webnovel

Chapter 96 What they are

((( Secretary Lee POV's )))

"Yes Master Cedrick." saka walang atubili na binuhat si Miss Monina.

"Bitiwan mo ako!" ngunit nag-tainga kawali si Master Cedrick. Kahit nga sabunutan mo pa Miss Monina, hinding-hindi ka niya bibitawan.

Makatitig sa akin si Rhoa., parang may mali na naman akong nagawa. Mali ba maging messenger nga ng good news at bad news kay Master Cedrick. Trabahao ko ito Rhoa. Kahit nga minsan ako na itong napagbubuntungan niya ng mga di iniisahang mga pangyayari.

Tumunog ang phone ko. Mga tauhan ko na napa-imbestiga nga tungkol kay Kenneth. Ang bestman at kaibigan ni Master Cedrick, noon.

Tinalikuran ko si Rhoa na mataray ngang nilisan ako.

Tunog ng alon ang naririnig ko kasabay ng mga impormasyon.

Parehong kaibigan ng yumaong asawa ni Master Cedrick si Kenneth. Pinadala sa akin ang ilang larawan na kita nga kung gaano sila ka-close sa isat-isa.

"Kailangan ko makuha ang panig ng bride ni Mr. Kenneth Silvia."

"Naisipan na namin gawin yan Sir Mike. But, walang sino man ang nakaka-alam kung nasaan ito."

"Don't tell me na magiging useless na naman ang kapangyarihan na binibigay sa inyo ni Master Cedrick." Dahil paulit-ulit ko lang naman maririnig sa bibig ng boss namin na wala nga silang silbi. Minsan kailangan din paikutin ang common sense.

"I'll wait for another report. Kumilos kayo. Bago ako mismo ang gumawa niyan. Alam niyo ang mangyayari kapag ako mismo ang kumilos."

Mawawalan sila ng trabaho.

Nang maibaba ko, naghihintay sa akin si Rhoa.

"Anong nangyari at nauwi na naman sa lunod-lunod drama yung babae?"

Ngumiti ako sa kanya.

Tinapik ko ang balikat niya.

"I think kailangan mong paki-tunguan na ng maayos ang magiging mistress lang naman ng pamamahay na ito."

"Hanu?"

"Gaano na ba si Master Cedrick ka-concern sa kanya."

"Mike! Wag mong sabihin tinatrap mo nga si Master Cedrick sa babaing yun."

"Haha. Sila ang gumagawa ng guhit nila sa kanilang palad, Rhoa. Hindi ako."

Hi Readers!

Thank you so much sa supporta.

Please do vote this Novel. Love this novel. Recommend to other. Rate 5 star. Para masaya si Author.

Hantayin natin ang announcement ng mga the best reader ng book na ito

Review and Comment! Have a blast everyone!

International_Pencreators' thoughts
Chương tiếp theo