webnovel

Chapter 11 - The Encounter

MARCIAN GARDEN HOTEL...

Mabibigat ang mga hakbang ni Ellah habang papasok sa nasabing restaurant.

Nagpupuyos ang kanyang kalooban dahil hindi siya maintindihan ng abuelo.

Kahit anak pa ito ng kaibigan nitong pulitiko, mas mahalaga pa rin ang natuklasan niyang pananabotahe at pag traydor ng mga walang silbing empleyado sa kumpanya.

Nilapitan niya ang isang lalaking nakatayo habang nakatingin sa labas ng salaming dingding.

Tinitigan niya ang suot nito.

Ang lalaki ay naka jeans, leather jacket at rubber shoes, ang pormahan ay parang sa gwardya niya malayo sa mga lalaking nagsusuot ng tuxedo.

Ang unang impression niya ay mali.

Napatanong tuloy siya kung ito ba talaga ang anak ng congressman?

'Ito nga ba 'yong Xander Dela Vega?'

May kausap ito sa cellphone.

"This is bullshit! Kalahating oras ng late!

Who the hell she thinks she is? Kung hindi siya pupunta dapat ipinaalam niya kay don Jaime!

Nagmukha akong tanga rito!

Masyadong nagpapaimportante!

Ano! Nandito na? 

Nasa loob na? O papunta lang? Humanda sa akin ang babaeng 'yan!"

Paglingon ng lalake ay nasalo nito ang kanyang matalim na titig.

" Fuck! Kanina ka pa diyan?"

"Hindi, pero narinig ko lahat ng pang-iinsulto mo at aalis na ako!"

Tumalikod siya ngunit agad siyang hinawakan ng lalake sa braso.

Sa isang iglap dumapo ang kanyang palad sa pisngi nito.

Tumalim ang titig nito sa kanya subalit wala siyang pakialam at tuluyang lumabas!

"Where do you fucking think you're going huh!" Hinaklit nito ang braso niya at hinila papasok ng room.

"Ah! Shit, nasasaktan ako!"

Humihingi ng tulong ang dalaga ngunit walang dumadaan sa naturang koridor kaya sinipa niya ito sa binti!

"Ah heck! Masasaktan ka talaga kapag hindi ka umayos!"

Kinaladkad siya nito ngunit sinipa niya muli ang binti.

"You're tough, huh!" buong pwersa siyang hinila at binalibag ng lalake.

Tumama ang kanyang likod sa dingding ng hallway.

"Aw ... shit!" napadaing siya sa sakit na para bang nabalian siya ng buto.

"Hindi mo ako kilala, agh fuck!"

Bigla na lang itong bumagsak sa sahig sa kanyang harapan.

"Fuck! Sino 'yon?" asik nito sabay lingon at makita ang isang lalaking bahagyang natatakpan ng sumbrero ang mukha.

Hindi kayang ipaliwanag ni Ellah ang nararamdaman pagkakita sa kanyang gwardya. Agad siyang lumabas ng banyo.

"Ikaw' yong tumadyak sa akin!" akmang uundayan nito ng suntok ngunit mabilis nakaiwas ang binata, hinubad ang sumbrero at ginamit pang sampal ng paulit-ulit sa mukha ng lalake.

"Ah fuck! Fuck!" Ipinanangga ng lalake ang mga kamay subalit mas mabilis ang mga kamay ni Gian kaya tinamaan muli ang anak ng congressman.

Subalit nanlaki ang mga mata niya nang bumunot ng baril ang anak ng congressman at tinutok sa kanyang gwardya.

Ngunit dagling hinablot ni Gian ang baril, hinulog ang magazine at kinalas ang mga parte, sa isang iglap wasak ang baril sa kanilang harapan.

Tila nanigas ang anak ng congressman.

Pinulot ni Gian ang magazine na puno ng bala.

Napigil niya ang hininga at kumurap-kurap.

Nang matauhan ang lalake ay bigla nitong inatake ng isang malakas na suntok ang bodyguard ngunit nasalo iyon at tinadyakan sa dibdib.

