webnovel

Chapter 1 - The Mission

12 HOURS AGO

MONDRAGON HIDE OUT...

"ARE YOU READY ALPHA TEAM!"

"SIR YES SIR!"

Nakatayo si Gian sa kanyang silid sa loob ng hideout ng mga Mondragon suot ang black leather suit habang nakatitig sa kanyang computer screen kaharap ang apat na lalaking nakapalibot sa mapa na nasa mesa ng mga ito habang nakasuot ng black military uniform.

Hinarap niyang muli ang mapa at tinuturo habang ipinapaliwanag ang magiging misyon.

"Posibleng ang ibang tauhan ni Mondragon ay pupwesto sa exit point, incase na may double cross na mangyayari..."

Humarap siya sa mga tauhan.

"Ubusin silang lahat."

Tumango ang lahat.

Binalingan niya si Esiah. " Pasabugin mo ang warehouse kapag nasa akin na ang target siguraduhin mong nakalayo na kami sa bodega bago gawin."

Binalingan niya ang kaibigan. "Vince pagkatapos ng pagsabog pumunta ka sa kotse sa likuran ng bodega hintayin mo kami ng target."

Hinarap niya ang lahat.

"Hintayin niyo ang signal ko.

Kahit anong mangyari huwag ninyong babarilin ang target, is that clear?"

"Sir, yes sir!"

"Back up natin ang Bravo team."

Tumayo siya ng tuwid at mariing tinitigan ang apat.

"Iisa lang ang misyon natin, hulihin ang pinakamalaking drug cartel sa lugar na ito."

"Yes Captain!" tugon ng lahat bilang kasiguraduhan.

Sila ang Alpha Team. Sila ang pinakamahusay pagdating sa napakamapanganib at napakahalagang misyon tulad nito.

"ARE YOU READY ALPHA TEAM!"

"YES SIR!"

"COME BACK ALIVE THAT'S AN ORDER!"

"SIR YES SIR!"

Sumaludo ang mga ito sa kanya.

Sa larangan ng kanilang trabaho, normal ang magbuwis ng buhay alang-alang sa bansa.

Subalit sa tagal ng kanilang samahan ay nagiging malapit na siya sa mga ito. Inaalala na niya ang kaligtasan ng bawat isa.

---

7:00 PM MONDRAGON WAREHOUSE...

Sunod-sunod ang pagdating ng limang sasakyan. Lumabas mula roon ang matandang Mondragon kasunod silang lahat.

Sinalubong nila ang mga ka transaksyon at sinimulan ang negosasyon kasama ang mga Chinese national.

Habang nag-uusap ang mga ito ay palihim siyang umalis at dumeretso sa likod ng gusali at ipinapaalam sa mga tauhan ang paghahanda ng kanyang kumpirmasyon.

" Situation Victor?" bulong niya habang nakatingin sa itaas ng gusali sa hindi kalayuan.

"Ready sir!"

"Echo, Romeo, Oscar?" 

"Ready sir!" sagot ng tatlo. 

Matapos makipag-usap sa mga tauhan ay nagpasya siyang bumalik.

Eksaktong naisara niya ang pinto nang makarinig ng pagkasa ng baril mula sa likuran.

"Anong ginagawa mo!"

Hindi 'yon isang tanong kundi isang pagdeklara mula sa kasamahan.

Naririnig niya ang mga yabag nitong papalapit sa kanya.

"Ikaw? Anong ginagawa mo!" balik tanong niyang may kasiguraduhan.

Kumabog ang kanyang dibdib sa nakaambang panganib.

"Traydor!" asik nito sa kanya.

"Pinoprotektahan ko ang amo natin."

"Sinungaling!"

Kalahating dipa ang layo nang tumigil ito sa paglalakad. Lumingon siya.

"Ikaw ang traydor! Ninanakawan mo si boss ng sampung porsyento!"

Natigagal ang kausap, marahil hindi nito naisip na matutuklasan niya.

Ginamit niya ang pagkakataong iyon upang maagaw ang baril sa kamay nito at ng makuha ay akmang itututok niya rito ngunit mabilis sinipa kaya tumilapon sa hindi kalayuan at nagsimula ang kanilang paglalaban.

