Tougher
Lumabas si Alec na suot ang kulay puting chinese collar na long sleeve at ang khaki pants niya.
Lumapit ako sa kanya at inayos ang buhok niya. Inayos ko rin ang pagkakatupi ng kanyang damit.
Hindi ko pa naisuot ang bistida dahil ayaw ko itong madumihan habang naglalagay ako ng makeup.
"You look handsome." Puri ko sa kanya.
"I know, Sweetheart."
"Magbibihis na muna ako." Paalam ko.
Bago pa ako makapasok sa banyo ay hinatak na niya ako agad pabalik at hinalikan.
"Alec!" Pigil ko nang kinagat niya ang labi ko.
"Why, Sweetie?"
"Kinagat mo yung labi ko may sugat na. Anong sasabihin ko pag nakita nila ito?"
"That's a statement, Sweetheart."
"What? Anong statement?"
"To show people you're mine. That I am the only one who can touch your lips and make love with it."
"Hay! Dyan ka na nga."
Sinuot ko na ang bistida na binili niya para sa akin. Kagulat-gulat na sakto sa akin ang damit na ito. Medyo nakita ang cleavage ko rito pero hindi naman gaanong mapapansin.
Pagkalabas ko ng kwarto ay sinuot ko na ang sandals ko at inayos ang bag ko na hugis bilog na gawa sa rattan. Nilagay ko rito ang phone ko, powerbank, lipstick, at powder. Naglagay na rin ako ng tissue dahil baka maiyak ako sa wedding vows.
"Let's go, May photoshoot ka pa."
"Opo." Sagot niya.
Isang oras na lang bago ang kasal at tinawag na si Alec ng wedding coordinator para kumuha ng litrato.
Patago kong kinuhanan ng litrato si Alec habang nakikipag kwentuhan kina Owen at Ali pati na rin sa iba nilang kasama.
Kumaway rin sa akin sina Owen at Ali kaya kumaway din ako sa kanila pabalik.
Nag-suot ako ng aking aviator shades dahil sobrang taas ng sikat ng araw. Parang magkaparehas nga kami ng suot eh.
"Sweetheart, Let's go, The wedding's about to start."
"Okay."
Hinawakan niya ng mahigpit ang aking mga kamay habang kami ay naglalakad sa tabing dagat.
Isa si Alec sa mga groomsmen kaya minabuti ko na maihahanda ko ang aking phone para makuhanan ko siya ng litrato.
Nauna na ako sa upuan ng mga bisita dahil maglalakad pa si Alec kasama ang iba pang groomsmen.
Dumama na rin ang mga bisita naroon ang Mommy ni Alec na kasama ang iba pang mga bisita.
"Carmen? Come here, Hija." Tinawag ako ng Mommy ni Alec.
"Good Afternoon, Ma'am." Bati ko sa kaniya.
"Nako, Hija. Don't "Ma'am" me. Please call me Tita Coleen." She gently rubbed my shoulders.
"O-Okay po, Tita Coleen."
"By the way, This is Carmen. Girlfriend ni Alec ang magandang bata na ito." Pakilala sa akin ni Tita Coleen sa mga kasama niya.
"Wow, You're beautiful, hija. By the way, I am Tita Zafrina, the mom of Zach and this is my daughter, Milan."
"Good Afternoon po, Tita Zafrina and Hi, Milan!"
"I like your dress! That's pretty." Puri ni Milan sa akin.
Bumalik na rin ako sa aking upuan matapos ang maikling kwentuhan. Nagsimula na rin ang kasal.
There were violins playing around us. We could feel how peaceful this wedding is. Isa isang naglakad ang entourage.
Nakita ko na papalapit na si Alec kaya kinuha ko na ang phone ko para makuhanan siya ng litrato.
Lumabas na si Addie at kapansin-pansin na hindi na blonde ang kanyang buhok. It turned into a lighter shade of brown like ash brown. Sobrang ganda ng kanyang suot na gown. Isa itong kulay puting open-back na sobrang ganda ng detalye ng kanyang suot.
Ngumiti ito sa mga bisita at kumaway pa sa akin habang paparaan siya sa amin.
Nagsimula na ang kasal at nang dumating na ang panahon para makinig kami sa wedding vows nila ay hinanda ko na ang tissue ko.
"Today, I am here in front of you to tell my promises to you that I must fulfill. Before all that, I want to thank you for not letting me go. Thank You because you came back for me. Kahit na ilang beses kitang iniwan at kinalimutan, nandiyan ka pa rin. Pinapangako ko sayo na hindi na ako kailanman mawawala sa piling mo, tulad ng sabi ko noong nag-propose ka sa akin. I promise to give you all the things that you need. I promise you that I can be anyone or anything you want me to be. I will make sure to give you lots and lots of children na magbibigay ng kulay sa mundo natin. You are my epitome, Zach. You are my epitome of love."
Pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Halos lahat ng bisita ay naiyak na rin sa kanilang vows.
"By the power vested in me, I now pronounce you, Man and Wife. You may now kiss your bride."
Pumalakpak kami sa kanilang dalawa at lumapit na rin sa akin si Zach at niyakap ako ng mahigpit.
"Gusto mo magpakasal na rin tayo? Nandyan pa naman yung pari eh."
"Che! Mag-tapos ka muna ng pag-aaral." Sagot ko sa kanya.
"Basta pakakasalan kita."
"Hay! Tara na nga."
Pagkatapos ng wedding ceremony ay diretso na kami sa reception. Sobrang liwanag sa loob at ang daming bulaklak. Napaka-ganda ng reception.
Kasama namin sa table sina Owen, Ali, at si Alec. Pati na rin ang ibang pinsan pa nila na mga babae.
Bakit kaya mapa-lalaki or babae sobrang ganda ng lahi nila? Si Alec ngayon ay nasa tabi ko at naka-akbay sa akin. Humingi rin sila ng tig-dadalawang can ng beer.
"Can I drink?" Tanong ko kay Alec.
"Water? Of course."
"White Wine."
"Bata ka pa. Bawal ka."
"Bata? Boy, I'm eighteen."
"Mas matanda ako sayo kaya sundin mo ako."
"Hay! Whatever! Sparkling red wine na nga lang."
Wala naman siyang sinabi na nang sabi kong sparkling lang ang iinumin ko. Kumuha rin ako ng nachos nang nilapag ang appetizer sa harapan namin.
Nag-hintay kami ng tatlumpung minuto bago uli bumalik sina Zach at Addie. Ngayon ay naka puting cocktail dress si Addie at si Zach ay naka suit pa rin na puti.
Nagtawag ang host ng party ng mga pares. Kasama kami sa mga tinawag doon. Limang pares kaming narito ngayon sa likod ng bagong kasal.
"Kasama natin ngayon ang ilan sa mga malalapit na kaibigan nina Zacharius at Adrianna. Are you all married or a couple?" Tanong ng host.
"Yes." Sagot ng iba.
"How about the two of you?" Tanong sa amin ng host.
"Ano ba tayo?" Pabulong kong tanong kay Alec na naka-taas ang kilay.
"She's my girlfriend." Simpleng sagot ni Alec.
"Wow, You're beautiful, Miss." Puri nung host sa akin.
"Boyfriend niya ako." Malamig na pagpapakilala ni Alec.
"Shh! Kalma ka nga. Kasal ng pinsan mo ito."
"Okay, You will all take a photo with our newlyweds. But, This is a game." Paliwanag ng host.
"What game?" Tanong ni Alec.
"Longest Kiss."
Tumango si Alec at pasimpleng ngumisi sa akin. Nababasa ko ang nas isip ng lalaking ito. As in kitang-kita ko sa ngisi niya.
"In one, two, three!"
Nagbilang ang mga tao at kinakabahan ako kung hanggang kailan namin kailangan mag-halikan.
Hinawakan ni Alec ang pisngi ko at doon ay nagdikit muli ang aming mga labi. First kiss ko ang lalaking ito at siya lang ang nahalikan ko sa buong tana ng pagka-virgin ko. Magaling humalik si Alec. Sobra.
"We have a winner!"
Halos maubusan ako ng hininga sa ginawa niya. At doon ay nagkasugat na naman ang labi ko.
"What's your name?" Tanong sa amin ng host.
"I am Alec and This is Carmen." Pakilala ni Alec sabay palakpak ang mga pinsan niya pati na rin ang ibang bisita rito.
"Gaano na kayo katagal as a couple?"
Pota! Lagot na. Ano na lang kaya ang iisipin ng mga tao sa amin pag nalaman nila na isang araw pa lang kaming mag-jowa.
"Three months ago, we started dating and finally she said yes."
"Woooh! Pinsan namin yan!" Sigaw nila Ali at Owen.
Tamang ngiti at tawa lang ako sa kanila dahil hindi ko alam ang aking isasagot.
"How good is you boyfriend as a kisser?"
Shet! Anong isasagot ko?
"Magaling po."
Potang ina! Carmen! Ano yun?
"My girlfriend knows best."
"And as you are the winner, You will receive a one-day accomodation here in our resort in honor of the newlyweds."
Bumaba na kami sa stage at hindi ko alam kung anong sasabihin ko dito sa mga taong nandito.
"Iba ka talaga, Bro!" Bati ni Owen.
"You like that, Sweetie?" Tanong ni Alec sa akin kahit nananahimik ako.
Hindi ko siya pinansin.
"Mauna na tayong bumalik sa kwarto."
"Gagu! Sapakin kaya kita dyan?"
"Woah! Tough girl, Alec." Nagtawanan sila Ali at Owen.
"I am tougher in bed, Sweetheart."
Bulong niya sa aking tainga na nagpa-buhay sa aking katawan.