man ako makalabas sa club, bigla na lang niya akong hinila pabalik, "Looks like you're enjoying your life here habang wala ako" sambit nito. Amoy na amoy ko pa ang alak mula sa bibig niya.

Tinitignan ko pa rin ito ng masama, "Stop it, Blake. I'm starting to enjoy everything here. But then you suddenly showed up kaya wala ng rason para maging masaya pa ako ngayon"

"Hindi mo ba talaga ako namiss? I thought you left me. But here you are..." tinignan ako nito mula ulo hanggang paa, "Standing infront of me" lalo pa niya akong nilapitan kaya wala akong nagawa kundi titigan na lang siya, "Tell me. What happened to us?" habang sinasabi niya 'yon, nakatingin lang ako sa kanya.

Blake is my ex-boyfriend. Not totally, because we did not have a serious break-up. One day, bigla na lang kaming hindi nag-usap at nag-iwasan. Hanggang sa mawalan na kami ng koneksyon, pero hindi ko alam kung bakit dito pa kami nagkita. Inlove na inlove ako sa kanya noon, hindi siya tanggap ni Mom and Dad at handa akong hindi sumunod sa gusto ng parents ko dahil mahal ko siya. But then, siya ang unang umiwas and I felt like I did something na hindi niya gusto that's why I also did the same because of guilt.

Galit na galit ako sa kanya dahil bigla na lang siyang umiwas at galit din ako sa sarili ko. Pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang umiwas ng hindi ako binibigyan ng rason. Right now, gustung-gusto ko siyang awayin dahil sa lahat ng sakit na binigay niya sa akin. Pero habang nakatingin ako sa kanya, unti-unting bumabalik ang lahat sa dati. Back then, I fell inlove because of how he looked at me, just because of his eyes.

Kung paano niya ako tignan dati, ganon niya rin ako tignan ngayon, "Remember. It was you who left without any reason. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan sa ginawa mo. Tapos ngayon, bigla kang magpapakita dit- " nagulat ako ng itulak niya ako sa pader at ikinulong ako sa mga braso niya.

"Do you still love me? We can still live like before right?" sagot nito in a good tone habang nakatingin pa rin kami sa isa't-isa.

Hindi ko na lang ito sinagot bagkus itinulak ko siya para makaalis na ako. But then he suddenly pulled me and pushed me against the wall. At hinalikan ako nito na parang wala ng bukas. I tried to stop him, sinubukan ko siyang takasan pero sadyang malakas siya kaya wala akong nagawa lalo pa't hinawakan nito ang kamay ko kaya hindi ako nakapalag.

I thought I already forgot him. But I was wrong, seeing him now, feeling his lips, it feels like I'm falling inlove again.

Dahan-dahan itong tumigil sa paghalik sa akin at lumayo kaya natitigan ko siya ng maayos, "You're right. I left that's why I came back" unti-unti na niyang binitawan ang kamay ko bago ito ulit nagsalita, "No matter what happens, babalik at babalikan kita" sambit nito bago ako tuluyang tinalikuran.

Mabilis ang paghinga ko kagaya ng pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng pagkalito simula ng makita ko siya. Nakalimutan ko na siya pero bakit parang unti-unting bumabalik ang nararamdaman ko para sa kanya lalo na't nandito pa siya.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil hindi ako makahinga ng maayos at kinakabahan ako. Nakita kong nilapitan niya si Max na lasing na lasing at inalalayan niya ito palabas ng club.

Maayos na sana lahat. Pero bakit bigla siyang dumating at nag-uumpisa nanaman akong guluhin? Hindi ko expect na makikita ko silang dalawa dito. Kinakabahan ako para sa magiging sitwasyon nila. At kinakabahan ako, dahil nakita ko ulit si Blake. Mas lalo pa akong nanginig ng halikan niya ako. Knowing that I, still have feelings for him.

Dahil sa panginginig ko, nabitawan ko ang hawak kong pouch kaya nahulog ang ibang laman nito. Lumuhod ako para ilagay sa pouch ang mga ibang gamit na nahulog. Tatayo na sana ako ng mapansin ko ang relo ko na nakakalat sa sahig kaya kinuha ko ito at nakita ko ang oras. Nanlaki ang mata ko at mas lalo pa akong nanginig ng makita ko kung ano ng oras.

11:27 pm

Natulala ako ng ilang minuto habang inaalala kung anong lakad ko ngayon.

Sh*t! I forgot.

Agad akong tumayo at lumabas sa club. Pumasok ako sa Building 003 at nagmadaling tumakbo sa hallway. Dahil nahihirapan akong tumakbo, tinanggal ko ang heels na suot ko. Natigilan na lang ako sa pagtakbo, ng makita ko ang hallway.

