webnovel

//+ Chapter 2 - Salamangkero

Ang mahiwagang sapa kung saan ay napag-usapan namin ni Mendro na aming muling babalikan pagkatapos na hingiin ang basbas ng kanyang ama. Malaki ang aking ngiti nang agad na makita ang likod ng draak na aking inaasahan. Tinapik ko ang kanyang balikat at lumingon naman siya sa akin.

"R-Reesia." Nauutal na tawag sa akin ni Mendro. Mas lalong lumapad ang aking ngiti sa labi nang makita ang pagkamangha sa kanyang mga mata. Umikot ako ng isang beses saka humarap sa kanya. "Ano sa tingin mo?"

Napaawang ang kanyang bibig sa nakita. Nakagat ko nang mahina ang pang-ibabang labi nang hindi pa rin siya magsalita. "Nabagay sa'yo ang pulang damit na ito." Manghang pagtugon niya. Nang mag-angat ako ng tingin ay nagtama ang aming mga mata. Hindi ko maikakaila na ito ang taong nakasama ko simula pagkabata.

Naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha kaya umiwas ako ng tingin at kinagat muli ang aking labi. "Salamat." Bulong ko. Nilapitan naman ako ni Mendro at hinawakan nang mahigpit ang aking mga kamay.

"Hindi ko aakalain na aabot tayo sa ganito mahal ko." Panimula niya. Naguguluhang lumingon ulit ako sa kanya. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin.

"Pero...lubos ko rin pinag-aalala na bakit hindi tayo magtugma." Wika niya. Kinabahan naman ako bigla sa sinabi niya. Ang isang bagay na nagkokonekta sa dalawang draak. Napalunok naman ako.

"Reesia ayokong mawala ka sa akin."

"Hindi ako mawawala sa'yo Mendro."

"Ngunit bakit wala pa rin ang marka sa ating dalawa?"

Namuo ang katahimikan sa buong paligid. Binawi ko ang aking mga kamay at lumayo nang kaunti. "Ayon ba ang iyong kinababahala?"

Wala akong sagot na nakuha kaya napabuntong hininga na lang din ako. "Maaring hindi sa ngayon ay ating makuha ang sariling marka. Maaaring pagkatapos ng ating kasal o kaya naman..."

"Kung tayo'y magtatalik?" Mahinang pagbulong niya.

"Ngunit hindi maari Mendro. Alam mo 'yan." Humarap ako sa kanya at nakayuko na lamang siya.

"Alam mong ating lalabagin ang ibinatas ng bathala na hindi maaring magtalik ang dalawang draak na hindi pa ikinakasal."

"Pero Reesia—"

"Mas lalong ayokong suwayin ang aking ama at sila'y matalik na magkaibigan ng hari lalo na at kanang kamay din siya!"

"Reesia!" Natahimik naman ako sa biglaang pagsigaw niya. Gulat akong napatitig sa kanya. Bigla naman siyang napagitla nang makita ang reaksyon ko. Tanging ngayon lamang niya ako nasigawan.

"Hindi ko sinasadya—"

"Saka na lamang tayo mag-usap." Agad akong tumakbo palayo pagkatapos ito sabihin. Narinig ko ang pagtawag niya sa aking pangalan. Naramdaman ko ang pangingilid ng aking mga luha habang patuloy na natakbo.

Hindi ko alam kung nasaan na ako napunta ngunit kailangan ko na makalayo at ilabas ito. Hindi ko maaring sabihin ito sa aking ina lalo na sa aking ama. Panigurado na mawawala sa'kin si Mendro. Nang hindi inaasahan ay may nakabunggo ako at sabay kaming napaupo sa damuhan.

"P-Patawad po." Saad ko at kaagad na tumayo. Tinulungan ko naman ang matanda na ito na nababalot ng itim na balabal. Ngunit hindi ko alam bakit parang pakiramdam ko ay napaso ako sa paghawak sa kanya. Binawi niya ang kanyang braso at binawi ko rin ang aking mga kamay.