Nang makapabor ay hinugot niya ang baril mula sa likuran ngunit hindi pa man naitutok ay biglang malakas na sinipa nito ang kanyang pulso at lumipad ang hawak niyang baril.

Ngayon parehas na silang nakatayo at nakatitig sa isa't-isa bago sabay na tumingin sa mga baril na nasa hindi kalayuan.

Isang malakas na buelo ng paikot na sipa mula sa kalaban ang kanyang naiwasan sa pamamagitan ng pagluhod padulas patungo sa likuran nito kasabay ng pagdampot sa baril.

At nang magharap ang dalawa ay parehas ng nakatutok ang baril sa isa't-isa.

"WHERE IS DAVE? FIND HIM!"

Umalingawngaw sa kabuuan ng paligid ang boses ng matandang amo.

Pumutok ang baril.

Ngunit walang nakarinig dahil sa silencer na kanyang ginamit.

Nang matiyak na wala na itong buhay ay bumalik siya sa kinaroroonan ng amo.

"Check it!" Itinuro ng amo ang sampung trak.

Tumalima siya at lumapit sa mga sasakyan.

Nang inutusan siya ng amo na tingnan at busisiin ang nilalaman ay sinabayan niya ng pagdikit ng bomba sa gilid ng trak.

Sinuyod ang sampung sasakyan at ang bawat isa ay dinikitan ng palihim.

Sa oras na pindutin ni Esiah ang detonator sabog ang lahat.

Nang magbayaran ay sinigurado niyang silang dalawa ng kanyang amo ang mauunang lumabas upang ang matira ay mauubos.

Paglabas nila ay nilingon niya ang gusali kasunod ng pagsabog.

Ngayon ay nasa harap na sila ng kotse habang nakatutok ang baril ng lalaking umaaresto sa kanyang amo.

"Arestado ka, Joaquin Mondragon!"

Lumingon ang matanda at unti-unting gumuhit ang ngisi sa mga labi nito!

"IBABA ANG BARIL!"

Si Marco 'yon, ang kanang-kamay ng matanda. Umigting ang bagang niya nang tinutukan ni Marco ang umaaresto sa amo.

"Boss tumakas ka na!"

Papatakbo na ang matanda nang bigla niyang hilain sa batok at pinaikutan ng braso ang leeg nito kasabay ng pagtutok ng baril sa sentido.

Magkaalaman na!

Nagkatinginan sila ng kaibigang si Vince habang si Marco ay nanigas marahil ay hindi inakalang kalaban siya.

"Hayop! Pinagkakatiwalaan kita!" Buong lakas na sigaw ng matanda sa magkahalong takot, galit at hinanakit. 

Alam niya 'yon. Alam niyang nakuha na niya ang tiwala ng amo, matagal-tagal din ang samahan nila, kasama na siya nito sa lakaran, sa mga pagtitipon, sa mga transaksyon.

Ngunit ang misyon ay misyon.

"HUDAS!" Singhal ni Marco at inilipat ang pagtutok ng baril sa kanyang ulo ngunit iyon ay pagkakamali dahil kasabay ng paglipat ng baril ni Marco patungo sa kanya ay ang paglipat ng baril ni Vince mula sa matanda patungo kay Marco sabay putok, nasa ulo ang tama.

Humandusay si Marco at agad niyang itinulak papasok ang amo na ngayon ay "target" na.

Mabilis pinaarangkada ni Vince ang sasakyan papalayo sa lugar tangay ang matanda na agad niyang pinosasan ang mga kamay sa likuran.

"Demonyo ka Villamayor!"

Tumawa ang kaibigan niya at alam niya ang ibig sabihin ng tawang iyon.

Hindi 'yon ang tunay niyang pangalan.

Pinindot niya ang earpiece sa loob ng tainga. 

"The target is secured!" aniya sa mga kasama. "I repeat the target is secured!"

"Copy Captain!" tugon ng lahat. 

Ngunit habang nasa byahe ay bigla na lang may sunod-sunod na putok ng baril! 

