webnovel

PROLOGUE

"Ran!" buong lakas na sigaw ko. "Ran, tanggap kita! Gusto kita at mahal kita!" Napatigil naman sila sa paglalakad pati na ang mga tao sa paligid namin na nagbubulungan.

"Ano pa ba ang kulang para magsama tayong dalawa?" tanong ko sa kanya.

"Please, Atoz... Tama na."

"Kailangan ko bang maging bampira para lang magsama tayo?" tanong ko muli.

"Tama na, Atoz," naiiyak na wika niya.

"Ito ba?" tanong ko sa kanya at pinulot iyong nagkalat na plastic na may laman na dugo sa may sahig. "Ito ba ang kailangan para maging bampira ako at para... m-magsama na tayo?" Pagkasabi ko noon sa kanya ay agad kong ininom ang dugo.

Bahala na. Wala na akong pakialam. Ang mahalaga, maging kauri ko siya upang maging puwede kami sa isa't isa.

MAGANDANG BUHAY! ??

GUSTO KO LANG PONG IPAALAM SA INYO NA ANG STORY NA ITO AY PWEDE NIYO PONG MABASA SA WATTPAD AT SA LIBRO. OPO, LIBRO DAHIL I-RE-RELEASE NA PO ANG BOOK VERSION NG AKDA KO NA ITO. SANA PO MAY BUMILI SA INYO AT SUPORTAHAN AKO! SALAMAT! ?

WATTPAD: BlackPhoenixxxx

FB: WP BlackPhoenix

IG: ambonnnn06

TWITTER: itsnamiii

Ambonnnncreators' thoughts
Chương tiếp theo