"Patawad po ulit." Huling saad ko at naglakad muli. Hindi ko alam ngunit parang madilim ang buong paligid. Tila kilabot ang aking naramdaman nang magtama ang aming mga balat. Hindi ako tumingin sa kanyang mga mata dahil may nagsasabi sa akin na huwag ko itong titignan.

Napailing na lang ako at napatigil bigla. "Reesia." Misteryosong boses ang tumawag sa akin mula sa paligid. Inikot ko ang aking mga mata at nakitang wala na ang matanda ngunit naiwan ang kanyang itim na balabal. "Reesia." Muling tawag sa akin.

A-Ano ito? Bakit parang nahihipnotismo ako sa pagtawag nito sa akin?

Dahan-dahang naglakad ako palapit sa balabal. "S-Sino ka?!" Malakas na sigaw ko. Nanginig naman ako bigla nang maramdaman ang hangin na tumatama sa aking balat. Napatigil ako at napapikit nang mariin.

Esia, tulungan mo ako.

"Lumapit ka pa." Boses naman ito ng bata. Nang magmulat, may nakita akong bata sa aking harapan at nakatayo ito mismo sa harap ng balabal na nasa damuhan. Nakatitig siya sa akin gamit ang mga matang bilog at ito ay kulay itim.

"Bakit ka nandito? Nawawala ka ba?" Pagtatanong ko. Nakatitig lamang ito sa akin at itinuro ang balabal na nahulog. Napatitig din ako sa balabal at nagbalik ulit ng tingin sa bata.

"Pero hindi 'yan sa'yo. May isang matanda ako na nabunggo. Alam mo ba nasaan siya?"

"..."

Hindi ko alam kung matatakot ba ko o maiinis sa nangyayari ngayon. May isang bata na nasa harapan ko at parang gusto niya ang balabal pero nasaan na napunta ang matanda na nakabunggo ko?

Wala na lang ako nagawa at naglakad palapit sa kanya. Lumuhod ako gamit ang isang tuhod at humarap ulit sa bata. "Kung may makita ka man na matanda, iabot mo itong balabal sa kanya." Paalala ko at dinampot ang balabal.

Biglang nagbago ang kulay nito. Naging pilak ito. Malalaking mata akong napatitig dito. Pagkaharap sa bata ay nakangisi ito sa akin. "Reesia." Mahinang tawag ng bata sa akin. Napailing na lang ako saka binitawan ang balabal ngunit kusa itong bumalot sa katawan ko.

Pilit akong nagpumiglas sa balabal na nakabalot sa akin. "Sino ka bang bata ka?! Pakawalan mo ko!"

Natatawang nilapitan ako ng bata. Unti-unting nagbago ang kulay ng kanyang mga mata. Naging kulay asul ito. Asul na mga mata. Tanging nasa libro ko lamang nababasa ang tungkol sa mga asul na draak. "I-Ikaw..."

"Hanggang sa muli." Muling sambit niya. Napasigaw na lang ako sa sakit na nararamdaman sa katawan. Kahit malabo na ang paningin ay tinignan ko pa rin siya. Dalawang bata at apat na kulay asul na mga mata. Naglabas sila ng kutsilyo at paulit-ulit akong sinaksak. Sa isang iglap ay puro itim na lang ang aking mga nakita.

Nagulantang akong napaupo. Tagaktak ang pawis sa aking buong mukha at naramdaman ko ang panlalamig ng aking mga kamay. Panaginip ba 'yon? Pero teka. Paano ang pagkikita namin ni Mendro?

Habang pinupuno ng mga tanong ang isip ko, kumirot ang aking dibdib na tila pinipiga ng paulit-ulit. Totoo lahat ng nakita ko. Totoo lahat ng naramdaman ko. Pero ano iyon?

"Nagising ka na pala binibing draak." Isang boses ng lalaki ang umagaw ng aking atensyon. Napalingon ako dito at agad na natakot ng mapansin na hindi ito draak.

"Sino ka?! Anong ginawa mo sa akin?!" Galit na tugon ko. Umiiling na winawagaygay niya ang kanyang mga kamay. "Mali ka ng akala. Iniligtas kita sa isang kakaibang nilalang sa gitna ng gubat na ito. Mukhang hindi mo napansin na nakapasok ka sa lugar ng mga duwende."

