webnovel

Chapter 5 - The Price

BO'S CAFE...

Sampung minuto ng nakaupo si Ellah sa sulok kaharap ang mesang may strawberry shake nang makarinig siya ng bulungan sa likuran.

"Hindi ba siya 'yong nag pa audtion noong nakaraang araw para maghanap ng asawa?"

Kumunot ang noo niya at gustong-gusto ng lingunin ang nagsalita.

"Ay oo nga ano! Hindi yata nakahanap ng asawa at ngayon ay may date na?"

"Malamang pangit ang ugali?"

"Sssh, marinig ka, pogi kaya 'yong lalaking kasama niya kanina pagpasok."

"Hindi niya 'yon syota, tingnan mo nga at hindi naman kasama."

"Malamang nga."

"Tsk, malas yata sa lalake kaya walang pumatol, isipin mong isang daan ang nag apply!"

Napalingon siya sa kinaroroonan ng body guard, nasa labas ito habang nag se selpon at nakabukaka sa pagkakaupo, niluwagan ang necktie sa suot na tuxedo at may isang tasa ng kape sa harapan.

Iritadong tumayo siya at natahimik ang dalawang nagtsitsimisan.

Deretso ang hakbang niya patungo sa gwardya.

Hindi siya makakapayag na ang tingin sa kanya ng iba ay malas sa lalake kaya walang nabingwit!

"Samahan mo nga ako sa loob."

Umangat ang tingin nito. "Bakit?"

"Pwede ba 'wag ka ng magtanong basta samahan mo ako."

Tumayo naman ito at akmang bibitbitin ang tasa ng kape.

"Huwag na."

Umabri-siete siya sa bodyguard na ikinalingon nito, ngumiti lang siya at bumulong.

"Akbayan mo ako."

"Ha? Ayoko ma'am!"

Tumikwas ang kilay niya sa reaksyon ng lalaki, nanlaki ang mga mata at napaatras pa.

"Ngayon lang naman!" Pinandilatan niya ito ng mga mata kaya napipilitang tumango habang nagkakamot sa batok.

Nag-umpisa na silang maglakad papasok.

Pasimply niyang tiningnan ang dalawang babae na parehas umawang ang bibig.

Umangat ang kamay ng gwardya at ipinatong sa balikat niya.

"O sabi mo hindi niya nobyo? Ano 'yan?"

"Aba bakit iniwan sa labas?"

Napakurap siya at hinarap ang gwardya.

"Hindi na ako galit hon," todo ngiti siya.

"Ha?" tugon nitong tila walang ka muwang-muwang.

Tumahimik siya at umupo.

Umupo naman ito kaharap niya.

"Tagal naman yata ng kausap mo?"

Doon siya natigilan.

Wala pa nga ang kliyente kanina pa!

Bumalik ang kanyang inis.

"Tara na, may boyfriend naman pala eh!"

Nagkatinginan silang dalawa at gumuhit ang ngiti sa labi nito. Pasimply niyang sinulyapan ang dalawang babaeng naglalakad palabas.

"Ano 'yon?" nangigiting tanong nito.

"Wala, ang tagal ni Mr. Garcia."

"Hindi mo naman sinabing magpapanggap akong syota mo madam! Sana ginalingan ko ang akting tsk!"

"Shut-up!"

Kinuha niya ang cellphone sa dalang clutch bag at tinawagan ang kliyente.

"Mr. Garcia, where are you?"

"I'm sorry Ms. Lopez but can we cancel it?"

"What! I'm here in the venue sir!"

"I am sorry-"

"Fine, pero cancel din ang pagtaas ng presyo mo."

"No!"

"Then I won't take any rejection from you baka nakakalimutan niyong may pinirmahan tayong kontrata? Kung hindi ka darating it simply means sang-ayon ka sa demanda!"

"No! hindi ako pumapayag!"

"Kung gano'n, pumunta ka, I am willing to wait!"