"Dapa!" Hinila niya ang batok ng matanda at pinayuko kasabay niya.

Nahintakutang sumuot sa ilalim ang target.

"Bravo team we need back up!"

Walang tigil ang pamamaril at nagtatalsikan ang bubog ng salamin dahil sa mga balang tumatama.

Paekis-ekis ang takbo ng kanilang sasakyan upang makaiwas sa naglilipanang bala.

Nagtiim ang kanyang bagang at binuksan ang pinto ng kotse at gumanti ng pamamaril kasabay ng bahagyang pagpapaikot ni Vince paharap ng kanilang sasakyan sa kalabang nakasunod kaya mas pabor sa kanya.

Tinamaan ang kalabang nakapwesto sa labas ng bintana kasabay ay ang pag puntirya niya sa windshield at nang umiwas ay pinantayan sila at pinagbabaril. Yumuyuko si Vince habang siya ay ni hindi kumubli at ang gulong naman ang kanyang pinagbabaril kaya nagpa ekis-ekis ang sasakyan bago tumaob.

Ngunit marami ang sumusunod sa kanila.

Sa pagkakataong ito hindi na nakaiwas sa tama ng bala si Gian at tinamaan sa tagiliran.

Napansin niya ang paghinto ng kanilang sasakyan at sa nanlalabong paningin ay naaninag niya ang papalapit na kalaban sa kanila.

Bago tuluyang pumikit ay mahina siyang umusal ng mga kataga.

"M-mission failed..."

---

PHOENIX HEAD QUARTER...

"DISQUALIFIED, NEXT!"

Boses ng isang babae 'yon na tila sumisigaw sa galit.

Kasunod ay hagalpakang tawa ng mga kalalakihan.

Marahang iminulat ni Gian ang kanyang mga mata habang nakahiga sa kama sa loob ng medic room nang makarinig ng kung anong ingay sa paligid.

Nilibot niya ang paningin at napansing nasa Head Quarters sila.

Nilingon niya ang mga kasama na tila may pinagkakaguluhang kung ano.

"Pare, pakibantay naman ng linya ko naiihi ako eh," boses ng isang lalaki 'yon.

Muling naghalakhakan ang kanyang mga kasamahan.

Ngayon kumpirmado niyang may pinapanood ang mga ito sa cellphone.

Aktong babangon siya nang mapangiwi sa naramdamang kirot mula sa tagiliran. Naka benda ang kanyang noo at maging ang tagiliran.

Aliw na aliw ang mga ito kaya binato niya ng unan tinamaan si Vince sa batok at lumingon.

"Pare, halika!"

Akmang lalapit siya nang may pumasok at lahat ng mga ito ay tumayo ng matuwid maliban sa kanya na pinilit namang makatayo.

"Congratulations Alpha Team!"

"Chief!" Nagtayuan ang mga ito at sabay silang sumaludo.

"Carry on," tugon nito at nilapitan siya.

"Captain Villareal, you're the best asset, hindi mo talaga ako binibigo."

"Trabaho ko ho 'yon chief at ng mga kasamahan ko. Ang tagumpay ko ay tagumpay ng grupo."

Ngumiti ang mga kasamahan sa isat-isa.

"Ayos ka na ba? Gusto mo bang mag leave ng kahit isang linggo?"

Tipid siyang ngumiti. "Thank you, sir, may dadalawin lang ako."

"Babae ba?"

Ngumiti siya bago sumagot. "Oho, chief."

Nagkatawanan ang lahat.

"Alright men, take a rest and good job!"

Muli silang sumaludo bago ito umalis.

"Aye captain! Nakakainggit ka naman!" Ani Ryan at sabay nagtawanan ang mga ito.

Napailing si Gian.

Pagkatapos ng sagupaan heto at umaandar na naman ang kalokohan ng mga kasamahan.

"Halika tingnan mo 'to pare!" anitong may itinuturo sa screen habang papalapit sa kanya.

Kitang-kita niya sa video ang halos isang daang kalalakihang nakatayo at nakapila sa isang malawak na tila conference hall ng isang hotel.