Duwende?

Napalingon ako sa kanya ng nakataas ang isang kilay. "Anong ibig mong sabihin?"

Umupo muna siya sa kahoy na upuan at nagsalita muli. "Nakita ko na handa na siyang patayin ka. Kung kaya't iniligtas kita sa pamamagitan ng pagkontrol sa mga dahon at sanga na nakapalibot sa inyo. Nabigo ako sa paghuli ngunit ang mahalaga ay nailigtas ang draak na kagaya mo."

Handang patayin? Pero sinaksak niya ako.

"Anong ibig mong sabihin na handa niya na akong patayin?"

Kumagat siya sa mansanas na hawak. "Hindi ko alam ngunit sigurado ako na malakas na mahika ang kanyang dala. Wala pa akong salamangkero na nakikitang ganoon ang kapangyarihan."

"Isa kang salamangkero?" Gulat na tanong ko. Tumango naman siya. Ipinalibot ko ang tingin sa buong lugar at napansin ko ang iba't ibang kulay ng mga likido.

"Bakit mo ako iniligtas?"

"Sapagkat alam ko na ikaw ang anak ng kanang kamay. Sa aking paglalakbay pabalik dito ay nakita ko ang prinsipe na nasa mahiwagang sapa. Magkasama ba kayong dalawa?"

"Paanong nasa mahiwagang sapa ang iyong daan pauwi?"

"Dahil doon ang mas madaling direksyon. Nagkataon ay nakaramdam ako ng masamang kapangyarihan sa paligid kaya sinundan ko ito at nakita ka."

Napapikit ako ng ilang beses habang inaalala ang lahat. Hindi panaginip ang lahat. Pero bakit ganon? Wala akong maalala na kahit anong mukha. At ang sabi niya ay papatayin ako ng kung ano man na nilalang na iyon pero masakit ang aking dibdib. Ano ba itong nangyayaring ito?

"Magpalipas ka na lamang ng gabi dito sa aking tahanan. Panigurado na delikado kung aalis ka pa. Hindi na ligtas ang gubat lalo na sa tatahaking daan palabas dito." Sambit naman ng salamangkero na ito. Tumango na lang ako.

"Anong nararamdaman mo?" Pagtatanong niya. Napahawak ako sa aking braso habang inaalala ang lahat.

"Masakit ang aking dibdib mula sa pagkakasaksak. Maraming beses niya akong sinaksak. Ngunit ipinagtataka ko kung paanong...nakita mo ay papatayin pa lamang niya ako."

Lumingon muli ako sa salamangkero habang ang mga mata ay pinupuno ng kaguluhan. "Sigurado ka ba na iyon lamang ang iyong nakita?"

Tumango naman siya habang patuloy na nakain. "Tama nga ang hinala ko na hindi siya basta lamang isang salamangkero. Ngunit natitiyak ko na may iba sa kanya. Sadyang makapangyarihan siya."

"Kung malakas naman siya, kayang-kaya ka lamang niya patayin hindi ba? Bakit tumakbo siya palayo?"

Tumaas at bumaba na lanang ang mga balikat niya at nagbasa lamang. Napabuntong hininga ako at sumandal sa kahoy na dingding. Napapikit ako nang mariin. Ano ba itong nararamdaman ko?

"Ano ang iyong pangalan salamangkero?" Pag-usyoso ko sa kanya.

"Ako? Ako ang salamangkero na si Gasdor. Ikinalulugod kong makilala ka Binibining Reesia." Sagot naman niya at yumuko saka muling nagbasa.

Naglaro ang maliit na ngiti sa aking mga labi. "Salamat sa pagligtas sa akin."

"Walang anuman."

"Ngunit panigurado ay may alam ka pa na dahilan."

"Tungkol saan naman?"

"Kung bakit pinagbawalan pa ang nga salamangkero sa buhay ng mga draak na nasa Cosreusa."

Napatigil ang salamangkero sa pagbabasa. Tila hindi niya inasahan ang aking itatanong sa kanya.

Chương tiếp theo