webnovel

04: Her World

Kanina ko pa naririnig ang paghikbi niya. Hindi parin siya tapos sa pag-iiyak niya. Medyo nakakarindi naring pakinggan.

"Hindi ka pa ba tapos umiyak diyan?" Tanong ko sa kaniya.

Eh kasi nakakatakot na dito no. Feel ko itong puno, gumalaw yung sanga kani-kanina lang. Baka mamamatay ako dahil sa gulat at kaba rito. May dalawang pulang bagay na umilaw kasi at nawala ulit. Yung hangin dito ang lamig. Tumatayo tuloy mga balahibo ko sa batok.

Umayos siya ng upo at pinahiran ang mga luha niya.

"Okay na ako. Nakakaiyak lang kasi  ayaw nila sa kasiyahan ko. Ang saya ko ngayon dahil may asawa na ako." Sabi niya.

Paano ko sasabihin sa kaniya? Hindi naman ako ganon kasama para sirain ang kasiyahan niya. Bakit ba to namatay?

"Can I ask?"

"Nagtatanong ka na"  tawa niyang sabi

"Tss!"

"O? Ano iyon?"

"Bakit ka namatay? Amf- sorry. Okay lang na di mo sagutin" sabi ko sa kaniya at tumingin sa madilim na langit.

Buti nalang naka jacket ako ngayon. Nababawasan kaunti ang lamig.

"Amf. Okay lang Ced. Husband kita at dapat kung ano ang Itatanong mo ay sasagutin ko. Gu-gusto ko rin na makilala pa kita" nakangiting sabi niya at bumuntong-hininga bago nagsalita ulit.

"Sa totoo niyan, w-wala na akong naaalala. Nagising nalang ako na ganito. Nakasuot ng gown na pangkasal.."

"..may parte sa sarili ko na gustong-gusto kong makasal, isang bagay na tila ba pinapangarap ko nong nabubuhay pa ako. Na ngayon ay natupad na. Sobrang saya ko Ced at dahil iyon sa iyo" nakangiting sabi niya at lumapit sa akin sabay patong ng kamay niya sa kamay ko.

Napako ang tingin ko doon.

Ang lamig ng kamay niya.

Agad kong binawi ang kamay ko at ipinasok ito sa bulsa ng jacket ko.

Sa totoo lang ang ganda niya. Niloko kaya to noong nabubuhay pa siya? Nakakalungkot naman.

"Okay. Amf- di ba nag-uumaga dito?" Tanong ko.

"Ganito na ang mundong to. Madilim."

"Nakakangiti ka pa sa kabila ng sitwasyon mo dito?"

"Wala namang masamang magsaya kahit na ganito ang sitwasyon ko. Lalo na ng nakasal na ako at may asawa na. Mas doble, ay mali sobra-sobra pa." Nakangisi niya paring sabi.

'Okay? Bakit ganito to? Laging nakangiti sa akin. Nakakainis na ah.! Pagkakamali lang ang lahat. Isang pagkakamali lang. Paano ko sisirain sa isang katulad niya na patay na at halatang di pa naikakasal kahit nakasuot ng gown na pangkasal? Paano? Ayoko naman na agawin sa kaniya ang kasiyahan na ito' Naaawa ako sa kaniya.

"Gusto ko ng magpahinga" seryosong sabi ko sa kaniya kaya dali-dali na siyang tumayo at inilahad ang kamay niya.

Tatanggapin ko ba? Baka mabali ko buto ng kamay niya. Tss. Wag na lang.

"Pwede ba.! Maglakad ka na. Susunod ako" seryosong sabi ko sa kaniya at ngumiti lang siya sa akin saka tumayo.

Maya-maya lang ay nasa bahay na niya kami. Ang layo ng bahay niya. Diba uso kotse dito? Bakit ba kasi ang layo-layo niya?. Sa may gubat pa ang bahay niya. Nakakakilabot.

Oh! Ayan na naman ang pangit na uwak na to.

Pagpasok namin sa bahay ay nakita namin ang uwak na nasa cage niya.

'Galing ah! Kung ako amo niyan i-lo-lock ko yang cage niya. Nakabukas lang kasi.'

"Matulog ka na Ced"

"Huwag mo nga akong tawaging Ced!"

"Ang ganda kaya ng Ced. Ang haba kasi ng pangalan mo.. o baka naman gusto mo ng endearment?" Tanong niya sabay taas baba ng kilay niya at tumawa sa huli.

-___-

"Ayoko nga! Tss. Okay na ang Ced" sabi ko sa kaniya at bigla naman itong nagsisitalon at pumalakpak.

"Yehey! Thanks Ced..."