Ang mga kandilang nagsisilbing ilaw at gabay ko kanina, lusaw na. Ang iba naman malapit ng mawalan ng apoy. Ang mga rosas na nakakalat sa dinadaanan ko, unti-unting nalalanta. At iilang mga kandila na lang ang nakasindi kaya hindi na ganon kaliwanag ang hallway. Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa marating ko ang hagdanan at ganon pa rin. Iilang mga kandila na lang ang nakasindi habang ang iba ay lusaw na.

Habang umaakyat sa hagdanan, napatingin ako sa pinakataas kaya muli akong tumakbo paakyat. How did I forget it?!

Tumakbo ako ng napakabilis papunta sa rooftop. Nasa harap na ako ngayon ng pintuan ng rooftop at tanging gagawin na lang ay ang buksan ito. Hindi ko alam kung anong dadatnan ko sa ganitong oras lalo na't masyado na akong late. Tila may pumipigil sa akin na buksan ang pinto kaya nanatili lang akong nakatingin sa door knob at hindi ko magawang hawakan 'yon.

Pero pumikit muna ako at huminga ng maluwag bago ko ulit binuksan ang mga mata ko. Nanginginig ang mga kamay habang dahan-dahan kong hinahawakan ang door knob. Nang magawa ko ng mahawakan ito, dahan-dahan ko itong binubuksan at nakakaramdam ako ng kaba.

Nang tuluyan ko ng mabuksan ang pintuan, walang katao-tao at tanging mga nakasinding kandila at maraming rosas ang sumalubong sa akin. Nang matignan ko ang mga kandila, sumabay ang malakas na hangin kaya sabay-sabay ring namatay ang mga ito ngunit amoy na amoy ko ang napakabangong kandila. Humakbang ako ng ilang beses at napatingin ako sa pinakasulok kaya lumapit ako dito. Ang dinadaanan ko, punung-puno ng rosas na unti-unti ring nalalanta.

Nang makarating na ako sa sulok, nakaramdam ako ng lungkot when I saw a bouquet of roses. Kinuha ko ito at dahan-dahang inamoy. Medyo may kalakihan ito at napakagandang tignan dahil iba't-iba ang kulay. Biglang sumikip ang dibdib ko kaya napahawak ako dito na tila ba napakabigat sa kalooban. Napatingin ako sa pinakagitna kaya dahan-dahan kong ibinaba sa lamesa ang hawak kong mga rosas pati na rin ang sandals ko.

Lumapit ako doon at may isang lamesa na nakaayos, sakto lang para sa dalawang tao. Pati ang mga magaganda at mababangong kandila na nakalagay rito, ay unti-unting nalulusaw.

Lalo ko itong nilapitan at napansin kong may nakapatong dito na isang napakagandang jewelry box. Napakaganda ng disenyo nito at mukhang mamahalin ang laman.

Dahan-dahan ko itong binuksan at tila gusto kong lumuha dahil sa nakita ko. May isang kwintas, pares ng hikaw, bracelet at singsing, lahat ng ito ay kulay silver at isa lang ang napansin ko. Napatingin ako sa suot kong damit at napahawak ako sa suot kong accessories.

Natulala ako ng ilang segundo at unti-unting tumulo ang luha ko. Ang mga accessories na nakita ko ngayon, sila ang kapares ng suot kong damit. Pinlano niya ba talagang ibang accessories ang ipasuot sa akin dahil ngayon niya ibibigay ang kapares nito?

Habang tinitignan ko ang napakagandang mga alahas, dahan-dahan akong napaupo at napaiyak.

"I'm so...sorry" sambit ko sa sarili ko at parang hindi na ako makapaglabas ng sapat na boses.

Why did I forget it?! Bakit nakalimutan ko ang oras?! Bakit ngayon pa?! I'm so sorry....Dean.

I cried for so long at tinignan ang buong paligid. Looks like he prepared. But I wasted all of it. He waited, but I did not come.

Isa kong tanga! Napakalaking tanga! I shouldn't have looked anywhere other than the candles who were so bright this night just to make sure that I would reach my destination.

Ano nang sasabihin ko sa kanya? Sa kanila?! Is this the reason kung bakit kanina ko pa sila hindi nakikita? They were busy preparing here?!

Agad akong bumaba para puntahan sila. I ran as fast as I can kahit na pagud na pagod na ako. Ilang beses akong nadapa but I didn't care. I need to apologize. I need to do everything. But how will I explain everything kung bakit hindi ako nakapunta on time?

Habang tumatakbo ako, patuloy pa rin ako sa pag-iyak pero pinupunasan ko pa rin ang mukha ko. Sadyang napatahimik ng paligid at ako lang ang kaisa-isang tumatakabo sa campus sa kalagitnaan ng gabi. Dahil sa patuloy na pagluha ko, lumalabo ang paningin but still, I didn't care.

