webnovel

SHE'S A VAMPIRE CHAPTER 9

Ran's POV

MAGHAPON AKONG tumambay sa bar ni Uncle Tommy. Nang dumilim ay kumanta muna ako upang kahit paano ay gumaan naman ang aking pakiramdam.

"Good evening, everyone!" nakanggiting bati ko sa mga taong sa loob. "So, itong kakantahin ko ngayong gabi ay para sa mga taong pakiramdam nila ay naiiba sila sa lahat, nag-iisa at na b-behind," sabi ko.

Nagsimula na mag-strum ng gitara si Angelo.

She sees them walking in a straight line,

That's not really her style

And they all got the same heartbeat

But hers is falling behind

Nothing in this world could

Ever bring them down

Yeah, they're invincible, and she's just in the background

And she says...

Napatingin ako sa mga taong nanunood habang kumakanta ako. Masaya sila at nagtatawanan.

I wish that I could be like the cool kids

'Cause all the cool kids, they seem to fit in

I wish that I could be like the cool kids

Like the cool kids

He sees them talking with a big smile

But they haven't got a clue

Yeah, they're living the good life

Can't see what he is going through

They're driving fast cars

But they don't know where they're going

In the fast lane, living life without knowing

And he says...

Tumingin ulit ako sa mga taong nanunood sa akin at laking gulat ko nang isa sa mga nanunood ay kakilala ko at kaklase ko pa.

"Atoz?" bulong ko.

Nakatingin lang siya sa akin at ganoon din ako sa kanya.

Anong ginagawa niya rito?

"Miss Ranya! Kumanta ka na!" Napalingon naman ako kay Ralph, ang drummer sa banda. Noon ko lang napansin na nawala na ako sa kanta dahil sa presensya ni Atoz.

Tumango lang ako at nginitian ang mga kabanda ko.

I wish that I could be like the cool kids

'Cause all the cool kids they seem to get it

I wish that I could be like the cool kids

Like the cool kids

And they said

I wish that I could be like the cool kids

'Cause all the cool kids, they seem to fit in

I wish that I could be like the cool kids

Like the cool kids...

Galaw ako nang galaw sa entablado. Pakiramdam ko kasi, nakatingin pa rin sa akin si Atoz. Hindi ako sanay na may nanunood sa akin na kakilala ko lalo pa at si Atoz iyon.

Like the cool kids...

Matapos kong bitiwan ang huling linya ng kanta ay agad-agad akong bumaba sa entablado at dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko kay uncle Tommy.

"Ang galing-galing mo, pamangkin! Kaya, dumagsa lalo ang mga tao rito, eh," anito.

"Sige, Uncle Tommy. Uuwi na ako," sabi ko nang makuha ko na ang mga gamit ko.

"Teka, ihahatid na lang kita."

"Hindi na po. Kaya ko na ang sarili ko. Sige. Bye, Uncle!" Paalam ko at nagmamadaling lumabas ng bar.

Kaagad akong naghintay ng masasakyan pagkalabas ko ng bar. Naiinis ako dahil wala halos dumaraan.

"Ang hirap namang makakuha ng sasakyan dito kapag ganitong oras," iritableng saad ko.

"Ran, p'wede ba tayong mag-usap?"

Napalingon naman ako sa nagsalita mula sa likod ko.

"Alam kong nabigla kita no'ng isang araw dahil sa pag-amin ko sa'yo pero sana naman huwag mo akong ipagtabuyan. Alam mo namang ikaw lang ang kaibigan ko, `di ba?" malungkot na saad nito at lumapit sa akin. "Ran, gusto kita at alam mo iyan. Kaya sana huwag mo naman akong iwasan dahil lang doon. At kung iyon man ang rason mo, handa akong kalimutan lahat ng nararamdaman ko sa'yo para hindi mo ako iwasan at ipagtaboy," sabi nito at hinawakan ang kamay ko.

"Atoz, hindi naman iyon ang problema, eh. Kung hindi'y ako. Ako ang problema," saad ko habang nakatingin sa mga mata nito.

"Anong ibig mong sabihin na ikaw ang problema, Ran?" tanong nito sa akin.

Huminga muna ako nang malalim bago ko siya sinagot. Siguro, mas mabuti kung sa akin na mismo manggaling ang totoo at siguro, ito na rin ang tamang pagkakataon para sabihin kung sino at ano ako.

"Bampira ako."

