Papunta na ako ngayon sa Opisina ni Chal Raed dahil doon daw gaganapin ang celebration. Mas pinili kong puntahan ang dinner na 'to kasi baka magtampo sa'kin 'yong tunay kong Boss dahil hindi ako dumalo sa pa-dinner niya kahit wala siya.
Sinabihan ko na rin si Spade tungkol dito at nag desisyon na lang siya na sa susunod na lang kami magdidinner, mabuti na lang talaga at over sa understanding itong si Spade.
Pagkapasok ko sa opisina ay isang malakas na pagputok ang narinig ko! Don't worry, this story is humor not an action, so hindi 'yon pagputok mula sa baril ha? Party popper lang 'yon.
"CONGRATULATIONS!" sabay na sigaw ng dalawang bakla habang hawak ang isang tarpaulin na may nakasulat na 'Congratulations, Maundy!', may mga balloons din at may tatlong sunflower sa mesa ko. Hindi ko talaga alam kong ano ang nangyayari, hindi naman siguro ako ang dahilan kung bakit tumaas ang rating ng company. Nakakaloka 'to! Tsaka akala ko ba andito 'yong mga board at shareholders, bakit kami lang ang andito?!
"Like, ano ba talagang nangyayari?" takang tanong ko sa dalawa.
"Sis, this is your welcome back party!" masaya talagang sagot ni Chal Raed.
"We've had prepared this for the whole day, Mon, that's why Chal Raed didn't let you go to work today, baka kasi mabuking mo 'yong plan namin," nakangiti namang usal ni Jazz.
Bakit naman may pa ganito? Parang isang buwan akong na-ospital para may pa welcome back chuchu.
"Hindi niyo naman kailangang gawin 'to, eh," sabi ko sa kanila.
"Hay nako, Sis, just appreciate our effort na lang, pwede? Kahit kailan 'di ka talaga marunong umappreciate eh," sabi pa ni Chal Raed at inalalayan ako papunta sa upuan kong may balloons at kung anu-ano pang palamuti!
Kung titingnan mo 'yong buong lugar para bang puro mga babae ang nag desinyo nito, puro pink at red lang naman kasi ang kulay ng mga palamuti, itong sunflower lang siguro ang makikita mong may ibang kulay.
"You know what, Mon, we made this because we're happy that you went out of the hospital so soon," grabe naman 'no, paano na lang kaya kapag isang buwan akong na ospital, siguro buong baranggay na ang papakainin ng dalawang 'to, pero ha, masaya ako, hindi ko inaakalang gagawin nila 'to, "and also, because you're special," dagdag pa ni Jazz.
"Child?" tanong ko pa na agad nilang sinangayunan! Lang kwenta 'to!
"Charot, keme-keme lang, Sis!" sabi pa ni Chal Raed. "I'm so hungry na, especially my alaga sa tiyan," pagrereklamo niya.
"Then, let's eat now, Darling," nakangiting sabi ni Jazz.
"Sige, let's pray," sabi ko. "Our heavenly and gracious Father, good evening. Lord, hindi ko po talaga inaasahan na bibigyan niyo 'ko ng dalawang kaibigan na labis-labis ang kabaitan kahit minsan po ay binubully nila ako, hinahayaan ko na lang po sila, Lord, dahil alam kong makakarma rin sila, pero joke lang po 'yon! Peace po kami. Basta, Lord, thank you talaga ng marami at sana i-bless mo itong pagkain na nakahanda sa harap namin, naway wala po itong lason, joke ulit! I love you po, Lord. In Jesus name all we pray, Amen," iminulat ko na 'yong mga mata ko at hindi ko inaasahang sa pagmulat ko si Chal Raed na nakatitig sa'kin ang una kong masisilayan. Naalala ko na naman 'yong panaginip ko! Iwness!
"Let's eat," natinag ako nang sabihin 'yon ni Jazz. Akmang sasandok na kami sa iba't ibang pagkain na nasa harap namin nang bumukas 'yong pintuan.
"Are we too late?" tanong ni Spade na kasama ang tatlong bruha at si Third.
Mighad, anong ginagawa nila rito?!
"Why are you here?" takang tanong ni Chal Raed.
"I heard your plan, Kuya, sorry," sagot naman ni Third. "So, sinabi ko kay Spade and kay Clarice, then I told her to invite Joy and Rose, too, para naman mas masaya 'yong pa-party niyo, right?" dagdag pa niya.
Napangitu naman ako, may point siya. Himala. "Tama ka riyan, Third," sabi ko. The more the merrier nga pala.
"But, will these foods enough for us?" tanong ni Jazz habang nakatingin sa mga pagkain.
