webnovel

Chapter 81

Hillary's POV

Pagkadating ko ro'n ay nakita ko agad si Sky sa loob. Nilapitan ko 'yong isang staff nang marinig na inirereklamo niya si Sky, sa mga Pulis siguro. I told him to stop at buti na lang ay napapayag ko siya. Pumasok ako sa loob at ang daming basag na baso at bote.

"Ma'am, kanina pa ho siya nagbabasag dito," nanginginig talaga ang isang waiter nang sabihin 'yan.

Inabot ko sa kaniya ang credit card ko, "babayaran ko lahat ng nabasag niya," sabi ko at agad niya 'yong kinuha. Tuluyan na akong lumapit kay Sky at ngayon ay nakapikit na siya. Mukhang lasing na lasing na talaga 'to. "Sky," bahagya kong tinapik ang braso niya at dahan-dahang bumuka 'yong mga mata niya. "Sky, let's go. I'll send you—" napatigil ako nang yakapin niya ako bigla. Napapikit na lang ako. Hindi ko maitatagong nananabik talaga ako sa yakap niya.

"Hillary," he uttered my name with full of emotions. Hindi ko na napigilang mapaluha. "Don't leave me again, please," he pleaded.

"Alright. I'm not gonna leave you again, I promise. But for now, you need to go home," bulong ko sa kaniya.

He let go from the hug. Hinawakan niya 'yong magkabila kung mukha at tumango habang pumikit-pikit na. I asked for someone's help at mabuti na lang mababait 'yong staff dito. They help me to carry Sky hanggang sa sasakyan ko. "Thank you," I said and they just nodded, then a waiter gave me back my credit card.

Tuluyan na talagang nakatulog si Sky. And before I drive the car, I messaged Tito-Dad na abangan kami sa labas para akayin muli si Sky. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya habang nagdadrive. This time, siya talaga 'yong kawawa at mas nasasaktan. Imagine, at first I left him and now, Veia deceived him. He doesn't deserve this stupid sh*t!

***

"Ano bang nangyayari?" Tita Sam asked, so worried indeed. Nandito kami ngayon sa kwarto ni Sky at mabuti naman dahil mukhang natutulog na siya nang mahimbing.

"Tanungin niyo na lang ho siya kapag nagising siya. Hindi ko rin po kasi alam ang buong detalye. Bigla na lang po akong tinawagan ni Veia para puntahan siya," sagot ko naman.

"Eh, asan si Veia?" tanong ni Tito-Dad, pero agad akong napailing. Hindi ko rin kasi alam kung asan siya, but I hope nasa bahay siya dahil kinakailangan naming mag-usap.

"Tito-Dad, Tita, aalis na ho muna ako—" nagulat ako nang hawakan ni Sky 'yong kamay ko habang nakapikit pa rin. Nagulat nga rin 'yong Mommy at Daddy niya.

"You promised me...you're not gonna leave again, Mi Stella," hindi ko na napigilang mapangiti. I missed that endearment. I missed him calling me by that.

Umupo akong muli sa kama niya. "Oo na. I'll stay," sabi ko at siya naman 'yong napangiti. Napatingin ako kina Tito-Dad at Tita na hindi makapaniwala sa nangyayari. Sasabihin ko na sana 'yong nalalaman ko nang tumunog 'yong cellphone ko. Sandali ko munang binitawan ang kamay ni Sky at lumayo ako para 'di siya magising saka ko sinagot ang tawag ni Kuya Zeus. "Hello?" usal ko.

"Umuwi ka muna. Veia got something to say," aniya.

"Okay. On my way there," sagot ko at agad tinapos ang tawag. Sinigurado ko munang tulog na si Sky saka ko sinenyasan sina Tito at Tita na sumunod sa'kin.

"What's going on, Aeiou?" tanong ni Tito-Dad nang nasa labas na kami ng kwarto ni Sky.

"Sumama ho kayo sa'kin para malaman niyo rin ang katotohanan," sabi ko at agad nang bumaba.

"Tess, look for Sky time to time. Kapag nagising tawagan mo 'ko agad," habilin pa ni Tita sa isa nilang maid.

I used my own car at ginamit naman nina Tito-Dad ang kanila. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan papunta sa'min. Gustong-gusto ko nang marinig ang katotohanan dahil kanina pa talaga ako naguguluhan!

Pagkarating ko ay agad lumapit sa'kin si Veia na umiiyak. Seryoso ko siyang tinitigan at bigla na lamang siyang lumuhod. Halos lahat sila nagulat. "I'm sorry, Hilla—"

I cute her words, "paanong hindi si Sky ang ama ng dinadala mo?" tanong ko.

"What?" takang tanong ni Tita Sam.

"Hillary, what are you talking about?" tanong naman ng Mama.

Ang mga kalalakihan ay nakakunot lang ang noo. Naguguluhan din sila, I'm certain.

Veia took a deep breath while she's still kneeling in front of me. "Walang nangyari sa'min ni Sky,"  she wiped her tears before she continues her words, "nang mahatid ko si Sky sa room na binayaran ko ay agad na akong umalis. Pero, nang nasa may lobby na ako may foreigner akong nabunggo...He was my classmate in Austria. Nag-usap kami at dahil lasing na rin ako...hindi ko na alam kung ano 'yong mga pinagsasabi ko at hindi ko rin napagtanto na...umu-o ako when he asked me to do that thing."

