webnovel

♥ Chapter 52 ♥

♡ Syden's POV ♡

"Palagi mo dapat inumin yung gamot mo Sy. Hindi mo dapat kalimutan 'yan. Hindi ka pa talaga maayos kaya dapat magpalakas ka" sermon ni Raven sa akin.

Kailangan ko kasing uminom ng gamot every 4 hours. 1 month daw akong na 'comma kaya nanghihina pa yung katawan ko. So eto ako ngayon, todo sermon sila sa akin.

Masyado naman ata silang bossy. Duh! Lalo na 'tong kakambal ko. Tsk!

Oo, sila. Yung black vipers. Nakapalibot silang lahat sa akin gamit ang nag-aapoy nilang mata dahil ayaw kong uminom ng gamot, ampait kasi eh. Ba't di na lang kaya sila yung uminom ng gamot? Shut up na nga Syden! Nararamdaman ko pa rin kasi yung pagkirot at pagsakit ng ulo ko. Sa ulo kasi ako tinamaan ni Clyde kaya naapektuhan at 'yun din ang dahilan kung bakit na comma ako sa loob ng isang buwan. Hindi ko man nga expect na one month na pala akong natutulog buti naman at hindi ako nagka-amnesia.

Thank goodness!😇😇😇

"Every 4 hours?" pag-aalinlangan ko, "Oo. Bakit may problema ba don?" tanong niya.

Tinignan ko siya ng nagsasalubong ang kilay kong nag-aalala, "Pwede bang i-extend? Ang pangit tlaga ng lasa, ayoko" pagpupumilit ko sa kanya.

Ayoko naman kasi talaga.

Napabuntong-hininga na lang siya bago ako tinignan ulit, "Mas mahalaga pa ba yang kaartehan mo kesa sa buhay mo?" Okay, fine. Talo na'ko! Kaartehan daw? Tsk!

"I just hate taking medicines" sagot ko naman sa kanya. Alam naman niya 'yon, since I was a child I really really hate taking medicines!

"Syden" bangit ni Raven sa pangalan ko gamit ang nakaka-threaten niyang reaksyon. There's my bossy twin-brother.

May laban pa ba ako? Syempre wala dba?

"Fine, fine. I won't forget" padabog kong sabi.

Tumayo na ako mula sa upuan pero pinigilan ako ni Dave kaya napatingin ako sa kanya, "Don't leave yet, may kailangan kaming sabihin sa'yo" sambit niya.

How many times do I need to be stopped sa tuwing aalis ako? Kanina si Carson, ngayon naman, si Dave. Nabingi ako sa sobrang katahimikan kahit kasama ko silang apat. Nabaling ang atensyon ko sa bawat isa sa kanila kaya inobserbahan ko sila. Napansin kong nakayuko lahat sila, si Carson naman, nasa tabi ng bintana at malayo ang tingin.

"Ano bang sasabihin niyo?" tanong ko kay Dave na hindi rin naman makatingin ng diretso sa akin.

Bigla akong napatingin kay Raven at finally, tinignan niya ako.

"About what happened last time, I'm sorry. I did not give you a chance to explain. Tinalikuran kita at hinayaan kong malagay ka sa peligro just because of us" sambit ni Raven. Alam kong kinakabahan siya dahil napansin ko na yon sa tono pa lang ng pananalita niya.

Seryoso silang lahat at nananatiling walang kibo. Bahagya naman akong napangiti, "Nangyari na yon kaya hindi na dapat ibalik pa. Ang mahalaga, buhay tayong lahat. Oo…nagalit ako, pero hindi yun rason para hindi ko kayo patawarin. After all, you're still my twin-brother, kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan, hindi kita iiwan"

Para sa akin, just the word 'sorry' is enough. I just could see it through their eyes if sincere sila so they don't have to prove it.

"We're very sorry about it Syden. Masyado kaming nagpadala sa emosyon namin kaya hindi namin inisip yung concern mo para sa amin. Kung nakinig kami date, hindi ka sana nahihirapan ngayon" sabat naman ni Dustin. Naging dramatic sila right? And I'm not used to it.