"Anong meron?"

"Ang apo ng pinakamaimpluwensiyang tao rito ay naghahanap ng mapapangasawa!"

"Ninety-nine suitors sa isang araw!" hiyaw ni Esiah.

Dahil sa narinig ay muli siyang napasilip.

Tanging mga lalaking nakapila at likod ng isang babaeng nakaupo sa harapan ng maliit na mesa ang kanyang nakikita.

"Sino ba 'yan?" tanong na niya.

Lahat ng mga ito ay lumingon sa kanya, nasa anyo ng mga ito ang pagkadismaya.

"Talaga pare? Hindi mo kilala?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Vince na tila ba masyadong nakakapagtaka.

"Ang tagapagmana ng multi-billion company pag-aari ng isang Jaime Lopez?" si Ryan.

"The sleeping Giant." dagdag ni Esiah.

Muling umikot ang video patungo sa likuran at tumuon sa isang napakalaking tarpaulin na may nakasulat na:

WANTED HUSBAND!

QUALIFICATIONS: MALE 30-35

MUST BE HANDSOME, RICH AND SMART.

"Seriously? " naiiling siyang napangiti.

---

MARTIAN HOTEL...

"DISQUALIFIED NEXT!"

Iritadong sumigaw ang isang babae dahil napakaingay ng buong paligid habang nakalinya ang mga lalaki para sa pagpipili ng mapapangasawa.

Kailangan ng matapos ang kanyang misyon sa araw na ito!

Ang kanyang misyon ay makapaghanap ng mapapangasawa ngayong araw!

Karamihan sa mga naroon ay nagtatawanan lang.

Pinagtatawanan ang kanyang misyon!

" NEXT! "

Lumapit ang isang lalaki sa mesang kanyang kinaroroonan,

ngunit hindi man lang siya nag-abalang tumingin sa naturang lalaki at nakatuon pa rin sa hawak na dokumentong binabasa.

Name: Liam Galves

Status: Single

Age: 25

Company: Chain restaurants

Position: Owner

Background...

Tumikhim ang lalaki kaya naagaw nito ang atensyon niya.

"Ilang taon na?" tanong niyang hindi pa rin nakangin dito.

"Twenty five," sagot nito.

Dahil sa tugon nito ay umangat ang tingin niya at sinuyod mula paa hanggang ulo.

"Ilang taon na ang negosyo niyo?" paglilinaw niya.

"Ano? " iritadong tugon ng lalaki.

" Ano ba 'to job interview? Akala ko ba naghahanap ka ng mapapangasawa!" Nangangalaiting sigaw ng lalaki.

Tiniklop niya ang binabasa at hinarap ito.

Ang naturang lalaki ay papasa na sa itsura ngunit bagsak sa yaman at sa takbo ng utak.

"Mr. Galves, dapat negosyante rin mag-isip ang mapapangasawa ko hindi gaya mong hanggang sa pagkain lang!" sigaw na niya.

"Ano!"

"Another thing, mahina ang inyong negosyo sixty branches with in thirty years? Nasa middle class ka lang."

Kumuyom ang kamao ng lalake.

Nang akmang susugod ito ay sinalubong ng apat niyang bodyguards na nakahanda lagi.

"LABAS!" singhal ng pinaka pinuno.

"Hindi ko alam na imbestigasyon pala 'to ng investment. Nagkamali ka yata ng hinahanap miss Lopez baka investor ang kailangan mo!" mariin nitong wika bago umalis.

"Next!"

Nang aktong lalapit na ang isang lalaki, itinaas niya ang isang kamay.

"Break muna tayo," aniya.

"Ha? Hindi pa nga naging tayo, mag bi-break na?"

Tumikwas ang kilay niya sa narinig.

"Pangalan?"

"Zyrus Martinez."

"Mr. Martinez, uso ngayon 'yan. May nagseselos nga wala namang label. Tayo rin, wala pa mang relasyon pero maghihiwalay na."

Natapos ang buong araw ng isang Ellah Lopez na walang nangyaring maganda.

"Mission failed...bwesit!" bulong niya.

Chương tiếp theo