Ini-off niya ang cellphone at tumahimik.

Humugot siya ng malalimna paghinga.

May mga bagay talaga na kahit ayaw mong gawin ay mapipilitan ka dahil sa nakaatang na responsibilidad.

Na kapag hindi mo ginawa ay ikaw pa ang sisisihin kahit hindi mo naman sinasadya. Ikaw ang may kasalanan sa paningin nila!

Saka ang pagpasok ng isang lalaking nasa kwarenta ang edad at dumeretso ito sa kanilang kinaroroonan.

"Ms. Lopez!"

Napatayo si Ellah ngunit agad umupo ang lalaki sa upuang kaharap niya na tinayuan ni Gian at lumipat sa likuran.

Marahan din siyang umupo.

"I'll go straight to the point sir, bakit ninyo itinaas ng doble ang presyo ninyo?" panimula niya.

"Naisip ko kasing makakaya niyo 'yon dahil 'yong iba naman kaya ang ganyang presyo."

"I can't do that, Mr. Garcia. I must admit that your product is what we need." Itinaas niya ang mukha saka tinitigan ito sa mga mata. "Is that the reason why, all of a sudden, you doubled the price?" 

"Ikansel na lang natin, malaki ang lugi ko sa naisip mo."

"Kaya kong tanggapin kung itataas mo hanggang eight percent pero twelve ang gusto mo at hindi ko 'yon kaya."

"Eight? Nagbibiro ka ba Ms. Lopez. Nakakatawa! I think this meeting is over!" akmang tatayo na ito.

"Magsasampa ako ng reklamo!" kabadong singhal ng dalaga.

"Do it," hamon ng kausap. "Ikaw rin naman ang magigipit. Remember, kami lang ang pinakamay magandang kalidad na produkto."

Natahimik ang dalaga.

"Double the price or nothing?"

Umawang ang kanyang bibig sa narinig.

Minamaniobra ng taong ito ang sitwasyon.

"Cancel the contract," anito sabay alis.

"Mr. Garcia! Wait sir!"

Dala ng pagkadesperado at takot ay sinundan niya ang kausap.

Tumakbo siya at hinarangan ito sa labas.

"Mr. Garcia sir please!"

Natigilan naman ang lalake.

"Sir, please!"

Hinintay nito ang kanyang sasabihin ngunit walang lumabas na kataga mula sa kanyang bibig.

"O sige, pagbibigyan kita, pero sa isang kundisyon."

Nabuhayan ng loob ang dalaga. Sa mga oras na ito gagawin niya ang lahat!

"Lumuhod ka," tinuro nito ang sementong tinatapakan nila.

"A-ano?"

Magkahalong galit at kalituhan ang lumarawan sa kanyang anyo ng dahil sa narinig.

"Luhod! Gusto kong makitang nagmamakaawa ang isang Lopez sa harap ng isang small time na negosyante.

Ang yabang niyo! Ngayon matitikman niyo ang pakiramdam ng taong basta niyo na lang nilalamangan."

"M-Mr. Garcia, it's purely business. Hindi ka naman namin pinepersonal para-"

"Lumuhod ka at magmakaawa, Ellah Lopez!"

Buong buhay niya ngayon lang mangyayaring magpakababa siya alang-alang sa kumpanya!

Kilala ang mga Lopez sa buong lugar at ang pagluhod sa ibang tao ay malaking kabawasan sa pangalan nila! Ngunit sa mga oras na ito kailangan niyang gawin dahil ang katapat na halaga ng kanyang gagawin ay ang kumpanya.

Pride versus price!

Dala ng kawalan ng pag-asa ay yumuko siya at paluhod na, ngunit laking gulat niya nang biglang may humigit sa kanyang braso paitaas kaya napatayo siya.

"Iyan na lang ba ang kaya mong gawin?"

Umawang ang bibig ng dalaga.

Bago pa man niya napansin nawala na ang supplier.

