webnovel

♥ CHAPTER 59 ♥

♡ Syden's POV ♡

Pagkatapos naming mag-usap nung nilalang na 'yon, umalis na kami para sundan sila Raven. Hindi rin naman sila gaanong nakakalayo kaya kaagad din namin silang nahabol. Napatingin sila sa pagdating namin at ngumiti sila kaya sabay-sabay kaming naglakad.

As usual, pinagtitinginan pa rin ng mga estudyante and Black Vipers. Tumingin ako sa paligid at wala akong nakikitang Phantoms o Redblades. Ano nanaman kayang binabalak nila? Masyado na silang tahimik nitong mga nakaraang araw.

Nasa pinakalikuran nila ako habang naglalakad, ganun din naman si Raven kaya halos magkasabay kaming naglalakad sa likuran ng mga kagrupo niya. Tinignan ko siya kaya napatingin siya sa akin at ngumiti siya, ganun din naman ang ginawa ko. Sa mga ngiti niya, may naalala akong isang tao na mahalaga sa buhay ko. Si Heaven.

Bakit bigla kong naalala si Heaven?

Habang naglalakad kami, nawala ang focus ko sa paligid dahil pilit kong inaalala kung ano ang dapat kong alalahanin tungkol kay Heaven. Ano ba yung kailangan kong alalahanin? Sandaling tumigil ang mga paa ko sa paglalakad dahil pilit kong iniisip kung ano ba yung tungkol sa kapatid ko. Napaka-ulyanin ko na ata para agad makalimot?

"Sy. Sy. Syden" bumalik ang utak ko sa realidad ng marinig ang boses ni Raven kaya napatingin ako sa kanya. Napansin kong lahat sila, nakatingin sa akin. Vipers are worse than a real viper.

"Are you ok? May problema ba?" tanong ni Raven ng may pag-aalala.

"A-ahh w-wala naman. Feeling ko kasi may nakalimutan ako kaya iniisip ko kung ano 'yon" sabay ngiti ko habang tinitignan sila. What's with those eyes men?

L

ahat kasi sila, seryosong nakatingin sa akin.

"Maaalala mo rin yan. Sa ngayon, mag-focus ka muna sa paglalakad baka mawala ka" sambit niya. Ano ako bata para mawala? Tsk!

Nilapitan ko na sila kaya naglakad na rin ulit sila. Yung mga mata ng mga Black Vipers na 'to laging nakabantay sa akin. I'm not even one of their prisoners. Sinubukan ko ng kalimutan muna yung pag-iisip tungkol kay Heaven para hindi ako ulit matigilan sa paglalakad.

Pero habang naglalakad kami, bigla na lang-

Be brave and keep those who are important to you

Unti-unting pumasok sa isip ko ang tungkol kay Heaven. Tama, I had a dream. Isang panaginip kung saan kausap ko ang kapatid ko. He was not happy. Noong napanaginipan ko siya, hindi siya masaya. Tinignan ko ulit si Raven kaya napatingin siya sa akin,

"I had a dream about Heaven" sambit ko.

Sandali kaming natigilan sa paglalakad habang nakatingin siya sa akin pero hindi rin nagtagal iyon dahil naglakad siya ulit kaya sinabayan ko siya, "I had a dream too" sagot niya habang nakatingin sa harapan.

"Tungkol din ba sa kanya?" tanong ko.

"Oo" -R

"Anong sinabi niya sa'yo?"

"He said his last farewell. Tanggap ko na ang lahat, by the way nung nakausap ko siya he was so happy" tinignan niya ako at ngumiti siya, "You need to accept it. You need to accept the fact na wala kang kasalanan sa nangyari" sambit niya.

Masaya si Heaven nung kausap niya si Raven. Pero nung magkausap kami, galit siya sa akin at malungkot siya. He wants me to be brave. He wants me to protect those who are important to me.

"Dba nga ikaw ang paborito niya sa ating dalawa dahil matapang ka?" dagdag pa niya.