Atoz's POV

"SIMULA NGAYON, tayong dalawa na lang ang magkasama. Alisin mo sa kokote mo na mayroon kang ina."

"Po? Bakit, saan pupunta si Mama?"

"Sumama na siya sa kinakasama niyang bampira. Kaya, ikaw? Huwag mo siyang gagayahin. Isang napakalaking kahihiyan sa pamilya natin ang ginawa ng mama mo!"

Napatingin ako sa bintana at nakita ko si Mama palayo sa bahay.

"B-bampira?" tanong ko sa sarili ko...

"Bampira ako."

Pagkasabi ni Ran noon ay nabitiwan ko ang kamay niya at napalayo sa kanya. "Imposible," sabi ko sa kanya. "Nagpapatawa ka lang, `di ba?" tanong ko.

Sana biro lang niya iyon.

"Hindi ako nagpapatawa, Atoz! Para maniwala ka, tingnan mo `to," sabi niya at may kinuhang kung ano sa bag nito. "Ayaw mong maniwala, `di ba? Iyan! Tingnan mong mabuti!" sabi niya sabay laslas sa kanyang kamay.

Nagulat ako sa ginawa niya kaya nilapitan ko agad siya. "Ran! Anong ginawa mo?!" sigaw ko at hinawakan ang kamay niyang dumudugo. "Ang daming dugo, sandali. Bendahan natin," sabi ko at kinuha ang panyo ko sa bulsa.

Ngunit bago ko pa mabendahan ang sugat niya ay nakita mismo ng dalawang mata ko na unti-unting naghihilom ang mga ito. Napatingin ako kay Ran. Nanlalaki ang aking mga mata.

"I-ibig sabihin?" tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya bilang sagot.

"Ano, Atoz? Gugustuhin mo pa rin ba ako kahit isa akong bampira?" tanong niya.

Nabitiwan ko naman agad ang kanyang kamay at napalayo sa kanya. Naglakad naman ito palapit sa akin. "D-d-diyan ka lang! H-huwag kang lalapit!" sigaw ko at halos napaupo na sa gilid ng kalsada.

HIndi siya nakinig. Naglakad lang siya palapit sa akin.

Dahil sa takot ko ay agad akong tumayo at tumakbo paalis sa kinaroroonan niya. Hingal na hingal ako dahil sa layo ng tinakbo. Napahawak ako sa aking mga tuhod at napatingin sa sahig.

'Ano, Atoz? Gugustuhin mo pa rin ba ako kahit isa akong bampira?'

Umiling-iling ako.

"Atoz, nananaginip ka lang," bulong ko sa aking sarili. "Hindi bampira si Ran."

'Sumama na siya sa kinakasama niyang bampira.'

'Sumama na siya sa kinakasama niyang bampira.'

Napahawak ako sa ulo ko. Napasigaw dahil sa sobrang lito.

KATOK MULA sa pinto ang nagpagising sa aking tulog na diwa. Napabangon naman ako sa kama nang muling marinig ang ilang beses na katok sa pinto.

"Abe, hindi ka ba papasok ngayon? Anong oras na, ah?" tanong ni Papa sa akin mula sa labas ng kwarto

Agad naman akong bumangon at binuksan ang pinto. "`Pa, totoo ba talaga ang mga bampira?" wala sa sariling tanong ko rito. "Totoo ba talagang sumama si Mama sa isang bampira?" sunod-sunod na tanong ko.

"Anong klaseng tanong iyan?" tanong ni Papa. "Ilang taon na ngang hindi natin kasama ang mama mo, `di ba? Kasi sumama siya sa salot na bampirang iyon!" inis na sagot ni Papa.

"Ibig sabihin, totoo nga sila?" tanong ko.

"Bakit ba kasi iyan ang tinatanong mo?"

Umiling lang ako.

"Magbihis ka na! Male-late ka na naman," sabi nito sa akin bago ako iwanan sa pintuan.

"MAG-ARAL NANG mabuti, Abe," sabi ni Papa bago ito tuluyang umalis sakay ang kotse.

Nasa labas na ako ng gate ng paaralan namin nang makasabay ko ang babaeng laging kasama ni Ran.

"Hey!" tawag ko sa kanya.

"A-ako?" turo niiya sa sarili.

"Oo, ikaw nga," sabi ko at lumapit sa kanya. "`Di ba, ikaw `yong laging kasama ni Ran noong iniiwasan niya ako? Ano na ulit pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

"Keith," sagot niya.