Nang marating ko na ang Black house, dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ngunit patuloy pa rin sa panginginig ang kamay ko pati na rin ang paa ko. Dahan-dahan akong pumasok at dahan-dahan rin sa pagsara ng pinto. Mabagal akong naglakad habang tinitignan ang napakatahimik na paligid.

Narinig kong may maingay sa kusina kaya pumunta ako doon. Nakita ko si Dave na kumuha ng alak at napansin niya ako. Nang papalapit na siya sa akin balak ko sana siyang kausapin pero para akong hangin na dinaanan lang niya. Noong mga oras na magtapat kami, napansin ko ang mga mata niya na parang nagpipigil ng galit kahit na hindi ito nakatingin sa akin.

Tinignan ko siya na pumasok sa kwarto niya. Tinignan ko ang buong Black house, sobrang tahimik. Naglakad ako papunta sa kwartong pinasukan ni Dave kanina. Pero habang papunta ako doon, natigilan ako sa paglalakad ng mapansin kong nasa tapat ako ng kwarto ni Dean. Humarap ako doon at natulala habang nakatitig sa pintuan ng kwarto niya.

Pero kumuha ako ng lakas ng loob para kausapin siya. Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan at itinaas ang kamay ko para kumatok. Pero nagdadalawang-isip pa rin ako kung itutuloy ko pa ba. Kaya ibinaba ko ang kamay ko at tinignan muli ang pintuan.

I'm so sorry.

Maybe...it's now or never.

Nang makapagisip-isip na ako, itinuloy ko na ang pagkatok kahit na sobra na akong nanginginig. Hindi bumukas ang pintuan kaya muli akong kumatok. Sa pangatlong pagkatok ko, bumukas ang pintuan at nakita ko siya. He's now totally a different person.

"Wala bang nagsabi sa'yo na bawal ang istorbo?" the way he looks at me now is different. Alam kong galit siya. And I can't blame him. But his eyes became dealy while looking at me. Deadly and cold eyes.

"T-tingin mo ba...istorbo ako?"

"Bakit hindi ba? Ano bang tingin mo sa sarili mo?" sambit nito na unti-unting sumasaksak sa akin.

"I just want to say sorry- "

"We let you live here but don't ever think na pwede mong gawin lahat ng gusto mo. Baka nakakalimutan mo, saling pusa ka lang sa grupo. Umalis ka na" he said in a cold voice kaya natigilan ako sa pagsasalita. And I just realized, I don't want to see him like this.

"I did not intend- "

"Can't you understand a word?! I said leave! I don't need to hear your useless explanation!" tuluyan na akong nanigas sa kinatatayuan ko ng sigawan niya ako. But I need to accept it. It's my fault. Kahit gaano kasakit, titiisin ko.

"But- "

"Hindi ka ba nakakaintindi?! Umalis ka na kung ayaw mong kaladkarin kita palabas! I don't want to see you and to hear your voice. You know what, wala kang kwentang kausap!" pabagsak nitong isinara ang pintuan niya at tuluyan na akong natahimik at napaiyak dahil sa sinabi niya. His words directly stabbed me.

Kakatok sana ulit ako pero biglang may humawak ng mahigpit sa kamay ko kaya nasaktan ako dito pero hindi ko pinahalata, "Pwede ba bumalik ka na sa kwarto mo..." napatingin ako kay Dustin na halatang nagpipigil ng galit kaya muli nanaman akong natahimik. And his eyes were cold too even his voice, "Habang mabait pa kami sayo"

"I just want- " magsasalita pa sana ako ng mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko kaya hindi na ako nakapagsalita at tuluyan ko ng itinikom ang bibig ko. Binitawan niya ang kamay ko at tuluyang umalis.

Tinalikuran ko na ang pintuan ng kwarto niya at dahan-dahang naglakad papunta sa kwarto ko. Nakita kong papalapit sa akin si Raven kaya pinilit kong ngumiti at pigilan ang luha ko pero dinaanan lang din ako nito na parang hindi niya ako nakita. Sinundan ko siya gamit ang mga mata ko at nanlabo na ang paningin ko sa tuluyang pagbuhos ng luha ko. Nagmadali akong pumasok sa kwarto ko at diretsong umupo sa kama.

Then I cried. I know it's my fault. Dahil ang tanga ko. Tanga dahil nakalimutan kong pumunta sa rooftop sa tamang oras. Alam kong kasalanan ko and I accept it. Pero tao pa rin naman ako, nasasaktan at nahihirapan.

I should have just followed the candles and did not go to the club. But on the other side, if I did not go to the club, hindi ko malalaman na nandito pala sila. It's hard to choose. Pero nangyari na, kasalanan ko na. And I can't do anything about it but to accept the fact that I hurt them. I hurt the Vipers.

I just looked at the time and started to cry.

I feel so guilty.

To be continued...

Chương tiếp theo