"Fuck!" humandusay sa sahig ang lalake at bago pa ito makabangon ay dinaklot ng binata ang batok nito saka pinilipit dahilan upang mawalan ito ng ulirat.

"Tara na Ms.!" Hinila siya ni Gian sa braso at tumakbo palabas ng restaurant.

Labis ang takot ng dalaga habang tumatakbo kasama ang bodyguard.

Alam ni Gian na delikado talaga ang makikipagkita sa ibang lalake ngunit mas mapanganib ngayon dahil anak ng pulitiko kaya palihim siyang sumunod at inabutan ang pagbalya sa dalaga sa pader tila umakyat lahat ng dugo niya sa nakita.

Nang palabas sila ng hallway ay biglang may magsalita sa hindi kalayuan.

"Saan kayo pupunta?"

May halos sampung ka tao humarang sa kanila at nakakasigurado siyang mga security guard ito ng anak ng congress man.

Biglang may bumunot ng baril at pinaputukan sila!

" Shit! " Iglap niyang hinila sa kamay ang dalaga upang kumubli sa isang malaking poste.

Nataranta ang mga naroon at nagsipatakbuhan at sumabay sila.

Tila mahihimatay sa takot si Ellah nanginginig ang mga kamay na nakakapit sa kamay niya.

" Oh my God! "

Gumanti ng pamamaril ang binata at ang mga kalaban naman ang kumukubli, dahilan upang makatakbo sila palabas habang hawak niya sa pulso ang babaeng amo.

Pagdating sa labas ay muli silang pinaputukan kaya iglap silang kumubli sa isa sa mga sasakyang nakaparada doon.

"Mauna ka na sa kotse," bulong niya sa katabi na tila namumutla na sa takot.

"Ayoko, sabay tayo!"

Humakbang siya para mauna nang biglang may tumadyak pasalubong.

Natihaya siya, subalit hawak pa rin ang baril.

Nalaglag ang sumbrero niya kasabay ng pagkarinig sa pagkasa ng baril.

"Fuck!"

Sabay silang napatingin sa sumbrero.

Tinangka niyang bumangon subalit may baril na nakatuon sa kanyang noo.

Nanlaki ang mga mata ni Ellah ngunit napapikit, kasabay ng pagpikit nito ay ang pagtadyak niya sa binti ng kaharap dahilan upang muntik ng madapa ang kalaban, saka niya pinaputukan sa dibdib.

Naidilat bigla ni Ellah ang mga mata sa pag-aakalang ang bodyguard na ang tinamaan.

Nakahinga siya ng maluwag na ligtas ito at tumatayo.

Akmang kukunin na nito ang sumbrero ay saka naman pinaputukan ng kalaban kaya mabilis itong nagkubli

sa kotse na kinaroroonan niya.

Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang manalangin habang napapaluha.

Gumanti ng pamamaril si Gian.

Palingon-lingon ito sa kinaroroonan ng kalaban habang panay ang tingin sa sumbrerong nalaglag.

"Ano bang ginagawa mo?" mahinang singhal niya, ngunit hindi siya nito pinansin.

Alam ng dalaga na muli nitong kukunin ang sumbrero kaya ang tindi ng takot niya.

"Gian please!" Hinawakan niya ito sa braso.

"No!" Iwinaksi nito ang kamay niya.

Huminga ito ng malalim at siya

pinigilan ang pag hinga.

Tumakbo ang binata nang nakayuko papunta sa sumbrero habang nagpapaputok ng sunod-sunod.

Inunahan nito ang kalaban, at nang makuha nito ang sumbrero ay mabilis itong tumakbo pabalik habang hinahabol ng bala.

Marami ang sasakyang nakaharang kaya hindi ito tinatamaan.

Ang huling bala ay tumama sa kotseng pinagkukublihan nila kaya hindi ito tumagos.

"Muntik na 'yon ah?"

Hindi siya umimik. Halo-halo na ang kanyang nararamdaman.

Takot at galit!

Maya-maya pa ay nakita na nila ang paparating na mga pulis at gwardya ng naturang hotel at nagpaputok.

Nabaling dito ang atensyon ng kalaban.