"Okay. Ahm... Hi, Keith! Ako nga pala si Abcde." Pagpapakilala ko.

Tumango lang naman ito.

"By the way, bakit nakipagkaibigan ka kay Ran?" tanong ko kay Keith habang naglalakad kami papasok ng school gate.

"Simple lang. Mabait kasi siya kahit hindi halata sa mukha niya. Marunong makisama. Laging nandiyan kapag may problema ka," sagot niya.

"Eh, paano kung may tinatago siyang sikreto sa'yo? Kakaibiganin mo pa rin ba siya?" tanong ko ulit.

"Sikreto?" Nakakunot ang noo siyang tumingin sa akin.

"Oo! Paano kung sabihin ko sa'yo ang pinakatatago niyang sikreto?" bulong ko sa kanya.

Agad naman itong napahinto sa paglalakad at hinarap ako.

"Paano kung sabihin ko sa'yong isa siyang"

"Bampira?"

Nagulat ako nang si Keith na mismo ang tumapos sa sasabihin ko.

"Alam mo?!" gulat na tanong ko sa kanya.

"Kailan ko lang din nalaman na bampira siya, Atoz," sabi ni Keith.

"At hindi ka man lang natakot nang malaman mo?"

"Bakit naman? Siya nga ang nagligtas sa buhay ko, eh. Kung hindi dahil kay Ran, baka patay na ako ngayon," sabi niya.

"Pero bampira siya! Dapat kamuhian mo siya! Matakot ka kasi mamamatay tao siya at isa siya sa mga salot sa lipunan!" sigaw ko kay Keith.

Nagulat ako sa ginawa ni Keith.

Sinampal niya ako.

"Naririnig mo ba `yang sinasabi mo? Oo, bampira nga si Ran pero minsan ba ay nakita mong ginawa niya iyang mga bagay na pinagsasabi mo tungkol sa kanya? Akala ko pa naman kaibigan ka niya. Pero bakit ganyan ka kung pagsalitaan mo si Ran? Parang hindi mo siya kaibigan. Parang nakalimutan mo yata na siya ang lagi mong kasama simula nang lumipat ka rito. Wala naman siyang ibang ginawa kung hindi pakisamahan tayo, `di ba? Kahit araw-araw niyang naririnig mula sa ating mga tao na salot sila, mamamatay tao, umiinom ng dugo. Niminsan ba, nakita at narinig mong sinumbatan niya tayo? Nakita mo bang nasasaktan siya tuwing naririnig niya ang mga salitang iyon? Hindi, `di ba? Kasi lahat ng masasamang bagay na sinasabi natin tungkol sa kanilang mga bampira ay binalewala niya at nagtaingang kawali na lamang siya," sabi ni Keith. "Ngayon, sabihin mo sa akin kung bakit kailangan ko siyang kamuhian?" tanong ni Keith habang nakatingin sa mga mata ko.

"Dahil hindi sila karapat-dapat na mabuhay sa mundo natin! Bampira siya, tao tayo. Ibang-iba sila sa atin kaya dapat lang natin siyang kamuhian," sabi ko kay Keith at nagsimulang maglakad.

Pero bago pa man ako tuluyang makaalis ay nakita ko si Ran na nakatayo sa harap ko.

"R-ran," bulong ko.

Hindi ito sumagot at ngumiti lang nang matipid.

"A-ano... ang i-i-ibig kong sabihin"

Hindi niya ako pinatapos na magsalita.

"Okay lang. Naiintindihan naman kita, Atoz," wika nito. "Kahit ako siguro, kung malaman kong isang bampira ang kaibigan ko siguradong ganyan din ang reaksiyon ko," sabi nito at naglakad palapit sa akin.

Hindi ko maintindihan pero hindi ako natakot at hindi ako tumakbo palayo habang lumalapit siya sa akin.

"Ibabalik ko na pala `to." Nagulat ako nang may iniabot itong isang kahon.

Doon napunta ang aking atensyon. Iyon ang kahon na iniwan ko sa locker niya...

"Sana walang makakita sa akin palabas ng locker room," bulong ko sa aking sarili.

Nasa locker room ako ng mga babae dahil iiwan ko ang regalo ko kay Ran. Birthday niya kahapon at nahihiya akong ibigay sa kanya ito ng personal.

Isang simpleng ipit na kulay pula ang ireregalo ko at nakalagay ito sa maliit na kahon...

Chương tiếp theo