Kaagad tumapang ang kanyang mukha.

"Anong ginawa mo!"

"Hindi mo gagawin 'yan Ellah," mariing tugon nito na ikinabigla ng dalaga.

"Wala ka bang kahihiyan? Kilala kayo sa lipunan pero luluhod ka sa isang small time?"

Umiling siya. Walang pakialam sa pride, ang mahalaga makuha niya ang deal.

"Trust me, ibabalik ko siya rito," matiim nitong saad habang nakatitig sa kanyang mga mata.

Desperadong tumango siya sa sinabi ng gwardya dahilan kaya sinundan nito ang lalake at naiwan siyang mag-isa.

Nanghihinang bumalik siya sa pwesto at umupo saka matamang nag-isip.

Hindi niya maintindihan kung bakit napapayag siya ng gwardya lang na walang alam sa negosyo.

Pero umaasa siyang magtatagumpay ito dahil kung hindi mapapahiya siya sa mga opisyal ng kumpanya.

Gagamitin ng mga ito ang pagkakataon para mapabagsak siya.

Kaya hanggang ngayon pinapatunayan niya ang kanyang sarili sa lahat na karapat-dapat siyang tagapagmana hindi lang bilang apo ng chairman kung hindi dahil sa kanyang ginagawa.

Bata palang siya nang mamatay ang kanyang mga magulang dahil pagkaaksidente ng sinasakyang kotse. Simula noon, ang kanyang abuelo na ang nag-aruga sa kanya. At dahil nag-iisa siyang apo wala itong ibang maasahan kundi siya. At dahil pinakamamahal niya ang kanyang abuelo, ibinuhos niya ang panahon dito at sa kumpanya nito.

"Ms. Ellah!"

Nabalik sa kasalukuyan ang dalaga at nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang pabalik ang kliyente!

Sinuri niya ng tingin kung may pasa o sugat ba ang naturang lalaki ngunit wala maliban sa pinagpapawisan ito ng husto.

"I'll stick to the old price, Ms. Lopez," bungad ng lalaki habang papasok sila sa loob.

Sasang-ayon na sana siya pero inunahan siya ni Gian.

"Mr. Garcia napakataas pa rin niyan, nagigipit ang boss ko."

"Fine, five!"

"Three percent sir!" deklara nito na siyang ikinaawang ng kanyang bibig maging ng sa lalaking kausap.

Gano'n pa man napakasaya niya kahit napipilitan itong pumayag na ibaba ng gano'n ka baba.

"Mr. Garcia, here's the papers," nakangiting inabot niya ang mga papeles.

Walang imik na agad itong pumirma at ganoon din siya.

"Thank you for this, Mr. Garcia."

"You have to thank your bodyguard Ms. Lopez!" Matalim nitong tinitigan si Gian bago umalis.

Muntik na. Muntik na niyang ibaba ang karangalan ng kanilang pangalan mabuti na lang ay may isang Gian!

Taas-noong lumabas ang dalawa bitbit ang bagong kontrata!

---

MEDC OFFICE...

Pqgdating sa basement kung saan ipinarada ni Gian ang sasakyan ay binuksan nito ang pinto ngunit bago ito lumabas ay nagsalita siya.

"Paano mo nakuha ang deal? Ano bang sinabi mo? Bakit mo 'yon nagawang pasunurin sa'yo?"

"Sabihin na lang nating, I have connections" sagot ni Gian bago lumabas.

Binuksan niya ang bintana upang makausap ng mabuti ang lalaki.

"Bakit mayaman ka ba?"

Natawa ang gwardya na ikinairita niya.

"Kung hindi, maimpluwensiya gano'n ba? Politician ka ba dati?"

Mas lalo itong natawa. "Do I look like one?"

"Pwes sabihin mo dahil ayokong manghula!"

"Hindi mo na kailangang malaman ang importante nakuha mo ang deal."