"Ms. tatakbo tayo papunta sa kotse. Ihanda mo ang sarili mo."

Hinawakan ni Gian ang isang kamay niya at pinagsalikop ang kanilang mga daliri at mahigpit na nakahawak sa isat-isa.

Mas tumindi ang takot niya subalit tinatagan ang loob.

"Bibilang ako, isa...dalawa... takbo!"

Magkasabay silang tumatakbo habang hinahabol ng bala!

Panay naman ang sigaw niya sa tindi ng takot.

Biglang may humarang kaya binaril ito ng binata, tinamaan ito sa dibdib at bumulagta.

Nanginig ang dalaga!

Hindi na sila tinigilan ng mga ito, kaya napaupo sila habang nakakubli sa isang sasakyan.

Binalingan siya ni Gian.

"Ms. tumakbo ka sa kotse, tumakbo ka ng mabilis at 'wag kang lilingon, naiintindihan mo? Huwag kang lilingon!" ibinigay nito ang susi sa kanya.

"O-oo!" tinanggap niya 'yon.

"Umalis ka na agad kapag nasa kotse ka na."

Sinagilahan siya ng matinding takot at pag-aalala.

"Paano ka?"

"Huwag mo akong alalahanin ang mahalaga makaligtas ka, sige na."

Hindi siya natinag sa sinabi nito.

"Pakiusap Ms. Ellah iligtas mo ang sarili mo."

Naninikip ang kanyang dibdib subalit pilit niyang pinatatag ang sarili.

Naramdaman niyang unti-unting lumuluwag ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay.

"Bibilang ako ng..."

"Natatakot ako!"

Tinitigan siya ng bodyguard derekta sa mata.

"Nandito ako sa likuran mo, magtiwala kang hindi kita pababayaan. "

Huminga ng malalim ang dalaga. Bahagya siyang tumayo kaya binitiwan nito ang kamay niya.

"Bibilang ako. Isa...dalawa...TAKBO!"

'Bahala na Diyos ko!'

Kumaripas siya ng takbo.

Nagsimula na naman ang barilan at nagpalitan ng putok.

Napahiyaw siya at napatakip ng tainga habang tumatakbo nang nakayuko.

Nagpakubli-kubli siya sa maraming kotse.

Tumatakbo siya habang pinoprotektahan ng binata, hanggat may nagtatangkang bumaril sa kanya ay mabilis nitong pinapuputukan ang kalaban.

Hanggang sa nakarating siya sa kotse, naiiyak na binuksan niya ang pinto at mabilis na pinaandar.

Nasa isipan niya ang pag-alis para makaligtas at hayaan na lang ang gwardya.

Umikot siya at ilang sandali pa ay palabas na.

Napalingon siya nang makarinig ng putok at nakitang nagkukubli si Gian sa mga kotse.

Panay ang pamamaril ni Gian sa mga kalaban.

Mas madali na sa kanya ang kumilos dahil ligtas na ang pinoprotektahan.

Aminado siyang mahirap makaligtas sa kinasusuungan ngayon dahil kakaunti ang mga nag rescue na pulis at gwardya.

Habang gumaganti ng pamamaril, ay paatras palabas ang kanyang ginagawa.

Ngunit may nakapabor sa kanyang kinaroroonan ay pinaulanan siya ng bala.

"Shit!"

Palinga-linga siya ngunit wala ng mapagkukublihan.

Wala na siyang magawa kundi ang lumaban ng harapan.

Nang biglang may sumagitsit na sasakyan mula sa kanyang likuran, nakabukas ang pinto.

"Gian pasok!"

Nanlaki ang mga mata niya, mabilis na pumasok at pinagbabaril ang kalaban.

"Dapa!" utos niya.

Dumapa si Ellah habang nagmamaneho. Isinara niya ang pinto.

Pinalipad ng dalaga ang kotse habang tuloy siya sa pakikipagbakbakan.

Nakaalis sila sa hotel.

Nagkagulo ang mga tao!

Hindi na sila hinabol ng mga ito.

Nang medyo nakalayo na sila at kumalma ang sitwasyon, inihinto ni Ellah ang sasakyan.