Oo nga, eh, marami ngang nakahain, pero hindi naman gano'n karami bawat pagkaing nasa lalagyan, hindi 'to magkakasya. Pwera na lang kung 'yong buong kaldereta para kay Jazz at Chal Raed, hati sila para sweet, pwe! Kay Joy, Clarice, at Rosas naman 'tong tatlong fried chicken, itong adobo kay Third, paborito niya 'yan, dati 'yan lagi niyang nirerequest na lutuin ko, kaya 'yan lang din ang pagkaing alam kong lutuin—huta, huwag na tayong bumalik sa nakaraan! Kay Spade naman 'tong tuna salad at 'yong ibang natira akin lahat, syempre para sa'kin 'yong party, eh.
"You don't have to worry, Jazz. I had ordered foods already and it will be here any moment now. So, let's wait for the mean time," sagot naman ni Spade. So, talagang plano nilang maging gate crasher, 'no, pero at least may bitbit na foods.
Bumuntong-hininga si Chal Raed at saka kinuha ang cell phone niya. "You're leaving me no choice," aniya. "Bring five more chairs here, please," sabi niya sa kausap niya sa phone. Sobrang saya naman ni Third at Spade dahil sureness na talagang go na go na sila sa party na 'to kuno.
"Monay," pabulong na sabi sa'kin ni Rosas. "Pakening, saan mo nakuha ang swerte mo?" tanong pa niya.
"Sa planeta ni Joy," sagot ko na agad ikinakunot ng noo niya. "Charot! Ano bang pinagsasabi mo?" takang tanong ko kunyari.
"Isang araw ka lang sa ospital tapos binigyan ka na ng pa-party nitong mga Fafs na 'to," aniya.
"Iyon na nga, eh," sabi ko. "Special daw kasi ako," dagdag ko pa kaya agad nanlaki 'yong mga mata niya.
"Ay oo, special ka," aniya. "Special child," dugtong niya.
"Eh, kung ilibing kita ngayon na, Rosas," inis kong bulong sa kanya at todo hingi naman siya ng tawad.
Pero, bakit parang tahimik sila?
Sabay kaming napatingin ni Rosas sa kanila at ayon, lahat sila nakatingin sa'min.
"So, kayo lang ang mag-uusap?" tanong ni Chal Raed.
"Aalis na ba kami?" tanong naman ni Joy.
Huhuhu, sorry na, Guys! Kasalanan ni Rosas 'to, ang daldal kasi! Charot.
"Okay! Okay, let's calm down everyone," sabi ni Spade at nawala naman agad ang kuryente sa mga mata nila, todo peace sign tuloy kami ni Rosas.
At ilang sandali lang ay dumating na rin 'yong inorder ni Spade na pagkain na pang buong baranggay na! Mighad! Mauubos ba namin 'to?! Lahat tuloy kami ay nakatingin lang sa mga pagkain na halos di na magkasya sa mesa.
"L-let's eat," parang nag-aalangang sabi ni Chal Raed. Kasi naman, ang dami talaga! Paano ba namin 'to ipagkakasya sa tiyan namin! Masyadong na overwhelm 'tong si Spade. Kaloka!
***
Matapos ang ilang oras na kainan ay sa wakas busog na kami at napakarami pang natirang pagkain.
At anong say ng mabait nating si Spade? "Since we didn't finish eating these foods, can I give these to the beggars?" tanong pa niya at hindi ko talaga maiwasang 'di mamangha kay Spade. Saan ba niya nakuha ang kabaitan niya at 'di niya sinama si Chal Raed no'ng nahanap niya 'yan, puro pang bu-bully lang kasi ang alam ng Kuya niya. Charot!
"Sure you can, Bro," sagot naman ni Third.
"Okay, so let's put it in the corner and I'll just call some people to get these, para maibigay na diretso sa mga beggar," natawa ako sa pagtatagalog niyang may kakaibang accent. Madalas na siyang nagtatagalog at talagang hindi ako sanay, pero gusto ko namang marinig dahil nakakatawa talaga 'yong accent niya.
Bigla na lamang akong napatingin kay Joy at Clarice na todo tingin naman kay Spade. Haba ng hair nitong Englisherong Hypebeast na 'to!
"We can't do party here with loud music and anything else, so I guess, we need to leave this place and let's go to my mini bar!" masayang sabi pa ni Third. Oo nga pala, masaya akong natupad na ang pangarap niyang 'yan, ang makapagpatayo ng formal na bar, 'yon bang for parties only, walang mga illegality na nangyayari sa loob. Matagal niya na kasi talagang pangarap 'yan. Naalala ko dati sabi ko ako ang unang makakatapak sa bar niya sa darating na panahon—hay! Tigilan na nga natin ang pag-uusap sa mga nakaraan! Nakakaloka kayo, ha.