"..ay teka may tanong ako?"

"Nagtatanong ka na-___-"

"Hehehe. Oo nga pala. *kamot sa batok* May magulang ka pa ba?"

"Oo naman!"

"Gusto ko sila makilala."

"Talaga?"

*tango*

"How?"

"Yun nga lang. Di ko alam kung paano" lungkot niyang sabi.

"Paano mo ko dinala dito? Paano ka nakapunta sa mundo ng mga buhay? Don sa gubat?"

"Ewan ko. Bigla lang akong hinigop ng kung ano. At nakita na kita na nagsasabi ng vow mo sa harap ng puntod ko. And boom! Kasal na tayo kasi sabi ko I DO. Hindi nga ako makapaniwala. Tinupad mo ang pangarap ko na maikasal ako. Maraming salamat Ced. Gagawin ko ang lahat to be a better wife." Sayang sabi niya.

'Mapunit sana ang pisngi mo! Naiinis ako kapag ngumingiti siya!'

"Ang ingay mo! Gusto ko ng magpahinga" sabi ko

"Ay! Oo nga pala. Buhay ka so natutulog at napapagod ka. Dito ka na sa kama ko, Ced. Babantayan kita" ngiti niyang sabi

"So you think, I can sleep na may nanonood sa akin? No! Kainis!" Inis kong sabi at nag pout lang siya.

Shit!

"Sige na nga. Dito lang ako. Magpahinga ka na dear husband" sabi niya at umupo siya sa upuan na nasa labas ng bahay niya.

Okay sana kung si Jemea ang magsasabi ng mga katagang yun. Sa kaniya dapat ako ikasal at hindi sa babaeng patay na iyan.

*******

Nasa labas ako ng bahay. Nakaupo ako sa silya na nandito sa labas. Napapalibutan ng mga patay na puno ang bahay ko. Napakatahimik rin rito kasi malayo talaga ako sa sentro. Nakakalungkot dahil nag-iisa ako rito at ngayon ay hindi na dahil may asawa na ako.

Gustong tumalon ang puso ko sa tuwa na nararamdaman ko. Kahit anong gawin ko ay di ko maalis sa mukha ko ang ngiti. Parang nasisiraan na ako ng bait. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti at mapa-hum dahil sa sobrang tuwa.

Nakangiting pinagmamasdan ko ang singsing na nasa kamay ko. Inangat ko ang aking kamay sa ere at maiging pinagmasdan ang gintong singsing na nasa daliri ko. Bigla nalang akong tumili dahil sa sobrang kilig at saya.

"Bagay talaga sa akin."

"Para kang sira diyan Feira!"sabat ni Lucio.

"Bumalik ka na don sa kulungan mo Lucio. Sinisira mo moment ko rito. Shoo~" Pagtataboy ko sa kaniya.

"Ang ingay kaya ng asawa mo. Ang lakas makahilik!" reklamo ni Lucio.

"Talaga? Hahaha."

"Oo no! Bakit ayaw mong pumasok at tabihan siya. Akala ko ba mag-asawa kayo?" Tanong ni Lucio sabay irap sa akin.

"Lucio, hindi tayo natutulog o nagpapahinga. Atsaka, nahihiya ako na tabihan siya don." Sabi ko sa kaniya sabay takip ng mukha ko.

"Pumula ba ang pisngi ko?" kinikilig kong tanong sabay pakita ng mukha ko sa kaniya. Inirapan niya lang ako.

"Para kang bulati diyan!" sabi niya.

"Kinikilig kasi ako. Ang gwapo ni Ced no? Bukod sa mabait, gwapo pa!" Humahanga kong sabi.

"Maganda ka rin kaya, kaya bagay lang kayo."

"Iiihhh! Ano ba!"kilig kong sabi at nahampas ko si Lucio gamit ang kamay ko kaya ayun nahulog sa upuan.

Tinignan niya ako ng masama at nag-peace sign lang ako.

"Binabawi ko na! Ang sakit non ah!"

*pout*

"Paminsan-minsan kalang nagsasabi ng maganda sa akin babawiin mo pa." nakanguso kong sabi

"Sorry hehehe" Paghingi ko ng paumanhin.

Inirapan lang ako ng pangit na uwak na iyon bago pumasok sa loob ng bahay.

Natawa lang ako sa inasta niya at tumingala nalang ako sa langit na madilim at maulap. Kita ko rin ang buwan na nagbibigay liwanag sa mundong to. Buwan na nagsisilbing liwanag dito sa mundo ko.

Hello guys! Thank you for reading my story. Kindly vote and comment your thoughts about this chapter.

genhyun09creators' thoughts
Chương tiếp theo