Nginitian ko ulit silang apat, except Carson na malayo pa din ang tingin, "Huwag na kayong mag-sorry okay? Pinapatawad ko na kayong lahat, after all we're friends right?" napansin kong parang nabigla sila sa sinabi ko. Is there something wrong with that?

"Then, hayaan mong kami naman ang bumawi sa'yo"

Bigla akong napatingin kay Carson na ngayon ay nakatingin sa akin. Seryoso nanaman ang mukha niya. What is it now?

Lahat kami, napatingin sa kanya at mukhang expect na nila Raven na sasabihin niya yon.

Sa paglabas pa lang ng mga pangungusap sa bibig niya, parang alam ko na kung anong klasing pagbawi ang sinasabi nila. It's a big deal kapag kinalaban mo sila and I don't want na may nakakaaway sila.

Umiling ako ng may kasamang pagngiti, "How many times do I need to say na hindi niyo na kailangang bumawi?" ani ko habang tintignan sila isa-isa. There's something wrong with these bad guys now.

One thing, ang hirap nilang kausap. Ang kulet!

Ilang segundo lang pagkatapos non, may kung anong mabigat na presensya ang nagdala sa paningin ko patungo sa direksyon nilang apat. Isa-isa ko pa rin silang tinitignan, nakayuko sila na may blankong ekspresyon sa sinabi ko. Maya-maya, isa-isa silang tumingala kaya biglang nawala yung ngiti ko. Nakita kong seryoso nila akong tinignan ulit na parang hindi natuwa sa sinabi ko. I hate this! I hate the way na tinitignan nila ako gamit  ang seryoso nilang mukha.

Iniwas ko yung tingin ko sa kanila. I could still feel their heavy presence. Napayuko na lang ako para kumuha ng lakas ng loob na magsalita. It's like they are waiting for me to say something. To give them a better answer.

May magagawa pa ba ako?  Poor Syden!

Tumingala ako para tignan sila lalo na si Carson na hamak namang nakatingin din sa akin, "Fine. Do what you want"

By that word, everything started. Everything have changed. My life started to change. Sa isang iglap, bumaliktad ang mundo.

........................................................................

"Julez!" sigaw ko sa hallway ng may kasamang pagkaway at malapad na ngiti.

Narinig naman ako ni Julez dahil sa pagsigaw ko. Habang inaayos niya ang salamin niya, nilapitan ko siya, "Nakita mo ba sila?"

"Sino?" maikling sagot niya habang nakakunot noong nakatingin sa akin.

"Sino pa ba? Sila Raven"

"Ahh" mahinhing niyang sagot habang masusing inoobserbahan ang paligid, "Sa ngayon, hindi ko pa sila nakikita" may kinuha siyang maliit na notebook sa bulsa niya, mukhang pocket notebook (obvious naman dba?) at nagumpisa siyang magbasa sa mismong harapan ko habang kinakausap ko siya.

Grabe talaga tong lalaking to! Wala ng ginawa kundi magbasa magdamag.

"Ganon ba? Sige" sinimangutan ko siya bago siya nilagpasan. Tumingin ulit ako sa likuran para makita kung napansin niya ba yung pag-alis ko pero mukhang hindi eh. Tsk!

Nagumpisa na kong maglakad sa hallway para hanapin yung mga kasama ko. Malamang may ginagawa nanaman silang hindi kaaya-aya.

Fudgeee! Saan ko ba sila pwedeng hanapin??

Those bad hotties. Yeah, I really admit na hot sila. Ngayon ko lang yon napansin sa buong talambuhay ko. Pero sige, isama na natin si Raven which is also true. He became a bad and hot guy. One thing, kinakikiligan na rin siya ng mga babae pero hindi pa rin maaalis na kinakatakutan siya because he's one of the Vipers.