"That's a good idea!" sagot naman ni Rosas na todo kapit kay Jazz. Kumindat na lang ako kay Jazz nang magkatinginan kami at chineer siya dahil paniguradong buong gabi siyang didikitan ni Rosas, 'yong tipong mahihiya ang salitang sticky kay Rosas ngayon.
***
"Okay! Light drinks for you, Ladies," at ibinigay nga sa'min ni Third ang inuming Nacho Vidal at Saint-Florent Cocktail, "and hard drinks for the boys," dagdag niya at ibinigay sa kanila ang vodka at tequila. "You don't have to worry, Ladies, we have high tolerance. Pero, kapag nalasing kami, you can just leave us here," aniya.
"Okay, okay! Let's drink!" sigaw pa ni Rosas at sabay-sabay naming tinoast 'yong hawak naming inumin.
Nakakaloka lang talaga, Mother Earth! Kakagaling ko lang sa ospital tapos inuman na?! Akala ko kasi sasayaw lang kami here, pero may inuman pala! Pero, sabagay light drinks lang naman 'to, go-gora na ako—
"You sure you're gonna drink that?" biglang tanong ni Chal Raed dahilan para hindi ko tuluyang mainom 'yong Nacho Vidal na mukhang ang sarap-sarap pa naman ng itsura.
"Light lang naman 'to, 'di ba? Hindi naman siguro 'to masama," nakangiting sabi ko.
"Then, just drink half of the glass only."
"Hindi, uubusin ko 'to."
"Okay, then only one glass."
Pakiramdam ko parang isa siya sa mga Kuya ko, pero pwede ring Ate na lang, hehehe.
"I'm afraid your hot brothers will get mad when you went home drunk, Sis, kakagaling mo lang sa ospital,"" dagdag pa niya at napangiti naman ako. Talagang may HOT bago ang brothers, eh, kaloka!
Uminom lang kami nang uminom—charot, sila lang pala, isang basong Nacho Vidal lang talaga ang inubos ko—habang nag ki-kwentuhan na rin, pero ang dalawa kong maiingay na kaibigan ay talagang napakatahimik.
Napatingin ako kay Spade na nagpapalit-palit ang tingin sa dalawa habang nilalaklak ang alak niya. Nalilito pa rin talaga siya, kinakailangan na nilang mag-usap.
Ito namang si Rosas ay todo harot kay Jazz at himala ang Darling niyang si Chal Raed ay wapakels!
Si Third, ayon, parang chinachansingan ang tahimik na Clarice—hmm, may something! Pero, engage na siya, 'di ba? Why do harot kay Clarice? Mga lalaki talaga. Haaay!
"You've been staring at Spade, why?" bigla na lamang tanong ni Chal Raed.
"Hindi lang naman siya 'yong tinitingnan ko, ha," sagot ko naman.
Nanahimik na rin siya at sunod-sunod ang pag-inom ng alak. Ilang sandali lang ay kinalabit niya ako. "Sis," aam kong nakatingin siya sa'kin kahit hindi ako nakangitin sa kanya dahil kita ko 'yon sa peripheral vision ko, "why did you come into my life?" bigla na lamang niyang tanong.
Mighad! Lasing na yata ang Lola niyong Baklush!
"Look at me, Sis," aniya. Nag-alangan pa akong tumingin, pero ginawa ko na lang. Lasing na nga yata 'to at pumungay-pungay na 'yong mga mata. "Who am I?" tanong niya.
Ba't ba ako ang tinatanong niya? Don't tell me nakakalimutan niya ang pangalan niya kapag lasing siya?! Mighad, that's amazing! Chareng!
"And what I am for you?" dagdag niya. Sasagot na sana ako, pero hindi ko natuloy nang hawakan niya 'yong kamay ko, buti na lang at walang nakakita dahil nakapatong 'yon sa may legs ko. "Regardless of what I am, will you accept me?" tanong na naman niya. Ang daming tanong hindi man lang ako pinapasagot. "If ever this gorgeous gay fall into you, will you catch her, I mean, him?" ano bang trip nito?! "I am planning to build an unusual relationship and you're the only one I desired to be with, will that be okay?" seryoso niya talagang tanong.
Nakakaloka, Mother Earth! Hindi ko siya maintidihan, hindi dahil english 'yon, kun'di dahil hindi ko alam ba't kinakailangan niyang itanong sa'kin ang mga 'yan!
Ilang segundo kaming nagtitigan nang bigla na lamang siyang natawa. "Iyon 'yong mga tanong na itinanong ko kay Jazz noon, nakakatawa, Sis, 'no?" aniya at saka siya tuluyang napayakap sa'kin dahil bumagsak na ang Lola niyo.
Pero, bakit gano'n? Ayaw kong paniwalaan ang huling salitang binitawan niya? Ay! Loka ka, Monay! Lasing ka na rin yata.
Haaay!