Hinila niya ang dalaga palapit.

"Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo? Hindi ka ba nasugatan?" Pina-ikot-ikot niya ito.

"Hindi naman, ayos lang ako."

"Salamat at ligtas ka."

"Akala ko mamamatay na tayo," mangiyak-iyak na wika nito.

"Hindi mangyayari 'yon hanggat ako ang kasama mo.

Pero bakit bumalik ka pa? Dapat iniligtas mo na ang sarili mo at iniwan ako, delikado ang ginawa mo kanina."

"Mamamatay ako sa konsensiya kung may mangyaring masama sa'yo!"

Tuluyan na itong umiyak.

Tila may pumitik sa dibdib niya at kinabig ang amo payakap.

Nag-aalangan siya kung hahaplusin ang likod nito upang kumalma.

Marahang isinandal nito ang ulo sa kanyang dibdib.

Namagitan ang katahimikan sa kanila hanggang sa kumalma na ito at kumalas saka tumingin sa kawalan.

"Natatakot ka pa ba?"

"Hindi na masyado, ikaw hindi ka ba nasugatan?"

"Hindi naman."

"Naiinis ako sa'yo kanina."

Napatingin siya rito.

"Bakit?"

"Nasa panganib na nga tayo nagawa mo pang pulutin ang sumbrero mo."

Napangiti siya. "Bigay mo 'yon ayokong iiwan lang doon."

"Pero kahit na! Pwede pa kitang bilhan uli ng mas marami kung talagang nagustuhan mo 'yon."

"Wala ng papantay sa bagay na 'yon Ms. Ellah."

"Baliw ka ba? Paano kung nabaril ka dahil lang sa sumbrero na 'yon hindi mo ba naiisip kung gaano ka delikado ang ginawa mo kanina?"

"Hindi naman ako tinamaan eh."

"At nagrarason ka pa paano kung namatay ka dahil lang do'n?"

Napangiti ang binata. "Masyado kang nag-alala gusto ko tuloy isipin na kaya ka nagkakaganyan ay dahil natatakot kang mawala ako."

"Oo tama ka! Natatakot talaga ako! Paano kung mamatay ka hindi mo ba naiisip 'yon!"

Naglaho ang kanyang mga ngiti nang mapansin ang pangingilid ng luha sa mga mata ng dalaga.

Umangat ang palad niya at marahang tinuyo ng daliri ang pisngi nito.

Napaigtad si Ellah kaya tumigil siya.

"Mas hindi ko ma tanggap kung napahamak ka."

"Huwag mo ng ulitin ang gano'n, naiintindihan mo?"

Tumango siya.

Nagpapasalamat siya at walang anumang masamang nangyari rito.

"Huwag mo ng ulitin ha?"

"Oo promise, sorry na. Hindi ko lang naisip ang mararamdaman mo."

Hindi ito kumibo.

"Ako na mag maneho."

"Sige," binuksan nito ang pinto, at binuksan niya rin sa kanya, sabay silang lumabas at nagpalit.

"Umuwi na tayo."

"Yes ma'am!"

Alam naman niyang natatakot lang itong mawalan ng gwardya, at natatakot lang din siyang mawalan ng pinoprotektahan sa mismong kamay niya.

Bumuntong-hininga si Gian.

"Sino ba 'yong mga 'yon?" tanong niya habang nagmamaneho.

"Anak siya ni congressman Dela vega. Maimpluwensiya ang pamilya nila. Xander Dela vega."

"Xander Dela vega" ulit niya.

"Buti na lang hindi na nila tayo hinabol."

"Hindi nila 'yon magagawa dahil isang pulitiko ang ama niya ma eeskandalo sila."

"Buti na lang anak siya ng pulitiko kaya nakaligtas tayo."

Hindi siya kumibo, nilingon siya ng katabi.

"G-gano'n pala ang mararamdaman noong actual ng maranasan, nakakapanginig.

Parang mahihimatay ako sa takot."

"Huwag kang mag-alala dahil hanggat ako ang bodyguard mo walang sino man ang makakapanakit sa'yo."

Chương tiếp theo