Napatingin na lang ako sa kanya at nginitian ko siya. Galit sa akin si Heaven kasi raw mahina ako. Kase humina ang loob ko. The only way to make him happy is to be brave...once again. Dati matapang ako pero ngayon, hindi ko na alam kung paano maging matapang ulit.

Be brave and keep those who are important to you. Masyado na akong nilamon ng takot kaya nakalimutan ko kung paano lumaban. I need to find my missing pieces. My old self.

Saan ko naman hahanapin ang sarili ko?

Binilisan ko na lang ang paglalakad hanggang sa mapunta ako sa harapan nilang lahat. Pero may lalaking papalapit sa direksyon ko at nakilala ko siya kaya natuwa ako, "Wait!" hinawakan ko siya sa braso kaya napatingin ito sa akin at halatang nabigla din naman siya, "S-Syden?!" wika niya.

"Oliver? How are you?" tanong ko naman. Ang tagal na naming hindi nag-uusap. Kahit paano naman, na-miss ko ang kaingayan niya sa classroom.

"I'm fine. How about you? Ngayon lang tayo ulit nagkita, bigla ka kasing nawala eh" pahayag niya.

"Okay din naman ako. Ang tagal na nga nating hindi nag-uusap. Marami na rin kasing pangyayari sa eskwelang ito" -S

"Kaya nga eh. Ahmmmm.." parang hindi siya mapakali at tinignan niya ang loob ng cafeteria which is katapat lang namin, "Gusto mo ba, sabay na tayong magbreakfast?" tanong niya. Gusto ko but no thnx. Kakatapos lang ng breakfast ko with the Vipers.

"Hmmm no thanks. Kakatapos ko lang mag-breakfast. Isa pa, may kasama din kasi ako eh" sabay turo ko sa mga lalaking nasa likuran ko na alam kong nakatingin sa amin ni Oliver.

Napatingin dito si Oliver at nabigla siya dahil sa mga kasama ko. I looked at them at nakatingin sila ng masama kay Oliver. Vipers pls? Kailangan bang takutin din nila si Oliver?😩😰

"A-ahh don't mind them. Wala silang gagawing masama sa'yo" sambit ko kay Oliver sabay tingin ng masama sa mga lalaking 'to na nasa likuran ko. Sarap hampasin!

"A-ahhhh ganon ba....s-sige mauna na ako. Nice to see you again Sy" sambit niya bago umalis. Tinakot kasi ng mga ungas na 'to eh! TSK!

Nilapitan ko sila at pinagtaasan ng kilay, "Pwede ba sa susunod huwag kayong ganon? Tinatakot niyo yung tao eh!" sermon ko sa kanila. I can do this! Do not be afraid anymore!

"It's not our fault kung tatakutin siya. Wala naman kaming ginagawang masama" sagot ni Dustin.

"Wala nga kayong ginagawang masama pero tinitignan niyo siya ng masama. Natural matatakot yung tao!" sagot ko.

"Dustin stop it. Baka abutan pa kayo ni Dean na nag-aaway dito. Patay tayong lahat" sambit ni Dave. Talagang kina-career ang pagiging right hand niya.

Nagkatinginan lang kami ng masama ni Dustin pero hindi rin nagtagal iyon. Maglalakad na sana ako pero parang may hinihintay pa yung mga kasama ko, "Sino bang hinihintay natin?" tanong ko.

Itinuro ni Dave ang cafeteria kaya tumingin ako dito at nakita kong palabas si Carson mula doon. Nakita kong wala naman siyang hawak o kinakain na pagkain kaya nagtaka ako. Anong ginawa niya sa loob?

Pagkalapit niya sa amin, nag-umpisa na silang maglakad kaya ganun din naman ang ginawa ko. Nasa harapan pa din naman nila ako. Lumiko ako papunta sa building na papasukan namin pero hinila ako ni Nash, "At saan mo balak pumunta?" tanong niya.