Lahat kami ay tahimik lang. Hindi ko maexplain ang mga reaksyon nila. Hindi rin kami sumisingit sa pagkikwento ni Veia.

"Kaya ako bumalik ng Austria dahil gusto kong mapag-isa at gusto ko siyang hanapin! Gusto ko siyang magbayad sa ginawa niya, pero hindi ko na alam kung asan siya," she continued. This time, ramdam na ramdam ko na 'yong sakit at galit na nararamdaman niya for that damn guy. "Akala ko walang mabubuo dahil one night stand lang naman 'yon...pero, nagulat ako kasi dalawang buwan na akong hindi dinadatnan. I visit a Doctor at nalaman ko ngang buntis ako....Hindi ko 'yon masabi-sabi dahil natatakot ako...sobra akong natakot," her tears fall again at miski ako ay hindi ko napansin na tumutulo na 'yong luha ko, "umuwi ako no'ng birthday mo....At first, gusto ko talagang aminin ang totoo, pero...nang maisip ko na kapag sinabi kong si Sky ang ama...papanindigan niya ako...at tama nga ako. Kaya lang...sa loob ng dalawang buwan na magkasama kami...hindi siya naging masaya at hindi rin ako naging masaya...at alam ko na ang katotohanan lang ang makakatulong sa'min na maging masaya ulit," tumigil siya aa pagsasalita at umiyak na siya nang umiyak.

Bahagya akong yumuko at hinakawan ang balikat niya. Dahan-dahan ko siya itinayo at niyakap. Nagulat sila sa ginawa ko, pero ito 'yong gusto kong gawin. "Gusto kong magalit sa'yo. Gusto kong sigawan ka. Pero, naiintindihan ko kasi 'yong ginawa mo," bulong ko habang patuloy rin na umaagos 'yong mga luha ko. Kumalas ako sa pagkakayap at hinawakan 'yong kamay niya. "Sobrang mali ka, Veia, pero masaya ako na umamin ka agad at humingi ka ng tawad. Alam kong hindi rin madali ang pinagdaanan mo kaya ayoko nang dumagdag pa. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay ang magpaka-ate sa'yo. Gusto kong magsimula ka ulit bilang si Veia na nakilala ko, si Veia na naging kaibigan ko at si Veia na kapatid ko," muli ko siyang niyakap at pati na rin ang Mama at Papat at si Kuya Zeus ay niyakap din kami. Sina Tito-Dad at Tita Sam ay magkayap na rin habang umiiyak.

Everyone deserves to be forgiven, to have a second chance, and to start a new beginning.

***

Kinaumagahan ay agad kong pinuntahan si Sky sa kanila, pero walang may alam kung asan siya. Ang sabi ng katulong nila hindi nila napansin na nagising siya at umalis. Kung sinu-sino na ang tinawagan ko para magtanong kung alam nila kung asan si Sky, pero wala talagang may alam.

Kinakabahan na ako! Baka kasi kaya bigla 'yong umalis dahil nang magising siya ay nakita akong wala sa tabi niya. Tsk!

Habang patuloy lang ako sa pagmamaneho ay nakatanggap ako ng tawag kay Veia. "Nakita niyo na?" tanong ko agad.

"Sa cemetery, Hillary, posibleng andoon siya," sagot niya na agad kong ikinangiti.

"Thank you, Veia," sabi ko at agad na rin akong nagpunta ro'n. At, oo nga! At last, I found him. Nakaupo lang siya sa puntod ni Sun at hindi ko alam kung umiiyak ba siya o hindi. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Lumuhod ako sa likuran niya at niyakap ko siya patalikod.

Napatingin siya sa'kin. His eyes are swollen. "Hillary?" he uttered my name, really so surprised.

"I'm sorry, I failed," bulong ko at agad napakunot ang noo niya. "I promised you that I'll never leave your side, pero nang magising ka wala ako. I failed again," narinig ko siyang bumuntong hininga. Umalis ako sa pagkakayakap sa likuran niya at tumabi ako sa kaniya.

Nilingon niya ako at seryoso lang siyang nakatingin sa'kin. "I'm sorry," he uttered, but I shook my head immediately.

"You don't need to apologize, Sky," sabi ko. He just smiled, bitterly. Hinawakan ko 'yong kamay niya kaya bahagya siyang nagulat. "Alam ko na ang lahat," napayuko siya agad, "pinatawad ko na rin si Veia," muli siyang tumingin sa'kin at ngumiti lang ako, "sana ikaw rin. Hindi man ngayon, pero sana dumating pa rin 'yong panahon na mapatawad mo siya," sabi ko.

"I don't hold grudges, Hillary. Time comes, I'll forgive her," sagot niya at agad akong napangiti. Iba talaga si Sky, ibang-iba siya sa lahat ng lalaking nakilala ko. At iyan 'yong katangian niya na minahal ko nang sobra.

After a minute of silence ay muli siyang tinawag. Ngumiti ako habang diretso lang ang tingin sa kaniya. "Sky, hinding-hindi na kita iiwan, pangako," saad ko na agad niyang ikinatuwa. "And, I'll never fail this time...Mi Cielo," tuluyan na akong umiyak, but he wiped it too soon.

Ngumiti siya at humawak sa kamay ko. "I trust you and I will always do, Mi Stella," he replied. Tuluyan ko na siyang niyakap. Minutes later, we both let go from that hug and shared a very memorable kiss

This time, no one can separate as once more. Hinding-hindi na ako papayag.

Chương tiếp theo