"Sabihin mo kung ayaw mong isipin kong may ginawa kang kababalaghan at madadamay ako, damay ang kumpanya!"

Humugot ng malalim na paghinga si Gian.

Nang dahil sa utang na loob sa abuelo nito mukhang mapapasunod siya ng aristokratang babae.

"Simply lang naman ang sinabi ko..."

Naalala niya ang huling usapan ng kliyente nang maabutan niya sa parking lot ang lalaki.

"Mr. Garcia alam niyo bang napakasikat ninyo? Kahit ako kilala ko kayo. I know you inside and out!"

"What do you mean?"

"Sabihin na lang nating circulation of permit, sampung tao ang humahawak sa inyong permit hindi ba? Alam na alam ninyong bawal 'yon. Bukod do'n, tumatanggap lang kayo ng pera ng walang kahirap-hirap dahil 'yon ay bayad sa inyong dokumento."

"What? That's not true!"

"Come on Mr. Garcia huwag na tayong magbolahan dito, pinakamabuti niyong gawin ay bumalik at ibigay ang hiling namin."

"Are you blackmailing me?"

"No, I am negotiating."

"I don't have time with your nonsense!" ani Mr. Garcia at binuksan ang pinto ng sasakyan.

"You should see this." 

Lumingon ito upang makita ang isang imahe sa screen ng cellphone at makita ang asawa na nagkakape sa opisina nito.

 " Ano nga ulit ang pangalan niya? Beverly?" 

Ibang larawan naman ang pinakita ng binata, sa pagkakataong ito dalawang bata naman sa loob ng eskwelahan.

Unti-unting lumutang ang kaba sa lalaki at pinagpapawisan ng maintindihan ang nangyayari.

/afraid your family can't go home safely today," kalmadong paliwanag ng binata.

"P-paano mo nalaman!"

Ibinulsa ni Gian ang cellphone at saka humakbang palapit sa lalaki bago bumulong.

"Now, I am blackmailing you."

Sa narinig na paliwanag ng gwardya ay kumalma ang dalaga.

"Kung gano'n, paano mo nalaman ang tungkol sa bagay na 'yon?" tanong nito.

Naalala ni Gian ang kanyang ginawa.

Habang nagkakasagutan sina Ellah at ang supplier ay nag text siya kay Vince at humingi ng impormasyon tungkol sa supplier at sa pamilya nito.

Ilang sandali pa natanggap na niya ang impormasyon kasama ng mga larawan.

Data:

Name: Romulo S. Garcia

Address: Sta. Maria Subdivision, ZC

Occupation: BMG Manager

Wife: Beverly T. Garcia

Occupation: City Treasurer

Children: Christopher 16 years old and Christine 12

School: St. Mary, ZC

Information:

Illegal mining permit circulation. 

 Sa halip na sabihin ang lahat ng ito sa amo ay iba ang kanyang ipinahayag.

"Ma'am. I'm sorry to tell you this, but you are not in the position to ask."

Umalsa ang dalaga sa narinig.

"Empleyado kita at ako ang boss mo kaya natural lang na kilalanin kita! Malay ko bang may lahi kang kriminal!"

"Tungkol sa bagay na 'yan, wala ka bang tiwala sa lolo mo? Sa palagay mo ba kukuha siya ng taong magpapahamak sa kanyang pinakamamahal na apo?"

"Ang pinag-uusapan natin ang pamba blackmail mo."

"Madam,less information, equals more safety."

Hindi siya nakaimik dahil may punto ito.

Kahit labag sa kalooban ay hindi na siya nagpilit pa at tinungo ang elevator.

"But I' ll tell you everything once you become my girlfriend."

Iglap siyang napahinto at nilingon ito para lang makita ang isang ngisi.

"This time, it's for real."

"What? No way!" muli siyang tumalikod at humakbang.

Humalakhak ang lalaki.

"Thank you for saving me."

Naglaho ang tawa nito. "Lower the price to make your pride high."

Chương tiếp theo