"Main building. Saan pa ba?" tanong ko naman. Ano bang expect niya?

"Syden, it's Thursday" sambit ni Raven kaya napatingin ako sa kanya. Whut? Thursday ngayon? Bakit nakalimutan kong tignan kung anong araw ngayon?

"Sigurado ka bang okay ka lang? Masyado ka na atang nagiging makakalimutin?" sige ipahiya mo pa ako Raven.

"Let's go" hinila naman ako ni Nash papunta sa kabilang direksyon kaya hindi ko na sinagot si Raven.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanila.

"Basta sumunod ka na lang" sagot niya.

Nanahimik na lang ako at sumunod sa kanila. Medyo tahimik ang paligid kahit umaga na. Hindi rin gaanong pamilyar sa akin ang direksyon na tinatahak namin kaya nagmamasid ako sa paligid.

Pero natigilan ako at nanlamig dahil sa nakita ko. Maraming patay na estudyante. Mountains of bodies. Pool of blood. Tortured bodies.

Pakiramdam ko malalagutan ako ng hininga dahil sa nakita ko sa gilid ng dinadaanan namin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat? Ano bang kasalanan nila?

Biglang nawala lahat ng iyon sa isip ko ng bigla akong hawakan ni Dustin at hinila ako papalayo sa lugar na iyon. Hindi ko rin naman namalayang matagal na pala akong nakatayo sa mismong harapan ng lugar na iyon kaya nahuli ako sa paglalakad. Sinubukan kong tignan ulit ang lugar na iyon pero pinigilan niya ako, "Don't look. Kung ayaw mong mahirapan wag mong tignan" napatingin ako sa kanya ng walang sinasabi na kahit ano. I couldn't even speak.

"Alam ko hindi ko dapat sabihin sa'yo ito pero...you need to be stronger. Kung hindi ka magiging malakas, yung nakita mo kanina...posibleng matulad ka sa kanila" sambit ni Dustin na lubusan kong ikinatakot.

....

"We're here" sambit nila. Tinignan ko ang tinutukoy nilang lugar at masisilip mo sa bintana na maluwang sa loob.

Binuksan nila ang pintuan at pumasok silang lahat kaya sumunod na rin ako. Nakita ko ang buong lugar at maluwang nga ito. Hindi gaanong naaarawan pero hindi rin madilim. Ano bang ginagawa namin dito?

Isa-isa din nilang tinitignan ang buong lugar at mukhang maayos naman ito. Ganon din naman ang ginagawa ko dahil ngayon lang ako nakapasok dito.

Nakakita ako ng upuan kaya umupo ako dito. May lamesa sa harapan ko kaya doon ko ipinatong ang kamay ko habang hinihintay sila sa kung anuman ang gagawin nila. Mukhang seryoso silang lahat.

Hindi pa rin maalis sa isipan ko lahat ng nakita ko kanina kaya muli kong naalala 'yon. Kawawa sila. Yung mga estudyante na namatay at patuloy na pinapatay. Yung mga walang magawa kundi mabuhay sa takot at umasang matatapos din ang lahat pagdating ng panahon. Pero hindi dumating ang panahon at unang natapos ang buhay nila. Ano ba talagang meron? Bakit kailangan kaming parusahan ng ganito?

Pinilit kong tanggalin sa isip ko yung nakita ko dahil hindi ko kakayanin kung paulit-ulit kong iisipin 'yon. Kahit mahirap, pinilit ko.

Sa oras na iyon, pinanood ko na lang si Carson kung anong ginagawa niya. Lumapit siya sa sulok at pinuntahan ang isang mahabang lamesa na may nakapatong na tela. Hinawakan niya ang tela at hinila ito para tanggalin ang tela na nakapatong sa lamesa. Namangha na lang ako ng makita ko ang sandamakmak na armas. Matatalim ang mga ito kaya siguradong kung hindi mo alam gamitin, masusugatan ka ng mga ito.

