webnovel

Chapter 5 Do the Job

((( Monina POV's )))

Dumating na nga ang minimithi kong ambulansya. Mamaya kukunan ko ng larawan ang lalaking to.

Isinugod nga nila ako sa hospital na di ko inaasahan, sobrang laki.

Sinugod nila ako sa emergency room na parang fifty-fifty ang buhay ko. Huh? Kaya napamulat na ako sa emergency room bago pa nila wakwakin ang bituka ko.

"Ano pong nangyari?" tanong ko na lang, parang nagka-amnesia. "At bakit andito ako?"

"She's conscious."Napatango ako sa nurse.

Kaya nasipa na ako palabas.

Para-paraan nga. Di na lang ako nagpahalata sa mga hospital staff, at nakita ko nga yung tatlong lalaki na may sinasabi sa isang doctor.

Heto na ang pasyente niyo. Layang-laya na. Ang gwapo talaga ng lalaking yun, kaya napakapa ako sa likuran na wala pala bag ko. Saka ko nga nakita hawak ng lalaki yung gamit ko.

Paano ko yun makukuha? Napatago na ako ng lumabas na yung personnel sa emergency room at napalingon sila. Kinamusta nila ako at napakamot nga yung doctor. Wala na daw ako. Kaya napakubli ako.

Ahhhh… Ang mahal ng camera ko plus gamit ko pa. Diyos ko po. Yung kunyaring package na ang laman lang naman notebooks ko na binalot ko lang.

Ngunit nakita ko na lang na pumunta sila sa desk information. Iniwan yung gamit ko. Sa awa talaga ni Papa god oh, kahit ang hilig kong magpangap. Thank you po.

Nang makaalis sila, agad ko naman naclaim gamit ko na napataas pa ang kilay ng isang nurse. Napathank you na lang ako.

Oras na para gawin ang trabaho ko kung bakit naririto nga ako. Binasa ko yung information nga ng target ko. Andito siya naka-confine. Sa isang presidential suite. Dahil mayaman nga naman.

Tinignan ko ang directory map. North, East, West, at South wings. Nasa north wing ang mga laboratory, at sa mga VIP, andoon sa West wing. Kailangan ko pa lumabas sa building na ito.

May mga nakakasalubong ako mga taong napapatitig na lang sa akin saka ngumingiti ako at pinapakita nga ang aking bit-bit na kunyaring package. Ang dami kong kailangan lusutan na napaka-challenging nga naman sa akin.

Hangang sa tumampad sa akin ang Level 1 VIP hallway na napakarami nga ng pinto. Saka nahanap ko naman yung Room. Super galing ko mag-ala Dora. Para sa kinabuksan, kailangan gawin.

May dalawang way ako sa pagkuha ng larawan. Una, ang maging diplomatic nga… idaan sa usapan. Kunyari idol mo siya, crush mo siya at fans. Aminan ng pekeng nararamdaman.

May use din pala talaga ang mukha kong nagpapa-cute na wala namang ikaka-cute.

Pangalawa, ang mag-ala snipper na pinaka-hirap gawin. Tipong kailangan ko pa umakyat sa puno at sa damuhan nga na parang ahas na naghahanap ng pagkakatao para tuklawin ang biktima. So since artista ang isang to at halatang wala namang bantay sa pinto niya, idaan sa diplomatic way.

Ilabas ang hinanda kong love letter sa kanya na nagpatulong pa nga ako sa tatlo kong kapatid na babae na maraming utang na loob din sa akin.

Kailangan ko kalandian nila. Di kasi ako marunong magpa-inlove ng lalaki. At ayoko naman talaga.

Kumatok ako sa pinto bilang respeto man lang. Binuksan ko na dahil baka nagkakatinginan pa ang tao sa loob. At ang bumungad sa akin. Yung tatlong lalaki na tumulong sa akin.

Syempre nanatiling nakadikit sa labi ko ang ngiti. Yung puntirya ko nakahiga.

"Ikaw yung.." naalala ako ng isa. Napatango na lamang ako. Humakbang na ako palapit sa kanila at napabow na lang talaga.

"Yung pasyente na sinugod namin!"Bingo!

@International_Pen

Chương tiếp theo