May kung anong nagpop-up sa utak ko kung nasaan sila kaya nagmadali akong pumunta sa lugar na 'yon. Pagdating ko sa classroom sa pinakadulo, sumilip ako sa pintuan na bahagyang nakabukas. Binuksan ko yon ng dahan-dahan at nagmasid sa paligid pero wala sila. Napasandal na lang ako sa may pintuan sa kadahilanang hindi ko talaga sila mahanap. Bahagya akong napapikit dahil sa pagod, pero nakarinig ako ng mga yapak papunta sa direksyon ko.

Tinignan ko ang hallway at gulat na gulat ako ng makita ko silang apat. Ay hinde! Lima sila. Teka! Sino yung kasama nila? Agad ko silang nilapitan para makita ang itsura ng isa nilang kasama. Mukhang pamilyar sa akin.

"Sy, kilala mo pa ba 'to?" tanong ni Raven kaya sa kanya nabaling yung atensyon ko bago tinignan ulit yung lalaki.

"Natatandaan mo pa ba kung sino 'to?" dagdag naman ni Dave habang nakangisi.

Mukhang takot na takot yung lalaking kasama nila dahil napansin kong halos mahimatay na siya sa panginginig. Napakamot na lang ako sa ulo at tinignan silang apat ng masama, "Ano bang kasalanan niyan sa inyo? Ano nanaman bang balak niyong gawin sa kanya?" tanong ko ng may pagkadismaya.

Tinapik-tapik ni Raven yung lalaki sa likod bago ako tinignan, "Sa amin wala siyang ginawa. Pero….sa'yo meron" ani niya habang nakangisi din naman katulad ni Dave. Si Dustin, tuwang-tuwa.

Wala na ba talagang pag-asa na magbago tong mga kasama ko. Hayss!

"Ano namang ginawa niya sa akin? Can't you see ang ayos ayos ko?" sagot ko ng may pagkainis.

"Nako! Kung hindi mo matandaan tong lalaking to. Pwes, kami ang magpapaalala sa'yo" sabay akbay naman ni Dave sa akin kaya kunot noo akong napatingin sa kanya.

Clingy siya, oo. Pero nasanay na ako sa kanya eh kaya normal na lang sa akin na dikitan niya ako.

"He is the honey bee boy. Alam mo ba yung araw na you tried to help a boy sa Prison Tree? Yung tinapunan ni Dustin ng honey bee habang nakatali sa puno? It's him, you tried to help him right? But in the end, tinakbuhan niya" sambit ni Dave gamit ang malawakan niyang ngiti.

Tinulungan? May tinulungan ba ako sa puno?

Ilang segundo rin ang lumipas bago ko naalala yung araw na 'yon, they're right. May tinulungan nga ako sa prison tree noon, siya yung binuhusan ng honey bee, tinulungan ko siyang makatakas pero sa huli tinakbuhan niya ako. Yun din ang oras na nakaharap ko si Carson together with Roxanne and Clyde.

And this man infront of me, siya nga yon. Kaya pala familiar siya sa akin.

"Oo. Natatandaan ko na"

Pagkasabi ko non mukhang natuwa naman tong apat sa harapan ko, tatlo lang pala dahil seryoso pa rin ang cold na leader nila. Pero, hindi na maganda ang pakiramdam ko dito, "But wait! Ano naman connect non? Bakit dinala niyo siya dito?" tell me, mali ang hinala ko.

"Syempre kailangan niyang pagbayaran yung ginawa niya sayo" sabay akbay naman ni Dustin sa akin. Wow ha? Ang bigat na ng balikat ko sa kanilang dalawa. Dalawa ba naman silang nakaakbay sa akin.

Tinignan ko si Dustin, "W-what do you mean kailangan pagbayaran?" tanong ko habang nakakaramdam ng kaba. Tell me it's not what I think it is.

"You're slow as always my sister. Black vipers would only just take one second to teach a lesson towards this ugly creature" sambit niya using his sarcastic voice.

My brother really changed a lot. What's worst? I can't do anything to stop it.

"Nangyari na yon! Just let him go" sigaw ko sa kanila.

Alam ko na kasi kung anong binabalak nila. They are very protective pagdating sa akin and I'm really thankful but I don't want it this way.

