webnovel

25 (Present)

SMILED

CLICK!

POSED

CLICK!

"Okay! Good shot, Miss Dela Peña! You really are beautiful!" Puri ni Mr. Du sa'kin. Ang photographer. Inirapan ko nalang s'ya at ngumisi.

"What a tiring day, Mr. Du, thank you." Sabi ko sa boring na tono habang nilalagyan ako ng make up artist ng blush on sa pisngi.

Umupo ako sa comforter bed frame na nasa sulok kapagkuwan ay sumandal doon at ipinikit ang mga mata. Pero agad din naman akong napamulat ng may kamay na tumapik sa'kin.

"Tita.." Ngumiti ako at bumangon para salubungin ang yakap n'ya.

"Darling, how are you feeling?" Tanong ng tita ko nang may pag-aalala.

"As usual, nakakapagod ang boring." Huminga ako ng malalim at inayos ang katawan ko sa hinihigaan ko.

Marahan s'yang ngumiti. "I understand. But please, don't stress yourself too much."

Ngumiwi ako. "Hindi ako stress."

Tumawa s'ya na ikinatawa ko din. "Anyways, I'm just here to watch your shoot with that annoying Mr. Du." Nakita kong tumingin sa kabila at umirap. Napaka-OA talaga..

Napakagwapo din ni Mr. Du para maging photographer pero isa naman s'yang model, iwan ko kung bakit s'ya ang naging photographer ko. Hanggang ngayon naiinis pa din si tita sa break up nila. Ano ba kasi ang nasa utak n'ya at hiniwalayan n'ya ang gwapo at machong si Mr. Du?

"Wait, tita. Ikaw iyong ex ni Mr. Du pero naiinis ka dahil nagsisisi kang hiniwalayan mo s'ya? Tapos gusto mo s'yang makabalikan ulit? Ano bang nasa utak mo noon?" Natatawa kong sambit sa kan'ya na ikinasimangot n'ya naman. "When he refused, doon ka nagagalit dahil gusto n'ya ng mapayapang buhay?"

Nakita kong namula ang mukha n'ya at sapo-sapo ng kamay n'ya ang pisnge habang lumalabas.

Tumawa lang ako at umiling-iling. Mas gusto ko ang dating Coleen, pero ngayon, nagbabago na s'ya ng kunti.. ako? Yeah, malaki din ang pinagbago ko.

Huminga ako ng malalim at agad na sinabihan ang assistant ko na si Alex para kunin ang mga damit na kailangan kong suotin. Pumasok naman ako sa dressing room at isinuot ang damit na iniabot ng assistant ko. Pagkatapos ay agad akong lumabas at bumaba na kami ng building habang may nakapalibot na guwardiya sa paligid ko. I tried to convince them to leave me alone but they're stubborn. I just wanted to have freedom

Nang tuluyan na kaming lumabas ay madami agad ang mga tao ang sumalubong sa'kin. Mga ilang fans din ang nakipicture bago ako tuluyang pumasok sa itim na van.

Kahit na ang lahat ng bagay ay nasa kamay ko na, kahit sabihin nilang perpekto na ako sa pananaw nila, pero meron talagang isang bagay na kailangan kong makuha sa mga kamay ko at paghirapan. Iyong makilala ko ang ina ko..

Dumating sa buhay namin si tita Coleen, nagpakilalang kapatid ng ama ko. Ngunit sa kabila ng pagpapakilala n'ya ay ang balitang hindi namin inaasahan at ang dahilan ng pagbabago ng buhay namin habang buhay. Ibinalita n'yang naaksidente at namatay ang ama ko dahil sa car crash. Iyon din ang mga oras na may sakit si lola sa utak, isang sakit na benign brain tumor.

Sobra akong nadepres at ilang buwan kong iniyakan ang pagkamatay ng ama ko at ang sakit ni lola. Iyon din ang dahilan kung bakit kami lumipad dito sa California para bisitahin ang libingan ng ama ko, ang bansang tinitirahan n'ya noon. At napagdesisyunan din naming dito nalang kami manirahan at magbuo ng panibagong buhay. Alam din naming mapapagamot ng maayos si lola dito.

Ang hindi din namin alam ay napakayaman ng pamilya ng ama ko. Bago s'ya mamatay ay naibilin na n'ya kay tita na ibigay sa'kin ang mga papeles ng ibang ari-ariaang nakapangalan sa'kin, ang regalo n'ya sa kaarawan ko sana noong mag be-beintidos ako.

Huminga ako ng malalim, dumaan na ang anim na taon nakatira ako sa LA. Maraming mga bagay ang nangyari sa buhay ko mula nang tumira ako dito.

Nobody saw me for almost 6 years and I am now 26, ang alam lamang nila ay naging artista na ako. Parang kahapon lang ang lahat. Parang sa isang iglap ay nagbago na ang lahat. Gusto kong bilangin ang pinagdaanan ko sa loob ng anim na taon pero parang sadyang isang pangyayari lang ang lahat.

Bago ako makatungtong sa LA, sariwa parin sa memorya ko ang nangyari noon at ayokong alalahanin muna iyon.

Pinili ko ang maging artista, gustong gusto ko ito pero hindi ito ang pangarap na gusto kong makamit. Hindi ko inaasahang ganito pala ka boring ang buhay ko.

Tumunog ang cellphone ko at agad ko naman iyong sinagot. Nang makita kong si lola iyon ay agad akong napangiti. "Lola."

"Apo ko." Masiglang bati n'ya kahit talagang nahihirapan na s'ya.

"'La, bakit ka po napatawag? Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na magpahinga ka muna?"

"N-napatawag lang naman ako kasi gusto kong umuwi ka na. Gusto kitang makasama dito, hindi ako makapagpahinga dito, apo ko. Maaabala ko ang tita mo." Agad akong naawa sa lola ko. Para s'yang bata na nangungumbinse.

I smiled softly. "Don't worry, 'la. Tatapusin ko muna 'tong interview na 'to at pupunta na ako d'yan."

"Pangako 'yan, apo ko, ha? Ingat ka d'yan."

"Opo. Sige, mag-iingat ka din." Pinatay ko na ang tawag at nakita kong malapit na kami sa building ng interview na gaganapin. Alam kong makikita ito sa buong mundo at lagi akong handa sa mga sasabihin ko. This kind of interview is a quite personal. Hmm, gano'n naman talaga 'yon.

Nang makaabot na kami sa isang building ay agad kaming lumabas ng van, kasama ko parin si Alex habang naglalakad kami papasok kung saan gaganapin ang interview. Agad akong bumati nang makarating ako sa loob ng interview room at agad naman akong umupo sa harapan ni Acheaveur Loah. Bumati s'ya at marami pa s'yang sinabi bago n'ya tinanong ang pinaka-ayaw ko sa lahat.

"Okay, let's get started. I never heard this from you so I'll ask you." Panimula ni Acheaveur Loah habang ang mga tao ay naghihiyawan. Tumibok ng mabilis ang puso ko at nangangambang inabangan ang kan'yang tanong. "Are you in a relationship?"

"Yes." Biglang sabi ko. I don't know why it suddenly came out from my mouth.

What can you say? HAHAHA

Don't wanna spoil you, guys, so just read the next chapter.

nnnyyyxxxcreators' thoughts
Chương tiếp theo