Pumunta lahat ng member niya sa harapan ng lamesang iyon at isa-isa nilang tinignan ang mga armas na nakapatong doon. Gusto ko nga rin sanang tignan pero pinili kong wag na lang. Baka magalit pa sila sa akin tsk!

"Blood Rebels' old weapons?" tanong ni Nash habang hinahawakan ang isang kutsilyo habang kumikinang ang mga mata niyang nakatingin dito.

Lahat sila, masusing tinitignan ang bawat armas na hawak nila, "Dean, are you sure pwede nating gamitin 'to?" tanong naman ni Dave.

"I kept those para may magamit tayo. It doesn't matter if it still has a memory in Blood Rebels. Gagamitin din naman natin ito sa mga dating Rebels" seryoso niyang sabi. Sobrang talim ng hawak niyang kutsilyo at konting galaw mo lang, pwede ka ng masugatan.

Isa-isa silang kumuha non at nilaro-laro nila yung mga hawak nilang kutsilyo. Seriously? Mukhang sanay na sanay na sila sa paghahagis ng kutsilyo pabalik sa kamay nila kaya good luck na lang kapag nasugatan sila. Sabagay, ano pa nga bang hindi nila kayang gawin?

"Shall we start?" ngumisi si Dustin habang tinitignan ang mga kasama niya na parang excited siya.

Huh?! Ano bang gagawin nila?

Pumunta siya sa gitna at inayos ang pagkakahawak niya sa kutsilyo niya. Pumunta naman si Dave sa harapan niya at inayos din ang pagkakahawak niya sa armas niya. Don't tell me...😱😱😱😨 magpapatayan ba sila? NO. Way.

Nilusob ni Dustin si Dave at nag-umpisa na ang gyera. Natulala ako dahil mukhang magpapatayan talaga sila, "Don't worry. This is just training" narinig kong sabi ni Nash habang nakatingin sa akin.

"T-training lang pala. Ok" pero bakit kailangan pa nilang humawak ng kutsilyo kung training lang pala😨😱

Naluwagan naman ako kahit papaano ng malaman kong training lang pala. Pero ang mahirap...this is not like a training. Mukhang sineseryoso nila lalo na yung paglalaban nila ng kutsilyo. Kahit training to pwede silang magpatayan ngayon dito.

Habang naglalaban este training sina Dave at Dustin, pumunta naman si Nash kay Raven na hindi pa rin tapos tignan ang mga armas doon sa sulok. Si Carson naman....ayun, pinapanood mga members niya. Ipinatong ko muna ang ulo ko sa lamesa at pumikit ng ilang segundo. Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya binalak kong lumabas para bumili ng pagkain. Tumayo ako at nilapitan ko siya. Baka magalit nanaman ang nilalang na 'to kapag bigla akong umalis. Napatingin siya sa akin at seryoso nanaman siya. Tsk!

Kailangan ko lang talagang masanay sa nakakatakot niyang pagmumukha.

"I don't want to bother your training kaya I'll just buy foods by myself- " di pa man ako natatapos sa pagsasalita, may itinapat siyang plastik sa harapan ko kaya napatingin ako dito. I knew what was inside.

May tatlong siopao sa loob😍 paborito ko pa naman. But wait! Saan naman niya galing 'yon? Kaya ba nakita kong galing siya sa cafeteria kanina dahil bumili siya ng pagkain. Pero wala akong nakitang may bitbit siyang plastik or whut.

Binibigay niya ba sa akin? Kung pagkain niya yon well I shouldn't accept it.

"That's your food. So I'll just buy- " -S

"Kukunin mo ba o baka gusto mong ako pa ang magpakain sa'yo?" wika niya.

Arrrgghh! Nakakainis na 'tong nilalang na to!!!  Devil!

Dahil sa pagkainis ko, tinignan ko siya ng masama bago ko kinuha yung plastik na hawak niya.

Makakaganti rin ako sa'yo, Dean Carson.

To be continued...

Chương tiếp theo