Inialis nina Dave at Dustin yung pagkakaakbay nila sa akin. Si Raven naman, he dragged the boy inside the room, sinundan naman siya nina Dave at Dustin, "Hey! Stop this nonsense! Just let him go!" sigaw ko. Balak ko sanang sundan sila but Carson stopped me kaya napatingin ako sa kanya with my worried eyes.

Do something pls?

"Just stay there" he said. Again, using his cold voice and face bago niya ako nilagpasan at pumasok sa kwartong 'yon.

I tried to interfere to save the boy inside pero bago pa man ako makapasok, nilock na niya yung pinto at naiwan ako sa labas.

Kinatok ko yung pintuan ng ilang beses to stop them pero hindi nila ako pinapansin.

"Hey! Stop it! Open the door!"

"Hayaan niyo na lang siya!"

"Just open the door!"

HELL NO!

Ilang beses kong sinipa yung pintuan pero walang nangyari.

"Calm down Sy! We won't kill him!" pagkarinig ko pa lang sa pamilyar niyang boses, nainis na ako.

"Raven! Buksan mo yung pinto!"

Kahit naman alam kong wala akong magagawa, I still tried to stop them kasi for sure kawawa yung lalaki. God!

Paglipas ng ilang minuto, binuksan na rin nila yung pinto at bahagya akong sumilip sa loob habang lumalabas sila, pero wala na akong pag-asa na makita kung anong ginawa nila dun sa lalaki since pagkalabas ni Carson, tinakpan niya yung mata ko habang nasa likuran ko siya.

"Let's go" ani niya. Habang nanatili pa rin yung kamay niyang tinatakpan yung mata ko, naglakad siya papalayo kaya sumunod na lang ako. Narinig ko rin na nasa likuran lang namin sila Raven. Dinig na dinig yung lakas ng pagtawa nilang tatlo.

Pagkaalis niya sa kamay niyang tinatakpan ang mga mata ko, madali kong tinignan yung paligid para hanapin yung lalaki, "Hinahanap mo ba yon?" tanong ni Dave.

"Don't look for him anymore. He's dead"

"What did you just say?!" sigaw ko sa kanya, "Hey, hey" ngayon si Raven naman ang umakbay sa akin.

"Stop it Dave, pinapakaba mo tong kapatid ko" sambit niya habang nakangiti.

"What did you do to him?" tanong ko at halata namang naiinis na ako. Kapag talaga may nangyaring hindi maganda sa lalaking 'yon, I swear. I will kill these bad hotties beside me!

"Calm down. Wala kaming ginawa sa kanya. He's still alive" sagot ni Raven kaya medyo kumalma ako.  Naniniwala naman ako sa mga sinasabi niya.

"He's just lucky, dahil sa'yo hindi namin siya pinatay" pabulong na sabi ni Dustin.

Tinignan ko siya ng masama bago ko sila iniwanan, "Saan ka naman pupunta?" sigaw ni Raven pero hindi ko siya pinansin.

Nakalayo na ako ng konti sa kanila pero may humablot sa kamay ko, "Let's go back. Huwag kang maarte" boses pa lang niya alam na alam ko na.

The cold one, Dean Carson. Pero nung humihingi siya ng tawad, ang amu-amo niya.

Pagkabalik namin sa teritoryo nila, I saw a man with a black hood, nakatalikod siya sa amin kaya hindi ko siya makita pero mukhang sila Raven, alam nila kung sino siya kaya tinignan ko si Raven at napansin niyang gusto kong itanong kung sino yung lalaki.

Dahan-dahang humarap yung lalaki sa amin. Bahagya niyang inialis ang black hood niya na nakasuot sa ulo niya.

Nabaling naman kay Carson yung tingin ko ng magsalita siya "Meet the new member of Black Vipers" sabay tingin ko dun sa lalaki na halos ikalaglag ng panga ko. What da heck?! HELL NO!

"Nash?"

TO BE CONTINUED...

Chương tiếp theo